Ano nga ba ang ISLAM sa kasaysayan ng PILIPINAS?
Kapag napag-uusapan natin ang kataga o salitang muslim, ibig sabihin sa lahat ng sulok ng bansang Pilipinas ay meron ng mga muslim. Ang tawag nila sa amin bilang Kristiyano na naging Muslim ay mga “converted” ika nga o kaya’y yumakap sa Islam. Sa katunayan, kami na dating mga Kristiyano na nag-Muslim ay hindi namin tinatanggap itong kataga na ito sapagkat kung susuriin natin, kami ay hindi nagpapalit ng aming pananampalataya, bagkus kami ay bumabalik lang sa sariling “pinag-ugatan”, sapagkat ang mga ninuno natin ay dati ng mga muslim. Paano ba nangyari yan? Ito ang isa sa gusto kong ipaliwanag sa inyo (na naipaliwanag na rin ng mga kapatid nating muslim) at gusto kong ulitin sa inyo upang sa ganon ay malaman natin ang isang panig naman ng kasaysayan ng ating lupang hinirang (ang Pilipinas) na ating bansa. Sapagkat ang narinig lang natin o naging turo ng mga ibang naging Guro natin sa pag-aaral simula sa unang antas, o nabasa lang natin ay yaong isang panig.
Ngayon, ay ipaliliwanag ko naman hinggil sa isang panig (sa abot na aking makakaya) upang magkaroon tayo ng karagdagang kaalaman sa kasaysayan ng ating bansa. Ang katotohanang kasaysayan ng Islam sa Pilipinas.”
Sa aking matiyagang pananaliksik at pag-aaral, sa katunayan, ang Luzon, Visayas, at Mindanao ay tahanan o (populated) na ng mga Muslim simulat sapul. Kaya marami tayong naririnig na panga-pangalan ng ating mga ninuno tulad nina Rahah Lakandula, Datu Sumakwel, Datu Paiburong, Datu Dumalugdog, Rajah Kalantiaw, at marami pang naging Datu. Ang “Code of Calantiaw” ay alam nating tinatawag na “Sharia Law”. Ang Datu Puti, sa katunayan ay nakilala ko lamang bilang “Datu Puti” ng sukang paumbong na ngayon ay isang matagumpay at malaking kalakal sa Pilipinas. Dito ngayon natin tatalakayin ang kasaysayan ng Islam sa Pilipinas.”
Ang Islam ay nakilala sa Pilipinas noong 13 siglo sa pamamagitan ng isang Arabong Misyonaryo na si Sharif Makhdum na lumapag sa Sulu. Ipinagawa niya ang unang Masjid (Mosque) sa Pilipinas sa Tubig-Indangan, pulo ng Simunol, Lalawigan ng Tawi-Tawi. Ang natitirang bahagi ng Masjid ay makikita pa rin magpasa-hanggang ngayon sa dati niyang kinalalagyan. Si Makhdum ay namatay sa pulo ng Sibuto, Lalawigan ng Tawi-Tawi at ang kanyang puntod ay dinadayo ng mga turista hanggang sa ngayon.
Noong taon ng 1390, si Rajah Baginda ay dumating sa Bansa at pinagpatuloy ang pagpapalaganap ng Islam na sinimulan ni Sharif Makhdum. Si Abu Bakr, ay dumating sa Jolo noong 1450 at pagkatapos ay pinakasalan niya ang dalagang anak ni Rajah Baginda na si Putri (Princess) Paramisuli. Si Abu Bakr ang nagtatag sa tinatawag na Sultanate of Sulu na kung saan silang mag-asawa ang naging unang Sultan at Sultana.
Pagkatapos maitatag ang Islam sa Sulu, ang mga Muslim ay naglakbay patungong Mindanao sa pamumuno ni Sharif Kabungsuwan. Siya ay lumapag sa Maguindanao (Cotabato) sa taong 1475 at pagkatapos ay pinakasalan niya si Putri Tunina. Sila rin ang kauna-unahang Sultan at Sultana sa Maguindanaõ.
Sa paglipas ng maraming taon, maraming Datu na Muslim ang naglakbay sa Pilipinas pagkatapos marinig ang Magandang Balita sa magandang pagtanggap sa mga naunang Muslim. Magmula sa Borneo ay dumating ang sampung Datu na lumapag sa Panay . Ang mga Datung ito ay sina: Datu Puti, Datu Sumakwel, Datu Bangkaya, Datu Dumalogdog, Datu Paiburong, Datu Paduhinog, Datu Lubay, Datu Dumangsil, Datu Kalantiaw at si Datu Balensula.
Si Datu Puti ang siyang pinuno ng grupo ng mga Datu. Si Datu Puti ay dalubhasa sa paglalakbay at sila'y lumapag sa San Joaquin, Iloilo (ang pangalan nito noong una ay Siwaragan). Si Datu Puti at ang mga kasama niya ay binili ang mababang halaga ng lupa sa Iloilo na nagmula kay Marikudo, ang pinuno ng mga Ita. Nagtatag sila ng sarili nilang pamayanan. Nang ang pamilya ng mga taga Borneo ay naitatag sa Panay, si Datu Puti, si Datu Balensula at si Datu Dumangsil ay naglakbay muli at kanilang narating ang Batangas na sakop ng Luzon. Si Datu Balensula at si Datu Dumangsil ay nagtatag ng sarili nilang pamayanan at si Datu Puti ay nagbalik sa Borneo sa daang Mindoro at Palawan . Isinalaysay niya ang kanyang karanasan sa mga Borneans at dumami ang nabighani para makapunta sa Pilipinas.
Nang lumapag si Magellan sa Pulo ng Limasawa noong ika-16 ng Marso 1521, ang Pilipinas ay isa ng Bansa ng mga Muslim sa kadahilanang ang karamihan ng populasyon ay mga Muslim na. Pinatutunayan din sa kasaysayan na noong dumating si Legaspi (ang pumalit kay Magellan na napatay ni Lapu-Lapu), ang kaharian ng mga Muslim ay naitatag na sa Batangas, Pampanga, Mindoro, Panay, Catanduanes, Cebu, Bohol, Samar, Manila , Palawan, na hindi pa kasali ang solidong mga Pulo ng Mindanao .
Noong ika-13 ng Hunyo 1571, ang mga Kastila ang nagpasimula ng mainit na digmaan laban sa mga Muslim ng Maynila na pinamumunuan ng huling haring Muslim na si Rajah Soliman (ang pinuno ng mga Sultan sa Luzon).
Ipinagtangol ni Rajah Soliman ang kanyang kaharian ng buong tatag hanggang sa kahulihulihang hibla ng kanyang buhay na nangyari sa Bangkusay, (sa dalampasigan ng Tondo). Sa pagkatalo ni Soliman, ang mga Kastila ay nagdulot ng lagim sa Pulo ng Luzon . Pinatay nila ang mga lalaki at babae, matanda at bata. Ang mga Muslim sa karatig bayan ay nagtangol sa kanilang mga sarili hanggang sa kanilang huling hininga. Itak at palaso laban sa baril at kanyon.
Hindi lingid sa ating kaalaman na dumating ang Kristiyano sa atin na dinala ni Ferdinand Magellan. Dalawang bagay ang kanyang ginamit: “Krus at Espada.” Kung hindi ka makukuha sa doktrina ng Kristiyanismo ay kukunin ka sa pamamagitan ng espada. Kaya nga yong mga ninuno natin sa Luzon at Bisayas ay nakipaglaban sila kaya nga lang ang kanilang mga armas ay mga pulpol tulad ng itak, sibat kaya wala silang magagawa sapagkat itong mga kastila ang siyang mga “super power” noong panahon yaon. Meron na silang mga armas na pumuputok tulad ng mga baril at kanyon. At yan ang dahilan kung bakit marami sa ating mga ninunong Muslim ay nagbuwis ng kanilang buhay at marami sa mga iba ang puwersadong tumanggap o pikit-matang yumakap ng relihiyong kristiyano, sapagkat, kung hindi ka tumanggap ay papatayin ka nila. At pagkatapos ng mga pangyayari, itinatag ng mga Kastila na pangunahing lugar ang Maynila at nagplano sila na lusubin ang Visayas.
Sa maikling sandali, nalupig din nila ang Visayas. Ang mga Muslim na hindi namatay sa digmaan ay napilitang talikdan ang kanilang relihiyon at tanggapin ang Kristiyanismo. Pero ang mga matatapang at bayaning Muslim ay mas nilubos pa nilang mamatay kaysa sumira sa kanilang pananampalataya sa ALLAH سبحانه وتعالي . Ang mga katutubo na mahihina ang pananampalataya sa kanilang dating relihiyon ay pikit-matang tinanggap ang relihiyon ng mga Kastila.
Hindi huminto ang mga Kastila sa pagsakop sa Luzon at Visayas. Di pa sila nakuntento, pinangarap pa nilang masakop ang mayamang lupain ng Mindanaõ. Pero ang mga tribu ng Kalagan, Maguindanaõ, Iranon, Maranaw, Tausog, Yakan at Samar, nilabanan nila at pinahinto ang pangarap ng mga Kastila. Pero, umiral pa rin ang katarungan at di makakapayag ang Allah (Subhanahu Wa Taala) na wasakin nalang basta ng tao ang Relihiyong kanyang ipinagkaloob dito sa ibabaw ng lupa. At doon nagsimulang tumanyag ang digmaan ng mga “Muslim at Kastila.” Ngayon, ang iba sa mga ninuno natin ay tumakbong papuntang Mindanaõ kaya lumakas ang puwersa ng Mindanaõ.
Noong gustong gawing Kristiyano ang mga tao doon ay nakipaglaban sila. Ngunit, meron din’ na Christianized na mga lugar doon tulad halimbawa ang Zamboanga. Ngunit, ang mga lugar tulad ng Lanaõ, Tawi-tawi sulo, Maguindanaõ ay solido talaga na mga Muslim ang nakatira doon. At alam natin na ang mga Kastila ay namalagi sa atin ng mahigit na (300) three hundred years (katulad ng nabanggit ko), ganoon’ na lamang ang galit nila sa ating mga ninuno sa Mindanaõ at bakit kamo, dahil ang pamamalagi nila doon ay hindi nila na-Christianized ng solido. Kaya, ang ginawa nila ay nagtanim sila iyong tinatawag na “Muslim Image.” Yong mga anak ng mga ninuno natin na nandito sa Luzon at Bisayas, tayo ngayon na nasa 17, 18, 19, 20 generation ay iprinogram tayo, nai-brainwash nila tayo na … “ang mga muslim ay mamamatay-tao, mga pirata sa dagat, marurumi, maraming mga asawa, mga traydor, lahat na nang masasama tungkol sa mga Muslim ay itinanim na sa atin. At kung baga, iginisa tayong mga Pilipino sa sarili nating mantika. Sa katunayan, noong hindi pa uso ang pangingibang bansa ng ating mga kababayan (mga pilipino overseas worker), kapag nakarinig tayo ng katagang “Muslim” ay kaagad-agad iba na ang iniisip natin sa mga muslim. Bakit? “Tayo lamang ay biktima ng kasaysayan o (victim of history). Ganon’ din ang mga kapatid natin sa Mindanaõ ay naitanim din sa kanilang isipan na ang mga“Kristiyano” ay mga traydor, land grabber totoo yon, kaya maraming mga haka-haka sa atin at lahat na nang masasama tungkol sa Kristiyano ay naitanim na sa isipan ng mga kapatid natin sa Mindanaõ. Kaya, ngayon sa katunayan, kapag nagdikit ang “Muslim at Kristiyano” sa atin ay parang gasolina at apoy. Bakit? Ito ay kagagawan ng mga sumakop sa atin. Maraming mga bagay ang hindi natin maintindihan kung bakit nga ba magpa-hanggang ngayon ay hindi nagkaroon ng katahimikan ang Mindanaõ at patuloy na ginagamit ng mga mapagkunwaring lider o pulitika. Papaano nga ba magkakaroon ng kapayapaan ang isang pamayanan kung ang namumuno ay masama at walang takot sa Diyos? Hindi kailanman magkakaroon ng kaguluhan ang isang pamayanan kung ang motibo o intensyon ng isang pinuno ay para sa kapakanan ng bayan at kalayaan’ mamuhay ng tahimik ang mga tao. Magkakaroon ng takot ang mga mamamayan kung ang pinuno ay duwag sa kabutihan at matapang sa kasamaan. Hindi kailanman magkakaroon ng isang Abu Sayyaf sa isang pamayanan kung ang isang pinakamataas na opisyal o pinuno ay nasa puso niya ang kapakanan ng kanyang pamayanan. Sapagkat ang isang “tunay na muslim” ay sumusunod na kung ano ang kalooban at pinag-uutos ng ating Nag-iisang Diyos, na may kapayapaan at hindi gumagawa ng hindi makatarungan bagay. Makaranas man ng gutom o hirap ang isang tunay na muslim ay hindi gagawa iyan ng masamang bagay kagaya ng pagpatay sa inosenteng tao na kapalit ay pera. Masasabi kong muslim sila sa pangalan kagaya ng Abu Sayyaf at iba pang taliwas sa turo ng Islam, subali’t sila’y mga taong tulisan na sumisira sa magandang imahe ng Islam at taliwas sa tunay na aral ng propeta at sa huling banal na aklat. Huwag natin isipin na ang Mindanaõ ay pugad ng rebelde, dahil, nananatiling may tunay na muslim ang nagtuturo ng kapayapaan at makatarungan. Walang pinag-iba kung papaano tayo sinakop ng mga bandidong kastila noon, may natirang matatag na muslim at hindi naging mahina dahil lamang sa pagsubok ng tadhana. Kung bababalikan natin ang nakaraan, mapag-aaralan natin kung papaano nga ba nagsimula ang kaguluhan.
Sa paglipas ng mga panahong pakikipagdigma at sa kauna-unahang pagbubukas ng ekonomiya ng bansang Pilipinas sa mundo noong ika-19 siglo. Ang pag-angat ng mga masigasig at makabayang burgis, binubuo ng mga edukadong katutubong Pilipino, mga Kastila at creole na ipinanganak sa Pilipinas, mga mestisong Espanyol at Tsino, silang mga ilustrado ang nagpahiwatig ng pagtatapos ng kolonyalismong Kastila sa kapuluan. Naliwanagan sa kilusang Propaganda na nagsiwalat sa kawalang-katarungan ng pamahalaang kolonyal, sama-sama silang sumigaw sa kalayaan. Inaresto, nilitis, binigyang-sala, hinatulan ng kamatayan at binaril si José Rizal, ang pinakasikat na propagandista, noong 1896 sa Bagumbayan [ngayo’y Luneta] dahil sa mga akto umano ng pagpapabagsak ng pamahalaan. Naglaon at pumutok ang Himagsikang Pilipino na pinangunahan ng Katipunan, isang lihim na rebolusyonaryong lipunan na itinatag ni Andrés Bonifacio at napamunuan din ni Emilio Aguinaldo. Halos tagumpay na napatalsik ng rebolusyon ang mga Kastila noong 1898. Noong taong ding yaon, magkadawit ang Espanya at Estados Unidos sa Digmaang Kastila-Amerikano. Natalo ang Espanya at ipinasiya nilang ipasa ang kanilang mga kolonyang Pilipinas, Guam, Kuba, at Puerto Rico sa Estados Unidos. Binayaran naman ng Estados Unidos ang Espanya ng 20 milyong dolyar para sa mga ito, gayong nakapag-deklara na ng kalayaan ang Pilipinas. Ang pagtanggi ng Pilipino sa panibagong pananakop, ngayon ng Amerikano, ang nagtulak sa Digmaang Pilipino-Amerikano na natapos umano noong 1901 ngunit nagpatuloy hanggang 1913. Sa wakas, ipinagkaloob noong 1946 ang kalayaan pagkatapos ng maikling pananakop ng bansang Hapon noong Ikalawang Digmaang Pangdaigdig, pagkatapos ng huling pagkatalo ng bansang Hapon noong 1945. Ang huling pagbabalik ng puwersang Pilipino at Amerikano para sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas mula Oktubre 20, 1944 hanggang Setyembre 2, 1945. Taon ng pagbawi at muling pagbangon pagkatapos ng giyera ang mga sumunod na taon, ng karahasan sa sibilyan dulot ng mga maling haka-haka at pagpaparatang sa tinawag nilang diktadurang Ferdinand Marcos na napatalsik noong 1986. Katotohanang, ito ang isang napakalaking pagkakamaling nagawa ng mga Pilipino at naging sanhi upang magkaroon ng pagkakataon ang mga taong ganid sa kapangyarihan at pagnanakaw na ikina-bagsak ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ngayon wala na sila (mga dayuhan) at ang mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay upang ipaglaban ang lupang hinirang. Subali’t hanggang doon lamang natapos ang lahat, sapagkat, sinamantala ng mga taong maiitim ang budhi ang kapangyarihan. Ipinagpalit ng mga tao ang EDSA Rebolusyon sa kadahilanang panunulsol ng mga mapag-panggap na lider na ganid sa panunungkulan at material na bagay. Hindi man lamang naisip ng mga tao ang nakaraan kung papaano ipinaglaban ng ating mga ninuno ang ating bayan sa mga dayuhan. Alam nating lahat, kung ano ang bandila na itinataas sa Mindanaõ ay gayundin sa Luzon at Bisayas. Mga ninuno natin sila na nakipaglaban para manatili ang kapayapaan at ating“kultura at tradisyon”. Ang aral na ating mapupulot dito ay mulat-sapol ang ating mga ninuno ay nakikipaglaban sila sa mga dayuhan para sa kapayapaan at kalayaan, ngunit sa ngayon ang kinakampihan pa natin ay yaong mga umalipin sa atin. Ano ba ito? Kaya mag-isip-isip tayo sapagkat yan’ ang tunay na nangyayari sa atin magpasa-hanggang ngayon at tuluyan nang nawalan ng pagkakaisa (unity) mga Pilipino. Puros kasinungalingan at walang isinasangkalan ang mga mapagpanggap na lider kundi …para sa bayan.” Kaya’t hanggang ngayon ay nawalan na ng pag-asa ang mga taong mahihirap at hindi na nagkaisa ang mga tao at nawalan na rin ng tiwala sa isa’t-isa. Maging ang mga kapatid nating mga Muslim ay napabayaan kung kaya’t magpasa-hanggang ngayon ay tuloy ang pakikipaglaban. Lalong nasira ang relasyon ng Muslim at Kristiyano sa kadahilanang walang sapat na magandang layunin ang namumuno sa gobyerno. Kagaya nalang sa mga programa sa telebisyon o maging sa stasyon ng radyo, kapag nagbalita sila ng tungkol sa krimen at sasabihin nila kaagad na: isang Muslim o balik Islam ang nahuling kasabwat sa nangyaring insidente o di kaya naman, mga Muslim na namutol ng ulo, nahuling nagtutulak ng droga, atbp.” Pero, kung ibang tao ang kanilang nadampot, hindi nila ito sinasabi o kasama sa balita nila na isang Kristiyano o ibang sekta ng relihiyon ang nahuli sa insidente. Makatarungan ba ang kanilang ginagawang paghahatid ng balita sa madla?
Kung papansinin natin ang naging buhay sa Pilipinas sa ngayon, daig pa natin iyong isang butiki na pilit niyayakap ang malaking poste, at kung baga, “survival of the fittest”. Sabi nga ng mga mananalaysáy (historian) natin, kung hindi nga lang tayo sinakop ng mga dayuhan at ipinagpatuloy ang magagandang programa ni Ferdinand Marcos, ang bansang Pilipinas ay isa na sa pinaka-maunlad at marangal na bansa. Kaya tuloy ngayon, nagkaroon ng kaniya-kaniyang adhikain ang mga Pilipino at dahil na rin sa hindi na-Christianized ng husto ng mga Kastila ang Pilipinas. Tingnan natin ang Pangasinan, may lugar doon na tinatawag na Aluminus, galing sa salitang Arabik yan na Al-Amin na ang ibig sabihin ay mapagkatiwalaan. Tulad din sa mga Ilokano, sa mga Ibanag o ano pa mang lingguahe, kung nagkasala ang isang tao, sabi nila .. “alla ka” na ang ibig sabihin ay nagkasala ka sa tao at ganon din sa Diyos na ang pangalan ay Allâh. Sa mga Itawis mayroong tinatawag na Al-Affu, salitang Arabic din yan, in English means... “the pardoner”. Iyong maraming mga leading proof na karamihan sa atin’ mga ninuno ay Muslim na. Maliban na lamang sa mga hindi nararating ng mga paliwanag tulad ng mga Igorot, Itas at ano pa man. At ngayon, ang punto roon kung hindi pa tayo sinakop ng mga mananakop, tingnan niyo ang mga Islamic Countries, tulad ng sabah ng Brunei, Malaysia, Indonesia, ito yong mga neighboring countries natin na sa katunayan po ay sana ngayon ay mga Muslim na tayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento