Ang mga ninuno natin
ay mga orihinal na Muslim at kung ating susuriin ng husto ang kasaysayan makikita’t malalaman ang katotohanan kahit pa
sa sarili nating Wikang Pilipino.
Karamihan sa mga naunang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas ay ginawa ng
mga prayle upang magampanan ang kanilang misyon na gawing Kristiyano ang mga
tao sa Pilipinas.
Kaya’t hindi nakapagtataka na ang unang publikasyon ay ang Doctrina Cristiana sa wikang Tagalog – na nalimbag noong 1593 – at iba pang mga babasahin na may kaugnayan sa misa at sa pananampalataya at katesismo. Sila ay nagpalabas rin ng mga diksyunario, mga libro sa gramatika ng mga wika na kanilang pinag-aralan. Marami ang pag-aaral na nagawa sa wikang Tagalog. Sa pagitan ng mga taong 1593 at 1648, may mga 24 na libro na ang nalimbag sa wikang Tagalog; lima sa Bisaya; tatlo sa Pampanga, dalawa sa Bikol; at isa sa Ilokano. Ang unang libro sa Pangasinense ay nalimbag sa taong 1689. Marami pang mga libro sa gramatika, bokabularyo, at iba pang babasahin at pag-aaral ang nalimbag pagkatapos nito dahil sa pagkakaroon ng imprenta sa apat na orden ng mga prayle na itinalaga sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas batay sa hatian sa Pilipinas noong taong 1594.
Ang Dominican na itinalaga sa Pangasinan at Cagayan ay nagkaroon ng sariling
imprenta sa 1593, ang mga Franciscan naman sa Camarines ay nagkaroon nito noong
1606, ang mga Heswita na siyang kahati sa mga Agustinian sa kapuluan ng Bisaya
ay nakapagtatag nito sa 1610, at ang mga Agustinian na siya ring may hawak sa
Ilocos at Pampanga may imprenta na sa 1618.
Sa wikang Pilipino ay
iilan lamang sa nabanggit sa mga naisulat ng mga prayle sa panahong ito. Samakatuwid, malinaw na malaki ang
kontribusyon ng mga Kastila sa linggwistiks sa Pilipinas dahil sa mga
panimulang pag-aaral at panrelihiyon na nagsilbing hakbang tungo sa
siyentipikong pagsusuri ng mga wika sa Pilipinas sa mga iskolar na sumunod sa
kanila. Dagdag nito, ang kanilang mga
pag-aaral ay iniingatan ng kani-kanilang mga orden kaya ang karamihan nito ay
makikita pa hanggang ngayon, bagama’t nakamicrofilm o nakaarkibo na o
naka-exhibit na lamang sa Rare Books ang Manuscript Sections sa kanilang
aklatan o sa mga pambansang aklatan. At
pagkatapos nito sumunod naman ang siyentipikong pag-aaral sa wika ay nagsimula
pagdating ng mga Amerikano.
Kaya’t napakaliwanag
na katibayan ang ipinamalas ng mga sumakop sa Pilipinas at maging ang orihinal
nating wikang Pilipino at orihinal na relihiyon ay kanilang pinangasiwaan upang
makontrol ng husto ang ating pamumuhay. Kaya’t simula noon at magpasa-hanggang
ngayon ay walang pinagkaiba ang naging buhay Pilipino at ang dating “Perlas
ng Silanganan” ay naging lansangan na lamang. Kung tunay na may magandang layunin ang mga
sumakop sa Pilipinas disin sana’y isa na rin sa mga bansang maunlad at
iginagalang ng mga banyaga. Nguni’t
sadyang napakahirap ng ibalik ang dating kislap ng watawat ng Pilipinas at ang
ating magigiting na manlulupig na di pasisiil sa mga dayuhan para lamang
ipagtanggol ang Lupang Hinirang – ay nawalan ng saysay lahat ng kanilang
ipinaglaban.
Ang Pilipinas simula
nang makalaya (kuno) tayo sa mga kuko ng mga Kastila na ginamit ang pangalan ng
Poong Maykapal para takutin at abusuhin ang ating mga ninuno, pero mayroon bang
nagbago sa buhay ng mga máralitang Pilipino nang pamunuan tayo ng ating mga
sariling kababayan? Hangga’t
nangingibabaw sa ating mga lider ang pansariling interes (gaya ng mga sumakop
sa atin), huwag na tayong umasa na sa kanilang kamay ay uunlad tayo. Namatay na lang ang ating mga ninuno at ang
sumunod pang salinlahi na hindi natupad ang pangarap na umunlad ang buhay sa
kuko ng mga mapagpanggap na lider ng mga Pilipino. Kung ating susuriin ang buhay ng mga
pulitiko, mayroon bang mahirap sa kanila?
Walang pulitikong naghirap, ang mayroon lang ay lalong umunlad ang
kanilang buhay, gumara ang kanilang buhay simula nang pasukin ang pulitika. Subalit ang mga mahihirap ay lalo pang
naghihirap.
Ganyan ang naging
bunga ng buhay natin sa Pilipinas simula nang sakupin tayo at makalaya sa mga
kuko ng mga Kastila, Amerikano, at Hapón.
Sa mga ipinamana nilang katuruan o kaugalian ang siyang nagbigay wakas
sa pag-asa ng mga taong maralita. Naging
ganid sa kapangyarihan at pera ang mga naging lider ng Pilipinas. Hindi nga nakuhang sakupin ng mga dayuhan ang
ating bansa sa pamamagitan ng sandata, ngunit, sa pamamagitan ng pera ay unti-unting napasakamay ng mga banyagang ganid sa
yaman at kalikasan ng Pilipinas.
Winston Churchill, Franklin D. Roosevelt,
and
Joseph Stalin at the Yalta
Conference in 1945
Kaya’t kung kami man
na dating mga Kristiyano na nag-Muslim o yumakap sa Relihiyong Islam, sa
katunayan ay hindi kami nagpapalit ng aming pananampalataya o Relihiyon,
bagkus, bumalik lang kami sa sariling pinag-ugatan dahil iyan ang
katotohanan at sinasabi ng kasaysayan.”
Sapagkat ang relihiyong Islam ay isang pangkalahatang mensahe batay sa Aqeedah
(prinsipyo) ng Pagkilala at Pagsamba nang tuwiran sa Tanging Isang Tunay na
Diyos (Allâh سبحانه وتعالي ).
Kaya’t ang layunin ng
lathalaing ito ay upang bigyan ng katiyakan, lalo na yaong bagong yumakap sa
Islam, sa tamang prinsipyo ng pananampalatayang ito. Ang hindi pagsasaalang-alang ng prinsipyong
ito ay nagbibigay-daan sa bagong Muslim upang madaling mahikayat ng mga
naliligaw na pangkat o samahan na may maling pananaw sa Kaisahan ng Allâh سبحانه وتعالي,
bagaman sila’y nag-aangking mga Muslim.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento