Translate

Martes, Pebrero 12, 2013

ANG KAISAHAN AT ANG PAGTATAMBAL

الوحدانية والشرك

Ngayon, pag-usapan naman natin ang tungkol sa paniniwala sa nag-iisang Diyos.  Alam niyo mga kapatid, sa katunayan, kapag pinag-uusapan natin ang tungkol sa ating Dakilang Tagapaglikha, marami sa ating mga kababayan ang nawawalan ng interes.  Lalong-lalo na kung ang kapatid nating ito ay walang problema, may magandang trabaho, kumpleto sa gamit, mapera sila, wala silang sakit ay walang ika nga’y halaga ang bagay na ito at walang panahon makinig o makisalamuha.  Sinasabi rin ng ibang matatalino na ang Banal na Aklat ay ginawa lamang ng mga taong nagdidiliryo. Bagama’t kung ating susuriin yaong mga taong sinasabing nagdidiliryo ay sila ‘yong natatakot mamatay sapagkat walang magagawa ang talino at yaman nila upang mabuhay pa ng matagal dito sa lupa.  At kung ang kapatid naman natin ay maysakit o may matinding problema.  Halimbawa siya ay dinapuan ng malubhang karamdaman, at pupunta siya sa lahat ng magagaling na manggagamot, mga albularyo at kung saan lupalop pa maghahanap ng lunas ngunit hindi siya gumagaling ay saka pa lang niya maaalalang may Diyos o tumawag sa Diyos.


Mayroon din namang tao na kahit kilala niya iyong taong nakita niya pero dahil wala siyang kailangan doon ay hindi ito pinansin o kinausap man lang.  Subalit kung may kailangan siya, doon lang niya maiisipang lapitan ang taong kilala niya para kausapin.  So, anong klaseng tao ang mga ito?  At naging dahiligin na rin ng ibang tao ang may ugaling makasarili at masyadong kinikilala ang paglalang (CREATIONS) sa sanlibutan.  Pero, ang nag-iisang Tagapaglikha (CREATOR)  hindi man lang nila naaalala at mapasalamatan man lang sa Kanyang mga biyaya sa mundong ito.

At kung ang paksa na pag-uusapan ay chismis (rumors) sa mga sikat na artista, tungkol sa pulítika, at usapang  pagkakaperahan  o  sa mga balitang pampook at pangdaigdigan o di kaya’y mga kuwentong barbero, natural, masaya tayong makikinig diyan at hindi na kailangan pang ikaw ay tawagin para makinig at kusa ka na talagang makikisalo o makikisawsaw dahil nga … iyan ang mga pangunahin bitamina ng ating katawang lupa, hindi po ba? Pero, hindi natin alam na naghihingalo na pala ang ating kaluluwa sa pagkaing espiritwal.   Kaya, bilang isang taong may ganap na paniniwala at pananampalataya sa Dakilang Tagapaglikha, na kahit hindi natin Siya kailangan o wala tayong problema o ano pa man, ay kailangan nating pag-usapan o ating alamin upang makilala natin Siya ng lubusan at upang alamin din natin kung ano ang tunay na kadahilanan kung bakit Niya tayo nilikha at ang mga bagay na ating nakikita at hindi nakikita.”

Sapagkat kailangan tayong magkaroon ng kaalaman kung paano ihambing ang ating pinaniniwalaan na relihiyon dahil, hindi lingid sa ating mundong inaapakan na napakaraming sekta ng relihiyon at mangangaral ang nanghihikayat nang kani-kanilang pulutong.  Bilang isang taong may malawak o malayang-kaisipan,  kailangan lang talaga na magkaroon tayo ng disenyo (patterns in comparative religion) upang sa ganoon ay magkaroon tayo ng sapat na batayan sa ating pinanghahawakan na relihiyon at paniniwala.  Bakit nga ba kailangan magkaroon ng kaalaman ang tao tungkol sa Banal na Salita nang ating Dakilang Tagapaglikha?  Sapagkat ang Kanyang Banal na Salita na ipinahayag Niya sa sangkatauhan ay isang “instruction manual” ng mga nilalang Niya, upang ang tao ay magkaroon ng karunungan sa kanyang paglalakad o paglalakbay sa buhay na ito at hindi siya mapahamak o malihis ng landas.  Ang buhay ay isang paglalakbay o pakikibaka.  Dapat ang tao’y maging mahusay tulad ng isang “drayber.”  Ang matalino at mahusay na drayber ay laging alisto, laging tumitingin sa harap, sa kanan at sa kaliwa. Ginagawa niya ito bilang pagsusuri sa mga bagay na hindi niya nakikita na maaaring magdulot ng kapahamakan (blind spots). Ginagawa niya ito `upang makita niya nang maliwanag ang mga bagay sa kanyang paligid at siya’y makatugon o makakilos ayon sa kung ano ang pinakamabuti sa partikular na sitwasyon habang siya’y naglalakbay (automatic response). Ginagawa niya ito upang maging alisto sa bawa’t kilos at galaw (reflections) at mailayo siya at ang kanyang mga kasama sa digrasya o ano mang kapahamakan.

At ang ibig sabihin lang nito ay tayo mismo sa sarili natin ang magmamaneho o magmamaniobra kung papaano lumakad o tumakbo ng diretso upang magkaroon ng mapayapang pamumuhay na may takot at patnubay sa ating nag-iisang Tagapaglikha.”  Katulad ng ipinagbadyang Kapahayagan sa mga Israelita noon’ panahon ni propeta Moises (موسى عليه السلام), ito’y mababasa sa Lumang Tipan ng Bibliya, sa aklat ng [Deuteronomio 6:4-9]  (التثنية 6:4-9)  “Dinggin ninyo mga Israelita: Si Yahweh (Allâh) lamang ang Diyos. Ibigin ninyo siya ng buong puso, kaluluwa at lakas. Ang mga utos Niya’y itanim ninyo sa inyong isip. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; sa loob at labas ng inyong tahanan, sa oras ng paggawa at pamamahinga, sa lahat ng lugar at sa lahat ng panahon. Ipulupot  ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo, isulat sa mga hamba ng inyong pinto at mga tarangkahan.”

Katotohanan lamang na sasadsad, mawawasak at mawawalan ng kabuluhan ang buhay ng isang tao kung hindi ito marunong sumunod, makinig, at mag-aral sa ibinabang Salita ng Diyos sa mga napiling propeta.  At upang ang buhay natin ay mapabuti at magkaroon ng gabay, isinugo ng Diyos ang mga napiling propeta upang sila ang magbigay ng mga magagandang halimbawa, patnubay at kaalaman sa mga tao tungkol sa utos at batas Niya.  Kaya, kung tayo ay marunong kumilala at may takot sa Diyos, malalaman at mapag-aaralan natin mismo sa ating sarili kung ano ang ibig sabihin ng mga Banal na Salita at pananampalataya tungo sa ating nag-iisang Tagapaglikha.  Katotohanan, makikita natin ang kahalagaan ng ating tunay na relasyon sa Diyos kung tayo’y marunong umunawa at makinig sa turo ng mga tunay na propeta at handang tumalima, sumunod, at magpasakop sa kalooban nang ating nag-iisang Diyos.

At kung wala tayong kaugnayan sa Kanya at hindi nakikinig sa mga utos at batas Niya, matutulad tayo sa mga taong walang kahihinatnan sa buhay na ito.  Kaya, dapat lang nating alamin, pag-usapan, at pag-aralan kung sino ang dapat natin’ sambahin upang magkaroon ng lahat ng kabuluhán ang paglapit natin sa Kanya.”  Dahil, ang tunay na kaugnayan sa ating nag-iisang Tagapaglikha ay hindi nakukuha sa pagsisimba lamang at pag-anib sa isang relihiyon.  Ito ay nakukuha sa pagsuko natin ng ating buong buhay sa Diyos na Lumikha sa atin at alamin ang Kanyang tunay na Relihiyon mula pa noong likhain Niya ang mundo magpa-hanggang langit.”  Magagawa natin ito sa pamamagitan ng ating pagkilala sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang mga napiling propeta at ang Kanyang mga Tanda (ayat) bilang ating mga gabay tungo sa tamang landas.

Isa pang pangangatwiran ng nakararami ay: “naniniwala naman sila sa nag-iisang Diyos at pare-parehas lang iyan.”  Ngunit, sa mga tunay na Muslim ay hindi yata makatwiran ang bagay na ito.  Sapagkat, kung susuriin natin yaong isang kataga na halimbawa ay “paa” na parte ng isang tao, hindi maaaring sasabihin natin na ang mga paa ay pare-parehas.  Sapagkat ang paa ng manok ay hindi parehas sa paa ng elepante.  Ang paa ng ipis ay hindi pareho sa paa ng tao.  Tulad din naman ng mga Pangulo ng iba’t-ibang bansa, hindi lahat ay pare-parehas.  Ang classroom President, pareho ba sa Pangulo ng Pilipinas?  Hindi po!  Kaya’t ang punto rito ay hindi lahat kapag sinabi mong iisa ang Diyos ay pare-parehas.  Ito ang gusto kong ipaliwanag sa inyo kung ano naman ang paniniwala ng mga Muslim sa nag-iisang Tagapaglikha.  Ang mga Muslim at tulad ng iba pang mananampalataya; Kami ay sumasaksi sa Kaisahan Niya (ng Diyos) na Siyang lumikha, na Siya ang nagbigay buhay, Siya ang nagpagalaw sa lahat ng bagay na ating nakikita at hindi nakikita.  Higit sa lahat naniniwala kami na ang nag-iisang Tagapaglikha lamang ang may alam ng nangyayari sa ating buhay, mabuti man o masama ay sa kapahintulutan Niya, at nakababatid ng di natin nababatid.  Samakatuwid, kaming mga Muslim ay nagbibigay tuldok sa Kaisahan ng Diyos.

PAMAHIIN:
الخرافه
Sa Islam ay mahigpit na ipinagbabawal ang magkaroon ka ng pamahiin (omens).  Dito sa atin, napakaraming pamahiin at mga pahiwatig tulad ng sinusunod pang mga pag-uugali ng mga pagano (nuong 1667).





Kung papaano namana ito ng ating mga ninuno sa mga dayuhan at kung papaano nagsimulang mabuo ang ikatlong kaharian ng Pilipinas (7 milyon taon sa nakaraan), nang nagputukan ang mga bulkan at unti-unting umahon sa dagat ang mga bundukin na naging tatlong braso ng Pilipinas (ang Luzon, Visayas, at Mindanao) – na kung saan nagmula ang mga magdaragat, sa China, Vietnam, Thailand, Malaysia, Borneo, Sumatra. Kung ating sisilipin ang mga nakaraang siglo, malalaman ng bawat Pilipino kung papaano nabuo ang mga probinsiya ng Pilipinas na kung bakit napakaraming wika at nabuong tradisyon sa bawat lugar.  Halimbawa, may isang hayag na marami sa mga magdaragat at galing sa pook ng Malang sa Gitnaang Java, isa sa malalaking pulo ng Indonesia mga 2,300 taon SN,  at  namahay  sa  mga  dalampasigan  ng  Luzon mula sa Manila hanggang Cagayan, sa hilaga. Hayag din na ilang pangkat ang lumikas sa nawawasak na kaharian ng Majapahit sa Java, Indonesia, mula nuong 1335 hanggang 1400, at nanirahan din sa Luzon sa ilalim ng isang makapangyarihang ‘Principe Balagtas’.

Sa namagitang 3,700 taon, ang mga magdaragat na nagsidanak, at ang mga tao na dinatnan nila, ay naging mga Kapampangan, Ilocano, Pangasinense, Tagalog at Bicolano. Mga magdaragat na sinakop at ginawang pusod ng ikatlong kaharian sa Pilipinas.  Marami pang pangyayari kung papaano nagkaroon ng iba’t-ibang kaugalihan ang mga Pilipino. Katulad ng isang lugar na Pampanga at may wikang Kapampangan – na kung saan may orihinal na pinanggalingan. Sila na nagmula sa pinakamalaking pulo sa Indonesia, ang Trapobana, na ngayon ay tinatawag na Sumatra. Mga likas at lagalag daw mula sa malawak na lawa [lake] ng Singarak, sa kanlurang bahagi ng Sumatra, ang mga ninunong Kapampangan na nagdala ng kanilang wika at gawi sa Luzon. Ayon ito sa dalawang hayag ng mga Espanyol nuong unang panahon. Sa isang saysay, isang binata mula sa Pampanga na napadpad sa Sumatra upang magkalakal ang nagimbal nang nakatagpo ng mga tagaruon na nagsasalita ng Kapampangan. Matapos ng mahabang usapan sa baranggay sa tabi ng Singarak, sinabi sa binata ng mga tagaruon, “Ikaw ay anakan ng mga tagaritong lumikas nuong matagal nang panahon upang maghanap ng panibagong pamamahayan, at lubusan nang naglaho at hindi na nabalitaan mula nuon.”

Saysay ng mga Kapampangan na nagmula sila sa pinakamalaking pulo sa Indonesia, ang Trapobana, na ngayon ay tinatawag na Sumatra. Mga likas at lagalag daw mula sa malawak na lawa [lake] ng Singarak, sa kanluarang bahagi ng Sumatra, ang mga ninunong Kapampangan na nagdala ng kanilang wika at gawi sa Luzon. Ayon ito sa 2 hayag ng mga Espanyol nuong unang panahon.
 
Gaya ng gawi sa iniwang Sumatra, maka-ama ang mga Kapampangan, - walang ganong kagampanan ang mga babae sa labas ng sariling pamilya – at karamihan ay nag-angkan.  Ang pinuno ng angkan, karaniwang isa sa mga pinakamatandang lalaki, ang tagapag-payo sa mga suliranin ng mga nasa angkan, katulong ang iba pang mga nakatatandang lalaki sa angkan.  Tagapag-ayos din siya ng away-away. Kapag hindi naayos, o kung ang kaaway ay kaibang angkan, ipinakikialam sa buong baranggay.
 
Ang baranggay naman nuon ay binuo ng 10 hanggang 20 angkan  at  pinamumunuan ng datu na , sa tulong ng mga pinuno ng iba’t ibang angkan, ay tagapagpayo rin, at tagapag-ayos din sa mga away-away ng mga taga-baranggay.  Kapag hindi na-ayos ang away, o kung ang kaaway at taga-ibang baranggay, nagkakadigmaan at marami ang napapatay at higit na marami ang nagiging alipin.

Samakatuwid, isang katibayan lang ito kung sisilipin pa natin ang ibang bahagi ng Pilipinas kung papaano nagkaroon ng maraming angkan ang mga Pilipino bago pa ito sinakop ng mga Kastila.  Ang mga pamahiin kung saan at kung paano nagsimula.  Katulad nga ng Kapampangan, si Maglalang [Tagapaglikha] ang sinamba nila na lumikha ng daigdig. Naniwala rin sila sa mga maglaye o multo, sa magkukutud o mangkukulam, sa patianak o tiyanak, sa nuno sa punso at sa kapre. Sa paglipas ng panahon o pagtanda ng daigdig, hindi nawala ang mga pamahiin bagkus ito’y nadagdagan pa ng panibagong tradisyon.  Gaya rin sa mga Igorot, matagal ang lamay at pagluksa kapag may namatay. Gumamit sa Ilocos ng mga tagapanaghoy upang ngumalngal sa tabi ng kabaong at umawit ng dung aw, ang pagdurusa ng pamilya at ang kagitingan ng namatay. May hayag na kapag may nakita lamang na itim na paruparo nalalaman na yumao na nga ang kaluluwa ng namatay at maaari nang tapusin ang pagluluksa. Inililibing nuon ang bangkay at naghuhugas sa ilog ang mga kamag-anak upang mahugasan na ang kanilang dalamhati.  Si Namarsua ang lumikha sa sansinukob, na nalilipana ng mga espiritu o mga kaluluwang namamahay sa mga punong-kahoy, sa lupa at sa lahat ng bagay sa pali-paligid. Paniwala ng mga Ilocano na kapag ginalit ang mga kaluluwa, na makakatuwaan sila, magkakasakit at mamamatay. Kapag nangyari ito, nagdaraos ang mag-anak ng maysakit ng atang, pinamumunuan ng mang lolualo, kakatay ng baboy na puti, ang kalahati ay inaalay sa pook na “kinatuwaan”, ang kalahati ay nananatili sa bahay ng maysakit habang nagdarasal ang mga mag-anak at nananawagan ang mang lolualo sa mga espiritu.
Ang KANYAW ang pinakabantog na pagdiriwang ng mga taga-Pangasinan, at itinatanghal upang maging mayabong ang ani ng palay at upang maiwasanan ang sakit sa baranggay.  Sa Kanyaw lumilitaw ang hilig sa sayaw sa Pangasinan; mayroon silang sayaw na tangi sa pagdiriwang na iyon.  Magkatuwang ang sayaw ng babae at lalaki, nagsasampay ng kumot sa bawat balikat habang umiindak saliw sa mga gong at tagagtak ng mga patpat hanggang parangalan sila ng mga nagmamasid sa sigaw ng “U wag, uy! Uy!.  Madalas sumasabay sa kanilang magsayaw ang mga iginagalang sa baranggay. Tapos, iba namang magkatuwang ang nagsasayaw.  Ang Pangsayaw ed Tapew Bangko ay magilas na pagsayaw sa ibabaw ng makitid na bangko, unang nagmula sa baranggay ng Pangapisan sa Lingayen.

Walang diyos na sinamba ang mga dating taga-Pangasinan ngunit nanalangin sila sa kanilang mga anyito upang matulungan sa kanilang kalakal o upang gumaling ang maysakit. Si Apu Laki o Apu Kawli ang punong anyito na tinatawagan nila tuwing aalis ng bahay o tuwing nagsisimula sa kalakal. Kahit hindi sinamba, iginalang ng mga taga-Pangasinan ang mga anyito animo’y mga tao  rin at, kapag minalas sa kalakal o nagkasakit, nag-aalay sila ng pagkain sa pamumuno ng mga babaing pari, ang mga maganito. Paniwala sila na may kaluluwa na nananatiling buhay pagkamatay ng tao. Kasamang inililibing ang mga ari-arian ng namatay, pati na pagkain, inumin at ano mang kakailanganin sa kanyang “paglalakbay”. May kasama pang ginto, pambayad sa magsasagwan ng bangka upang makarating sa kabilang buhay. Kapag marangal ang namatay, inililibing din kasama sa hukay ang mga aring alipin upang patuloy na magsilbi sa susunod na buhay.”

Iilan lamang ito sa mga ipinamanang pamahiin ng ating mga ninuno at ang iba’y kasamang inilibing sa paglipas ng panahon at ang iba naman ay binuhay sa bagong henerasyon pagkatapos makatanggap ng Banal na Kapahayagan na may kasama pang interes.”
Katulad halimbawa ng mga ito: huwag ka daw magpapautang sa gabi dahil ito’y malas at aalis ang suwerte. At kung itatama natin ang pamahiin na ito; sa batas at paningin ng ating Tagapaglikha, napakalaking kasalanan talaga ang nagpapautang na may tubo o interes.  Kaya nga, diyan natin makikita ang suwerte o malas na darating sa buhay natin’ pagdating ng araw.  Nasa banal na kasulatan din ang bagay na yan.
Isa pang pamahiin na gaya nito, kung may nakasalubong kayong pusang-itim sa daan ay huwag ka daw tutuloy sapagkat merong mangyayari sa 'yo na hindi maganda, huwag ka daw magwawalis sa gabi at ilabas ang kalat bagkus itabi mo nalang sa loob para hindi lumabas ang suwerte.”  Ang lahat ng ito mga kapatid ay mahigpit na ipinagbabawal sa Islam.

Dahil, ang mga bagay na ito ang mga naging pamana ng ating mga ninuno at sa kasawiang-palad ng mga walang pananalig sa Diyos.  Ang lahat ng ito mga kapatid ay tinatawag na mga SHERK[1], na labag sa katuruan ng Islam.  Sapagka’t ang mga ito ay nagbibigay ng pagtatangi at pagka-tambal sa pananampalataya ng Kaisahan ng Allâh سبحانه وتعالي.  Ang talata ng Banal na Qur’an ay nagsasaysay:

 وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ اتَّبِعُوا مَا أَنْزَلَ اللَّهُ قَالُوا بَلْ نَتَّبِعُ مَا أَلْفَيْنَا عَلَيْهِ آَبَاءَنَا أَوَلَوْ كَانَ آَبَاؤُهُمْ لَا يَعْقِلُونَ شَيْئًا وَلَا يَهْتَدُونَ (170)

(Surah Al-Baqarah [2]:170)
170 - At kapag (ito) ay ipinagbadya sa kanila: “Sundin ninyo kung ano ang ipinahayag ng Allâh.” Sila ay nagsasabi: “Hindi! Aming susundin ang (pananampalatayang) kinagisnan namin sa aming mga ninuno.” Ano! (Gagawin ba nila ito!), kahit na ang kanilang mga ninuno ay hindi nakakaunawa (hungkag sa karunungan at katotohanan) at hindi napapatnubayan (sa tamang landas)?


ANTING-ANTING:
السحر الاسود
Hebrew or Latin; especially the words Yahveh and Adonai play an important part and were believed to be very effective.  Among the magic symbols, which are met with in old documents, the triangle, the cross, the pentagram, and the signs of the planets are preferred; but other figures, such as squares, hexagrams, circles, and fantastic combinations of irregular lines are also quite frequent.  Conjurations were made according to various prescriptions; a circle was drawn at midnight where two roads; it was lit with wax candles made after specific.
 



Anting-anting ang tawag sa anumang bagay na maaaring magbigay sa sinuman ng proteksiyon sa anumang kasamaan at dagling kamatayan.  Maaaring ito ay ugat ng isang puno, isang bato kaya, pakpak ng ibon, isang medalyong inukitan ng mga larawan at pinalilibutan ng dasal (na sinasabing nasa wikang Latin), kristal, buto o bahagi ng katawan ng isang hayop o maging isang basyo ng bala na nilagyan ng tawas na asul at iba’t ibang klase ng simbolo.

Dahil hindi pinaniniwalaan sa siyensiya ang sinasabing benepisyo ng anting-anting, lalong nabaon ito sa hiwaga o enigma. At dahil iilan din lamang ang “napagkakalooban ng pagkakataon” na makagamit at makamit ang kapangyarihang taglay nito, nagkaroon ng damdamin ng pagkapribado ang gamit ng anting-anting. Maraming nagsasabing nalikha ang anting-anting dahil sa takot ng tao sa kamatayan, pagkakasakit at mga sakuna. Dahil saanmang dako ng daigdig, may anting-anting: sa Tsina, India, Europa, Amerika at maging sa kontinente ng Aprika. At bawat tribu sa mundo, may konsepto ng anting-anting.

Sa Pilipinas, makikitang may pinaniniwalaang anting-anting ang mga Mangyan, mga Agta, mga Tausug at iba pang grupong minorya. Magpa-hanggang ngayon, malaganap pa rin ang paggamit ng mga anting-anting sa mga grupong nabanggit at pagkaminsan, mismong sila ang naglalako sa iba ng kanilang paniniwala sa “makapangyarihang” mga bagay na ito.

EXORCISING BY THE CROSS
(Bas-relief on  water vessel of the seventh century found near Pisama.)

All in all, we find that a religion of magic involves a belief in witchcraft. Where sacraments are employed as exorcisms, every attempt at exercising extraordinary powers is regarded not as impossible but as lack of loyalty.  Hence heresy and witchcraft are always declared to be closely allied, for witchcraft is nothing but the performance of miracles without the license of an established Church, which claims to have a monopoly in supernaturalishm.
 
The belief in and the prosecution of witchcraft are the necessary result of a firmly established religion of magic.  All the religions of magic are naturally intolerant.  As soon as one of them triumps over its rivals, as soon as it is worked out into a systematic creed and organized in an institution such as the church, it will, like all combinations or trusts, with all means at its command, insure and perpetuate its supremacy.  Considering that the medieval Church was practically a religion of magic, witch prosecution was the inevitable result of the Pope’s ascendancy, and it continued in Protestant countries as an heirloom of the Dark Ages so long as the belief in magic was retained.

Dahil ang kapangyarihan ng anting-anting, madalas na ikabit ito sa relihiyon. Kaya naman santambak na medalyong inukitan ng mga larawan ng santo o anumang simbolismong may kaugnayan sa diyos, sa mga banal at makapangyarihang mga espiritu, gaya ng medalyon ni San Benito, San Cristobal, Tetragrammation [Pangalan ng Diyos], Beinto-cinco llaves (25 susi) at iba pa. Ginagamit ang mga ito para kontrahin, sawatain, at ipagsanggalang ang isang naniniwala rito sa anumang masamang nasa ng kanyang kapwa, lalo na iyong may taglay ring anting-anting na nilikha naman o pansansala sa sakit na maidudulot ng isang entidad na sinasabing hindi nakikita o nasa kabilang mundo (mga maligno, engkantada, atbp.).

Dahil takot maghirap ang tao at walang pananalig sa nag-iisang Diyos, ginamit din ang anting-anting para makahalina ng suwerte. Kaya kayraming mga talisman ang nayari para sa sugal at negosyo. Pinakapopular ang mga talisman at anting-anting na ipinapayo ng mga eksperto sa feng shui. Naririyan ang mga estatwa ng kabayo, palakang may tatlong paa at sinusubuan ng lumang baryang Tsino, pusang kumakaway, mga pulseras at sari-saring mga bagay na pampasuwerte o pampaalwan ng buhay.

Kung susuriin, ang konsepto ng anting-anting ay maituturing din na materyalistiko at komersyalismo –  o nakapako  sa  mga bagay na masasabi nating makamundo gaya ng kayamanan at tawag ng laman. Kaya may mga anting-anting para makapang-akit ng mangingibig o isang makakaniig. Madalas, sa karanasan din ng may-akdang ito, ginagamit ang anting-anting bilang instrumento ng paniniil sa kapwa-tao. Sapagkat sinasabing hindi maaaring “galawin” ang may taglay nito, nagagamit ito nang husto para maghasik ng takot o gawing tila diyos ang sarili para mapagharian ang kapwa tao. Kahit malaganap, marami pa rin ang may agam-agam kung totoo nga ba ang kapangyarihang taglay ng anting-anting. Sa katulad ng may-akdang lumaki sa isang pamilyang may paniniwalang mistikal, masasabing ang anting-anting ay isang makatotohanang penomena. Subalit doon sa mga nahubog ng pisikal na siyensiya o materyalistang pananaw sa pilosopiya, ang anting-anting ay bunga lamang ng makinang at mahusay na imahinasyon ng tao. Walang bisa ang mga bato, ang mga orasyon at medalyon at lahat ay pinagagana lamang ng panlalansi sa imperpektong sistema ng pandamdam ng tao. Gayunman, sa mga nakasaksi at nakapagtamasa na ng bisa o kapangyarihan ng anting-anting, mahirap pabulaanan na walang siyentipikong batayan ang paniniwala nila sa galing na taglay ng kanilang medalyon, orasyon o relika [relic]. Subalit hindi rin maiwasang maitanong: baka naman ang anting-anting mismo ay ang utak ng tao? O ang mismong taong nagtataglay nito?  Walang makapagsasabi. Datapuwa’t, para sa may-akdang ito, ang anting-anting ay bahagi ng mayamang tradisyon ng paniniwala sa lakas at kakayahan ng mga Pilipino bilang isang bayan at bilang tao. Bakit hindi natin masasabi? Sabi ng mga libro, may anting-anting din maging si Andres Bonifacio.  Kaya’t ang sinuman na nagkakaroon ng paniniwala sa iisang Diyos at meron siyang mga ganitong paniniwala, hindi totoong siya’y nananalig sa nag-iisang Diyos bagkus siya’y tunay na walang pananampalataya.  Sapagkat, naniniwala siya sa ibang kapangyarihan maliban pa sa kapangyarihan ng nag-iisang Diyos.

Kaming mga Muslim ay naniniwala sa nag-iisang Tagapaglikha lamang. Sa Allâh سبحانه وتعالي kami’y nag-aalay ng panalangin, pagsamba, at pagsasakripisyo para sa makamundong bagay na magiging kalugod-lugod at katanggap-tanggap sa Kanya.  Tulad na lamang ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.  Ang bawat Muslim, lalake o babae at matanda na nasa tamang pangangatawan o kalusugan at may kakayahan ay obligadong mag-ayuno.  Ganun din ang batang nasa tama ng pag-iisip at gulang ay maaari ng mag-ayuno.  Unang dahilan, sapagkat ito ay isa sa Kanyang pinag-utos at pinahintulutan bilang isang sakripisyo at bilang tanda ng pagsunod, at pagpapasakop o pagpapasailalim sa Kanyang kalooban.  Lingid sa kaalaman ng marami ang pag-aayuno ay maraming binibigay na benepisyo para sa ating pisikal at pang-ispiritwal.  Itinuturo nito ang napakaraming bagay na makatutulong sa tao para sa pamamaraan ng pamumuhay.  Kabilang sa itinuturo nito ang relasyon ng bawat isa sa kanyang Tagapaglikha.  Ang katapatan sa kanyang sarili, disiplina, maging mapagtiis, pagpipigil sa sarili, ang maging mahinahon, ang magsakripisyo sa isang bagay ng may kabuluhan, ang pagdama ng damdamin ng iba, pagsasakatuparan ng mabuting bagay, at kung ano ano pa ng may kabutihang dulot para sa isang tao.  Iyan ay isa sa sandigan ng aming pananampalataya.  Kaya, hindi kami sumasamba sa kaninuman, o kaya’y nag-aalay o nananalangin sa kaninuman.


Sa Relihiyong Islam ay walang imahen, rebulto o idolo.  Bakit?  Sapagkat, ang Tagapaglikha natin ay kilala natin na siya ay “all-Knowing at all-Seeing.”  Na  Siya ay Maalam at batid Niya lahat ang nangyayari sa loob at labas ng Kanyang nilikha.  Ngunit kadalasan ang nangyayari ay ito: halimbawa, may isang programa sa telebisyon na nagbibigay pag-asang manalo sa mga taong mahihirap at maging “dagling yaman”, ang tanong; sino ang una nilang pinasasalamatan kapag    sila ay nanalo?  Hindi  ba  ang programa sa telebisyon o di kaya ang iniidolo nilang “host?”  Lagi nalang pangalawa ang Diyos sa pasasalamat sa lahat ng bagay o biyayang kanilang natatanggap at hindi man lang nila naisip na gumawa lang ng instrumento ang Diyos upang matugunan pansamantala ang kanilang pangangailangan at maisip ang kanilang kakulangan sa pananampalataya.

Meron naman isang taong naniniwala sa nag-iisang Diyos, ngunit,  sakaling dumating sa buhay niya na nawalan siya ng isang bagay, siya ay nagdarasal sa harapan ng isang santo o santa,  o kung hindi man kapag nagkasakit ang anak niya, siya ay nagdadasal at lumuluhod sa harapan ni Sto. Niño, at kung may ganapang piyesta ay nagdadasal sila doon sa patron nila.  Ang katuwiran pa ng iba tungkol sa mga imahen o rebulto ay isa lamang sa mga simbolo upang huwag makalimot na may Diyos.
 

Bakit? Hindi pa rin ba sapat sa kanila ang mga nakikita nila magpasa-langit at magpasa-lupa. Tulad nalang ng hangin, araw, gabi at maging ang kanilang hininga upang mabuhay, mga ibong lumilipad, mga isdang lumalangoy na nagsisi-buhay sa tubig, atbp.

Ang talata sa Banal na Qur’an ay nagsasaysay:
أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يَسْجُدُ لَهُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَمَنْ فِي الْأَرْضِ وَالشَّمْسُ وَالْقَمَرُ وَالنُّجُومُ وَالْجِبَالُ وَالشَّجَرُ وَالدَّوَابُّ وَكَثِيرٌ مِنَ النَّاسِ وَكَثِيرٌ حَقَّ عَلَيْهِ الْعَذَابُ وَمَنْ يُهِنِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ مُكْرِمٍ إِنَّ اللَّهَ يَفْعَلُ مَا يَشَاءُ (18)
(Surah Al-Hajj [22]:18)
18 – Hindi mo ba namamasdan na ang lahat ng nasa kalangitan at kalupaan, at ang araw, at ang buwan, at ang mga bituin, at kabundukan, ang mga punongkahoy, ang mga hayop, at ang karamihan sa mga tao ay nagpapatirapa sa Allâh? Datapuwa’t marami sa mga (tao) na ang (ilalapat na) kaparusahan (sa kanila) ay makatwiran. At kung sinuman ang bigyan ng Allâh ng kahihiyan, walang makapagbibigay sa kanya ng kagandahan. Katotohanang ang Allâh ay gumagawa ng anumang Kanyang naisin.




أَوَلَمْ يَرَوْا إِلَى الطَّيْرِ فَوْقَهُمْ صَافَّاتٍ وَيَقْبِضْنَ مَا يُمْسِكُهُنَّ إِلَّا الرَّحْمَنُ إِنَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ بَصِيرٌ (19)

(Surah Al-Mulk [67]:19)
19 – Hindi baga nila napagmamasdan ang mga ibon sa kaitaasan na ibinubuka at itinitiklop ang kanilang pakpak? Wala ng iba pa ang nagtatangan sa kanila (na makapaibabaw) maliban sa Allâh na Pinakamahabagin. Katotohanang siya ang Nakamasid sa lahat ng bagay.


Ito ba’y mga kakulangan pa rin ng mga tandang (Ayat[1]) ipinadala para sa kanilang pang-unawa at kanilang kaalaman.
Kung gaano kalaki ang mundo, ganoon din ang laki at dami ng tandang ipinadala.  At kung ating babasahin o susuriin sa panahon ng Lumang Tipan sa Bibliya, madaling makilala ang pag-iidolo sa mga tao (mga idolo ng puso) at maging sa mga ginawang imahen – tulad ng pagsasayaw sa paligid ng gintong baka, o pagluhod sa diyus-diyosang Baal at ito’y lantarang ginagawa simula pa noong unang siglo. 
Katotohanan lamang na isang panganib at malaking kasalanan ang pagsamba sa mga diyus-diyosan ng mga Kristiyano ngayon, ngunit di lang lantad o kitang-kita.  Ang mga idolo ay hindi masyadong halata dahil nakaluklok sila sa pinakaliblib ng lugar ng puso.  Kung gusto nating malaman kung ano ang iniidolo natin, kailangang suriin kung ano ang pinakapinagtutuunan natin ng isip.  Ito ang maaring idolo mo.  Ito ang huli mong iniisip bago matulog, una sa paggising, at buong araw, laging iniisip tungkol sa mga bagay na isyu na importante at pinagkakatiwalaan.  Anumang ari-arian o tao na nilalagakan ng ating pag-asa para lumigaya at mabuo ang buhay – anumang adhika o layon na nagiging mas importante sa atin kaysa sa Diyos – ito ang mga idolo o diyus-diyosan na umaagaw o lumilihis ng ating katapatan, at unti-unting kumukuntrol ng ating buhay.
 
Tanging ang nag-iisang Tagapaglikha lamang ang magbibigay ng tunay na kasiyahan sa pinakamalalim nating pangangailangan at ng tunay na makahulugang buhay na Kanyang ipinangako.  Sapagka’t ang pagpapala ng ating nag-iisang Diyos ay kayamanan na walang kasamang kabalisahan.”  Panaligan ninyo ang talatang ito sa Bibliya:
 
 “Ang paggawa ng kasalanan ay kasiyahan ng masama, Ngunit ang mabuting asal, kasiyahan ng may unawa. Ang kinatatakutan ng masama ay magaganap sa kanya, Ngunit ang hangarin ng matuwid ay matatamo niya. Tinatangay ng hangin ang taong masama, Ngunit ang matuwid ay gusaling di magiba.”  [Kawikaan 10:22-25]  (أمثال 10:22-25)
 
Kaya’t tunay ang Allâh سبحانه وتعالي  ay Mapagpala at Mapagalam. Ngayon, kayo na ang mag-isip kung makatuwiran ba ang kanilang sinasabi na ang kanilang mga sinisimbolo ay upang di sila makalimot na may Diyos.  Kaya tunay na totoo at walang pagtanggi na silang hindi mananampalataya ay lumilihis at dito nag-uukol ng kanilang panalangin o dumadalangin, humihingi at nakikiusap sa mga imaheng gawa ng kamay ng tao at ang kanilang mga idolo.  Sa Lumang Tipan ng Bibliya, ang Diyos ay nagwika at nagbigay babala sa mga tao sa pamamagitan ni propeta Isaias sa mga “Walang Kabuluhang Pagtitiwala:”
 
[Isaias 44:9-20] (إِشعياء 9:44-20)
Walang kuwentang tao ang mga gumagawa ng rebulto; at walang kabuluhan ang mga diyus-diyusang kanilang pinahahalagahan. Mga bulag at hangal ang sumasamba sa mga ito, kaya sila’y mapapahiya. Walang idudulot na mabuti ang paggawa ng mga rebulto para sambahin. Tandaan ninyo, ang sumasamba sa mga ito ay mapapahiya lamang. Ang gumagawa nito’y tao lamang, kaya, magsama-sama man sila at Ako’y harapin ay matatakot din at mapapahiya.
Isaias 44:12
Ang panday ay kumukuha ng isang pirasong bakal at inilalagay ito sa apoy.  Pagkatapos ay pinupukpok ito ng malakas niyang bisig hanggang sa magkahugis. Sa paggawa nito, siya ay nauuhaw, nagugutom at napapagod.
Isaias 44:13-15
Ang karpintero naman ay kumukuha ng isang pirasong kahoy, Ginuguhitan niya ito ng anyong tao, saka inuukit hanggang sa mayari ang isang magandang rebulto.
Pagkatapos, ilalagay niya ito sa kanyang bahay. Maaring mamili at pumutol ng matitigas na kahoy sa gubat tulad ng sedro, encina at sipres. O maaaring siya ay magtanim ng laurel at ito ang hintaying lumaki sa kadidilig ng ulan. Ang kaputol na kahoy na ito ay ginagawang panggatong at ang kaputol ay diyus-diyusan.
Isaias 44:15-16
Ang isang piraso ay iginagatong para magbigay-init sa kanya at para paglutuan. Ang isang piraso ay ginagawang rebulto para sambahin. Ang ibang piraso ng kahoy ay ginagawang panggatong.
Isaias 44:16
Dito siya nag-iihaw ng karne at nasisiyahan siyang kumakain nito. Kung nadarama niya ang init ng apoy ay nasasabi niya ang ganito: “Ang sarap ng init!”
Isaias 44:17
Ang natirang kahoy ay ginagawa nga niyang diyos na kanyang niluluhuran at sinasamba. Dumadalangin siya sa rebulto, “Iligtas mo ako sapagkat ikaw ang aking diyos.”
Isaias 44:18-20
Ang mga taong iyon ay mga mangmang at di inuunawa ang ginagawa. Tinakpan nila ang kanilang mata at sinarhan ang isipan sa katotohanan. Hindi na nila naisip na ang kaputol ng ginawa nilang rebulto ay ginamit na pangluto sa tinapay at karneng kanilang kinain. Hindi man lang nila itinanong sa kanilang sarili kung hindi kaya karumal-dumal ang sumamba sa isang pirasong kahoy.
Ang mga gumagawa nito’y parang kumakain ng abo. Lubusan na siyang nailigaw ng kanyang maling paniniwala at mahirap nang ituwid. At hindi siya papayag na ang rebultong hawak niya ay hindi diyos.”

Ang talata ng Banal na Qu’ran ay nagsasaysay:

وَاتَّخَذُوا مِنْ دُونِ اللَّهِ آَلِهَةً لَعَلَّهُمْ يُنْصَرُونَ (74) لَا يَسْتَطِيعُونَ نَصْرَهُمْ وَهُمْ لَهُمْ جُنْدٌ مُحْضَرُونَ (75)
Banal na Qu’ran (Surah Ya-Seen [36]:74-75)
74 - “At sila ay nagturing (sa pagsamba) ng iba pang diyos bukod pa sa Allâh, (na umaasa) na sila ‘ay matutulungan (ng kanilang itinuturing na mga diyos).
75 - Silang mga (diyus-diyosan) ay walang kapangyarihan na tulungan sila, (mga diyus-diyosan) ay itatambad (pagsunog) bilang isang pangkat laban sa mga sumasamba sa kanila (sa sandali ng pagsusulit).”


Sa puntong ganito pinalalabas nila na meron pang ibang Diyos maliban pa sa nag-iisang Tagapaglikha.  Ang tanong, sino sa atin at mga nauna pang tao na nilalang ng Diyos ang makakapagsabi na: “nakita na niya ang Diyos at kung ano ang Kanyang kawangis”.  Wala pa, Hindi po ba? Napakalaking kalapastanganan sa ating nag-iisang Tagapaglikha ang gawan mo nang isang bagay na hindi Niya binigyan ng kapahintulutan at kahit sa mga ipinadala at pinili Niyang mga Sugo dito sa sanlibutan, wala isa mang nakapagsabi na .. nakita na ang itsura ng Diyos at kung ano ang Kanyang kawangis. Maliwanag na binabanggit maging sa Luma at Bagong Tipan ng Bibliya, wala pang sinuman na nilalang ng Diyos ang binigyan Niya ng kapahintulutan na malaman kung ano o kung sino ang kawangis Niya.”
Mababasa sa Lumang Tipan ng Bibliya: [Exodo 3:1-6]  (الخروج 3:1-6)
Prophet Moises (موسى عليه السلام) “ay umakyat sa Horeb, sa bundok ng Diyos, at doon nagpakita sa kanya ang anghel ng Panginoon, at nakita nga ni Moises ang nagniningas at nagliliyab na mababang punong-kahoy, pero, hindi ito nasusunog.  Kaya nga nung subukan lapitan ni Moises ay biglang nagwika ang Tagapaglikha at ang sabi: “Moises huwag kang lumapit, hubarin mo ang iyong sandalyas sapagkat banal na dako ang kinatatayuan mo.  Ako ang Diyos ng iyong mga magulang – nina Abraham (Ibrahim), Isaac at Jacob.”  At tinakpan ni Moises ang kanyang mukha pagkat natatakot siyang tumingin sa Diyos.

Napakaliwanag din ng mga talata sa Lumang Tipan ng Bibliya at ang Torah [mga Batas] ng Diyos kung papaano binigyan babala ang mga tao na laban sa pagsamba sa mga diyus-diyosan.”
Mababasa ito sa:

[Deuteronomio 4:15-19]
(التثنية 15:4-19)
“Nang kayo’y kausapin ng Diyos mula sa apoy sa Horeb, wala kayong nakitang anyo, kaya, kaiingat kayo. Huwag kayong gagawa ng anumang larawan upang sambahin, maging kawangis ng tao, hayop sa ibabaw ng lupa, ibon, ng anumang gumagapang o ng anumang isda. Ni huwag ninyong sasambahin ang araw, buwan, bituin o alinmang buntala na nilalang ng Diyos para sa tao.”

Napakaliwanag na mga talata at babala ng Lumang Tipan ng Bibliya – na walang sinumang nilalang ng ating nag-iisang Diyos ang binigyan Niya ng kapahintulutan na makita Siya at kung anong kawangis Niya.  Kahit bulaybulayin pa ng tao at magbigay ng biyolohiyang larawan o kahit kathang-isip pa – ito’y magdudulot lamang ng  kasalanan sa Diyos at wala ring karapatan tayong mga nilalang na magbigay katambal sa Kanya.
Kaya’t kung sino mang yaong mga taong nagsigawa nang ganitong kalapastanganan sa ating nag-iisang Tagapaglikha at tumaliwas sa Kanyang mga utos at batas.  Ang Allâh سبحانه وتعالي ang magbibigay kasagutan sa kanilang maling gawain.
Sa punto naman nang aking mga inilalahad; ito’y walang iniwan sa loob ng senado at kongreso kung papaano sila gumawa at magsusog ng mga batas.  Sa ganitong paglalahad ng batas o hukom na ginawa ng tao, makatarungan man o hindi, mangingibabaw parin ang katotohanan.
Maliwanag na nakasulat din sa Bibliya ang babala sa mga taong itinatago ang katotohanan:
[Kawikaan 19:5]   (أمثال 5:19)
Di maaaring di magdusa ang saksing hindi tapat, Ang nagsisinungaling ay di makaliligtas.”

Sa Kaisahan ng Allâh سبحانه وتعالي,  kayo na mismo ang hahatol sa inyong sarili, kung kayo ba’y nakakasunod sa tamang pagkakakilala at pagsamba sa Kanya. Dahil, batid ng Allâh سبحانه وتعالي ang lahat ng bagay na nakapaloob sa pagkatao natin at ultimong kaliit-liitan ng hibla ng ating buhok ay natatarok Niya kung anong klaseng ugat meron tayo.

Dahil dito, dapat malaman ng tao na maging sa langit man at sa lupa’y walang ibang Diyos liban sa Allâh سبحانه وتعالي.  Kaya’t  dapat lang natin’ sundin ang Kanyang mga utos at batas upang sa gayon ay magkaroon ng kabuluhan o katuturan ang buhay natin dito sa ibabaw ng lupa hanggang sa Kabilang Buhay.
 
 

[1] AYAT – mga himala, tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp.


[2] SHERK na nangangahulugan ng pagtatambal ng iba sa pagsamba sa Allâh سبحانه وتعالي.  Isa sa pinakamalaking kasalanan na maaaring kasangkutan ng tao ay ang pagsamba sa mga nilikhang bagay. Sa mahabang panahon, ang Allâh سبحانه وتعالي  ay  lagi nang nagbibigay paalala sa tao na lumayo sa gawang pagsamba sa mga bagay na wala namang mabuting dahilan.

Walang komento: