Translate

Sabado, Agosto 3, 2013

ANG PANINIWALA SA TATLONG PERSONA

عقيده الثالوث.

Isa rin halimbawa naman yaong mga taong hindi naniniwala sa mga imahen at rebulto, ito iyong mga Protestante at mga ibang sekta na nagsitayo ng kani-kanilang pangkat.  Ngunit, kapag nagdarasal sila ay sinasabi nila ang ganitong panalangin: “hinihingi ko po ito sa pangalan ni Hesus, Amen.”

Sa Relihiyong Islam, mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng tinatawag na tagapamagitan (mediator), sapagkat; ito ay taliwas din sa paniniwala natin sa nag-iisang Diyos, na Siya ay Maalam at batid Niya ang lahat ng bagay.  Ngayon, bakit pa tayo lalapit at bakit pa tayo magkakaroon ng padrino, sapagkat, ang punto rito bago mo palang sasabihin o iniisip pa lamang ang gusto mong hingin sa Diyos, ay batid na Niya simulat sapul pa lamang.  Kaya’t nagkakaroon ng ika nga ay “salungat” sa paniniwala at tamang pagsamba sa nag-iisang Diyos.  Sa Islam ay makikita natin na solido o purung-puro ang paniniwala sa Dakilang Tagapaglikha.  Tinutuldukan nito ang Kaisahan ng Diyos, ang Manlilikha.  Kapag naniwala ka sa nag-iisang Diyos, kinakailangan na ang pagsamba o paggawa ng Ibadha[1], ang pag-aalay mo, ang pag-aayuno mo, ang pagdarasal mo o panalangin mo ay para lang sa Kaisahan Niya at wala nang iba pa.  Sapagkat, bago mo pa lamang sasabihin o iniisip pa lamang ay talos na niya ang nasa puso’t pag-iisip mo, kaya’t dumeretso ka ng may tapat at pananalig sa Kanya.”  Ang talata ng Banal na Qu’ran ay nagsasaysay:
سورة البقرة

قُولُوا آَمَنَّا بِاللَّهِ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْنَا وَمَا أُنْزِلَ إِلَى إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَالْأَسْبَاطِ وَمَا أُوتِيَ مُوسَى وَعِيسَى وَمَا أُوتِيَ النَّبِيُّونَ مِنْ رَبِّهِمْ لَا نُفَرِّقُ بَيْنَ أَحَدٍ مِنْهُمْ وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ (136)

Banal na Qu’ran (Surah Al’Baqarah [2]:136)
136 - Ipagbadya (O mga Muslim): “Kami ay sumasampalataya sa Allâh at sa kapahayagan na ipinagkaloob sa amin, at (sa mga ipinahayag) kay Abraham, Ismail, Isaac, Hakob at sa (labindalawang) Tribu, at sa mga ipinahayag sa (lahat) ng mga Propeta mula sa kanilang Panginoon. Kami ay hindi nagtatakda sa kanila ng pagtangi-tangi at sa Allâh lamang kami ay tumatalima.”


Katotohanan, kami ay naniniwala sa nag-iisang Tagapaglikha, na ang tagapaglikhang yaon, na ang Kanyang katangian ay kinikilala lamang namin sa akma o tamang pagkakilala.  Tulad  halimbawa: "ang Islam ay mahigpit din nagbabawal na maniwala, na ang nag-iisang Tagapaglikha ay may kapareha o kasama.  Halimbawa, may ibang sekta ng Relihiyong Kristiyano na naniniwala sa Doktrinang Trinidad na ang Diyos ay three in one or one in three.  The three are, god the father, god the son, god the holy spirit.  It holds that each of these three is God and the three together make God.  This doctrine is called the trinity, which is as one has put it, the most mysterious mystery or  mysteries.  But if we are going to analyze this dogma, with an open mind and an open heart, this cannot be perceived or cannot be accepted by our human mind and it is against the concept of the oneness of God.”

Holy Trinity at the church of the Assumption, Ufford, Suffolk. The old man holding the cross represents God the Father, the young man on the cross is God the Son, and the descending dove is the Holy Spirit.  The conventional English medieval representation recreated in the 1920s.

Mula sa King James Version, nakasulat ito sa unang sulat ni (Juan 5:7-8) - Sapagka’t tatlo ang may hawak ng talaan sa langit, ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu Santo: at ang tatlong ito ay iisa. At may tatlong nagpapatotoo sa lupa, ang espiritu, at ang tubig, at ang dugo: at ang tatlong ito ay nagkakaisa”.

Ang pahayag na ito ay nasa “King James Version” na inilimbag noong 1611, at nagsilbing pinakamalakas na katibayan ng Doktrina ng Trinidad.  Ngunit ngayon, ang bahaging ito. “ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu Santo: at ang tatlong ito ay iisa,” ay inalis na sa Revised Standard Version ng 1952 at 1971, at sa iba pang mga Bibliya, dahil ito ay komentaryo na nakapasok sa Tekstong Griego.  Ibig sabihin lamang nito, napakarami ng “revised or revision” ang Bibliya at kung baga, pinalitan o napalitan na o di kaya ay nadagdagan o nabawasan, tama po ba? At magpasa-hanggang ngayon walang tigil ang pagbabago o revision sa aklat ng bibliya.

The Revised Version (RSV) is an English translation of the Bible published in the mid-20th century.  It traces its history all the way back to William Tyndale’s New Testament translation of 1525 and the King James Version of 1611.  The RSV is a comprehensive version of the King James Version (KJV), the Revised Version (RV) of 1881-85, and the American Standard Version (ASV) of 1901, with the ASV being the primary basis for the revisions.
The RSV posed the first serious challenge to the popularity of the KJV, aiming to be a readable and literally accurate modern English translation of the Bible.  The intention was not only to create a clearer version of the Bible for the English-speaking church, but also to “preserve all that is best in the English Bible as it has been known and used through the centuries” and “to put the message of the Bible in simple, enduring words that are worthy to stand in the great Tyndale-King James tradition.”

The RSV was published in the following stages:

·         New Testament, First Edition (1946; originally copyrighted to the International Coucil of Religious Education)

·         Old Testament (and thus the full Protestant Bible) (1952)

·         Apocrypha (1957)

·         Modified Edition (only a few changes) (1962)

·         Catholic Edition (NT 1965, Full RSV-CE 1966)

·         New Testament, Second Edition (1972)

·         Common Bible (1973)

·         Apocrypha, Expanded Edition (1977)

·         Second Catholic Edition (2006)

Kahit sa mga nakaraan siglo kung ating susuriin, ang Bibliya ay isinalin sa wikang Inglès ng maka-ilang-beses.  Una na rito ay si William Tyndale na hindi sumang-ayon na diktahan siya ng Pope (papa) sa kadahilanang ipinababago ang tunay na kahulugan ng pagsasalin ng Bibliya.  Sabi nga ng isang malapit na kaibigang doktor ni William Tyndale: “Do you know that the pope is very Antichrist, whom the Scripture speaketh of?” But beware what you say; for if you shall be perceived to be of that opinion, it will cost you your life,”  ang naging babala ni William Tyndale sa matalinong doktor na mag-ingat ng pagbibitaw ng salita laban sa papa dahil maraming galamay ito.  Ngunit sadyang namutawi sa bibig ng doctor ang katotohanan at siya ay nagsabi pa: “We were better to be without God’s laws than the pope’s.”   Nanindigan rin si William Tyndale na hamunin ang papa at ang sabi: “I defy the pope, and all his laws;” and added, “If God spared him life, were many years he would cause a boy that driveth the plough to know more of the Scripture that he did.

Dahil sa gustong ipapatay si William Tyndale, tumakas siya at pumaroon sa Hamburg noong taong 1524 at habang siya’y nagtatago, muli niyang sinimulang isalin sa tama at tunay na texto ang Bagong Tipan, maging sa Lumang Tipan ay marami siyang naging pagsasalin sa tama nitong texto.  Matapos ang pagsasalin niya sa Luma at Bagong Tipan ng Bibliya, siya’y ipinagkanulo ng mga taong pinagkatiwalaan niya at siya’y nakulong.  Habang siya ay nakapiit sa bilangguan nagawa nilang sirain ang kanyang pagkatao, hanggang siya ay ipapatay sa pamamagitan ng walang-awang pagbitin ng kanyang leeg at sunugin ng buhay.

William Tyndale
Protestant reformer and Bible translator
Born   ca. 1494
Gloucestershire, England
Died   September 6, 1536
Near Brussels, Belgium

Bago namatay si William Tyndale sa taong September 6, 1536, sumulat ito ng mensahe sa Inglaterra na ang sabi: “Oh Lord, open the King of England’s eyes.”  Ang iniwan niyang sulat sa kanyang kaibigan na si John Frith na ganito ang mababasa: “I call God to record against the day we shall appear before our Lord Jesus, that I never altered one syllable of God’s Word against my conscience, nor would do this day, if all that is in earth, whether if be honor, pleasure, or riches, might be given me.”

Napaka-simpleng mensahe ang isinulat ni William Tyndale para sa Inglaterra bago ito pinatay at kung uunawain  ng husto ang mensaheng ito, matutukoy natin ng husto kung bakit nga ba nagkaroon ng maraming pagsasalin ang kinapapalooban ng Bibliya sa tunay nitong kahulugan.  Binanggit mismo ni William Tyndale na hindi kaya ng kanyang budhi ang baguhin ang Banal na Salita ng Diyos sa kadahilanang mas ginusto pa niyang maging martir sa paningin ng Diyos kaysa sa mga taong walang takot gumawa ng sarili nilang hukay tungo sa impiyerno.
.........................................................................................................................

ARIANISM, MACEDONIANISM, APOLLINARIANISM and THE CAPPADOCIAN FATHERS:
As seen in article on Church and State, Arianism was a problem for the Church for some fifty years after the Council of Nicaea in 325 until the articles of this Council were reconfirmed by the Council of Constantinople in 381. 
To refresh our minds: Arian, a priest, teaching in Alexandria declared that the Logos is no more than a power or quality of the Father.  Before time began the Father had created the Son by the power of the Word to be His agent in creation.  The Son was not therefore to be identified with the Godhead, He was only God in a derivative sense, and there was once when he did not exist. 
Hence the ditty sung by Arius’ supporters in Alexandria, “there was a time when he was not.”  Thus the Logos was not eternal, and therefore Arianism denied also the doctrine of the Trinity as personal distinctions were not eternally present within the nature of God.  (Wand 1955, p.41)
..........................................................................................................

Lingid sa kaalaman ng lahat ng Kristiyano ang katotohanan tungkol sa tinatawag o kinikilala nilang Trinidad (Trinity), ay  hindi kailan man matatagpuan sa orihinal na kasulatan ng Bibliya.  Wala ni ano mang naging kapahayagan ukol dito sa tinutukoy na Trinidad.  Isang katotohanan na silang mga naunang tinawag na Kristiyano ang siyang sumang-ayon sa Bibliya, sila mismo ay may makatuwirang paniniwala na ang Diyos ay nag-iisa lamang.  Tinawag silang mga Unitarian.  Sapagkat pinawawalan nila ng saysay ang tinawag na doktrina Trinidad. Tunay nga silang mga Kristiyano na matatawag dahil nananalig lamang sila sa Kaisahan ng Diyos at sila ay tunay na tagasunod sa aral ni Hesus عيسى عليه السلام.  Ang kinikilala nilang master, guro o mesaya.  Hindi naging madali ang naging pakikipaglaban nila dahil maraming buhay ang kinitil sa katotohanang kanilang pinaniniwalaan.
Ang pangyayaring ito ay naitago sa kaalaman ng lahat ng Kristiyano na tinatawag ding Katoliko. Maliban na lamang sa iilan na nagtikom ng kanilang mga labi upang maitago ang katotohanang magpapalaya sana sa mga Kristiyano.  Kung kaya’t tuluyan na ngang naligaw at naipako sila sa maling aral.  Ito na ang nagsilbing haligi ng kanilang pananampalataya ang pagkakaroon ng tatlong persona o trinidad.
Tulad ko rin, maging ako ay naipako sa ganitong katuruan noong ako ay isa pang Kristiyano.  Ngayon ako ay isa ng ganap na Muslim, Isang “Katanungan” kung bakit?  Bakit nga ba hinahayaan nating maipako sa ganitong aral o katuruan gayung meron naman tayong malayang kaisipan.  Hindi ba’t napakahirap isipin ang sinasabi nila (mga Kristiyano ngayon) na ang Diyos ay nag-iisa na kumakatawan sa tatlong persona.  Tulad halimbawa; si Hesus ay anak ng Diyos, si Hesus ay ang Diyos na nagkatawang tao.  Sila ay iisa lang na parehong Diyos.  Ang Ama at Anak ay co-equal at co-eternal pero iisa lang sila.

Ang ganitong konsepto ay hindi matanggap ng mga naunang Kristiyano noon.  Hanggang dumatal ang taong 325 C.E.  Ang Konseho ng Nicea ay sumunod sa ilalim ng pamumuwersa ng Roma.  Ito’y tatlong daan taon matapos ang Ministeryo ni Hesus عيسى عليه السلام.  Kinailangang gumamit ng sandataang puwersa upang makamit ito ng Roma.
Ganun din, ang Banal na Espiritu ay hindi ipinaliwanag bilang isang tagapatnugot ng mga SALITA upang ibaba sa mga Propeta para sa lahi ng Amang si ADAM ( آدَم عليه السلام ).  Ang tinutukoy na Banal na Espiritu ay ang mga Anghel sa Kalangitan gaya ni anghel Gabriel (Jibril).  Bagkus, ipinangaral nila ito bilang isang persona at pangatlong bahagi sa pagka-Diyos hanggang sumapit ang Konseho ng Constantinople noong 381 C.E.

Emperor Constantine I presents a representation of the city of Constantinople as tribute to an enthroned Mary and baby Jesus in this church mosaic. St Sophia, c.1000


Ang kabuuang kondisyon ng doktrina ay hindi napagkasunduan hanggang sumapit ang Konseho ng Chalcedon noong 451 C.E.  Ganoon pa man, walang kasunduan kung sa paanong paraan ito kumikilos.  Sa panahong yaon, ang mga Katoliko sa huli ay pinahayag (mula sa Konseho ng Toledo) na ito’y nagbuhat mula sa Ama at sa Anak (na parehong Diyos), at ang Orthodox ay hindi sang-ayon, sinasabing ito’y nagbuhat mula sa Ama lamang. 
Paano nga ba narating ng mga Kristiyano ang ganitong di-pangkaraniwang kalagayan ng paniniwala na kung saan ang Diyos na napag-pasiyahan noong ika-apat na siglo ay hindi ang Diyos ng sina-unang Iglesia?  Ano pa ba ang ibang mahalagang pagbabago na nangyari na hindi nalalaman ng mga Kristiyano at hindi sila magkaisa sa kanilang layunin?

Ang kasagutan ay may mga napakaraming pagbabago.  Katulad na lamang ng pagbabago sa pagsamba ng Sabt[2] (Sabado) na naging Linggo at mula sa pagdiriwang ng Paskua (Passover) na ginawang pagdiriwang ng paganong kapistahan ng Mahal na Araw (Easter).  Ang ginawang araw ng pagdiriwang ng mga pagano na tinatawag na pasko (Christmas) ay siya na ring sinusunod ng mga Kristiyano.  Ngunit hindi naman sinang-ayunan ng ibang sekta ng Kristiyano tulad na lamang ng Iglesia ni Kristo, atbp.
Kaya’t kung susuriin natin ng husto, ang konseptong “Tatlong Persona sa Isang Diyos” o itong tinatawag na “Doctrine of Trinity” ay nagsimula lamang pagkaraan ng maraming taon nang lumisan si Hesus ( عيسى عليه السلام ) sa daigdig. Walang alinlangan, na ang konseptong ito ay hindi aral o batas na pinairal ni Hesus at maging ang mga nangaunang tunay na propeta ng Diyos sa buong kasaysayan.  Ang katotohanan, ang mga iniwang tunay na disipulo ni Hesus ay patuloy na sumusunod sa Kaisahan ng Diyos hanggang taon 90 A.D.  Ang paniniwala sa Kaisahan ng Diyos ay nakasulat sa “Shepherd of Hermas  na naisulat sa panahong ito at isinasaalang-alang bilang banal na kapahayagan ng mga naunang Kristiyano.

Hanggang sa ng lumaganap ang Roman Church Doctrine.  Dito na nga nangyari na yaong mga tunay na Kristiyano ay pinagpapatay dahil sa hindi pagsang-ayon sa dimakatuwirang Doktrina ng Trinidad.  Sa taong 190 A.D., isa sa mga kasapi ng apostol ng simbahan katoliko na si Iraneus ay lumiham kay Pope Viktor upang itigil ang pagpatay sa mga tunay na Kristiyano.  Ang katotohanan pa nito, karamihan sa kasapi ay lider ng simbahan katoliko na ganap na sumunod sa simpleng aral ni Hesus ( عيسى عليه السلام ).

The Shepherd of Hermas – (sometimes just called The Shepherd) is a Christian work of the second century, considered a valuable book by many Christians, and occasionally considered scriptural by some of the early Church fathers.  The Shepherd had great authority in the second and third centuries.  It was cited as Scripture by Irenaeus  and Tertullian and was bound with the New Testament in the Codex, Sinaiticus, and it was listed between the Acts of the Apostles and the Acts of Paul in the stichometrical list of the Codex Claromontanus.  Some early Christians, however, considered the work apocryphal and false.
The work comprises five visions, twelve mandates, and ten parables.  It relies on allegory and pays special attention to the Church, calling the faithful to repent of the sins that have harmed it.
The book was originally written in Rome, in the Greek language, but a Latin translation was made very shortly afterwards. Some say this was done by the original author as a sign of the authenticity of the translation, though others dispute this. Only the latin version has been preserved in full; of the Greek, the last fifth or so is missing.

Saint Irenaeus
Irenaeus:  (b.2nd century; d. end of 2nd/beginning of 3rd century) was bishop of Lugdunum in Gaul, which is now Lyon, France. His writing were formative in the early development of Christian theology, and he is recognized as a saint by both the Eastern Orthodox Church and the Catholic Church; both consider him a Father of the Church. He was a notable early Christian apologist. He was also a disciple of Polycarp, who was said to be a disciple of John the Evangelish.  His feast day is 28 June.
Prophetic Exegesis – The first book of Against Heresies constitute a minute analysis and refutation of the Gnostic doctrines. The fifth is a statement of positive belief constrasting the constantly shifting and contradictory Gnostic opinions with steadfast faith of the church. He appeals to the prophecies to demonstrate the truthfulness of Christianity.
Rome and Ten Horns – Irenaeus shows the close relationship between the predicted events of Daniel 2 and 7.  Rome, the fourth prophetic kingdom, would end in a tefold partition.  The ten division of the empire are the “ten horns” of Daniel 7 and the “ten horns” in Revelation 17.  A “little horn”, which is to supplant three of Rome’s ten divisions, is also the still future “eight” in Revelation.  Irenaeus climaxes with the destruction of all kingdoms at the Second Advent, when Christ, the prophesied “stone”, cut out of the mountain without hands, smites the image after Rome’s division. [15][16]
 
Antichrist
– Irenaeus identified the Antichrist,  another name  of the apostate Man of Sin, with Daniel’s Little Horn and John’s Beast of Revelation 13.  He sought to apply other expressions to Antichrist, such as “the abomination of desolation,” mentioned by Christ (Matt. 24:15) ang the “king of a most fierce countenance,” in Gabriel’s explanation of the Little Horn of Daniel 8.  But he is not very clear how “the sacrifice and the libation shall taken away” during the “half-week”, or three and one-half years of Antichrist’s reign. [17][18]
666 – Irenaeus is the first of the church fathers to consider the mystic number 666.  While Irenaeus did propose some solutions of this numerical riddle, his interpretation was quite reserved. Thus, he cautiously states: “But knowing the sure number declared by Scripture, that is six hundred sixty and six, let them await, in the first place, the division of the kingdom into ten; then, in the next place, when these kings are reigning, and beginning to set their affairs in order, and advance their kingdom, [let them learn] to acknowledge that he who shall come claiming the kingdom for himself, and shall terrify those men of whom we have been speaking, have a name containing the aforesaid number, is truly the abomination of desolation” [22]  Although Irenaeus did speculate upon two names to symbolize this mystical number, namely Teitian and Latienios, nevertheless he was content to believe that the Antichrist would arise some time in the future after the fall of Rome and then the meaning of the number would revealed [23]

......................................................................................................................

Si Lacteneus bilang kasapi ay sumulat din noong 310 A.D. na: “Si Hesus ay kailanman ay hindi nagsabi na siya ay Diyos o anak ng Diyos.”  Maging sa taon ng 320 A.D., si Eusebius ay nagturo at nagsulat din na: “Si Hesus ay nagturo sa atin na tawagin ang kanyang ama bilang tunay na nag-iisang Diyos at Siya lamang ang dapat sambahin.”
Sa kabila nang laganap na pagpatay sa mga naniniwala sa Kaisahan ng Diyos, maraming samahán o unyón ang matatapang at matibay na inilahad ang kanilang kaisipan laban sa Doktrina ng Trinidad.  Isa sa pangunahing unyón (unitarian) na si Arius ay tagisang sinabi niya kay Obispo Alexander na walang katotohanang doktrina ang Trinidad. Pagkaraan ng ika-apat na taon, si Emperador Constantino-1 ay nagtawag ng “First General Council” sa Nicea na nilahukan ng 318 obispo upang ayusin ang paksang pinag-aawayan nina Arius at Alexander. Ang “sanggunián” na ito ay sumang ayon sa Doktrina Ng Trinidad sa pangunguna ni Athanasius, ngunit, maliban kay Arius at ang mga kasamahan niya ay patuloy sa pananaw at konseptong “Kaisahan ng Diyos.”  Sa taong 380 A.D., si Emperador Theodosius ay nagtakda na ang Orthodox Faith (Trinitarian catholic faith) ang siyang relihiyon ng kanyang kinasasakupang mamamayan.  Paglipas ng tatlong taon, sa taong 383 A.D., si Theodosius ay nagbigay babala na parurusahan ang sinumang hindi maniwala sa Doktrina ng Trinidad.  Sa kabila nito, hindi nabuwag ang paniniwala ng unyón (unitarian).  Pagsapit ng 15th century, muling tinuligsa ni Servetus ang tungkol sa doktrina trinidad at siya ay nagpahayag na: “Ang pagtanggap sa Doktrina ng Trinidad ay pagtanggap ng MARAMING DIYOS”.  Sa bandang huli, siya ay ikinulong at unti-unting pinatay sa pamamagitan ng pagsunog sa apoy.  Isa sa kanyang kasamahan ang nagsabi: “Ang sunugin ang isang tao ay hindi pagpapatunay ng isang doktrina.”
 
Arius
Arius (AD ca 250/256 - 336) was a Christian priest in Alexandria, Egypt in the early fourth century. In about the year 318, he was involved in a dispute with his bishop, Alexander of Alexandria, maintaining against him that the Son of God was not consubstantial or coeternal with God the Father, but that there was once a time, before he was begotten, that he did not exist. Arius, with a following of other priests, was excommunicated, but debate continued throughout the Eastern Roman Empire. Many bishops, particularly those who studied under Lucian of Antioch, agreed with Arius. By the time Constantine took over the East in 324, debate was fierce, with various councils condemning and approving Arius's views on the Son.
Constantine summoned the Council of Nicaea in 325. The Council condemned Arius’s teaching, exiling him. Arius was recalled within a few years, and seems to have spent the rest of his life trying to be readmitted to communion in Alexandria; Athanasius seems to have frustrated his efforts. Just as Arius was to be readmitted to communion in Constantinople in 336, he is said to have died suddenly.
The controversy was far from over, and would not be settled for decades to come (continuing later into the West as well). Those who agreed that the Son was not consubstantial were already at that time being labeled “Arians”, especially by Athanasius of Alexandria, and the name Arianism remains the descriptor of this teaching. The naming is incidental, as Arius’ role was only to ignite the controversy. The issue of the Son’s relationship to the Father had been discussed before in church history, only never so fervently and universally.
Other  “Arians”   like   Eusebius of Nicomedia  and  Eusebius of Caesarea  were much more influential. In fact, some later "Arians" disavowed the name, claiming not to have been familiar with Arius. Nonetheless, Arius' (and his bishop's) stubborn insistence had brought the issue to the theological forefront, and so it is labeled as his.
Arius’ Doctrines – In explaning his actions againts Arius, Alexander of Alexandria wrote a letter to Alexander of Constantinople and Eusebius of Nicomedia (where the emperor was then residing), detailing the errors into which he believed Arius had fallen.  According to Alexander, Arius taught:  “That God was not always the Father, but that there was a period when he was not the Father, that the Word of God was not from eternity, but was made of out nothing; for that the ever-existing God (‘the I AM’ – the eternal One) made him who did not previously exist, out of nothing; wherefore there was a time he did not exist, inasmuch as the Sod is a creature and a work.  That he is neither like the Father as it regards his essence, nor is by nature either the Father’s true Word, or true Wisdom, but indeed one of his works and creatures, being errosneously called Word and Wisdom, since he was himself made of God’s own Word and the Wisdom which is in God, whereby God both made all things and him also.  Wherefore he is as to his nature mutable and susceptible of change, as all other rational creatures are: hence the Word is alien to and other that the essence of God; and the Father is inexplicable by the Son, and invisible to him, for neither does the Word perfectly and accurately know the Father, neither can he distinctly see him.  The Son knows not the nature of his own essence: for he was made on our account, in order that God might create us by him, as by an instrument; nor would he ever have existed, unless God had wished to create us.
He quotes something similar from the Thalia:  “God has not always been Father, there was a moment when he was alone, and was not vet Father: later he became so.  The Son is not from eternity: he came from nothing [5]
.............................................................................................................
 
                                                        Michael Servetus
Michael Servetus (also Miguel Servet or Miguel Serveto; 29 September 1511 – 27 October 1553) was a Spanish (Argonese) theologian, physician and humanist.  His interests included many sciences: astronomy and meteorology; geography, jurisprudence, study of the Bible, mathematics, anatomy, and medicine.  He is renowned in the history of several of these fields, particularly medicine and theology.  He participated in the Protestant Reformation, and later developed a nontrinitarian Christology.  Condemned by Catholics and Protestants alike, he was burnt at the stake by order of the protestant Geneva governing council as a heretic.
Theology:  In these books, Servetus built a theology which maintains that the belief of the Trinity is not based on biblical teachings but rather on what he saw as deceiving teachings of (Greek) philosophers. He saw himself as leading a return to the simplicity and authenticity of the Gospels and the early Church Fathers. In part he hoped that the dismissal of the Trinitarian dogma would also make Christianity more appealing to Judaism and Islam, which had preserved the unity of God in their teachings, whereas trinitarians, according to Servetus, had turned Christianity into a form of "tritheism", or belief in three gods.
Servetus affirmed that the divine Logos, which was the manifestation of God and not a separate divine Person, was incarnated in a human being, Jesus, when God's spirit came into the womb of the Virgin Mary. Only from the moment of conception, the Son was actually generated. Therefore the Son was not eternal, but only the Logos from which He was formed. For this reason, Servetus always rejected that Christ was the "eternal Son of God", but rather that he was "the Son of the eternal God" [1].
 
In describing Servetus' view of the Logos, Andrew Dibb explained: In Genesis God reveals himself as the creator. In John he reveals that he created by means of the Word, or Logos, Finally, also in John, he shows that this Logos became flesh and 'dwelt among us'. Creation took place by the spoken word, for God said "Let there be …" The spoken word of Genesis, the Logos of John, and the Christ, are all one and the same. [2]
Servetus states his view clearly in the preamble to Restoration of Christianity (1553): "There is nothing greater, reader, than to recognize that God has been manifested as substance, and that His divine nature has been truly communicated. We shall clearly apprehend the manifestation of God through the Word and his communication through the Spirit, both of them substantially in Christ alone."[3]
This theology, though original in some respects, has often been compared to Adoptionism, Arianism, and Sabellianism or Modalism, which were condemned as old Christian heresies by Trinitarian scholars. Nevertheless, based on the secondary and often partial sources available to him at that time, Servetus rejected these theologies in his books: Adoptionism, because it denied Jesus's divinity[4]; Arianism, because it multiplied the hypostases and established a rank[5]; and Sabellianism, because it confused the Father with the Son[6].
Under severe pressure from Catholics and Protestants alike, Servetus clarified this explanation in his second book, Dialogues (1532), to show the Logos coterminous with Christ. This made it nearly identical with the pre-Nicene view, but he was still accused of heresy because of his insistence on denying the dogma of the Trinity and the individuality of three divine Persons in one God.
 
Execution of Burning
 
Cause of death:  A container of gunpowder tied at the neck might be used to bring about a quicker (and thus more merciful) death, since the condemned would suffer only until the gunpowder was heated enough to explode.  Some prisoners refused this, which was just as well as gunpowder only explodes when it is held in a confined space, preferring to burn violently if the gaseous pressure is allowed to escape.
Among the best-known individuals to be executed by burning were Jacques de Molay (1314), St Joan of Arc (May30, 1431), Patrick Hamilton (1528), William Tyndale (1536), Michael Servetus (1553), Giordano Bruno (1600), and Avvakum (1682).  Anglican martyrs Hug Latimer and Nicholas Ridley (both in 1555), and Thomas Cranmer (1556) were also burned at the stake.
..........................................................................................................................
 
 
Katotohanan! Ang kasinungalingan ay hindi makatatayo laban sa lakas ng makatotohanang katuwiran.  Pagkaraan ng anim na raang taon mula nung lumisan si Hesus ( عيسى عليه السلام ), ang Allâh سبحانه وتعالي ay nagbigay ng Banal na Kapahayagan (huling testamento) sa pamamagitan ni propeta Muhammad (saw), ang Banal na Qur’an. Isa sa pinaka-mahalagang mensahe nito ay ang pagbibigay babala sa mga taong sumasampalataya at naniniwala sa Doktrina Ng Trinidad.  Ang Allâh سبحانه وتعالي ay nagwika:
وَقَالُوا اتَّخَذَ الرَّحْمَنُ وَلَدًا (88) لَقَدْ جِئْتُمْ شَيْئًا إِدًّا (89) تَكَادُ السَّمَوَاتُ يَتَفَطَّرْنَ مِنْهُ وَتَنْشَقُّ الْأَرْضُ وَتَخِرُّ الْجِبَالُ هَدًّا (90) أَنْ دَعَوْا لِلرَّحْمَنِ وَلَدًا (91) وَمَا يَنْبَغِي لِلرَّحْمَنِ أَنْ يَتَّخِذَ وَلَدًا (92)
Banal na Qu’ran (Surah Maryam [19]:88-92
88 – At sila ay nagsasabi: “Ang Pinakamahabagin (Allâh) ay nagkaanak ng isang lalaki (katulad ng pagsasabi ng mga Hudyo: Si  Ezra ay anak na lalaki ng Allah; at ng pagsasabi ng mga Kristiyano: Si Hesus ay anak na lalaki ng Panginoong Diyos (Allâh), at ng pagsasabi ng mga paganong Arabo: [na] Siya ay nagkaanak ng mga babae [ang mga anghel]).”
89 – Katotohanang kayo ay nagtambal (nagtaguri) ng isang kakila-kilabot na masamang bagay.
90 – Na (dahil dito) ang kalangitan ay halos mapunit, at ang kalupaan ay mabiyak mula sa ilalim, at ang kabundukan ay malansag sa pagkaguho,
91 – Na sila ay nagpaangkin ng isang anak (na lalaki) sa Pinakamahabagin (Allâh).
92 – At hindi katampatan (sa Kamahalan) ng Pinakamahabagin (Allâh) na Siya ay magkaanak ng anak (na lalaki) [supling o mga anak].
 
 
Nangangahulugan lamang na ipinakita sa nakalipas na kasaysayan na marami ang nagtangkang magbago ng naging katuruan ng propeta Hesus (عيسى عليه السلام) mula ng siya ay lumisan.  Ngunit sa kabila ng nagawa nilang pagbabago, dumami din ang nanindigan sa pakikipaglaban para sa kung ano ang katotohanang kapahayagan, aral o katuruan.  Sa makatuwid  ang Jihad ay naipamalas na ng mga tunay na kristiyano noon palang.  Ang Jihad ay salitang Arabik ng may pangahulugan ng “pakikipaglaban”.  Tulad din ng mga Muslim, nakikipaglaban sa Kaisahan at Kapakanan ng Diyos (Allâh سبحانه وتعالي).
 
May isang katanungan na hindi kailan man mabigyan ng totoong kasagutan ng mga pulutong na magagaling na mangangaral - - - Ang tanong na papaano at saan hinugot ang Tatlong Persona?
Ngayon, kung sadya nating susuriin ng mas-malalim o’ ng may kababawan ang talata ni Juan na nakasulat sa Bagong Tipan ng Bibliya na ipinangaral naman ni Saulo na naging Pablo at nailimbag noong 1611 taon,  pagkaraan nang 75-taon na pagkamatay ni William Tyndale at sa mga lumipas na siglo.  Marami mang nabago sa Bibliya, ano pa’t mangingibabaw pa rin ang katotohanan at malamang na magkakaroon tayo ng mas malapitang kaliwanagan.  Mangyayari na maging ang katanungan “kung bakit nga ba?” nangyari ito na naging isang ganap na Doktrina ng Trinidad ng mga Romano Katoliko.  Binibigyang diin sa panimula ng kanilang mga dalangin at pagsamba upang maisakatuparan ang pagtanggap nila na ang Diyos ay kumakatawan sa “Tatlong Persona.”  Ang mga katagang ito: “SA NGALAN NG AMA, NG ANAK, AT ESPIRITU SANTO” ay ang Trinidad na pinaniniwalaan ng sinumang Romano Katoliko, na sila (DIYOS) o’ ang Diyos ay iisa sa Tatlong Katauhan.
 
Tunay na maliwanag na ito ay nagbibigay “Kapartner o Katambal” o maging ng kasarian sa nag-iisang Tagapaglikha.  Sapagkat ang Ama ay lalake at si Hesus ay lalake na siyang kumakatawan bilang anak at ang Espiritu Santo na man ang siyang mga Anghel sa Langit.  (Ang tanong, ang Espiritu po ba ay lalake o babae?  Ang lahat ba ng mga Anghel sa Langit ay puros lalake?).  Walang tunay na nakababatid kung di ang “LUMIKHA” sa kanila.
 
Mainam na suriin pa natin ng malapitan: “TATLO ang nabanggit na IISA.” Ating simulan ang kategorya ng AMA, sabihin na nating ang Ama ang siyang haring Diyos, Ama ng sanlibutan na siyang paniniwala ng mga Romano Katoliko.  Ngunit ang isang Ama ay isa lamang likha ng Manlilikha at tulad ng una kong nasabi, ito ay kumakatawan sa kasarian ng pan-lalaki at lalong maraming kinakatawan ang isang salitang Ama na makikita sa kanyang nilalang.  Tulad ng isang Ama ng tahanan, Ama ng simbahan at Ama ng pinag-mulan yun ay si ADAM (أَدَم عليه السلام).  Kung ganoon mas – may kaliwanagan na ang binanggit na Ama na siyang tinutukoy ay ang siyang Ama ng pinagmulan ng lahi.  Wala na ngang iba kung di si ADAM (أَدَم عليه السلام).  
 
Dumako na man tayo sa salita o “ANG SALITA”.  Ang salita ay tinutukoy ng Trinidad sa isang Tao lamang, ito ay ang propeta Hesus at siya na ring tinukoy na Anak.  At una nating tukuyin na anak si Hesus, natural na siya ay may pinag-mulan at yon ay ang Ama.  Sapagkat ang Anak ay kumakatawan sa isang pagkatao.  Kaya’t hindi siya maaaring maging kaisa sa katauhan ng kanyang Ama.  Kaya sadyang walang pag-aalinlangan na ito ay dalawang katauhan na hindi maaaring pag-isahin tulad ng paniniwala ng mga Romano-Katoliko.  Magkagayon din na ang salitang Anak ay tulad ng salitang Ama na maraming kahintulad sa nilalang ng ating nag-iisang Tagapaglikha.
 
Pangalawa, kung bibigyan naman natin ng pansin mismo ang talatang “ANG SALITA.”  Hindi lamang si Hesus ang nagpaabot ng mga Salita ng Tagapaglikha (Allâh سبحانه وتعالي ), gayun din ang mga nanga-unang propeta, tulad na lamang ng propeta Noah, Abraham, Moises, at David.  Maging sila ay nagsipag-hayag ng mga Salita  na nagbuhat sa Allâh سبحانه وتعالي.  Samakatuwid kung ganito ang paniniwala ng Trinidad ng Romano-Katoliko o’ ang kanilang isang batayan.  Maging ang mga naunang propeta ay maaari ding tawaging Anak tulad ni Hesus at kumatawan bilang Diyos anak.  Tulad ng pagka-kahirang ng mga Romano-Katoliko kay Hesus bilang Diyos Anak.  Subalit lingid sa katotohanan tunay na ang “ANG SALITA”,  na tinutukoy ay ang SALITA na siyang mga BATAS at KAUTUSANG pinaparito sa lahi ng Amang si Adam, Ang Amang pinag-mulan ng Lahi.”  Mangyari na siya na ang lumalabas na Ama ng mga talata ni Juan na isinalin sa Bibliya na isinulat naman ni Saulo na naging Pablo.
 
 
ANG ESPIRITU SANTO”, Ang Espiritu Santo ang siya namang Espiritu na naging taga patnugot sa mga SALITA upang ibaba sa mga propeta para sa lahi ng AMA.  Ang tinutukoy na Espirito ay ang mga Anghel sa Kalangitan gaya ni anghel Gabriel (Jibril).  Kaya tunay na maliwanag ang lahat ng ito o tatlong nabanggit sa talata ni Juan ay tunay na nagbubuhat lamang sa nag-iisa na nagmamay-hawak, walang iba kung di ang nag-iisang Tagapaglikhang Tagapamahala ng lahat ng nasa loob at labas ng sanlibutan.  Kung ano man ang di natin alam Siya lamang ang nakakaalam.  Siya ay ang Allâh سبحانه وتعالي.  At napakaraming talata sa Banal na Qu’ran ang nagpapahayag na Siya ang nag-iisang Tagahawak at Tagapamahala. Ang talata ng Banal na Qu’ran ay nagsasaysay:
لَقَدْ كَفَرَ الَّذِينَ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ ثَالِثُ ثَلَاثَةٍ وَمَا مِنْ إِلَهٍ إِلَّا إِلَهٌ وَاحِدٌ وَإِنْ لَمْ يَنْتَهُوا عَمَّا يَقُولُونَ لَيَمَسَّنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ (73)
Banal na Qu’ran (Surah Al-Ma’idah [5]:73
73 - “Katotohanan, hindi sumasampalataya ang mga nagsasabi: “Ang Allâh ay isa sa tatlo (sa Trinidad).” Datapuwa’t wala ng iba pang Diyos (na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba) maliban sa nag-iisang Diyos (Allâh). At kung sila ay hindi titigil sa kanilang sinasabi, katotohanan, ang isang kasakit-sakit na kaparusahan ay sasapit sa mga hindi sumasampalataya sa kanila.”
سورة المائدة
لَقَدْ كَفَرَ الَّذِينَ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ هُوَ الْمَسِيحُ ابْنُ مَرْيَمَ قُلْ فَمَنْ يَمْلِكُ مِنَ اللَّهِ شَيْئًا إِنْ أَرَادَ أَنْ يُهْلِكَ الْمَسِيحَ ابْنَ مَرْيَمَ وَأُمَّهُ وَمَنْ فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا يخْلُقُ مَا يَشَاءُ وَاللَّهُ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ (17) وَقَالَتِ الْيَهُودُ وَالنَّصَارَى نَحْنُ أَبْنَاءُ اللَّهِ وَأَحِبَّاؤُهُ قُلْ فَلِمَ يُعَذِّبُكُمْ بِذُنُوبِكُمْ بَلْ أَنْتُمْ بَشَرٌ مِمَّنْ خَلَقَ يَغْفِرُ لِمَنْ يَشَاءُ وَيُعَذِّبُ مَنْ يَشَاءُ وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا وَإِلَيْهِ الْمَصِيرُ (18)
Banal na Qu’ran (Surah Al-Ma’idah [5]:17-18)
17 - Katotohanan, naging Kafir (walang pananampalataya) ang mga nagsasabi na ang Allâh ay ang Mesiyas, ang anak ni Maria. Ipagbadya (O Muhammad): “Sino kaya baga ang may pinakamaliit na kapangyarihan laban kay Allâh, kung Kanyang naisin na wasakin ang Mesiyas, ang anak ni Maria, at ang kanyang ina, at lahat ng nasa kalupaan nang magkakasama? At sa Allâh ang pag-aangkin ng kapamahalaan sa kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito. Lumikha Siya ng Kanyang naisin, at ang Allâh ay may Kapangyarihan na gawin ang lahat ng bagay.
18 - At ang mga Hudyo at mga Kristiyano ay (kapwa) nagsasabi: “Kami ang mga anak ng Allâh at Kanyang minamahal. “Ipagbadya: “Kung gayon, bakit kayo ay Kanyang pinarurusahan sa inyong mga kasalanan? Datapuwa’t kayo ay mga tao lamang na kabilang sa Kanyang mga nilikha, pinatatawad Niya Kanyang maibigan at pinarurusahan Niya ang Kanyang maibigan. At ang Allâh ang nag-aangkin ng kapamahalaan sa kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito, at sa Kanya ang pagbabalik (ng lahat).
سورة البقرة
أَلَمْ تَعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا لَكُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا نَصِيرٍ (107)
Banal na Qu’ran (Surah Al’Baqarah [2]:107)
107 - Hindi mo ba nababatid (O Muhammad) na ang Allâh ang nag-aankin ng Kapamahalaan ng mga Kalangitan at Kalupaan? At maliban sa Allâh, kayo ay walang anumang Wali (tagapangalaga, tagapagtangkilik) o makakatulong.
..............................................................................................................
 
 
At ano pa itong Tatlong Magpapatotoo sa Sangkalupaan?, tunay na napakaliwanag: Ang ESPIRITU, ang Espiritu ang siyang spiritual o kaluluwa; Ang TUBIG, ang Tubig na siyang buhay at Ang DUGO na siya namang kamatayan..
Yan, ang tatlong bagay na tunay na magpapatotoo sa atin dito sa sangkalupaan na hindi maitatago, mapasisinungalingan at mapipigilan.  Sapagkat ito ay tunay na magaganap pagdating ng HUKOM” ( يَوْمَ الدَّين ).  Ang mga talata ng Banal na Qu’ran ay nagsasaysay:
إِنَّ مَثَلَ عِيسَى عِنْدَ اللَّهِ كَمَثَلِ آَدَمَ خَلَقَهُ مِنْ تُرَابٍ ثُمَّ قَالَ لَهُ كُنْ فَيَكُونُ (59)
إِنَّ هَذَا لَهُوَ الْقَصَصُ الْحَقُّ وَمَا مِنْ إِلَهٍ إِلَّا اللَّهُ وَإِنَّ اللَّهَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ (62)
Banal na Qu’ran (Surah Al’Imran [3]:59,62
59 - Katotohanan, ang Kahalintulad ni Hesus sa paglikha sa kanya ng Allah ay katulad ni Adan.  Kanyang nilikha siya mula sa Alabok, at (Kanyang) winika sa kanya:  “Mangyari nga!”  At siya ay nilikha.
62 – Katotohanan! Ito ang tunay na kasaysayan (tungkol sa buhay ni Hesus), at wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Allâh (ang Tangi, at Tunay na Diyos na walang asawa o anak).  At katotohanang ang Allâh ay Sukdol sa Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.
سورة آل عمران
فَأَمَّا الَّذِينَ كَفَرُوا فَأُعَذِّبُهُمْ عَذَابًا شَدِيدًا فِي الدُّنْيَا وَالْآَخِرَةِ وَمَا لَهُمْ مِنْ نَاصِرِينَ (56)
Banal na Qu’ran (Surah Al’Imran [3]:56)
56 - “At sa mga hindi sumasampalataya, sila ay Aking parurusahan ng matinding kaparusahan sa mundong ito at sa Kabilang Buhay at sa kanila ay walang makatutulong.”
سورة آل عمران
قُلْ يَا أَهْلَ الْكِتَابِ تَعَالَوْا إِلَى كَلِمَةٍ سَوَاءٍ بَيْنَنَا وَبَيْنَكُمْ أَلَّا نَعْبُدَ إِلَّا اللَّهَ وَلَا نُشْرِكَ بِهِ شَيْئًا وَلَا يَتَّخِذَ بَعْضُنَا بَعْضًا أَرْبَابًا مِنْ دُونِ اللَّهِ فَإِنْ تَوَلَّوْا فَقُولُوا اشْهَدُوا بِأَنَّا مُسْلِمُونَ (64)
Banal na Qu’ran (Surah Al’Imran [3]:64)
64 - “Ipagbadya (O Muhammad): “O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano).  Halina kayo sa isang salita (usapan) na makatarungan sa pagitan namin at ninyo, na huwag tayong sumamba (sa iba) maliban sa Allâh, at huwag tayong magbigay ng anumang katambal sa Kanya, at huwag nating itakda ang ilan sa atin bilang panginoon maliban sa Allâh.  At kung sila ay magsitalikod, inyong sabihin: “Maging saksi kayo na kami ay mga Muslim (na tumatalima sa Allâh).”
سورة البقرة
تِلْكَ الرُّسُلُ فَضَّلْنَا بَعْضَهُمْ عَلَى بَعْضٍ مِنْهُمْ مَنْ كَلَّمَ اللَّهُ وَرَفَعَ بَعْضَهُمْ دَرَجَاتٍ وَآَتَيْنَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ الْبَيِّنَاتِ وَأَيَّدْنَاهُ بِرُوحِ الْقُدُسِ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا اقْتَتَلَ الَّذِينَ مِنْ بَعْدِهِمْ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَتْهُمُ الْبَيِّنَاتُ وَلَكِنِ اخْتَلَفُوا فَمِنْهُمْ مَنْ آَمَنَ وَمِنْهُمْ مَنْ كَفَرَ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا اقْتَتَلُوا وَلَكِنَّ اللَّهَ يَفْعَلُ مَا يُرِيدُ (253)
 
Banal na Qu’ran (Surah Al’Baqarah [2]:253)
253 - “Silang mga Tagapagbalita (Sugo)!  Ang ilan sa kanila ay Aming hinirang na maging higit sa iba (sa kapanagutan at tungkulin); sa ilan sa kanila, ang Allah ay nakipag-usap; ang ilan ay Kanyang itinaas sa antas (ng karangalan); at kay Hesus na anak ni Maria, ay aming ibinigay ang maliwanag na mga Himala (Tanda at Katibayan) at siya ay pinatatag Namin ng Banal na Espiritu (Ruh-ul-Qudus o Anghel Gabriel).  At kung pinayagan lamang ng Allâh, ang mga sumunod na lahi pagkaraan nila ay hindi makikipaglaban laban sa isa’t-isa pagkaraan ang maliwanag na mga tanda (Kapahayagan ng Allâh) ay dumatal sa kanila, datapuwa’t sila ay hindi nagkasundo, ang ilan sa kanila ay sumampalataya at ang iba ay hindi sumampalataya.  At kung pinayagan lamang ng Allâh, sila ay hindi makikipaglaban laban sa isa’t-isa, datapuwa’t ng Allâh ay gumagawa ng kaniyang maibigan.”
 
 




[2] Utos tungkol sa SABT (Sabado) – Bibliya Exodo 20:8-11 “Alalahanin mo ang araw ng Sabt upang ipangiling may kabanalan. Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain: ngunit ang ikapitong araw ay Sabt sa Panginoon mong Diyos: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa; na anopa’t pinagpala ng Panginoon ang araw ng Sabt, at pinakabanal.”




[1] IBADHA – ang katagang Ibadha (pagsamba) na hango sa salitang Arabik na “Abd” na nangangahulugan ng alipin, Ang tao ay isinilang na napapailalim sa kapangyarihan ng Allâh. Siya ay isinilang bilang isang alipin ng Allâh. Ang Ibadah ay isang paraan upang padalisayin ang buhay pisikal at ispirituwal.  Sa Islam, ang bawa’t pag-aalay ng mabuting gawa na naghahangad magbigay kasiyahan sa Allâh ay isang Ibadah (pagsamba).