Translate

Miyerkules, Pebrero 13, 2013

SILA AY IISA

كلهم واحد

Karamihan sa mga Kristiyano ang kanilang kaisipan sa bersikulong ito; si Hesus (عيسى عليه السلام) at ang Diyos ay isa sa pagiging isang Diyos.  Ang punto ngayon at ang katanungan ko sa mga ibang sekta ng Relihiyon. Ano ba talaga ang ibig sabihin nitong nabanggit ni Hesus (عيسى عليه السلام): “Ako at ang Ama ay iisa?”

[Juan 10:29-30] (يوحنا 29:10-30) – “Ang aking Ama, na nagbigay sa kanila sa akin, ay lalong dakila sa lahat at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama. Ako at ang Ama ay iisa.”

Saan ba sila iisa?  Iisa ba sila ng pinagmulan? Iisa ba sila sa paglikha ng sanlibutan? Iisa ba sila sa pagbibigay ng kapangyarihan at karunungan? Iisa ba sila sa pagbibigay ginhawa at kalungkutan? Tunay na Hindi sila iisa.  Tulad ng naipaliwanag sa mga naunang pahina, ang lahat ng gawa ni Hesus (عيسى عليه السلام), ang kanyang pagsilang, pamumuhay, pangangaral, pagdarasal, pag-aayuno, pagtuli, panalangin, pagbinyag ay mga tanda ng isang taong may pananampalataya at pagsunod sa Kaisahan ng Diyos.
Ang pagiging isa ni Hesus at ng Diyos ay hindi sa pagiging Diyos kundi sa Layunin. Mula sa unang tao layunin na ng Diyos na ang Kanyang mga nilikha ay pag-isahin at akayin sa isang matuwid na landas.  Upang magkaroon ng katuparan ang layuning ito, pumili siya ng mga Propeta na makiisa sa Kanyang layunin na dalhin ang tao sa tamang patnubay. Kayat ang layuning ng Diyos ay siya ring layunin ng lahat ng Propeta mula kay Adam, Noah, Abraham, Moises, Hesus at Muhammad (sumakanila nawa ang Kapayapaan).
 
Samakatuwid, kapag ang isang tao ay nanampalataya at sumamba ayon sa aral ng mga tunay na propeta, ang mga Propetang ito ang siyang titiyak sa mga  tao ng pananatili sa pananampalataya. Ang Makapangyarihang Diyos ang Siyang magbibigay liwanag sa tao para sa kanyang pananampalataya upang ito ay manatili sa tamang landas ng buhay.  Ito ang layunin ng Diyos at ng lahat ng Propeta at ng lahat ng taong may tamang pananampalataya.
 
Kung ating susuriin ang doktrinang “3 in 1 God” na itinuro ni Pablo, ang tanong: “noong namatay ang Diyos anak na si Hesu-Kritso (para sa mga Kristiyano), kasama bang namatay ang Diyos Ama?  Hindi di ba?  Kaya, ibig sabihin hindi sila iisa.  Kaya naman noong si Hesu-Kristo na sinasabing naipako sa krus, siya’y sumigaw:
Eloi, Eloi, lama sabachtani?” ibig sabihi’y “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?[Mateo 27:46]  (ماتّيو 46:27).
 
Datapuwa’t sa parteng ito, kung gagamitin natin ang ating katwiran at ang ating katalinuhan, makikita natin na ang sinasabing ipinako sa krus na si Hesu-Kristo ay meron kinikilalang Diyos.  Ang nag-iisang Diyos ni Abraham (  إِبراهيم عليه السلام), ni Moises (  موسى عليه السلام), ni Noah (  نوح عليه السلام), ni David (  داود عليه السلام), ni Hesus (  عيسى عليه السلام),  at ni Muhammad , (sumakanila nawa ang kapayapaan).  Ang diin na pangahulugan nito ay tumutukoy sa Diyos at hindi sa Ama.
Ang tanong: Bakit nga ba? At papaano nangyari lumabas ang salitang AMA.  Kung papaano at bakit ito ginamit na salita na mababasa sa Bagong Tipan ng Bibliya.  Na siyang halos ginamit na patukoy ni Hesu-Kristo sa nag-iisang Diyos.  Saan nga ba hinango ang salitang AMA?  At anong wika ang ginamit na reperensiya?  Basahin natin ang Lumang Tipan ng Bibliya at dito natin matutukoy ang pinag-ugatan ng salitang Ama na naisalin ng mga manunulat na iskolar.  Ang tinawag na TORAH na siyang batas sa panahon ni Moises ay hango sa wikang Hebrew or Hebraic dito lahat napapaloob ang pagsalin ng ibang wika.  Ang TORAH ay salitang Hebrew na ang malapit na kahulugan sa Tagalog ay: Pagtuturo, Utos o Batas.  Na siyang pangunahin at pinaka mahalagang kasulatan na sinusunod ng mga Judaismo – ang relihiyon ng mga Jews.  At ito ang tinawag na batas ni Moises (Torat Moshe [תּוֹרַת־מֹשֶׁה]) na naihayag sa kanya ng Dakilang Diyos.  Ang TORAH ay nahahati sa limang (5) aklat ng kapahayagan na nakasulat sa orihinal na wika ng Hebrew. Ito ay ang mga sumusunod:
1.      Genesis (בראשית, Bereshit: "In the beginning...")
2.      Exodus (שמות, Shemot: "Names")
3.      Leviticus (ויקרא, Vayyiqra: "And he called...")
4.      Numbers (במדבר, Bammidbar: "In the desert...")
5.      Deuteronomy (דברים, Devarim: "Words", or "Discourses")
 
Tinanggap ng mga Jews ang Torah (5 aklat ni Moises) batay sa orihinal na Banal na Kapahayagan ng Allâh سبحانه وتعالي na inihayag kay propeta Moises (موسى عليه السلام).  At sa buong kasaysayan, ang TORAH ang siyang pangunahin gabay ng tao tungo sa tuwid na landas patungo sa nag-iisang Diyos.”
 
Ngayon, alamin natin kung anong aklat sa TORAH kumuha ng reperensiya ang mga iskolar (tagasalin) ng wika upang matumbok natin ng husto kung bakit nga ba AMA ang tawag ni Hesu-Kristo sa nag-iisang Diyos.  Itong salitang AMA ay hango sa pang-Apat (4) na aklat ng TORAH, Mga Bilang (Numbers) [במדבר, Bammidbar].  Dito ay nakasulat ang salitang “AMMISHADDAY”
 
Greek/Hebrew Old Testament:
Bammidbar 2:25 – tagma parembolhv dan prov borran sun dunamei autwn kai o arcwn twn uiwn dan aciezer uiov amisadai
Bilang 2:25 – “Sa gawing hilaga naman lalagay ang pangkat ng mga lipi nina Dan, Aser at Neftali. Si Ahiezer na anak ni Amisadai ang mamumuno sa lipi ni Dan
………………………………………………………………………………………………………
Ammishaddai – father of Ahiezer, Moses’ officer over the tribe of Dan, the people of the Almighty; the Almighty is with me.
HEBREW: Strongs #05996: ydvyme ‘Ammiyshadday
Ammishaddai = “my kinsman is Almighty”
1) father of Ahiezer, prince of the tribe of Dan at the time of the exodus
Ang AMMISHADDAY ay salitang Hebrew na hinango sa salitang SADDAY (yD~v^), na ang pangahulugan ay “THE ALMIGHTY” (ANG KATAAS-TAASAN DIYOS). Hanggang ito ay na pangahulugan ng “The Almighty is my rock” – Ang AMMISHADDAY.  Lumaon ang panahon, ito ay naging “The Almighty is my kinsman” hanggang sa ito ay mas pinaigsi sa iba pang katawagan; ito ay “Father” (Ama),  “Brother” (Kapatid), at “God” (Diyos).
See Greek/Hebrew:
Shadday {07706} ydv Shadday
Pronunciation: shad-dah’-ee
Origin: from 07703
Reference: TWOT – 2333
PrtSpch: noun masculine deity
In AV: Almighty 48
Count: 48
Definition: 1) almighty, most powerful
                  1a) Shaddai, the Almighty (of God)
                  from 7703; the Almighty: - Almighty.  See HEBREW for 07703
 
Samakatuwid, maliwanag na hinango ng mga iskolar o tagasalin (translator) ang salitang AMA sa pang-apat (4) na aklat ng TORAH sa nabanggit na “AMMISHADDAY” o “SADDAY” na ang ibig sabihin sa pinakamalapit na kahulugan sa Tagalog ay …  ANG KATAAS-TAASAN DIYOS.  At si Hesus (عيسى عليه السلام) ay maliwanag na tinawag na AMA ang DIYOS sapagka’t ito ay tumutukoy sa nag-iisang Diyos na nagsugo sa kanya bilang isang propeta upang ipahayag ang Banal Na Salita at Babala sa mga taong mapaggawa ng kasamaan sa ibabaw ng lupa.  Hindi kailanman sinabi o itinuro ni Hesus na siya ay anak ng Diyos o may anak ang Diyos dahilan lamang sa salitang AMA.  Nakakalungkot isipin kung bakit ang mga paring Katoliko pa mismo ang nagtuturo sa mga tao ng maling kahulugan at pilit itinatago ang katotohanan.  Mga turong kabanalan at sa pag-aakala ng tao ay ito ang daan sa tamang pananampalataya sa Diyos.  Bagkus, ang hindi nila alam, ito ang pinakamabigat na kasalanan na walang kapatawaran --ang magbigay  ng katambal sa nag-iisang Diyos.  Kalapastanganan walang pangalawa!
 
Kadalasan ng naririnig sa mga Kristiyano na si Hesus ay tanging (bugtong) na anak ng Diyos. Ngunit ang Bibliya mismo ang nagpapatunay na sa metaporikal na kahulugan nito, ang “anak ng Diyos” ay hindi lamang naka-ugnay o nakatukoy kay Hesus, ang katotohanan, ang salitang “anak ng Diyos” ay ginamit din sa kaninomang taong may ganap na pananampalataya sa Diyos. Ang mga Propeta ay tinawag din bilang “anak ng Diyos” sapagkat sila katulad ni Hesus (عيسى عليه السلام) ay ganap na sumunod at sumasampalataya sa Diyos.  Ayon sa Bibliya, ang Diyos ay maraming “anak”:
 
[Exodo 4:22] (الخروج 22:4)
“Kung magkagayon, ganito ang sabihin mo sa kanya: ‘Ipinasasabi ni Yahweh, Ang Israel ay aking anak na panganay.”
[Mga Awit 2:7] (المزامير 7:2)
Ganito ang sabi ng lingkod ni Yahweh na hari sa Sion: “Aking ihahayag ang ipinag-utos nitong Panginoon, “Ikaw (David) ang anak kong pinakamamahal, at magmula ngayon, Ako namang ito ang giliw mong Ama sa habang panahon.
[1 Cronica 22:10] (أخبار الأيام الأول 10:22)
Tatawagin siyang Solomon. Sinabi pa niya sa akin, “Siya ang magpapagawa ng aking Templo. Ituturing ko siyang anak at ako’y magiging ama niya. Mananatili siya sa trono ng Israel magpakailanman!”
Ang titulo o katawagang “anak ng Diyos” ay ginamit sa wikang Hebrew na ang tunay na kahulugan ay yaong taong mabuti at ganap na sumasampalataya sa Diyos. Halimbawa, sa Bibliya mababasa na:
[Mateo 5:44-45] (مأتّيو 44:5-45) – “Ngunit ito naman ang sabi ko: ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayo’y maging tunay na anak ng inyong Amang nasa langit.”
[Mateo 5:9] (مأتّيو 9:5) – “Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ipagkakasundo, sapagkat sila’y ituturing ng Diyos na mga anak niya.”
 
[Oseas 1:10]  (هوشع 10:1) – “Gayunma’y magiging kasindami ng buhangin sa dagat ang bilang ng mga taga-Israel, hindi mabibilang sa karamihan. At sa dakong sinabi sa kanila, “Kayo’y hindi ko bayan, sasabihin sa kanila, “kayo’y mga anak ng Diyos na buhay.”
 
Hesus, hindi Diyos  na NAGKATAWANG-TAO.  Sa  iba’t-ibang relihiyon, ang pinakadiwa at kaisipan ng kani-kanilang tagasunod tungkol sa Diyos ay yaong ang Diyos na TAGAPAGLIKHA ay naging isang NILIKHA.  Dahil nga sa paniniwalang ito, sila ay sumasamba sa inaakala nilang diyos. Halimbawa, sa relihiyong Buddhismo, pinaniniwalaan nila na si Buddha ay diyos na nagkatawang-tao.  Sa Hinduismo, naniniwala din na ang Diyos ay sumanib o napapaloob sa katawan ng mga bagay katulad halimbawa ng baka, elepante, halaman o maging sa mga bagay sa kalawakan.  Kaya’t sila ay sumasamba rin sa baka, halamanan o mga bagay na inaakala nilang naroon ang Diyos.  Sa Judaismo naman, bagamat sila ay naniniwala sa Isang Diyos na Tagapaglikha, sila ay nagbibigay ng mga katangiang angkop lamang sa tao.
 
Katulad ng mababasa sa Lumang Tipan na ang Diyos ay namahinga sa ika-pitong araw.  Ito ba’y makatuwiran para sa Katangian ng tunay na Tagapaglikha, ang Maalam at Makapangyarihan.  Katotohanang walang ano mang naganap na pamamahinga sa ika-pitong araw dahil ang Diyos kailan man ay walang kapaguran.  Katotohanan na ang ika-pitong (7) Araw [Sabt] ay Kanyang ipinagkaloob para sa pamamahinga ng tao.  Ang pagtigil sa mga Gawain upang ang Araw na ito ay siyang araw upang magkaroon ng pagkakataon ang tao ng panahon na Siya ay alalahanin, dalisayin at pagtuunan ng pagsamba.
 
Kaya nangangahulugan na Ang Pamamahinga ay isang Blaspemus sa Katangian ng Diyos na Makapangyarihan.  Dahil ang gawang pamamahinga ay umaangkop lamang sa mga nilikha tulad ng tao na may angking kahinaan.  Bakit nga ba hindi tayo magbukas ng ating kaisipan?  Kung ang tao ay may paniniwala sa kanyang pananampalataya sa Kaisahan ng taga-paglikha.  Na Siya ang Makapangyarihan at Maalam.  Ikaw ba ay magdadalawang-isip pa?  Iisipin mo pa ba na Siya ay kailangan pang magkatawang tao?  Pangalawa, iisipin mo pa ba na Siya ay magbibigay, magbaba o magpapakaloob ng anak niyang diyos na isisilang ng isa niyang nilikha. (Astagfirullah!)  Samakatuwid ito’y maliwanag na taliwas sa Kautusang Kanyang ipinahayag sa mga propeta na ituro sa tao na – Ang Diyos ay nag-iisa.  Kung ganito na meron pala Siyang ibaba o ibibigay o ipagkakaloob na anak.  Nangangahulugan ba nito na ang Diyos na kinikilala mong nag-iisang makapangyarihan ay walang kredebilidad at pawang walang katotohanan at kasinungalingan ang kanyang kapahayagan. (Astagfirullah!).  Pangatlo: Ang isang Diyos na kilala mong makapangyarihan at nag-iisa ay nangangailangan pang magkatawang tao.  Ang tanong bakit?  Hindi pa yan, kailangan pa rin niyang tumubos ng kasalanan ng tao.  Sino ba itong mga taong ito?  Hindi ba’t nilikha lamang niya.

Kaya’t tunay na kasawian at kasumpa-sumpang kaparusahan ang naghihintay sa kanila na nagbigay ng ganitong katuruan.  Baka ibig mo munang tumigil ng  panandalian at magmuni-muni? O, malinaw na si Hesus ay hindi kailan man ang Diyos na nagkatawang-tao.  Maging ang anak ng diyos na sinasabi na ipinagkaloob sa tao upang tumubos ng kasalanan.  Katotohanang hindi pinahihintulutan ng Diyos na magkaroon pa ng ibang diyos ang tao sa ibang katangian o nilalang Niya.  Ang mga patunay ng kanyang babala na mababasa sa Lumang Tipan:
[Exodo 20:3-4] (الخروج 3:20-4) – “Huwag kayong magkakaroon ng ibang Diyos, maliban sa akin. Huwag kayong magkakaroon ng diyus-diyosan o kaya’y larawan o rebulto ng anumang nilalang na nasa himpapawid, nasa lupa o nasa tubig.”
[Exodo 20:23] (الخروج 23:20) – “Huwag kayong gagawa ng anumang diyus-diyosan, maging pilak o ginto”
 
[Isaias 44:9-11] (إشعياء 9:44-11) – “Walang kuwentang tao ang mga gumagawa ng rebulto; at walang kabuluhan ang mga diyus-diyosang kanilang pinahahalagahan. Mga bulag at hangal ang sumasamba sa mga ito, kaya sila’y mapapahiya. Walang idudulot na mabuti ang paggawa ng mga rebulto para sambahin. Tandaan ninyo, ang sumasamba sa mga ito ay mapapahiya lamang. Ang gumagawa nito’y tao lamang, kaya, magsama-sama man sila at ako’y harapin ay matatakot din at mapapahiya.”

Karamihan sa relihiyong Kristiyanismo, ganito rin ang naging paniniwala nila tungkol kay Propeta Hesus (عيسى عليه السلام).  Si Hesus na isang Propeta at Sugo ay ginawang diyos at sinamba bilang diyos. Kahit isang bersikulo sa Bibliya walang mababasa na si Hesus ay nagsabi na siya ay taong naging Diyos.  Sa Aklat ni Oseas, ang Diyos ay tuwirang nagsabi:
[Oseas 11:9] (هوشع)
Hindi ko ipadarama ang bigat ng aking poot. Hindi ko na muling sisirain ang Efraim; sapagkat ako’y Diyos at hindi tao, ang Banal na nasa kalangitan ninyo, at hindi ako naparito upang magwasak.”

Binigyang liwanag din ng isang bersikulo sa Bibliya na ang Diyos kailanman ay hindi magkakatawang-tao at hindi Siya maaaring maging anak ng tao.  Ang Diyos ay nagwika:
[Mga Bilang 23:19] (العدد 19:23) – “Ang Diyos ay di sinungaling tulad ng tao, Ang isipan niya’y hindi magbabago. Ang sinabi niya ay kanyang ginagawa, Ang kanyang pangako’y tinutupad niya.”
Kaya’t sinumang tao ay hindi maaaring tawaging Diyos  o anak ng Diyos.  Si Hesus (عيسى عليه السلام) ay anak ng tao, katulad ng nakasaad sa ibang bersikulo ng Bibliya:
[Mateo 16:27-28] (ماتّيو 27:16-28) – “Sapagkat darating ang Anak ng Tao (Hesus) na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama at kasama ang kanyang mga anghel. Sa panahong yao’y gagantihan niya ang bawat tao ayon sa kanyang ginawa. Sinasabi ko sa inyo: may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hangga’t di nila nakikita ang Anak ng Tao na pumaparito bilang Hari.”
 
[Lucas 4:8] (لوكىِ 8:4) – “Nasusulat, ‘Ang iyong Diyos at Panginoon ang sasambahin mo, At siya lamang ang iyong paglilingkuran.”

Si Hesus bilang anak ng tao ay nagpamalas o nagpakita ng mga gawaing pagsunod sa mga Kautusan na maihahalintulad sa ginagawang pagsunod ng naaayon ng mga Muslim. 
 
una: Ang pagsamba sa Kaisahan ng Diyos.  Tulad ng mga Muslim tinutuldukan nila ang pagsamba sa Kaisahan ng Diyos – no father, no mother, nor son, never been born and never been died, nor become Son of Himself.
pangalawa:  Ang pamamaraan ng pananalangin ni Hesus (عيسى عليه السلام) ng may pagpapakumbaba at pagpapasakop sa kalooban ng Diyos.  Ay ang pagpapatirapa. 
 
[Mateo 26:39] (ماتّيو 39:26) – “Pagkalayo nang kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin: “Ama ko, kung maaari’y ilayo mo sa akin ang saro ng paghihirap na ito. Gayunman, huwag ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang mangyari.”
 
pangatlo: Ang kanyang ginawang pag-aayuno sa mahabang bilang ng araw.  Tulad ng Muslim sa buwan na tinatawag na Ramadan.
 
[Mateo 4:2] (ماتّيو 2:4) – Doon, apatnapung araw at apatnapung gabing nag-ayuno si Hesus, at siya’y nagutom.”
 
pang-apat: Hindi ba’t siya’y naniniwala sa mga ibinabang Kapahayagan ng Diyos.  Tulad ng mga Muslim naniniwala sa lahat ng kapahayagan simula sa unang naging kapahayagan ng mga naunang propeta.  Tulad ng Torah (Lumang Tipan), Injil (Bagong Tipan) [sa orihinal nitong mga texto] at ang Banal na Qur’an (Ang huling Banal na Kapahayagan) na pinangangalagaang banal hanggang sa huling araw.
 
[Mateo 4:2] (ماتّيو 2:4) – Doon, apatnapung araw at apatnapung gabing nag-ayuno si Hesus, at siya’y nagutom.”
 
Ang lahat ng ito na ipinamalas ni Hesus (عيسى عليه السلام) bilang kanyang mga gawain ay siya rin mismong sinusunod na haligi ng pananampalataya ng mga Muslim.  Ang tinatawag na haligi ng Islam.  Isa lamang din itong patunay na si Hesus (عيسى عليه السلام) ay anak ni Maria na sumusunod din sa Kautusan at isang pagpapatunay na siya ay isa na ring matatawag na tunay na Muslim (tagasunod o sumusunod sa kalooban ng Diyos).
 
Maliban dito may mga iba pang patunay na si Hesus ay tao.  Isang anak ng tao.  Dahil sa kanyang mga kapatid.
 
Ang Mga Kapatid ni Hesus (عيسى عليه السلام) : [Mateo 13:55] (ماتّيو 55:13) – “Hindi ba ito ang anak ng karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina, at sina Santiago, Jose, Simon, at Judas ang kanyang mga kapatid na lalaki? At dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba? Saan niya natutunan ang lahat ng ito?” At ayaw nilang kilalanin siya. Kaya’t sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang propeta’y iginagalang kahit saan, liban sa kanyang sariling bayan at sa kanyang sariling sambahayan.”
 
Kung si Hesus ay Diyos, maaari ding ituring ang mga kapatid niya bilang mga Diyos sapagkat iisa ang kanilang lahi at dugo. (Dugong Diyos o Lahing Diyos)  astagfirullah ! At kung si Santiago, Jose, Simon at Judas ay kapatid ni Hesus sa Ina (Birheng Maria) ano ang tawag ng mga kapatid ni Hesus sa kanya. Kuya Ko, o Diyos Ko? At si Birhen Maria paano niya tinatawag si Hesus? Anak Ko o Diyos Ko?  Kaya nga ba ang pagturing kay Hesus bilang Diyos ay hindi lamang paglapastangan sa Kabanalan at Kadakilaan ng Maykapal kundi ito ay isang insulto sa talino at karunungan ng tao.
 
Ang Panunukso ng Diyablo kay Hesus (عيسى عليه السلام):
[Mateo 4:1] (ماتّيو 1:4)
Pagkatapos, si Jesus ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Doon, apatnapung araw at apatnapung gabing nag-ayuno si Jesus, at siya’y nagutom.  Dumating ang manunukso at sinabi sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, gawin mong tinapay ang mga batong ito.”  Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat, Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, Kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos.”
 
Paano naging Diyos si Hesus kung siya ay tinutukso ng Diyablo? Maaari bang tuksuhin ng Diyablo ang Makapangyarihang Diyos? Ang Diyablo ay isa lamang nilikha ng Diyos. Walang kapangyarihan ang maaaring makapaghamon sa Diyos sapagkat ang lahat ng kapangyarihan taglay ng isang nilikha ay nagmumula sa Diyos na Siyang may Hawak ng Ganap na Kapangyarihan.  Katulad ng nakasulat sa Bibliya (Bagong Tipan) ang Tunay na Diyos ay hindi natutukso.
[Santiago 1:13-15] (سانتياغو 13:1-15) – “Huwag sabihin ninuman kapag siya’y dumaranas ng pagsubok, na tinutukso siya ng Diyos. Sapagkat ang Diyos ay hindi matutukso ng masama at hindi naman niya tinutukso ang sinuman. Natutukso ang tao kapag siya’y naakit at napatangay sa sariling pita. Kapag ang pita ay tumubo at nag-ugat, nagbubunga ito ng pagkakasala. Kapag lumala ang kasalanan, ito’y nagbubunga ng kamatayan.”
Ang Mga Banal na Salita ni Hesus (عيسى عليه السلام) : [Juan 14:6] (يوحنا 6:14) – “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”
Ang bersikulong ito ay hindi dapat ipakahulugan na si Hesus ay Diyos.  Ang lahat ng mga tunay na Propeta sa kani-kanilang panahon ay itinuturing na Daan at Katotohanan sapagkat sila ang pinagkatiwalaan ng Diyos upang akayin ang lahat ng tao sa landas tungo sa kaligtasan. Ang mga Propeta ang siyang may hawak ng Katotohanan.  Halimbawa, sa panahon ni Propeta Noah, sinoman ang hindi sumunod sa aral ni Noah ay nalunod. Sa panahon ni Moises, lahat ng taong nagtakwil sa mensahe ni Moises ay nalunod din. Ang Daan at Katotohanan ay taglay ng lahat ng Propeta.  Kung ang Daan at Katotohanan ay para lamang kay Hesus paano na lamang ang mga taong nauna sa panahon ni Hesus, sila ba ay walang kaligtasan?  Ang Diyos ay Makatarungan at hindi Niya maaaring gawin ang isang bagay na hindi makatuwiran. Ang Kaligtasan ng lahat ng tao ay matatamo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga Propeta sapagkat ang pagsunod sa kanila ay pagsunod din sa Diyos. Magkakaroon lamang ng kahulugan ang pananampalataya ng isang tao kung sinusunod niya ang mga aral ng Propeta sapagkat sila ang tanging daan at katotohanan.”
 Ang Pagpako kay Hesus (عيسى عليه السلام) : [Mateo 27:35] (ماتّيو 35:27) – “Nang maipako na siya sa krus, pinaghati-hatian nila ang kanyang mga damit matapos magsapalaran.”
Maaari bang ang TAGAPAGLIKHA ay ipako ng kanyang NILIKHA? Ang Kapangyarihan ba ng nilikha ay maaaring mangibabaw kaysa kapangyarihan ng Tagapaglikha? Dito lamang sa pangyayaring ito makikita nating na kung ganap nating bigyang katuwiran at tamang kaisipan, magiging maliwanag sa atin na si Hesus ay hindi Diyos kundi isang taong may taglay na kahinaan at pangangailangan. Iba ang Tagapaglikha at iba rin naman ang nilikha. Ang Tagapaglikha ay mananatiling Tagapaglikha at ang nilikha ay mananatiling nilikha.

ANG KONSEPTONG DIYOS AMA          عن الايمان باللّه الآب
Ang katawagang “Diyos Ama” ay hindi ginagamit ng mga muslim sapagkat ang “ama” ay nagpapahiwatig ng isang katangian ng tao.  Ang Allâh سبحانه وتعالي ay hindi nagkaanak o nanganganak at hindi rin naman Siya ipinanganak ng sinuman sapagkat ang ganitong kalakaran ay angkop lamang sa tao o hayop.  Tunay na napakaganda ng Konsepto ng Islam tungkol sa Diyos.  Maliwanag nitong binigyang pagkakaiba at pagitan ang anumang katawagang nararapat sa Diyos na hindi maaaring matagpuan sa katawagan umuugnay naman sa isang nilikha lamang.  Ang paggamit o pagtawag ni Hesus bilang Ama sa Diyos ay isang metaporikal na pagtawag lamang at hindi literal na pagtawag na karaniwang ginagamit ng tao.  Karaniwang ginagamit ang metaporikal na (ama) sa makalumang panahon.  Ang “ama” sa metaporikal na kahulugan ay maaaring “Tagapagsimula o Tagapagtatag (Founder).  Maging sa ating bansa o sa ibang bansa, metaporikal din ang ginagamit sa pagbibigay tag-uri o pagkilala sa mga dakilang tao.  Halimbawa – ang Pangulong Manuel Quezon ay siyang tagapagsimula (founder) o tagapagtatag ng wikang Pilipino kaya naman siya ay tinaguriang “Ama ng Wika”.
Kaya nga, ang Islam ay ganap na umiiwas sa anupamang masalimot na kataga na maaaring magdulot ng pag-aalinlangan o maling kaisipan tungkol sa malinis at wagas ng pagkakilala sa Nag-iisang Tunay na Diyos.  Siya ang Nag-iisang tunay na Diyos, nag-iisang walang katulad, nag-iisang walang kapantay, nag-iisang may ganap na kapangyarihan, katarungan, kagandahan, karunungan, kaalaman – na walang paghahambing sa sinuman.  Batid Niya ang nasa kalaliman ng karagatan, ng kalupaan at ng kalangitan.  Walang makaaarok o makasusukat sa Kanyang kakayahan.

ANG TAMANG KONSEPTO (PAGKILALA) SA ISANG TUNAY NA DIYOS:
الطريقة الصحيحه لمعرفة اللّه
Bagamat maraming tao ang naniniwala sa pagkakaroon ng nag-iisang Diyos, ang pagkilala rito ay kapos at walang batayan.  Ano nga ba ang katotohanan tungkol sa tunay na pangalan ng Nag-iisang Diyos?  Ang matibay na batayan rito ay ang orihinal na wika ng mga Propeta na isinugo ng Nag-iisang Diyos at ang Banal na Kasulatan na dala ng mga naturang Propeta.  Pumili tayo ng mga kinikilalang Propeta at Banal na Kasulatan.  Nangunguna na rito ang tatlong dakilang Propeta ng tatlong pangunahing relihiyon sa mundo, sina Moises (Judaismo), Hesus (Kristiyanismo) at Muhammad (Islam).  At mula sa Banal na Kasulatan, babanggitin natin ang Torah ni Moises (wala na ang orihinal nito kaya ang batayan ng mga Hudyo ay ang Lumang Tipan), ang Ebanghelyo ni Hesus (wala na rin ang orihinal na Ebanghelyo, kaya ang ginamit na batayan ay ang Bagong Tipan, at ang Huling Banal na Kasulatan na tinatawag na Al Qur’an ng huling Propeta – Muhammad.  Batay sa mga nabanggit na mga Propeta at ang kanilang mga Banal na Kasulatan, ating matutunghayan sa ilang pahina ng mga kasulatang ito ang katawagan na ginamit na tumutukoy sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha. 
Sa maikling salita, ginamit ni Moises sa kanyang wikang Hebreo ang Eloihim, ginamit ni Hesus sa kanyang wikang Aramaiko ang Eli at ginamit ni Propeta Muhammad ang Allâh batay sa kanyang wikang arabik at kapahayagang Al Qur’an.

ALLAH سبحانه وتعاليANG NAG-IISANG TUNAY NA DIYOS      ليس هناك سوى إله واحد
Maaaring bago sa pandinig ng di muslim ang salitang “Allâh”, ngunit kung marunong lamang magbasa ng wikang semitko (Aramaiko, Hebreo, Arabik, at iba pa) ang mga iskolar ng ibang relihiyon, kanilang matutunghayan na ang “Allah” na sinasamba ng mga muslim ay Siya ring Diyos na Tagapaglikha (The Almighty Creator) na kinikilala ng lahat ng Propeta – katulad nina Adam, Noah, Abraham, Ismael, Isaak, Lot, Enoch, David, Solomon, Moises, Aaron, Zakariyah, Juan Bautista, Hesus (Sumakanila nawa ang kapayapaan).
 Sa Bibliya, mababasa na si Hesus ay nagdasal at nagsumamo sa kanyang tinatawag na Diyos ng “Eloi, Eloi, lama Sabachtani?”  [Mark 15:34] (مارك 34:15).  Ang ibig sabihin “Diyos ko, Diyos ko bakit Ninyo ako pinabayaan?”  Ang Eloi na tinatawag at kinikilalang Diyos ni Hesus sa kanyang wikang Aramaiko rito ay katumbas ng wikang arabik na “Elahi” (aking Diyos).  At maging ang “Eloihim” ay matutunghayan din sa Bibliya bilang katawagan sa Diyos ni Propeta Moises sa kanyang wikang Hebreo.
Alalahanin na sa wikang Arabik at Hebreo, ang IM sa dulo ng ELOIHIM ay isang salitang paggalang (plural of respect).  Katulad ng Pilipino na ginagamit ang Kayo, Inyo kung ang kausap ay matanda bilang paggalang dito.  Kaya’t ang Eli, Elah at Eloihim ay hindi tatlong magkakaibang kahulugan at salita kundi tatlong semitikong wikang tumutukoy sa isang arabik na salitang nakaugnay lamang sa Tanging Nag-iisang Tagapaglikha (The One and Only Creator) – ang Allah at ito ang Siyang tunay na Pangalan ng Nag-iisang Diyos.
Katunayan pa nito, maging sa simbahan ng mga Kristiyano, ang awiting papuri sa Diyos “Alleluya” ay katumbas ng “Allah Huwa” sa arabik na ang ibig sabihin ay “Siya ang Allah”.  Ito ay isang bakas ng katotohanan na hindi maaaring ikubli ng sinuman.

ANG KAHULUGAN NG “YAHWEH”   معنى كلمة اسم اللّه بالعبريه
Ayon din sa “New Jerusalem Bible” ang YHWH na binibigkas na YAHWEH ay binigyan ng paliwanag ng ganito: Ito ay bahagi ng wikang Hebreo na nagpapahiwatig o nangangahulugang “Siya” o sa ingles na “He is”.  Kung ang salitang Yahweh ay “Siya” hindi ito isang ganap na pangalan.  Kaya higit na angkop ang salitang Allâh kaysa sa Jehovah o Yahweh.  Ang mga arabong kristiyano at muslim ay kapwa tumatawag sa Diyos sa pangalang “Allâh”.

SINO SI JEHOVAH?   من هو يهوه ؟
Ang salitang “Jehovah” ay hindi maaaring maging pangalan ng Diyos sapagkat ayon na rin sa aklat na “World Religious From Ancient History” (edited by Geoffrey Parrinder, p 386) ang salitang Jehovah ay isang “medieval misreading” na ang ibig sabihin ay maling pagbigkas sa pagbasa nito at hindi ito matatagpuan sa Bibliyang Hebreo.  Ayon na rin sa “Interpreters Dictionary of the Bible” ang pangalang Jehovah ay isang artipisiyal na pangalan (vol 2, p 817).  Ang “Asimov’s Guide to the Bible” ay nagsabi na ang Jehovah ay pagkakamali (vol 1 p, 135) at ang pagkakamaling ito ay magpapatuloy.  Ang paliwanag naman ng mga kasapi ng Jehovah Witness ay ito: mula sa YHWH (tetragrammaton).  Ang ibig sabihin ng Tetra (ito ay wikang griego) ay apat at ang “grammaton” ay titik.  Alalahanin na ito ay hindi winika ni Hesus, at hindi rin winika ni Moises at maging sino mang Propeta.  Ang salitang Jehovah ay pagkakamali sapagkat nang ang isang Kristiyanong nangangalang Petrus Galantinus (AD 1520) ay pinaghalo ang katinig na YHWH sa patinig  na  a,  o  at  a  nabuo ang salitang Ya Ho WaH. At dahil ang titik na “Ya” ay binibigkas sa wikang Latin ng “J” ang Jehovah ay naibigkas sa ganoong kaparaanan.  Bagama’t inamin na ang salitang “Jehovah” ay isang pagkakamali, ito ay patuloy na ginamit.  Higit pa rito ang salitang Jehovah ay hindi nabanggit at wala sa pandinig ng sinumang nakabasa ng Old at New Testament, bago dumating ang 16th century.  Ganoon din naman ang pangalang Jesus, ito ay wala sa orihinal na wikang aramaiko ni Jesus (Esau ang tunay niyang pangalan sa aramaiko, at Eesa naman sa arabik).  Ganyan din ang nangyari sa pangalan nina Yahya (John the Baptist), Yacob (Jacob), Yusuf (Joseph), Yehuda (Judah), Yeheshua (Joshua).  Sadyang napakahalaga sa bawat tao na magkaroon ng tapat na pagsisiyasat at pag-aaral tungkol sa paksang ito upang makita ang katotohanan.

ANG KAHULUGAN NG “BATHALA”     معنى باتهالا
Ang salitang “Bathala” ay mula sa wikang arabik na “Bayt Allah”.  Ang salitang “Bayt” ay katumbas ng “Bahay” o Tahanan” sa ating wikang Pilipino.  At ang “Allâh” naman ay Nag-iisang Diyos.  Kaya, kung pagsasamahin ang dalawang salitang Bayt Allah o Bathala ang kahulugan nito ay Bahay o Tahanan ng Diyos (Allâh).  Samakatuwid,  kahit sa salitang Bathala, ating matatagpuan ang pagbalangkas ng katotohanan na walang ibang tunay na diyos maliban sa Allâh سبحانه وتعالي.
ANG “GOD, GODS AT GODDES”    اللّه ، والآلهة غودديس
Ang salitang “Allâh” سبحانه وتعالي ay pinanatili upang bigyang pagkakaiba ang natatanging pangalan ng Nag-iisang Tagapaglikha at ang kaibahan Niya sa Kanyang mga nilikha.  Ang Allâh سبحانه وتعالي ay hindi nasasangkot at hindi nababahiran ng anumang katangian o paglalarawan na angkop lamang para sa Kanyang mga nilikha.  Halimbawa; ang Kasarian (sexual identity) – ito ay ginagamit upang bigyang pagkakaiba ang babae at lalaki.  Ang Kasarian ay hindi maaaring taglayin ng isang Tunay na Diyos.  Ang Allâh سبحانه وتعالي ay hindi rin nasasangkot sa pangmaramihan (plurality of number) – Hindi katulad ng salitang “god” sa wikang ingles kapag ito ay dinagdagan ng letrang “s” sa dulo ng god, ito ay magiging gods na nangangahulugan na “maraming diyos”.  O di kaya ay “dess” na naging “goddess” na ang kahulugan ay diyos na babae.  Ang Allâh سبحانه وتعالي ay isang salita na nagsasaad lamang ng Kaluwalhatian, Kapangyarihan, Kadakilaan at Kapurihan o Karangalan. Ito ay isang banal na katawagan na hindi maaaring gamitin ng sinumang nilikha sa anupamang dahilan at pamamaraan at kalagayan.
Maaaring magkaroon ng usapin ang ibang relihiyon tungkol sa paggamit ng pangalan ng kani-kanilang diyos.  Subali’t, sa Islam hindi maaaring gamitin ang banal na pangalan ng Allâh سبحانه وتعالي  sa ibang relihiyon (alalaong baga, itatawag din nila ang Allah katulad ng kay Jesus at sa ibang nilikha lamang).  Ito’y hindi katanggap-tangap at malaking pagkakasala sa ating nag-iisang Ilah (Diyos) at sa relihiyong Islam ng mga Muslim.  Maaring bigkasin ng ibang relihiyon ang Allah na tumukoy lamang sa nag-iisang Diyos, nguni’t kung ang Allah ay tinutukoy o binibigkas nila sa ibang bagay na nilikha lamang, ito’y kasuklam-suklam at malaking pagkakasala sa ating nag-iisang Ilah (Diyos). Hindi rin pahihintulutan ng mga Muslim ang ganitong bagay sapagka’t ito’y magdudulot lamang ng isang malaking usapin o kaguluhan.
ANG UNANG KAUTUSAN NG ALLAH سبحانه وتعالي الوصيه الاولى اللّه .
Dahil nga sa ang layunin ng pagkakalikha sa tao ay upang sumamba lamang sa Tanging Isang Diyos, ito ang una, pangunahin at pinakadakilang Kautusan ng Diyos na ipinagkaloob Niya sa tao sa pamamagitan ng Kanyang mga Sugo at Propeta.  Ang PAGSAMBA LAMANG SA IISANG DIYOS NA TAGAPAGLIKHA ang Unang Kautusan na nakatala sa lahat ng Banal na Kapahayagan o Kasulatan na ipinadala ng Diyos sa lupa.  Ang unang Kautusang ito ang siya ring unang katanungan sa tao sa Araw ng kanyang Kamatayan – “Sino ang iyong Panginoon (at Diyos)?  Kaya ang Qur’an ay laging nagpapaala-ala at nagbibigay babala sa sangkatauhan na manatili sa pagsamba sa Diyos na lumikha sa kanya.  Ang talata sa Banal na Qur’an ay nagsasaysay:
سورة البقرة
يَا أَيُّهَا النَّاسُ اعْبُدُوا رَبَّكُمُ الَّذِي خَلَقَكُمْ وَالَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ (21) الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ الْأَرْضَ فِرَاشًا وَالسَّمَاءَ بِنَاءً وَأَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَخْرَجَ بِهِ مِنَ الثَّمَرَاتِ رِزْقًا لَكُمْ فَلَا تَجْعَلُوا لِلَّهِ أَنْدَادًا وَأَنْتُمْ تَعْلَمُونَ (22) 
(Surah Al-Baqarah [2]:21-22)
21 – O Sangkatauhan! Sambahin ninyo ang inyong Panginoon (Allâh) na lumikha sa inyo at sa mga nangauna sa inyo upang kayo ay maging matuwid (maging masunurin sa Kanya).
22 – Na (Siyang) lumikha para sa inyo ng kalupaan bilang inyong himlayan at ng kalangitan (mga alapaap) bilang inyong silungan at nagpamalisbis ng ulan mula sa langit (alapaap) at nagpasibol dito (sa kalupaan) ng mga bungangkahoy bilang inyong ikabubuhay.  Kaya’t huwag kayong magtambal ng anupaman sa Allâh sapagkat batid ninyo (ang katotohanan).
سورة البقرة
كَيْفَ تَكْفُرُونَ بِاللَّهِ وَكُنْتُمْ أَمْوَاتًا فَأَحْيَاكُمْ ثُمَّ يُمِيتُكُمْ ثُمَّ يُحْيِيكُمْ ثُمَّ إِلَيْهِ تُرْجَعُونَ (28)
(Surah Al Baqarah [2]:28)
28 – Paano baga ninyo itatakwil ang pananampalataya sa Allâh? Napagmamalas kayo noon na walang buhay at kayo ay ginawaran Niya ng buhay, at pagkatapos kayo ay babawiin Niya ng buhay, at pagkaraan kayo ay bibigyan Niyang muli ng buhay (sa Araw ng Muling Pagkabuhay); at makaraan, kayo sa Kanya ay muling magbabalik.
......................................................................................................................................................

Sa bawat panahon at sa lahat ng salin-lahi ng tao, ang Unang Kautusang ito ay nanatili bilang isang Banal na Kautusan na siyang buod at diwa ng Kaligtasan.  Ito ang siyang kabuuan ng lahat ng uri ng kabutihan.  Upang ang sangkatauhan ay magkaroon ng magkakatulad na kaisipan, konsepto, pagkilala sa iisang Diyos, at makaiwas sa pagsamba sa mga diyos-diyusan, isinugo Niya ang mga Propeta sa bawat panahon, sa bawat pamayanan at lahi bilang Tagapagpaliwanag at Tagapagbabala.  Kaya naman, ang Kautusan ito ay dala ng lahat ng Propetang isinugo ng Diyos na Tagapaglikha na hindi nagbago mula pa sa unang araw ng pagkakalikha Niya kay Adam (  أَدَم عليه السلام) hanggang sa Araw ng Paghuhukom.  Ang Qur’an ay nagsabi:
سورة النحل

وَلَقَدْ بَعَثْنَا فِي كُلِّ أُمَّةٍ رَسُولًا أَنِ اُعْبُدُوا اللَّهَ وَاجْتَنِبُوا الطَّاغُوتَ فَمِنْهُمْ مَنْ هَدَى اللَّهُ وَمِنْهُمْ مَنْ حَقَّتْ عَلَيْهِ الضَّلَالَةُ فَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَانْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُكَذِّبِينَ (36)
Banal na Qu’ran (Surah An Nahl [16]:36)
36 – At katotohanang Kami ay nagsugo sa bawat Ummah (bansa o pamayanan) ng isang Sugo (na nagpapahayag): “Sambahin lamang ang Allâh at iwasan (o layuan) ang lahat ng Taghut (lahat ng mali o huwad na sinasamba, maliban sa Allâh).”  At ang ilan sa kanila ay ginabayan ng Allâh, at ang ilan (naman) sa kanila ay naitakda para sa kanya ang pagkaligaw (ng may karampatan).  Kaya’t magsipaglakbay kayo sa kalupaan at malasin kung ano ang kinahinatnan ng mga nagtakwil (sa Katotohanan).
سورة النساء

إِنَّا أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ كَمَا أَوْحَيْنَا إِلَى نُوحٍ وَالنَّبِيِّينَ مِنْ بَعْدِهِ وَأَوْحَيْنَا إِلَى إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَالْأَسْبَاطِ وَعِيسَى وَأَيُّوبَ وَيُونُسَ وَهَارُونَ وَسُلَيْمَانَ وَآَتَيْنَا دَاوُودَ زَبُورًا (163) وَرُسُلًا قَدْ قَصَصْنَاهُمْ عَلَيْكَ مِنْ قَبْلُ وَرُسُلًا لَمْ نَقْصُصْهُمْ عَلَيْكَ وَكَلَّمَ اللَّهُ مُوسَى تَكْلِيمًا (164) رُسُلًا مُبَشِّرِينَ وَمُنْذِرِينَ لِئَلَّا يَكُونَ لِلنَّاسِ عَلَى اللَّهِ حُجَّةٌ بَعْدَ الرُّسُلِ وَكَانَ اللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمًا (165)
Banal na Qu’ran (Surah An Nisâ [4]:163-165)
163 – Katotohanang ikaw (O Muhammad) ay binigyan Namin ng inspirasyon (kapahayagan), kung paano rin Namin binigyan ng inspirasyon si Nuh (Noah) at ang mga Propeta na sumunod sa kanya. Amin (ding) binigyan ng inspirasyon si Ibrahim (Abraham), Ismael, Ishaq (Isaac), Ya’qub (Hakob), at Al-Asbat (ang labingdalawang anak ni Hakob), si Issa (Hesus), Ayyub (Job), Yunus (Jonas), Haroon (Aaron), at Sulaiman (Solomon), at kay Dawood (David) ay Aming iginawad ang Zabur (Salmo).
164 – At sa mga Sugo na Aming binanggit (isinalaysay) sa iyo noong una, at sa mga Sugo na hindi Namin nabanggit (isinalaysay) sa iyo, at kay Moises, ang Allâh ay tuwirang nakipag-usap.
165 – Mga Sugo na nagbigay ng magagandang pahayag gayundin ng babala upang ang sangkatauhan ay wala nang maipangatwiran laban sa Allâh, matapos ang mga Sugo (ay isugo).  At ang Allâh ay Sukdol sa Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.
..........................................................................................................................................................

Sa Bagong Tipan Ng Bibliya. Napakaliwanag na sinabi ni Hesus (عيسى عليه السلام)  ang turo sa Kautusan. [Mateo 5:17-20]  (ماتّيو 17:5-20) – “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon.  Tandaan ninyo ito: magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi nagaganap ang  lahat.  Kaya’t sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos. Sinasabi ko sa inyo: kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng Diyos.”
Ang tanong?  Sino ang mga taong hindi karapat-dapat sa kaharian ng Diyos ang binabangit ni Hesus?  Hindi baga ang mga taong nagtuturo ng maling katuruan? At hindi baga maliwanag na sinasabing “magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi nagaganap ang  lahat”  Papaano ngayon mapapatunayan ng mga pari, pastor, o sino mang mangangaral ang makakapagbigay katibayan sa kanilang mga turong aral na pawang kasinungalingan.  May maipapakita ba silang talata sa orihinal na  Kasulatan ng ating nag-iisang Diyos upang magturo ng ganoon?  Hindi ba nila nauunawaan ang isa pang binanggit ni Hesus (  عيسى عليه السلام) patungkol sa hula ni Isaias?:  [Marcos 7:5-7]  (مارك 5:7-7) – ‘Paggalang na handog sa ‘kin ng bayan ko’y paimbabaw lamang, Sapagkat sa bibig at hindi sa puso ito bumubukal. Pagpuri’t pagsambang ginagawa nila’y walang kabuluhan, Ang utos ng tao ay itinuturong utos ng Maykapal.’
 
Kaya’t dito natin malalaman kung sino ang mga taong naging biktima ng maling pagsunod sa tuwid na landas ng Diyos.  Sila ang mga inosenteng nilalang na nadamay sa maling katuruan at naging sanhi ng katigasan ng kanilang ulo at sinarado ang mga mata sa katotohanan. Kaya’t ibibilang sila na pinakamababa sa kaharian ng Diyos at sila rin iyong mga isinumpa na manunumpa pa ulit pagdating ng Hukom.
Ang Batas ng Allâh سبحانه وتعالي , batas Islamiko sa pananaw kay Hesus (  عيسى عليه السلام) ay nagigitna ng dalawang magkalayong agwat.  Ang mga Hudyo, na nagtatakwil kay Hesus bilang isang propeta ng Diyos, ay nagtaguri sa kanya bilang impostor (nagpapanggap). Ang mga Kristiyano (na itinayo ni Saulo na naging Pablo), sa kabilang panig, ay nagturing sa kanya bilang anak ng Diyos at naging Panginoon na rin at sumamba sa kanya bilang gayon. 
Ang Islam ay nagtuturing kay Hesukristo bilang isa sa mga dakilang propeta ng Diyos at nagbibigay galang sa kanya katulad ng paggalang kay Abraham, Moises, at Muhammad. Ito po ay naaangkop sa punto  (aral) ng Islamiko sa pananaw nang Kaisahan ng Diyos, ang Allâh سبحانه وتعالي , ng Kaisahan ng Allâh سبحانه وتعالي na Patnubay, at ang magkaka-ugnay na bahagi ng magkakasunod na pahayag ng mga tunay na sugo ng Allâh سبحانه وتعالي.  At ang pinakabuod ng Islam, na walang iba kundi ang kusang pagtalima sa kalooban ng Allâh سبحانه وتعالي , ay unang ipinahayag kay Propeta Adam (أدَم عليه السلام) at siya rin ay nagpahayag nito sa kanyang mga angkan.” Kaya nga, ang kinalalagyan ni Hesukristo sa tatlong relihiyon: Ang Hudaismo, Kristiyano, at Islam ay di marapat na ibukod.
Ang pagkakahidwa tungkol sa katauhan ni Hesukristo (عيسى عليه السلام) ay siyang pinakamalaking pagkakaiba ng Islam at Kristiyano.  Ang ganitong pagkakaiba ay nagpanatili sa mga tagasunod ng dalawang relihiyon upang magkalayo.  Ang mga Muslim ay tumatanaw kay Hesus bilang isang dakilang Propeta ng Diyos at ang mga Muslim ay nagmamahal at nagbibigay paggalang sa kanya tulad din ng ibinibigay ng pagmamahal at paggalang sa propeta Abraham, Moises at Muhammad.  Ang mga Kristiyano, sa kabilang banda, ay nagtuturing kay Hesus bilang Diyos o anak ng Diyos, isang konsepto na hindi maaring matanggap ng Muslim.  Ang Islam ay nagtuturo na si Hesus kailanman ay hindi nagpamarali ng gayong pag-aankin sa kanyang sarili.  Bilang isang gabay ng katotohanan ang lahat ng mga pangunahing doktrina ng Kristiyanismo na tumutukoy sa katauhan ni Hesus ay itinakwil ng Islam.  Bilang natatangi, ito ay ang mga sumusunod:
1.      Trinidad (o tatlo sa pagka-persona)

2.      Ang pagka-Diyos ni Hesus

3.      Ang pagiging Diyos-anak ni Kristo

4.      Ang orihinal na Sala, at

5.      Ang Pagkatubos ng Kasalanan ng Tao

6.      Pagkapako sa krus.

Maliwanag na ang lahat ng ganitong mga doktrina ay siyang naging bunga ng malabis na pagpaparangal kay Hesukristo ng may mas mataas pang antas kesa sa tunay na diyos.  Ang ganitong kakaibang patungkoy sa katauhan ni Hesus ay nagpakulimlim sa maraming pagkakaiba sa gitna ng Kristiyanismo at Islam.  Ang ilang halimbawa ay ang moral na pamamaraan o sistema at ang pagbibigay diin sa mga makataong prinsipyo.  Ito ay higit pang natakpan ng mga paniniwala ng mga Muslim ay naggawad kay Hesukristo tulad ng Pagkapanganak ni Hesus sa pamamagitan ni Maria.  Si Hesus (عيسى عليه السلام) ay nagpamalas na ng kanyang unang tanda o himala sa pamamagitan ng pagsasalita noong siya’y nasa duyan pa lamang at siya ay nagwika:
سورة مريم

فَأَشَارَتْ إِلَيْهِ قَالُوا كَيْفَ نُكَلِّمُ مَنْ كَانَ فِي الْمَهْدِ صَبِيًّا (29) قَالَ إِنِّي عَبْدُ اللَّهِ آَتَانِيَ الْكِتَابَ وَجَعَلَنِي نَبِيًّا (30) وَجَعَلَنِي مُبَارَكًا أَيْنَ مَا كُنْتُ وَأَوْصَانِي بِالصَّلَاةِ وَالزَّكَاةِ مَا دُمْتُ حَيًّا (31) وَبَرًّا بِوَالِدَتِي وَلَمْ يَجْعَلْنِي جَبَّارًا شَقِيًّا (32) وَالسَّلَامُ عَلَيَّ يَوْمَ وُلِدْتُ وَيَوْمَ أَمُوتُ وَيَوْمَ أُبْعَثُ حَيًّا (33)
Banal na Qu’ran (Surah Maryam [19]:29-33)
29 – At siya (Maria) ay tumuro sa kanya.  Sila ay nagsabi: “Paano kami makikipag-usap sa kanya na isang sanggol pa sa kanyang duyan?
30 – Siya (Hesus) ay nagpahayag: “Katotohanang ako ay isang alipin ng Allâh, ako ay Kanyang binigyan ng Kasulatan at ako ay hinirang Niya na isang propeta;
31 – At ginawa Niya na nabibiyayaan ako saan man ako pumaroon, at nagtagubilin sa akin sa pag-aalay ng Salah (takdang pagdarasal), at (pagbibigay ng) Zakah (katungkulang kawanggawa) habang ako ay nabubuhay,
32 – At maging masunurin sa aking ina, at hindi Niya ako ginawa na maging ubog ng sama at malupit na pinuno;
33 – Kaya’t Salam (Kapayapaan) ang sumaakin sa araw na ako ay ipinanganak, sa araw na ako ay mamamatay, at sa araw na ako ay muling ibabangon sa pagkabuhay!”

....................................................................................................................................................

Ang sumusunod na dalawang salaysay ay naglalayon na maipahayag ang tunay na larawan ni Hesus sa Islam at upang maipaliwanag kung bakit ang mga Kristiyano ay lumihis sa kanyang orihinal na aral.  Ang unang salaysay ay nagbabadya rin na maraming iskolar at mga mapanuri, na magpahanggang sa ngayon ay nasa loob ng Kristiyanismo ay unti-unti ng dumadatal sa pagsang-ayon sa Islamik na pananaw ukol kay Hesus, na sa maraming pagkakataon ay di nila maintindihan.  Ito ay tumutugon sa aking pananalig at sa mga nagnanais malaman ang katotohanan na habang ang pang-agham at pang-Bibliyang pag-aaral ay sumusulong, ito’y nakapagdaragdag upang higit silang sumang-ayon sa Islam.  Samakatuwid, ang katotohanang pag-Islamik ay higit na nagiging tunay sa pagdaraan ng panahon.  Ang Diyos sa Banal na Qur’an ay nagpahiwatig nito sa sumusunod na talata:

سَنُرِيهِمْ آَيَاتِنَا فِي الْآَفَاقِ وَفِي أَنْفُسِهِمْ حَتَّى يَتَبَيَّنَ لَهُمْ أَنَّهُ الْحَقُّ أَوَلَمْ يَكْفِ بِرَبِّكَ أَنَّهُ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ (53)
Banal na Qu’ran: (Sura Fussilat [41]:53)
53 – (Hindi magtatagal ay) ipakikita Namin sa kanila ang Aming mga Tanda sa buong santinakpan at sa kanilang sarili; hanggang sa ito ay maging maliwanag sa kanila na ito (Qur’an) ang katotohanan.  Hindi pa ba sapat na ang inyong Panginoon ang saksi sa lahat ng bagay?

ANG ALLÂH - SIYA ANG TAGAPAGLIKHA NG LAHAT NG BAGAY
اللَّه هو خالق كل شئ
Ang ating nag-iisang Tagapaglikha ay walang kasarian.  Hindi ito puwedeng panlalaki o pambabae.  Tulad halimbawa kung ang Diyos alam nating lalaki yon at kung lagyan mo ng “a” sa dulo ay magiging Diyosa, baka mag-isip tayong mayroong babaeng diyos.  Kaya ang mga Muslim ay hindi puwedeng magbigay ng anumang anyo sa nag-iisang Tagapaglikha.  Wala sa isipan ng mga Muslim kung ang Diyos ay lalaki o matandang lalaki. Wala tayong kapahintulutan na magbigay ng anumang kahit na “biological figure”, o kaya’y “imagination”, o mag-isip ng kung ano ang kaniyang anyo. 
Sapagkat, sa katunayan, gaya ng nabanggit ko wala pang nilalang o kahit pa noong mga naunang nilalang ng Allâh سبحانه وتعالي  ang nakakita sa Kanya.  Kaya makikita natin na sadyang merong mga mananampalataya na naniniwala sa nag-iisang Diyos at meron din namang naniniwala na kapag binanggit ang ..”Ama namin nasa Langit”, ibig sabihin matandang lalaki ang Diyos.  Sa katotohanang hindi siya yon.  Kaya’t kinakailangan na kilalanin natin, alamin natin kung sino ang ating dapat sambahin upang sa gayon ay merong saysay ang ating pagdarasal.  Ito po ang Allâh سبحانه وتعالي .
Kaya makikita natin mga kapatid, kung susuriin natin ang ating pagiging Kristiyano, sa katunayan ay tinatawag din ang pangalang Allâh.  Tingnan niyo sa ating Simbahan Katoliko.  Kapag sinabi ng pari, o kaya ng mga pastor natin, “Praise the Lord” ano po ang isinisigaw natin, “Allaluya, Alleluya” o anumang pangungusap ang gusto mong itawag sa Kanya ay nandodoon ang pangalan Niya.  Nanggaling sa salitang, “ya Allahu”. 
Ngayon, ang punto rito sabi ng mga kapatid natin, pasensiya na kayo kung magbabanggit ako ng pananampalataya.  Ito ay hindi pangungutya bagkus kinakailangan lang natin suriin ng maayos o ilagay natin sa tamang kahulugan.  Tulad halimbawa ng mga kapatid nating saksi ni “Jehova”, sabi nila ang pangalan ng Diyos natin ay Jehova, bakit hindi nila isinisigaw ang Jehovaluya, o kaya ang mga kapatid nating El-Shadai, sinasabi na Yahweh ang pangalan ng Diyos natin, bakit hindi nila isinisigaw ang Yahweluya.  O kaya ang mga born again na sinasabing si Hesus ay Diyos, bakit hindi nila sinasabing Hesusluya.  Tingnan ninyo ang mga Ilokano, mga Ibanag o ibang mga lengguwahe, tulad ng sabi ko sa inyo, kapag nagkasala ang isang tao, sabi nila: “Allaka”, ibig sabihin lagot ka sa Diyos.  Kaya’t ito ang mga patunay mga kapatid na ang pangalan nang nag-iisang Tagapaglikha natin ay ALLÂH سبحانه وتعالي . 
Tinuruan pa tayo sa simbahan ng ganitong panalangin: “Our Father who art in heaven, hallowed be thy name”, papano yon? hallowed be thy name, ibig sabihin purihin ang pangalan mo.  Papaano mo pupurihin ang isang bagay kung wala siyang tipikal na pangalang umaayon sa Kanya.  Ang Kanyang pangalan ay puno ng pagpupuri na naririnig lamang natin sa mga Muslim.  Tulad ng mga sumusunod: “Allâhu Akbar”, pinupuri nila ang ALLÂH, ibig sabihin – Allâh سبحانه وتعالي  ang Dakila at Makapangyarihan sa lahat ng bagay. “Subhanah Allah”, pagpupuri ay sa nag-iisang Tagapaglikha.
Ito lang sa ilan sa mga simpleng patunay namin.  Maniwala tayo sa Kanya, kilalanin natin Siya at sundin natin Siya.  (Siya)  ang tunay  at  wala  ng  iba  pang nag-iisang Diyos maliban sa Allâh سبحانه وتعالي .  Siya ang tunay nating Tagapaglikha, sa kanya dumadalangin si Hesus kung papaano magpapatirapa at gumawa ng mga himala sa kapahintulutan ng Dakilang Tagapaglikha.  Papaano ba natin siya makikilala?  Ni kailan ay wala pang nakakakita sa Kanya, ngunit makikilala lang natin Siya sa pamamagitan na ating pag-aaral sa Kanyang mga nilikha.
Tulad halimbawa ang hangin, nakikita ba natin ang hangin? Hindi!. Pero, nararamdaman natin at ni hindi rin tayo nalulunod bagamat ito’y nakapalibot sa atin at isa sa nagbibigay buhay sa atin. Maging ang dahon ay gumagalaw ng dahil sa hangin at maging ang kanilang pagbagsak sa lupa ay kalooban ng Diyos, tanda ng kanilang pagsunod at isang tanda rin sa pagkilala at pagpapakilala sa Allâh سبحانه وتعالي , na kung papaano ang mga dahon ay sumusunod sa Kanya. Datapuwa’t maging ang tao din.  Kaya’t di man natin Siya nakikita (ang Allâh),  Ngunit Siya ay ipinakikilala ng Kanyang mga nilikha tulad ng mga tanda ng katotohanan.
Isa pang tanda (Ayat), ang buwan, nakalutang lang pero, hindi nalalaglag.  Iyong distansiya ng Araw at Lupa, milyon-milyon na ang nakakaraan ay hindi nagbabago ang pag-ikot ng daigdig.  At sabi ng mga sayantipiko natin na umiikot ito ng dalawang rebulusyon – isang ikot  para makabuo ng isang araw at isang ikot upang makabuo ng isang taon. 
Ngayon, ang tanong diyan ay ganito – “kung umiikot ito ng dalawang galaw, bakit hindi natin nararamdaman?”  Bilog ang daigdig at nasa labas tayo, totoo yon kasi nakikita natin ang buwan at mga bituin, bakit hindi tayo nalalaglag?
 
Ang mundo ay umiikot ng dalawang rebolusyon ngunit bakit ang mga tubig sa karagatan ay hindi tumatapon sa atin.  Bakit?  Dahil, sadya itong nilikha na may karunungan, perpekto, naka-plano, at nilikha ng Allâh سبحانه وتعالي , para tayo bigyan ng karunungan o katalinuhan na magagamit natin sa pag-aaral upang makilala natin na mayroon Tagapaglikha at sino mang nilalang Niya sa ibabaw ng mundo ay walang makakapantay sa karunungan Niya.


Ang ating nag-iisang Tagapaglikha ng langit at ng lupa, ay hindi rin marunong magpahinga at hindi natutulog.  Saksi Niya lahat ng galaw at kilos ng tao sa ibabaw ng lupa at kahit sa kaliit-liitang bahagi ng katawan natin, alam Niya lahat kung anong klase ang pagkatao meron tayo.  
Ang Allâh سبحانه وتعالي  ay nagsabi:

سورة البقرة

اللَّهُ لَا إِلَهَ إِلَّا هُوَ الْحَيُّ الْقَيُّومُ لَا تَأْخُذُهُ سِنَةٌ وَلَا نَوْمٌ لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ مَنْ ذَا الَّذِي يَشْفَعُ عِنْدَهُ إِلَّا بِإِذْنِهِ يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ وَلَا يُحِيطُونَ بِشَيْءٍ مِنْ عِلْمِهِ إِلَّا بِمَا شَاءَ وَسِعَ كُرْسِيُّهُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَلَا يَئُودُهُ حِفْظُهُمَا وَهُوَ الْعَلِيُّ الْعَظِيمُ (255)
Banal ng Qu’ran: (Surah Al’Baqarah [2]:255)
255 - Ang Allâh! La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang may Walang Hanggang Buhay, ang may Walang Hanggang Kapangyarihan (may sariling Kasapatan; ang Tagapanustos at Nangangalaga ng lahat ng mga nilalang). Ang antok at pagkaidlip ay hindi maaaring makapanaig sa Kanya. Siya ang nag-aankin ng lahat ng bagay sa mga kalangitan at kalupaan. Sino kaya baga ang makakapamagitan sa Kanya malibang Kanyang pahintulutan? Talastas Niya kung ano ang nangyayari sa Kanyang mga nilikha sa mundong ito (noon, pagkaraan, ngayon, bukas, sa kanilang harapan at sa kanilang likuran), at ang kanilang kasasapitan sa Kabilang Buhay. Sila ay hindi makakapagtamasa ng anuman sa Kanyang Karunungan maliban na Kanyang naisin. Ang Kanyang Kursi (Luklukan) ay sumasaklaw sa mga kalangitan at kalupaan, at Siya ay hindi napapagal sa pagbabantay at pagpapanatili sa kanila (mga kalangitan at kalupaan).  Siya ang Kataas-taasan, ang Pinakadakila. (Ayat-ul-Kursi).

.........................................................................................................................................................

Kaya gamitin natin ang ating talino (intellect at reasoning power o logical thinking) na ipinagkaloob sa atin upang sa ganon ay magiging tunay tayong alipin sa paningin Niya at sumusunod sa mga batas at kautusan Niya.  Binigyan tayo ng ating Dakilang Tagapaglikha ng isang malayang kaisipan (free will).  Ang malayang kaisipan na iyan ay gamitin natin sa tamang pamamaraan.  Huwag tayong hihiwalay sa mabuting aral, mga tanda (ayat), at pakinggan nating mabuti ang Salita Ng Karunungan.  Kapag nasumpungan natin ang katotohanan, kaalaman, at unawa, pahalagaan natin ang mga ito at huwag pabayaang mawala.  Sapagkat, ito ang magsisilbing gabay upang ang buhay na pinahiram sa atin ng ating nag-iisang Diyos ay magkaroon ng kabuluhan.  Ang tunay na pagbabalik loob ay tunay na nasa Allâh سبحانه وتعالي

Walang komento: