Ang Tabak at Ang Kapayapaan
السيف والسلام
Ngayon, suriin naman natin ang
ministeryo o talambuhay ni Hesu-kristo (عيسى عليه السلام).
At sa bahaging ito kung papaano sumailalim din ng tinatawag na “FITRAH” (Likas ng Pagsunod) ni Hesus-kristo (عيسى عليه السلام)
sa ating nag-iisang Tagapaglikha, ang Allâh سبحانه وتعالي
Sino nga ba ang sinasabi o
binabanggit na TABAK sa
Luma at Bagong Tipan ng Bibliya? Kung ating bibigyan ng
kahulugan o ibang kahulugan ang Tabak, napakaraming salita nito sa lengguahe ng
Pilipino o maging sa ibang bansa. Isa na
rito ang Espada (salitang Espanyol), Palang (sa Kapampangan), Bolo (sa
Bicolano), Itak o Punyal (sa Manileño),
Samurai (sa Hapon), at kung sa Inglés naman ito iyong .. “Sword”.
Bago ko tatalakayin ang
katotohanan at mga matatalinghagang pananalita ni Hesus, nais ko munang unahin
kung papaano siya dumaan sa tamang proseso upang siya’y maging ganap na tao. Na kung papaano sumailalim din ng tinatawag na
“FITRAH” (Likas ng Pagsunod) ni Hesus sa Allâh سبحانه وتعالي
Hindi lingid sa ating kaalaman
na ang pagkakalahad ng Banal na Qu’ran at sa Bibliya tungkol kay Hesus (عيسى عليه السلام),
ay nagsimula sa pagdadalangtao na kanyang ina, si Maria (مَريَمَ) [Radiyalláhu ‘Anhá]) kalugdan siya ng Allâh سبحانه وتعالي
Ang
asawa ni Imran, na
ina ni Maria ay sumumpa na ihahandog niya ang kanyang anak (Maria) tungo sa
pagsisilbi sa Diyos sa templo. Si
Zacarias (زكريا عليه السلام), na sumusubaybay kay Maria,
ay malimit na makakita ng pagkain sa kanya. Nang itanong ni Zacarias kung saan nanggagaling ito, siya
(Maria) ay sumagot na ito ay mula sa Diyos.
Ang talata ng Banal na Qu’ran ay nagsasaysay:
سورة آل عمران
إِذْ قَالَتِ امْرَأَةُ
عِمْرَانَ رَبِّ إِنِّي نَذَرْتُ لَكَ مَا فِي بَطْنِي مُحَرَّرًا فَتَقَبَّلْ
مِنِّي إِنَّكَ أَنْتَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ (35) فَلَمَّا وَضَعَتْهَا قَالَتْ
رَبِّ إِنِّي وَضَعْتُهَا أُنْثَى وَاللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا وَضَعَتْ وَلَيْسَ
الذَّكَرُ كَالْأُنْثَى وَإِنِّي سَمَّيْتُهَا مَرْيَمَ وَإِنِّي أُعِيذُهَا بِكَ
وَذُرِّيَّتَهَا مِنَ الشَّيْطَانِ الرَّجِيمِ (36) فَتَقَبَّلَهَا رَبُّهَا
بِقَبُولٍ حَسَنٍ وَأَنْبَتَهَا نَبَاتًا حَسَنًا وَكَفَّلَهَا زَكَرِيَّا
كُلَّمَا دَخَلَ عَلَيْهَا زَكَرِيَّا الْمِحْرَابَ وَجَدَ عِنْدَهَا رِزْقًا
قَالَ يَا مَرْيَمُ أَنَّى لَكِ هَذَا قَالَتْ هُوَ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ إِنَّ
اللَّهَ يَرْزُقُ مَنْ يَشَاءُ بِغَيْرِ حِسَابٍ (37)Banal na Qu’ran (Surah Al-Imran [3]:35-37)
35 – (Gunitain)
Nang ang asawa ni Imran (ina ni Maria) ay nagsabi: “O aking Panginoon! Ako ay
nangako sa Inyo na ang nasa sinapupunan ko ay iaalay ko tungo sa paglilingkod
sa Inyo (malaya sa lahat ng makamundong gawa; upang maglingkod sa Inyong Lugar
ng Pagsamba), kaya’t tanggapin Ninyo (siya) mula sa akin. Katotohanan, Kayo ang
Lubos na Nakakarinig, ang Ganap na Maalam.”
36 – At
nang kanyang maipanganak siya (ang batang si Maria), siya ay nagsabi: “O aking
Panginoon! Ako ay nagsilang ng isang sanggol na babae,” at ang Allâh ang higit
na nakakaalam kung ano ang kanyang ipinanganak, at ang lalaki ay hindi katulad
ng babae, “at aking pinangalanan siya ng Mariam (Maria), at ako ay humihingi ng
pagkalinga (mula) sa Inyo para sa kanya at sa kanyang magiging supling laban sa
kasamaan ni Satanas, ang itinakwil.”
37 – Kaya’t ang kan yang
Panginoon (Allâh) ay tumanggap sa kan ya
(Maria) ng may mabuting pagtanggap. At hinayaan Niya na siya ay lumaki sa
kagandahang-asal at siya ay itinagubilin sa ilalim ng pangangalaga ni Zakarias.
Sa bawat sandali na siya (Zakarias) ay pumapasok sa Al-Mihrab (isang silid-dasalan o pribadong silid) upang (bisitahin)
siya, kanyang natatagpuan siya na maraming pagkain. Siya ay nagsabi: “O Mariam
(Maria)! Saan mo ba nakikita ang mga ito? Siya ay nagsabi: “Mula kay Allah,”
Katotohanang ang Allâh ay nagkakaloob ng ikabubuhay sa sinumang Kanyang
maibigan ng walang pagbibilang (pasubali).
ANG MAGANDANG BALITA
والانباء الساره
Ang
Magandang Balita ng Pagsilang ni Hesus (عيسى عليه السلام). Nang si Maria (مَريَمَ) [RA] ay naging ganap na
dalaga, ang Banal na Espiritu (ang Anghel Gabriel [Jibril]) ay nagpakita sa
kanya sa anyo ng isang lalaki na naghatid sa kanya ng balita ng isang anak na
lalaki. Matutunghayan natin ang mga sumusunod na pag-uusap ni
Maria at ng mga anghel sa Banal na Qu’ran:
سورة آل عمران
إِذْ قَالَتِ الْمَلَائِكَةُ
يَا مَرْيَمُ إِنَّ اللَّهَ يُبَشِّرُكِ بِكَلِمَةٍ مِنْهُ اسْمُهُ الْمَسِيحُ
عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ وَجِيهًا فِي الدُّنْيَا وَالْآَخِرَةِ وَمِنَ
الْمُقَرَّبِينَ (45) وَيُكَلِّمُ النَّاسَ فِي الْمَهْدِ وَكَهْلًا وَمِنَ
الصَّالِحِينَ (46) قَالَتْ رَبِّ أَنَّى يَكُونُ لِي وَلَدٌ وَلَمْ يَمْسَسْنِي
بَشَرٌ قَالَ كَذَلِكِ اللَّهُ يَخْلُقُ مَا يَشَاءُ إِذَا قَضَى أَمْرًا
فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُ كُنْ فَيَكُونُ (47)Banal na Qu’ran (Surah Al-Imran [3]:45-47)
45 – (Gunitain) nang ipagbadya ng mga
anghel: “O Mariam! Ang Allâh ay
naghahatid sa iyo ng masayang balita ng isang Salita (Mangyari nga! At ito ay
naganap, alalaong baga, si Hesus na anak ni Mariam) mula sa kanya, ang kanyang
pangalan ay tatawagin Mesiyas, si Issa (Hesus) na anak ni Mariam, na
itinampok sa karangalan sa mundong ito gayundin sa Kabilang Buhay, at magiging
isa sa mga malalapit sa Allâh.
46 – Siya
(Hesus) ay mangungusap sa mga tao sa kanyang duyan at sa kanyang pagbibinata,
siya ay maging isa sa mga matutuwid.
47 – Siya (Maria) ay
nagsabi: “O aking Panginoon! Papaano ako magkakaroon ng anak (na lalaki) gayong
wala pang lalaki ang sumaling sa akin.”
Siya (Allâh) ay
nagwika: Ito ay magaganap, sapagkat ang Allâh ay lumikha ng kanyang
maibigan. “Kung siya ay magtalaga ng
isang bagay, Siya ay magwiwika lamang ng: “Mangyari nga!” at ito ay magaganap.
Hindi
nagtagal, ipinagdalangtao ni Maria ang bata ng mahimala at pumaroon siya sa
malayong lugar at habang hinihintay niya ang araw ng kanyang pagsisilang.
Sa kapitulo
ng Qu’ran na may pamagat na “Maria”, ito ay nagsasaysay sa atin kung ano ang
dinanas ni Maria at kung ano ang ipinangusap ng mga Hudyo ng dalhin niya ang
bata sa kanilang lugar:
سورة مريم
فَحَمَلَتْهُ فَانْتَبَذَتْ
بِهِ مَكَانًا قَصِيًّا (22) فَأَجَاءَهَا الْمَخَاضُ إِلَى جِذْعِ النَّخْلَةِ
قَالَتْ يَا لَيْتَنِي مِتُّ قَبْلَ هَذَا وَكُنْتُ نَسْيًا مَنْسِيًّا (23)
فَنَادَاهَا مِنْ تَحْتِهَا أَلَّا تَحْزَنِي قَدْ جَعَلَ رَبُّكِ تَحْتَكِ
سَرِيًّا (24) وَهُزِّي إِلَيْكِ بِجِذْعِ النَّخْلَةِ تُسَاقِطْ عَلَيْكِ رُطَبًا
جَنِيًّا (25) فَكُلِي وَاشْرَبِي وَقَرِّي عَيْنًا فَإِمَّا تَرَيِنَّ مِنَ
الْبَشَرِ أَحَدًا فَقُولِي إِنِّي نَذَرْتُ لِلرَّحْمَنِ صَوْمًا فَلَنْ
أُكَلِّمَ الْيَوْمَ إِنْسِيًّا (26) فَأَتَتْ بِهِ قَوْمَهَا تَحْمِلُهُ قَالُوا
يَا مَرْيَمُ لَقَدْ جِئْتِ شَيْئًا فَرِيًّا (27) يَا أُخْتَ هَارُونَ مَا كَانَ
أَبُوكِ امْرَأَ سَوْءٍ وَمَا كَانَتْ أُمُّكِ بَغِيًّا (28) فَأَشَارَتْ إِلَيْهِ
قَالُوا كَيْفَ نُكَلِّمُ مَنْ كَانَ فِي الْمَهْدِ صَبِيًّا (29) قَالَ إِنِّي
عَبْدُ اللَّهِ آَتَانِيَ الْكِتَابَ وَجَعَلَنِي نَبِيًّا (30) وَجَعَلَنِي مُبَارَكًا
أَيْنَ مَا كُنْتُ وَأَوْصَانِي بِالصَّلَاةِ
وَالزَّكَاةِ مَا دُمْتُ حَيًّا (31) وَبَرًّا بِوَالِدَتِي وَلَمْ يَجْعَلْنِي
جَبَّارًا شَقِيًّا (32) وَالسَّلَامُ عَلَيَّ يَوْمَ وُلِدْتُ وَيَوْمَ أَمُوتُ
وَيَوْمَ أُبْعَثُ حَيًّا (33)Banal na Qu’ran (Surah Maryam [19]:22-33)
22 – At siya ay nagdalangtao sa kanya, at siya ay pumaroon
na kasama niya (ang kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan) sa isang malayong
lugar (alalaong baga, sa Bethlehem ,
na mga apat hanggang anim na milya mula sa Herusalem).
23 – At ang sakit ng
panganganak ay nagsadlak sa kanya sa tabi ng puno ng palmera (datiles). Siya ay nangusap: “Sana’y namatay na lamang
ako bago ito nangyari sa akin, at ako ay nakalimutan at naglaho sa (kaninumang)
paningin!”
24 – At (ang sanggol na si
Hesus, o si Gabriel) ay nangusap sa kanyang paanan na nagsasabi: “Huwag
kang manimdim! Ang iyong Panginoon ay nagkaloob ng isang dalisdis ng tubig sa
iyong paanan;
25 – At
iyong ugain ang puno ng palmera (datiles) sa iyong harapan, at dito ay
malalaglag ang mga sariwa at hinog na bunga para sa iyo.
26 – Kaya’t kumain ka at uminom at maging masaya, at kung
ikaw ay makakakita ng sinumang tao, iyong sabihin: “Katotohanang ako ay nagtalaga
ng pag-aayuno sa Pinakamahabagin (Allâh), kaya’t ako ay hindi makikipag-usap sa
sinumang tao sa araw na ito.”
27 – At
kanyang dinala siya (ang sanggol) sa kanyang pamayanan na kanyang kilik. Sila
ay nagsabi: “O Maria! Katotohanang ikaw ay nagdala ng isang bagay na hindi pa
nangyari noong una (alalaong baga, isang pangyayari na mahirap paniwalaan).
28 – O
kapatid na babae ni Aaron (hindi si Aaron na kapatid ni Moises, datapuwa’t isa
ring butihing lalaki sa panahon ni Maria)! Ang iyong ama ay isang tao na hindi
gumagawa ng pangangalunya, gayundin ang iyong ina ay hindi isang maruming
babae.”
29 – At
siya (Maria) ay tumuro sa kanya. Sila ay
nagsabi: “Paano kami makikipag-usap sa kanya na isang sanggol pa sa kanyang
duyan?”
30 – Siya (Hesus) ay nagpahayag: “Katotohanang ako ay isang
alipin ng Allâh, ako ay Kanyang binigyan ng Kasulatan at ako ay hinirang Niya
na isang propeta;
31 – At ginawa Niya na
nabibiyayaan ako saan man ako pumaroon, at nagtagubilin sa akin sa pag-aalay ng
Salah (takdang pagdarasal), at (pagbibigay ng) Zakah (katungkulang kawanggawa) habang ako ay nabubuhay,
32 – At
maging masunurin sa aking ina, at hindi Niya ako ginawa na maging ubog ng sama
at malupit na pinuno;
33 – Kaya’t Salam (Kapayapaan) ang sumaakin sa araw na ako ay ipinanganak, sa
araw na ako ay mamamatay, at sa araw na ako ay muling ibabangon sa pagkabuhay!”
......................................................................................................................................................................
Isang ganap
na kahanga-hanga ang inilahad na kasaysayan ng Banal na Qur’an tungkol kay
propeta Hesus (عيسى
عليه السلام). Sino nga ba ang makababatid pa kung ano ang katotohanang
naganap ng panahon ni Hesus (عيسى عليه السلام) o ng kanyang naging buhay.
Kung hindi sa Banal na Qur’an marahil lubusan na tayong nangag-siligaw
sa mga tunay na naganap na kasaysayan.
Tunay na ang kasaysayan ay may malaking kinalaman sa ating matuwid na
pananampalataya. Ang Allâh سبحانه وتعالي ang Maalam at Nakababatid ng lahat. Kung kaya’t wala na talagang hihigit pa sa
dalang katotohanan ng Banal na Qur’an.
Sapagkat dito sa Aklat lamang na ito naisulat ang lahat-lahat ng
tuwirang kapahayagan, salita at batas, mapa-sensiya at maging ang mga kasaysayan. Tama!, maging ang mga
kasaysayan ay may mga makatotohanang tanda na inilalahad. Kaya’t walang sinumang maaaring
pasinungalingan ang sinasaad ng Banal na Qur’an.
Isang
halimbawa na ang kasaysayan ni Hesus (عيسى عليه السلام). Malinaw na ipinahayag
sa Banal na Qur’an, kung papaano ang ina ni Hesus (عيسى عليه السلام) na si [birhen] Maria ay
nagdalang-tao at nagsilang ng isang mesias (si Hesus). Ang tandang ibinigay ng Allâh سبحانه وتعالي kailanman ay hindi magpapaligaw
o mabubura sa kasaysayan lumipas man ang panahon. Sapagka’t katotohanang hindi kailanman “tala”
ang naging tanda (ayat) ng naging kapanganakan ni Hesus (عيسى عليه السلام). Hindi tala, kung hindi isang “puno”,
puno ng palmera (datiles). Ang siyang
naging tanda (ayat) upang malaman ng tao kung ano nga bang panahon
ipinanganak si Hesus (عيسى عليه السلام).
Ito ang
siyang panahon kung saan ang puno ng palmera (datiles) ay namumulaklak at
mamunga sa panahon ng tag-init. Hindi ba’t naging malinaw ang naging kapahayagan ng Banal na
Qur’an? Noong panahon na si [birhen]
Maria ay magsisilang na, siya’y inutusang ugain ang puno ng palmera, dito ay
malalaglag ang mga sariwa at hinog na bunga.
Sino pa nga ba ang maliligaw sa naging pahayag ng Banal na Qur’an. Sadyang Maalam ang Allâh سبحانه وتعالي
Sapagkat pinahayag Niyang
matuwid at totoong tunay ang ibinigay na tanda (ayat) sa sangkatauhan.
Kaya’t katotohanan lamang na ito’y isang malaking hamon para sa ibang
relihiyon o sekta na nagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus (عيسى عليه السلام). Sapagka’t kailanman hindi mamumunga ang puno ng palmera (datiles)
sa buwan ng Disyembre o tag-lamig. Kahit
pa man libutin mo ang buong daigdig walang lugar (alalaong baga, gitnang
silangan) sa buwan na ito ang mayroong panahon ng tag-init. Ito ay panahon ng tag-lamig
sa buong daigdig at ang puno ng palmera (datiles) ay hitik sa bunga sa panahon
ng tag-init.
Hindi isinalaysay kung
anong araw o petsa ipinanganak ang mesias, subalit sa isa pang tanda (ayat) na mababasa sa Banal na Qur’an (Surah Maryam) bersikulo 26
maliwanag na inilarawan dito kung anong buwan ng Hegira[1] ipinanganak ang mesias: - “Kaya’t kumain ka at
uminom at maging masaya, at kung ikaw ay makakakita ng sinumang tao, iyong
sabihin: “Katotohanang ako ay nagtalaga ng pag-aayuno sa Pinakamahabagin
(Allah), kaya’t ako ay hindi makikipag-usap sa sinumang tao sa araw na ito.”
Napakaliwanag na tanda (ayat) ang ipinamalas ng ating Dakilang Tagapaglikha, na kung
ating susuriin mauunawaan kaagad kung bakit ang salitang pag-aayuno ay binanggit pagkapanganak ni [birhen] Maria. Basahin natin
ang isa pang talata sa Banal na Qur’an na nagpapatunay lamang na ipinanganak
ang mesias sa buwan ng Ramadan.
سورة البقرة
شَهْرُ رَمَضَانَ الَّذِي
أُنْزِلَ فِيهِ الْقُرْآَنُ هُدًى لِلنَّاسِ وَبَيِّنَاتٍ مِنَ الْهُدَى
وَالْفُرْقَانِ فَمَنْ شَهِدَ مِنْكُمُ الشَّهْرَ فَلْيَصُمْهُ وَمَنْ كَانَ
مَرِيضًا أَوْ عَلَى سَفَرٍ فَعِدَّةٌ مِنْ أَيَّامٍ أُخَرَ يُرِيدُ اللَّهُ بِكُمُ
الْيُسْرَ وَلَا يُرِيدُ بِكُمُ الْعُسْرَ وَلِتُكْمِلُوا الْعِدَّةَ
وَلِتُكَبِّرُوا اللَّهَ عَلَى مَا هَدَاكُمْ وَلَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ (185)
Banal na Qu’ran (Surah Al-Baqarah
[2]:185)
185 – Ang Ramadhan ang buwan nang
ipinahayag ang Qur’an, isang patnubay sa sangkatauhan, gayundin naman ay isang
maliwanag na Tanda o Katibayan at ang Pamantayan (pamamatnubay at paghatol sa
pagitan ng tama at mali). Sinuman sa
inyo na namamalagi sa kanyang tahanan (hindi naglalakbay at nakakita ng duklay
ng buwan sa unang gabi) ay nararapat na mag-ayuno sa buwan na ito, datapuwa’t
kung sinuman ang may karamdaman o naglalakbay, (ito ay maaaring ipagpaliban) at
ang natatakdang araw (ay marapat na bayaran) sa mga darating na panahon. Ang Allâh
ay nagnanais na ang mga pagsamba ay maging magaan sa inyo; ayaw Niya sa inyo
(na ilagay kayo) sa kahirapan. (Nais Niyang) tapusin ninyo ang natatakdang
araw, at luwalhatiin Siya (katulad ng pagsasabi ng Allahu Akbar
[‘Pinakadakila ang Allâh’]
sapagkat Kanyang pinatnubayan kayo; upang
kayo ay magkaroon ng damdamin ng pasasalamat sa Kanya.
.......................................................................................................................................................................
Ipinangaral
din ni Hesus (عيسى
عليه السلام)
ang mga tanda (ayat) sa sanlibutan, subalit sadyang mapupurol ang isip at
mapagpaimbabaw ang mga taong nagkukunwaring sumusunod sa Kapahayagan ng
Diyos. Sinabi rin ni Hesus (عيسى عليه السلام) sa mga tao: (Lucas
12:54-56) “Kapag nakita ninyong makapal ang ulap sa
kanluran, sinasabi ninyong uulan, at gayon nga ang nangyayari. At kung umihip ang hanging timog ay sinasabi
ninyong iinit, at nagkakagayon nga. Mga mapagpaimbabaw! Marunong kayong bumasa
ng palatandaan sa lupa’t sa langit, bakit hindi ninyo mabasa ang mga tanda ng
kasalukuyang panahon?”
Kung
susuriin natin ang layunin ng ating nag-iisang Diyos, iisa lamang ang hangad
Niya sa Kanyang mga nilalang, ang Sambahin Siya. Sambahin na sumasakop sa ating
puso’t pag-iisip na walang iba pa kundi ang; tumalima, sumunod, at magpasakop sa kalooban Niya. Kapag Siya ay may naibigan, isang salita lang
Niya, Mangyari nga!
Maliwanag
na binanggit sa Bibliya ang Salita at kung ano ang ibig sabihin nito:
IN THE NAME
OF ALLÂH
MOST GRACIOUS MOST MERCIFUL
[Juan
1:1-5] (يوحنا 1:1-5)
“Sa
pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay
Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa.
Sa pamamagitan Niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang
nalikha nang hindi sa pamamagitan Niya.
Mula sa Kanya ang buhay, at ang buhay ay Siyang ilaw ng sangkatauhan.
Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman.
Hindi ko
lubos maisip kung bakit ang tao o mga ibang taong nilalang Niya ay naging
mapupurol ang pag-iisip o sadyang matitigas ang mga ulo at ayaw makinig. Ang mga napiling propeta ng Diyos na naghatid
ng mensahe sa mga tao ang dapat nating tularan o sundin upang talikdan at
mapaglabanan ang masasamang gawain sa mundong ibabaw. Sila na mga taong mapaggawa ng kasamaán at
baluktot ang pangangatwiran ay dapat lang iwasan.
Sapagka’t
sila iyong mga nangaligaw sa tamang landas ng totoong buhay at walang
pangambang ipinagpalit ang kaluluwa sa maka-mundong bagay. Sila ang mga nagbulag-bulagan at naging
manhid sa katotohanan. Nagpaka-dalubhasa
sila sa karunungan ngunit ginagamit naman sa maling pamamaraan at sa pansarili
nilang kapakanan. Ang mga propeta ng Allâh سبحانه وتعالي , at sa mga tanda (himala)
Niyang ipinamalas, napakaraming tao pa
rin ang nangaligaw dahilan sa maling “pagkakakilala, paniniwala at pagsamba” sa
nag-iisang Diyos.
Ang sabi ni
Hesus (عيسى
عليه السلام):
[Lucas
11:52] (لوكىِ 52:11)
“Kawawa kayo, mga dalubhasa sa karunungan! Sapagkat
inalis ninyo ang susi ng karunungan. Ayaw na ninyong magsipasok, hinahadlangan
pa ninyo ang mga nagnanais pumasok.”
Si Hesus (عيسى عليه السلام) ay naging isang magandang
balita o tanda sa tao. Higit sa lahat
siya’y inilaan para sa angkan o lipi ni Israel (Hakob). Sapagkat
sila ay nangaligaw at sumuway sa naging Kapahayagan ng mga propetang na nga una. Sa kanyang panahon siya (Hesus) ay
pinagkalooban ng Kapahayagan at tuwirang Patnubay ng Allâh سبحانه وتعالي .
Sa kanya ipinagkaloob ang Ebanghelyo (Injil sa Arabik) ng may matatalim, matatalas, o malalalim
na kahulugan. Si Hesus (عيسى عليه السلام)
ay naging matuwid sa kanyang mga gawa at pangangaral. Ang lahat ng kanyang sinasabi o pinahahayag
ay umaayon sa kanyang Gawain.
Siya ay nagpakita ng tuwirang pagsunod,
pagpapasakop at pagsamba sa Diyos. Kung kaya’t nanatiling walang bahid
kasalanan. Siya ay nagpamalas ng
napakaraming himala sa tao.
Ipinakilala niya ang Diyos sa kanilang mga mata, tenga at katawan
upang lubos nilang makilala ang Diyos.
Maramdaman nila, makita o masaksihan at marinig ang Salita ng Diyos. Ito nga ay
sa pamamagitan ni Hesus (عيسى عليه السلام).
Ngunit sadyang naging mapurol
at naging maliit ang naging pang-unawa ng tao sa mga ipinamalas niyang Himala
at Salita (Kapahayagan). Tinawag siyang natatanging Propeta para sa mga Muslim sapagkat siya ay nagtataglay ng may
pinaka-malakas na pananampalataya. Hindi
lang siya basta kakaiba (dahil sa kakaibang paglikha sa kanya) kung hindi
kakaiba ang kanyang pananampalataya sa nag-iisang Diyos na Siyang kahanga-hanga
sa mga Muslim. Siya ay ginawang tanda ng
Allâh سبحانه
وتعالي
upang ipahatid alam sa tao na kung tayo lamang ay may malakas na
pananampalataya sa Kaisahan ng Allâh
سبحانه وتعالي at may tunay, busilak na pagpapasakop sa
Kanyang kalooban. Walang imposible na
hindi Niya tutugunan ang ating mga panalangin ng may kainaman para sa ating
mabuting kapakanan.
Tulad ni Hesus (عيسى عليه السلام)
kung papano siya ay nananalangin muna para maipakita ang mga himala. Hindi ba’t sa lakas ng kanyang
pananampalataya at kalinisan ng kalooban ay naipagkaloob sa kanya ang paggawa
ng lahat ng himala. Tulad ng
pagpapagaling ng mga may sakit: bulag, lumpo, pipi at bingi. Maging ang pag buhay ng patay. Nangangahulugan na walang imposible sa Diyos.
Hindi ba’t ibinigay
ding tanda (ayat) ng Allâh
سبحانه وتعالي ang tungkol sa may maliwanag na mukha. Noong panahon ni Hesus (عيسى عليه السلام)
makikita sa kanyang mga mukha ang kakaibang liwanag. Bakit nga ba?
Dahil isa siya sa mga may mabubuting kalooban. Sa kanyang pagparito ipinamalas niya ang lahat
ng Kapahayagan ng
may matuwid na pagganap. Matutunghayan
din natin na si Hesus (عيسى عليه السلام)
ay nagsabi sa kanyang pangangaral sa sinagoga na “hindi kapayapaan ang
kanyang dala kundi tabak”. Sadyang napakalalim ng kanyang naging
pahayag. Dahil hindi naman siya pumatay
sa halip siya ay bumuhay ng patay.
Hanggang sa siya ay lumisan wala na sino man ang nakakita sa kanyang
pag-alis.
Bagamat ito’y naipaalam sa
kanyang mga tunay na tagasunod o disipulo. Mula noon naganap na ang dapat maganap
at nagkaroon na ng maraming pagkalito, haka-haka, at pag-aalinlangan. Dahilan na rin sa dami ng mga nagsipagpanggap
(mga bulaang propeta o mangangaral). Na
nagturo ng lalong ikalilito o ikalilihis ng tao sa tamang daan. Basahin natin ang napakahiwagang tabak ni Hesus (عيسى عليه السلام)
na siyang Ebanghelyo para sa pamayanan ng Israel.
...........................................................................................................................................................
ANG TABAK
السيف الحاد
SA BIBLIYA: Hindi “KAPAYAPAAN” kundi “TABAK”
[Lu. 12:51-53
14:26-27] [Mateo 10:34-39] (لوكىِ
51:12-53 26:14-27) (ماتّيو 34:10-39)
Ang sabi ni
Hesus (عيسى عليه السلام): “Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng kapayapaan
sa lupa; naparito ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan. Sapagkat naparito ako upang papaglabanin ang
anak na lalaki at ang kanyang ama, ang anak na babae at ang kanyang ina, ang
manugang na babae at ang kanyang biyenang babae. At ang kaaway ng isang tao’y ang kanya na
ring kasambahay. Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit sa akin
ay hindi karapat-dapat sa akin. At ang
umiibig sa anak na lalaki o babae nang higit sa akin ay hindi karapt-dapat sa
akin. Ang hindi nagpapasan ng kanyang
krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nag-iingat ng kanyang buhay dahil sa akin
ay makakamit nito.”
Katulad ng nabanggit ko. Bakit nga ba
hindi “Kapayapaan” sa lupa ang dala ni Hesus? Bakit nasabi niyang
naparito siya at upang magdala ng “Tabak”.
Sadyang ang
Tabak ay inihasa at pinatalim. Pinatalim ng husto upang ipamatay nang
walang puknat at pinakintab upang kumislap na parang kidlat. Ito’y sadyang pinatalim para ibigay sa mga
kamay ng berdugo At simula palang ng
sanggol si Hesus (عيسى
عليه السلام)
ay kasama na niya ang Tabak upang ito ang kanyang magamit sa bayan ng
kanyang mga ninuno at gamitin sa mga taong may dilang sinungaling,
mapagpaimbabaw, sakim sa kapangyarihan at mapaggawa ng kasamaán dito sa ibabaw
ng lupa upang sa ganon ay magampanan niya at magkaroon ng katuparan yaon isang
“mahalagang layunin”.
Ang layunin
ng ating Dakilang Tagapaglikha kay Hesus (عيسى عليه السلام) ay ang ipahayag ang Ebanghelyo sa sanlibutan
upang ang tao’y
gumising sa pagkalimot,
magsisi, talikdan ang mga masasamang gawain at magbalik loob sa nag-iisang
Diyos (Allâh سبحانه وتعالي). Si Hesus
(عيسى عليه السلام) ay isa lamang sangka sa
mahabang kawil ng mga propeta at sugo na isinugo ng Diyos sa iba’t-ibang
lipunan at mga bansa kailanma’t sila’y nangangailangan ng patnubay sa mga Aral
o Kapahayagan ng Diyos.
Si Hesus (عيسى عليه السلام) ay tanging inihanda ng
Diyos upang isugo sa mga Hudyo na lumilihis sa mga aral ni propeta Moises (موسى عليه السلام) at ng iba pang sugo. Sapagkat siya ay mahimalang sinubaybayan ng
Diyos sa sinapupunan (ni Birhen Maria), sa kanyang pagsilang at paglaki, siya
rin ay pinatnubayan ng Diyos ng maraming himala upang mapatibayan na siya ay
sugo mula sa nag-iisang Diyos.
Magkagayunman,
ang karamihan sa mga Hudyo ay nagtatakwil sa kanyang pangangaral. Gumamit si Hesus ng mga matatalinghagang
pananalita upang ang mga Hudyo ay magkaroon ng pagsusulit. Pagsusulit sa mga mapagpaimbabaw at mapaggawa
ng kabuktutan sa ibabaw ng lupa.
Tabak ang sandata ni Hesus ngunit ito’y hindi nakikita
bagkus ito’y naririnig. Hindi gaya kay propeta Moises (موسى عليه السلام)
ng siya ay binigyan ng Diyos ng kapangyarihan at kapahintulutan, sa isang
kumpas lang ng lumang tungkod magaganap na kaagad ang isang himala. Mga himala (ayat) para sa mga taong marurupok ang pananampalataya, mga
nangabulag at madaling nakalimot sa nakaraan.
Tabak ang ginamit ni Hesus (عيسى عليه السلام)
upang maramdaman ng husto ng mga tao kung gaano “katalas o katalim” ang kanyang mga pananalita sa mga mapupurol na pang-unawa. Ang isang taong sakim at makasarili sa
makamundong-bagay ay malabong tablan ng Tabak gawa nga ng sarado na ang pinto
sa kanya tungo sa tamang landas ng totoong buhay.
RELIHIYON
Kaya’t
sinabi ni Hesus:
“Sapagkat naparito ako upang papaglabanin ang
anak na lalaki at ang kanyang ama, ang anak na babae at ang kanyang ina, ang
manugang na babae at ang kanyang biyenang babae. At ang kaaway ng isang tao’y ang kanya na
ring kasambahay.”
Bakit nasabi ni Hesus
(عيسى عليه السلام) ang
mga bagay na ito? Sapagkat lumihis sila at lumayo sa tamang kautusan at batas
ng ating nag-iisang Diyos. Kung
ang Banal na Qur’an ay nagtatakwil sa turong Trinidad
at pagka-diyos anak na Hesus, ano ang tunay na misyon o layunin ni Hesus ayon
sa Qur’an? Tulad ng nabanggit ko sa itaas. Si Hesus
ay tanging inihanda ng Diyos upang isugo sa mga Hudyo na lumilihis sa mga aral
ni propeta Moises ( موسى عليه السلام)
at ng iba pang sugo.
Subalit ng
dumating ang oras ng kanyang paglisan, muling naglipana ang mapaggawa ng mga
kasinungalingan at tuluyang inilihis sila ng kanilang mga maling pang-unawa sa
mga Kapahayagan. Marami ang
nag magaling upang magbigay lamang ng ikalilihis at ikapapahamak ng
marami. Kung kaya’t nagkaroon ng mga
pag-aalinlangan.
Ang sabi ni
Hesus (عيسى
عليه السلام)
:
[Juan 16:32] (يوحنا 32:16). “Darating ang oras –at ngayon na nga
– na magkakawatak-watak kayo, at iiwan ninyo ako.”
Ang talata ng Banal na Qu’ran ay nagsasaysay:
سورة البقرة
ذَلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ
نَزَّلَ الْكِتَابَ بِالْحَقِّ وَإِنَّ الَّذِينَ اخْتَلَفُوا فِي الْكِتَابِ
لَفِي شِقَاقٍ بَعِيدٍ (176)Banal na Qu’ran (Surah Al’Baqarah [2]:176)
176 - Ito’y dahilang ipinadala ng Allâh ang Aklat (ang Qu’ran na
naglalaman) ng katotohanan. At
katiyakan, ang mga nagsisipagtalu-talo tungkol sa Aklat ay lagi nang hindi
nagkakasundo na malayung-malayo (sa patnubay).
................................................................................................................................................................Kaya’t maliwanag na nangyari ang sinabi ni Hesus (عيسى عليه السلام). Naglipana ang maraming sekta at ibat-ibang klase ng kulto o mga huwad na relihiyon sa sanlibutan.
Nagkaroon ng haka-haka at
pagtatalo ang mga taong ganid sa
kapangyarihan at katotohanan. Hanggang
sa paglipas ng maraming taon at marami ring mga taong nalihis ng paniniwala sa
Kaisahan ng Diyos.
Sa kabila
nito; kung papaano ang isang anak ay nakasumpong ng tunay na pagsamba at
paniniwala sa nag-iisang Diyos at ibang paniniwala naman ng kanyang ama, siya
at kanyang ama ay magkakaroon ng agwát dahilan sa hindi pagkakaunawaan kung
sino sa kanila ang nasa tamang patnubay.
Kung ang anak na babae o lalaki ay nakapag-asawa ng ibang relihiyon, ang
kanyang magulang ay tututol dahil salungat sa kanilang paniniwala at naging
tradisyon. Hindi rin magkasundo ang
manugang na babae at kanyang biyenang babae gawa ng magkaiba sila ng prisipyo,
paniniwala, at gawain.
Ganyan din kung bakit nagkakaroon ng away at hindi
pagkakasunduan ang magkapit-bahay, ang isang pook o bayan, ang isang bansa o
buong mundo, dahil salungat ang kanilang paniniwala at hindi magkaisa kung sino
at kung ano ang tunay na relihiyon ng Diyos.
Paano ba natin makikilala ang tunay na relihiyon at ang mga taong
tumatalima sa kalooban ng Diyos? Ang
kasagutan ay si Hesus (عيسى
عليه السلام) na rin ang
nagbigay babala at halimbawa na mababasa sa Bagong Tipan ng Bibliya:
[Marcos 3:31-35] (مأرك 31:3-35): ‘Dumating ang ina at mga kapatid ni Hesus. Sila’y
nasa labas ng bahay at ipinatawag siya. Noon nama’y maraming taong nakaupo sa
palibot ni Hesus, at may nagsabi sa kanya, “Nariyan po sa labas ang inyong ina
at mga kapatid; ipinatatawag kayo.” Sino ang aking ina at mga kapatid?” ani
Hesus. Tumingin siya sa mga nakaupo sa palibot niya at nagwika: “Ito ang aking
ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang tumatalima sa kalooban ng Diyos, ay
siya kong ina at mga kapatid.”
Ipinapahiwatig
ni Hesus sa mga tao na ang dahilan ng kanyang pagparito sa lupa ay upang
ganapin ang utos sa kanya ng Allâh سبحانه وتعالي, at hindi upang siya’y sambahin at gawin din siyang Diyos o
ituring na anak ng Diyos.
At iyan ang
layunin kung bakit isinugo ng Allâh سبحانه وتعالي, si Hesus (عيسى عليه السلام) upang ang tao ay manumbalik kung papaano ang tamang paggawa at
pagsamba sa ating nag-iisang Diyos. Ang
talata ng Banal na Qu’ran ay nagsasaysay:
سورة آل عمران
وَيُعَلِّمُهُ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَالتَّوْرَاةَ
وَالْإِنْجِيلَ (48) وَرَسُولًا إِلَى بَنِي إِسْرَائِيلَ أَنِّي قَدْ جِئْتُكُمْ
بِآَيَةٍ مِنْ رَبِّكُمْ أَنِّي أَخْلُقُ لَكُمْ مِنَ الطِّينِ كَهَيْئَةِ
الطَّيْرِ فَأَنْفُخُ فِيهِ فَيَكُونُ طَيْرًا بِإِذْنِ اللَّهِ وَأُبْرِئُ
الْأَكْمَهَ وَالْأَبْرَصَ وَأُحْيِي الْمَوْتَى بِإِذْنِ اللَّهِ وَأُنَبِّئُكُمْ
بِمَا تَأْكُلُونَ وَمَا تَدَّخِرُونَ فِي بُيُوتِكُمْ إِنَّ فِي ذَلِكَ لَآَيَةً
لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ (49)
Banal na Qu’ran (Surah Al’Imran
[3]:48-49)
48 - At Siya (Allâh) ay magtuturo sa kanya (Hesus) ng Aklat at Al-Hikmah
(alalaong baga, ang Sunnah [mga Gawa], ang salita ng mga Propeta na walang
kamalian, ang karunungan) at ng Taurat (Torah [mga Batas] at ng Injil
[Ebanghelyo]).
49 - At Kanyang hihirangin siya (Hesus) na isang
Sugo sa Angkan ng Israel (na magsasabi): “Ako ay naparito sa inyo na may dalang
Tanda mula sa inyong Panginoon; aking huhubugin para sa inyo mula sa malagkit
na putik, na katulad nito ang hugis ng isang ibon at aking hihipan ito at
magiging isang ibon, sa kapahintulutan ng Allâh;
at aking pagagalingin siya na ipinanganak na Bulag, at ang may ketong, at aking
bibigyan muli ng buhay ang patay, sa kapahintulutan ng Allâh.
At ipaalam ko sa inyo kung ano ang inyong kinakain, at kung ano ang
iniimbak ninyo sa inyong mga tahanan.
Katotohanan naririto ang isang tanda sa inyo kung kayo ay nananalig.”
..............................................................................................................................................................
Ipinagkaloob
ng Allâh سبحانه وتعالي kay Hesus ang susi ng
karunungan (ang Tabak), upang gamitin ito sa mga nalilihis sa katotohanan
at sa mga taong nagtatago ng itim na karunungan. Hindi lang basta sa Israel ipinangaral ni Hesus ang
Ebanghelyo (إِنجيل) kundi sa lahat ng lahi ng
Amang si Abraham (إِبراهيم
عليه السلام).
Humirang si Hesus ng mga makakasama at tinawag niyang
mga apostol (hawariyyun), upang maging kasa-kasama niya, suguing
mangangaral.
Ang talata
ng Banal na Qu’ran ay nagsasaysay:
سورة آل عمران
فَلَمَّا أَحَسَّ عِيسَى مِنْهُمُ الْكُفْرَ قَالَ مَنْ أَنْصَارِي
إِلَى اللَّهِ قَالَ الْحَوَارِيُّونَ نَحْنُ أَنْصَارُ اللَّهِ آَمَنَّا
بِاللَّهِ وَاشْهَدْ بِأَنَّا مُسْلِمُونَ (52)
Banal na
Qu’ran (Surah Al’Imran [3]:52)
52 - At nang mapag-alaman ni Hesus ang kanilang
kawalan ng pananampalataya, siya ay nagsabi:
“Sino baga ang aking makakatulong sa Kapakanan ng Allâh?”
Ang Hawariyyun (mga disipulo) ay nagsabi: “Kami ang mga tagatangkilik
(katulong) ng Allâh; kami ay
sumasampalataya sa Allâh at
ikaw (Hesus) ay magbigay-saksi na kami ay mga Muslim (na tumatalima sa Allâh).”
..............................................................................................................................................................
Ang Salita (mga Gawa), ang Taurat
(Torah) [mga Batas], ang Salmo at ng Injil (Ebanghelyo) ay ipinangaral
ni Hesus sa mga tao sa pamamagitan na maraming talinghaga. Katulad nitong talata sa Bagong Tipan ng
Bibliya: “hindi kapayapaan kundi tabak”, ayon sa makakaya ng mga taong
may pang-unawa. Hindi rin siya nangaral
sa mga tao nang hindi gumagamit ng talinghaga.
Kagaya ng mga eskriba at mga Pariseo noon panahon na yaon, si Hesus na
lagi nilang hinahanapan ng mga himala at lagi silang sumasalungat sa mga salita
niya at sinasabi pa ng ilan na, “Inaalihan
siya ng masamang espiritu.” Dahil
sa matalas ang tabak ni Hesus, tinanong siya ng kanyang mga apostol kung ano ba
talaga ang layunin ng kanyang mga matatalinhagang pangungusap at mababasa natin
sa:
[Mateo
13-10-17] (ماتّيو 10:13-17):
Lumapit ang mga alagad at tinanong si
Jesus: “Bakit po
ninyo dinadaan sa talinghaga ang inyong pagsasalita sa kanila?” Sumagot siya.
“Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng
Diyos, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila.
Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala,
kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Nagsasalita ako sa kanila sa
pamamagitan ng talinghaga, sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakikita, at
nakikinig ngunit hindi nakaririnig ni nakaunawa. Natutupad nga sa kanila ang hula ni Isaias
na nagsasabi: “Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makauunawa, At
tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakikita. Sapagkat naging “mapurol”
ang isip ng mga taong ito; Mahirap
makarinig ang kanilang mga tainga, At ipinikit nila ang kanilang mga mata. Kundi gayon, disin sana’y nakakita ang
kanilang mga mata. Nakarinig ang
kanilang mga tainga, Nakaunawa ang kanilang mga isip, At nagbalik-loob sa akin,
At pinagaling ko sila, sabi ng Panginoon.
Mapalad kayo, sapagkat nakakikita ang inyong mga mata at nakaririnig ang
inyong mga tainga! Sinasabi ko sa inyo;
maraming propeta at matutuwid na tao ang nagnasang makakita sa inyong nakikita,
ngunit hindi ito nakita, at makarinig sa inyong naririnig, ngunit hindi ito
napakinggan.”
Ang talaga ng Banal na Qu’ran ay
nagsasaysay:
سورة البقرة
إِنَّ اللَّهَ لَا يَسْتَحْيِي أَنْ يَضْرِبَ مَثَلًا مَا بَعُوضَةً
فَمَا فَوْقَهَا فَأَمَّا الَّذِينَ آَمَنُوا فَيَعْلَمُونَ أَنَّهُ الْحَقُّ مِنْ
رَبِّهِمْ وَأَمَّا الَّذِينَ كَفَرُوا فَيَقُولُونَ مَاذَا أَرَادَ اللَّهُ
بِهَذَا مَثَلًا يُضِلُّ بِهِ كَثِيرًا وَيَهْدِي بِهِ كَثِيرًا وَمَا يُضِلُّ
بِهِ إِلَّا الْفَاسِقِينَ (26)
Banal na
Qu’ran (Surah Al’Baqarah [2]:26)
26 - Katotohanan ang Allâh ay hindi
nakikimi na magbigay ng paghahalintulad kahima’t ito ay isang lamok o anumang
malaki kaysa rito. Ang mga nagsisisampalataya ay nakatatalos na ito ang
katotohanan mula sa kanilang Panginoon. Datapuwa’t ang mga nagtatakwil sa
pananampalataya ay nagsasabi: “Ano baga ang ibig ipakahulugan ng Allâh sa
ganitong paghahalintulad?” Sa pamamagitan nito ay pinapangyari Niya na maligaw
ang marami at pinapangyari Niya na maakay ang marami sa tamang landas. At
walang maliligaw sa pamamagitan nito maliban lamang sa mga mapaghimagsik sa
Allâh.
..............................................................................................................................................................
MGA KAHULUGAN NG MGA TANDA (AYAT) [mga himala, tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp.]
معني آيات اللَّه
Napakaliwanag na sinasabi sa mga
talinghaga ni Hesus (عيسى
عليه السلام) kung ating susuriin kung anong buhay
meron tayo ngayon. At sa mga nakakaunawa
at nakakasunod sa ipinag-uutos ng ating nag-iisang Tagapaglikha ay sila iyong
mga mananagana pa. Ngunit, nakakalungkot
isipin ang mga ibang tao na mapupurol ang mga pang-unawa at hindi nila kayang
bitiwan ang isang prinsipyong nagturo sa kanila ng maling katuruan na siya na
rin daan sa kanila kung papaano lumihis
sa tamang pagsamba sa nag-iisang Diyos.
Sa kapahintulutan ng Allâh سبحانه وتعالي , si Hesus (عيسى
عليه السلام) ay nagpakita ng mga tanda (ayat). Subali’t hindi pa rin nagbabago ang tao at
lumilihis pa rin sila sa utos at batas ng Allâh سبحانه وتعالي. Iyong mga tanda (ayat): “mga may sakit
na ketong, bulag, pipi at bingi, mga lumpo, at namatay na muling binuhay
na pinagaling ni Hesus, magpasa-hanggang ngayon.. napakapurol pa rin ng isipan
ng ibang tao. Hindi nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng mga tanda (ayat).
Bagkus, ginawa pa ng kalapastanganan ang sugo ng Allâh سبحانه وتعالي at wala pa rin takot at
sabihin pa ng mga bulag sa katotohanan na si Hesus ay anak ng Diyos at kanila
pang sinamba pagkatapos magpakita ng mga himala o tanda (ayat) na
ipinag-uutos lamang sa kanya ng ating nag-iisang Tagapaglikha.
Hindi ba maliwanag sa inyo ang isang
talata sa Ebanghelyo (Injil) ni Hesus: “At ang umiibig sa anak na lalaki o
babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at
sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nag-iingat ng kanyang buhay dahil sa
akin ay makakamit nito.” Hindi pa rin ba naiintindihan ng mga dalubhasa
sa karunungan ang ibig sabihin ng dalang tabak ni Hesus? Hindi kailanman itinuro o binanggit ni Hesus
(عيسى
عليه السلام) na pasanin mo ang krus kung ikaw ay
nag-aayuno o nagsisisi ng kasalanan. Ang
pagpapasan ng krus ay ang pagsasakripisyo at pagtitiis sa maka-mundong bagay at ito rin ang pangunahing pamamaraan upang
makasunod sa tamang aspeto ng totoong buhay.
Lantarang ibinigay halimbawa ni Hesus ang kanyang sarili upang maging
tanda sa mga tao na siya ay sumusunod, tumatalima at nagpapasakop sa kalooban
ng Diyos. Sinasabi ni Hesus na hindi
karapat-dapat ang mga taong zalimun (mga sinungaling, kriminal,
mapaggawa ng kasalanan, atbp.) na makapasok sa pinto ng langit. Sapagkat silang mga “sugo” ng Diyos ang “daan” at magiging Wali (saksi o
tagapagtanggol) sa mga sumasampalataya at hindi nananampalataya pagdating ng
hukom. Sa pangangaral ni Hesus ipinagbadya
niya sa mga tao ang nalalapit na paghahari ng Diyos at kaya naman nagpamalas siya ng maraming
tanda (ayat) sa sangkatauhan.
Isa na rito ang mga tandang ipinagkaloob
ni Hesus sa kapahintulutan ng Allâh سبحانه وتعالي . Ito ay ang mga himalang iginawad sa mga may-sakit na ketong,
bulag, pipi, bingi, lumpo at patay.
Ang mga ketonging may sakit, may
sakit sa pananampalataya ang mga may kakulangan sa pananalig sa Kaisahan ng
Allâh سبحانه وتعالي . Ganoon din sa pagiging ganid sa mga
materyal na bagay. Kasama na ang mga kumikita ng patubo sa perang ipinautang.
(Ang kaparusahan ay sadyang mabagsik), kaya’t kung ikaw ay hindi gagaling o
tatablan ng tabak ni Hesus (عيسى عليه السلام)
upang makamit ang kagalingan. Totoong
ang naghihintay na kaparusahan ay mabagsik. Dahil ang Banal na Qu’ran ay
nagsasaysay:
سورة البقرة
الَّذِينَ يَأْكُلُونَ الرِّبَا لَا يَقُومُونَ إِلَّا كَمَا يَقُومُ
الَّذِي يَتَخَبَّطُهُ الشَّيْطَانُ مِنَ الْمَسِّ ذَلِكَ بِأَنَّهُمْ قَالُوا
إِنَّمَا الْبَيْعُ مِثْلُ الرِّبَا وَأَحَلَّ اللَّهُ الْبَيْعَ وَحَرَّمَ
الرِّبَا فَمَنْ جَاءَهُ مَوْعِظَةٌ مِنْ رَبِّهِ فَانْتَهَى فَلَهُ مَا سَلَفَ
وَأَمْرُهُ إِلَى اللَّهِ وَمَنْ عَادَ فَأُولَئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ هُمْ
فِيهَا خَالِدُونَ (275) يَمْحَقُ اللَّهُ الرِّبَا وَيُرْبِي الصَّدَقَاتِ
وَاللَّهُ لَا يُحِبُّ كُلَّ كَفَّارٍ أَثِيمٍ (276)
Banal na Qu’ran (Al’Baqarah
[2]:275-276)
275 - “Ang mga kumakain (nagpapasasa) ng Riba
(nagpapatubo ng salapi o interes) ay hindi titindig (sa kanilang libingan sa
Araw ng Muling Pagkabuhay) maliban (na tulad) nang pagtindig ng isang tao na
hinataw ni Satanas, na nagdulot sa kanya ng pagkabaliw. Sapagkat sila ay
nagsabi: “Ang pangangalakal ay tulad ng Riba (pagpapatong ng tubo sa
salapi o interes),” datapuwa’t ang Allâh ay nagpahintulot ng pangangalakal at
nagbawal ng Riba (pagpapatubo sa salapi o interes). Kaya’t sinuman ang
tumanggap ng paala-ala (babala ng pagbabawal ng Riba) mula sa kanyang
Panginoon at tumigil sa pagpapasasa sa Riba (patubo) ay hindi
parurusahan sa anumang nakaraan (dahil sa kawalan ng kaalaman); ang kanyang
kahatulan ay nasa Allâh; datapuwa’t kung sinuman ang magbalik (sa hanapbuhay)
na may Riba (muling magpatubo o kumita ng tubo o salapi), sila ang
magsisipanahan sa Apoy, manatili sila rito magpakailanman.”
276 - Ang Allâh ay hindi magkakaloob ng anumang
biyaya sa Riba (pagpapatubo ng salapi), datapuwa’t magbibigay (Siya) ng
higit pang biyaya sa mga gawa ng pagkakawang gawa; ang Allâh ay hindi
nagmamahal sa di-nananampalataya (patuloy na nagpapatubo sa salapi) at
makasalanan.
...................................................................................................................................................................
Ang mga bulag
na siyang katotohanan ay binigyan ng pagkakataon na makakita upang masumpungan
nila ang tunay na landas ng katotohanan o kapayapaan.
Sabi ni Hesus (عيسى عليه السلام): (Juan
9:41) “Kung kayo’y bulag, wala na sana kayong kasalanan. Ngunit sinasabi
ninyong nakakikita kayo, kaya’t nananatili ang inyong mga kasalanan.”
Silang mga pipi, ay ang mga may bibig ng puno ng kasinungalingan, naghahatid ng maling balita ng walang sapat na batayan at nagtatahi ng mga salitang walang katotohanan laban sa kanilang kapwa o maging sa kapahayagan ng katotohanan. At muling pagkakalooban na makapagsalita ng matuwid ng naaayon sa katotohanang ipinagkaloob na kapahayagan.
Ang mga bingi
na walang iniwan sa taong nagtutulog-tulugan na tumataliwas sa mga ipinahayag
na katotohanan. Sila rin ang ang mga
nagsasarado ng kanilang diwa upang tumanggap ng kung ano ang kapahayagan. Ngunit sila’y
bingi na walang ibang naririnig kundi panawagan at sigaw at binabalewala
ang katotohanang Kapahayagan.
Ang talata ng Banal na Qu’ran ay nagsasaysay:
سورة البقرة
وَمَثَلُ الَّذِينَ كَفَرُوا
كَمَثَلِ الَّذِي يَنْعِقُ بِمَا لَا يَسْمَعُ إِلَّا دُعَاءً وَنِدَاءً صُمٌّ
بُكْمٌ عُمْيٌ فَهُمْ لَا يَعْقِلُونَ (171)Banal na Qu’ran (Al’Baqarah [2]:171)
171 - Ang nakakahalintulad ng mga tao na
nagtatakwil ng pananampalataya (at ng mga nag-aanyaya sa kanila tungo sa tamang
patnubay) ay katulad ng isang pastol na sumisigaw (sa pulutong ng mga tupa) na
walang naririnig kundi panawagan at sigaw. (Sila na hindi sumasampalataya ay)
mga bingi, pipi at bulag. Sila ay hungkag sa pang-unawa (sa katotohanan at
karunungan).
Ang mga lumpo
ay nakalakad upang baybayin ang matuwid na landas ng katotohanan tungo sa
pagsamba at pananampalataya sa (Tunay) na nag-iisang Diyos (Allâh سبحانه وتعالي).
Ang patay ay ang mga patay na
taong walang paniniwala, walang kinikilalang Diyos o walang pinag-uukulan ng
pagsamba sa iisang Diyos.
Kaya’t sila’y binigyan muli ng buhay ni Hesus
upang magkaroon ng kikilalaning Diyos ang Kaisahan. Sapagkat di lingid sa atin,
sadyang may mga taong hindi na naniniwala na may lumikha sa kanila.
Ang mga may sakit sa ketong
ay ang mga taong naging simbolo na sakim sa pananalapi. Mga taong ganid sa
material na bagay na kung walang patubo o interes hindi nila makukuhang
tumulong ng walang kapalit sa mga taong mahihirap. Muli silang pinagaling upang makilala nila na
may Diyos na nagbigay ng Banal na Kautusan sa wastong pangangalakal.
Sapagka’t ang sinumang taong nagpatubo ng
perang hindi pinag-pawisan, katotohanang si Satanas ang kanilang makakasama sa
ipinangakong impiyerno. Kaya’t nagsabi
rin si Hesus sa mga taong sakim sa salapi:
(Lucas 16:15) “Kayo ang nagpapanggap na mga matuwid sa harapan
ng mga tao, ngunit nasasaliksik ng Diyos ang
inyong mga puso. Sapagkat
ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.
Ito ay ang mga tandang ginawa ni Hesus (عيسى عليه السلام) sa pamamagitan na pagpapagaling ng may kapahintulutan ng Allâh
سبحانه وتعالي .
Ang talata ng Banal na Qu’ran ay nagsasaysay:
سورة آل عمران
يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لِمَ
تَكْفُرُونَ بِآَيَاتِ اللَّهِ وَأَنْتُمْ تَشْهَدُونَ (70)Banal na Qu’ran (Surah Al’Imran [3]:70
70 – O Angkan ng Kasulatan! (mga Hudyo at
Kristiyano): “Bakit hindi kayo nananampalataya sa Ayat ng Allâh (ang mga
Talata tungkol kay Propeta Muhammad) na nasasaad sa Taurat (Torah) [mga Batas]
at sa Injil (Ebanghelyo), habang kayo ay sumasaksi nito.
سورة البقرة
يُؤْتِي الْحِكْمَةَ مَنْ يَشَاءُ وَمَنْ يُؤْتَ الْحِكْمَةَ فَقَدْ
أُوتِيَ خَيْرًا كَثِيرًا وَمَا يَذَّكَّرُ إِلَّا أُولُو الْأَلْبَابِ (269)
Banal na Qu’ran (Al’Baqarah [2]:269)
269 - Siya ay nagkakaloob ng karunungan Kanyang
maibigan; at siya na pinagkalooban (Niya) ng karunungan ay tunay namang
nakatatanggap ng kapakinabangan na nag-uumapaw; datapuwa’t walang sinuman ang
tatanggap ng paala-ala maliban sa mga tao na may pang-unawa.
..................................................................................................................................................................
Atin tanungin ang ating sarili ngayon,
kung tayo ba’y isa sa mga mapapalad na sinasabi ni Hesus (عيسى عليه السلام) na mga nagsisigaling sa kanilang mga malubhang karamdaman? At
sa kanyang talinhaga na ang sabi: “Ang nag-iingat ng kanyang buhay sa
akin ay makakamit nito.” Papaano
nga ba makakamit ito?
Ang katotohanan ay ang “magiging isa ka
sa mga mapapalad kung ikaw ay handang tumanggap at isuko ang buhay at kaluluwa
at sumunod, tumalima, magpasakop, at sambahin ang nag-iisang Diyos, at paniwalaan ang mga tunay
na sugo ng Allâh سبحانه وتعالي na naghatid ng mensahe upang malaman mo kung
ano ang ibig sabihin ng mga Tanda (Ayat).” Na kung papaano mo nakikitang sumusunod ang
mga mabubuting Muslim sa utos at batas ng ating nag-iisang Tagapaglikha, doon
mo palang mabibigyan ng kasagutan ang sarili mo (ang totoong buhay) kung
papaano makakamit ito.
Sapagkat ang buhay ay hindi kailanman
matutumbasan ng yaman dito sa mundo at ingatan mo man ng husto ang buhay mo
darating at darating pa rin ang oras ng pagpanaw. Si Hesus (عيسى عليه السلام) at
ang mga na nga unang Sugo at ang pinaka huling Sugo (Muhammad
[sas] ) ang naging daan
upang makamit natin ang totoong buhay sa ipinangakong Paraiso ng ating
Dakilang Tagapaglikha.
Kung papaano rin hinirang ni Hesus (عيسى عليه السلام) ang kanyang mga tunay na Hawariyyum (disipulo) na
nangagsabi:
سورة آل عمران
فَلَمَّا أَحَسَّ عِيسَى مِنْهُمُ الْكُفْرَ قَالَ مَنْ أَنْصَارِي
إِلَى اللَّهِ قَالَ الْحَوَارِيُّونَ نَحْنُ أَنْصَارُ اللَّهِ آَمَنَّا
بِاللَّهِ وَاشْهَدْ بِأَنَّا مُسْلِمُونَ (52) رَبَّنَا آَمَنَّا بِمَا
أَنْزَلْتَ وَاتَّبَعْنَا الرَّسُولَ فَاكْتُبْنَا مَعَ الشَّاهِدِينَ (53)
Banal na Qu’ran (Al’Imaran [3]:52-53)
52 – At nang mapag-alaman ni Hesus ang kanilang
kawalan ng pananampalataya, siya ay nagsabi: “Sino baga ang aking makakatulong
sa Kapakanan ng Allâh?” Ang Hawariyyun (mga disipulo) ay nagsabi: “Kami ang mga tagatangkilik
(katulong) ng Allâh; kami ay
sumasampalataya sa Allâh at
ikaw (Hesus) ay magbigay-saksi na kami ay mga Muslim (na tumatalima sa Allâh).”
53 – “O Aming Panginoon! Kami ay naniniwala sa
anuman na Inyong ipinanaog, at kami ay sumusunod sa Sugo (Hesus); kaya’t
(Inyong) itala kami sa lipon ng mga nagbibigay-patotoo sa Katotohanan, (alalaong
baga, ang nagsasabi ng “Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng
pagsamba maliban sa Allâh).
..................................................................................................................................................................
Kung kayo ay mabuting tagasunod sa mga
sugo ng Allâh سبحانه وتعالي at nanampalataya sa ipinanaog Niyang utos at
batas, at di kayo nagtatambal ng ano pa man, at sumusunod sa tamang pagsamba sa
Kanya, doon niyo palang makakamit ang gantimpalang inyong hinahangad. Doon ay may mamamagitan na tagapagtanggol (Wali)
na maging saksi na ikaw ay mabuting Muslim.
Katotohanang sila (mga Sugo) na
dumatal sa bawat siglong nagdaan ay sila rin ang magiging saksi sa mga taong (muslim)
na sumunod sa kapahayagan, tumalima at nagpasakop sa kalooban ng ating Dakilang Tagapaglikha. Hindi iyong sundan ang mga iniwang bakas ni Saulo
na naging Pablo at maging tulay sa inyo upang kayo’y kanyang ipagkanulo sa
Araw ng Muling Pagkabuhay. At
katotohanang sasabihin ay: “Ang mga isinumpa na manunumpa pa ulit.”
Hindi rin puwedeng mangatwiran o magsinungaling
sa harapan ng Allâh سبحانه وتعالي sapagka’t ang talaan ng bawa’t nilalang ang
magsilbing iqama o pases sa ipinangakong paraiso at impiyerno. Kaya’t habang tayo ay nabubuhay sa mundong
ibabaw, pagsumikapan natin makasunod sa kalooban ng Diyos. Dahil, hindi rin lingid sa inyo na ang buhay
natin ay hiram lang at sa isang kisap-mata lang ito’y biglang babawiin. Kung nananalig kayong may nag-iisang Diyos na
magbibigay HUKOM.
Ngayon pa lang, umpisahan na ninyong
hanapin ang tuwid na landas at sa mga natitira pang oras sa buhay ay ilaan sa
mga bagay na magpapalaya upang ang katotohanan ay daratal sa puso’t isipan ninyo. Kung ang isasagot mo ay ganito: “Hindi ko
magagawa iyan ngayon, saka na lang iyan, baka sa susunod na araw.”
Alalahanin
– Ang susunod na araw ay hindi dumarating para sa lahat! Ang pasimula ay ngayon. Ang pagbabago ay
ngayon. Ang pagiging matagumpay ay ngayon. Hindi mo ipagpapabukas ito ‘pagkat
wala kang kasiguruhang darating pa ang bukas para sa iyo. Ang paggawa ay
ngayon.”
Ang talata ng Banal na Qu’ran ay
nagbabadya sa mga Zalimun:
سورة إبراهيم
وَقَالَ الشَّيْطَانُ لَمَّا قُضِيَ الْأَمْرُ إِنَّ اللَّهَ
وَعَدَكُمْ وَعْدَ الْحَقِّ وَوَعَدْتُكُمْ فَأَخْلَفْتُكُمْ وَمَا كَانَ لِي
عَلَيْكُمْ مِنْ سُلْطَانٍ إِلَّا أَنْ دَعَوْتُكُمْ فَاسْتَجَبْتُمْ لِي فَلَا
تَلُومُونِي وَلُومُوا أَنْفُسَكُمْ مَا أَنَا بِمُصْرِخِكُمْ وَمَا أَنْتُمْ
بِمُصْرِخِيَّ إِنِّي كَفَرْتُ بِمَا أَشْرَكْتُمُونِ مِنْ قَبْلُ إِنَّ
الظَّالِمِينَ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ (22)
Banal na Qu’ran (Surah Ibrahim
[14]:22)
22 - At si Satanas ay mangungusap kapag ang
Kahatulan ay napagpasyahan na: “Tunay ngang ang Allâh ay nangako sa inyo ng
pangako ng Katotohanan. At ako rin ay nangako sa inyo, nguni’t aking
ipinagkanulo kayo. At ako ay walang kapangyarihan sa inyo, maliban na kayo ay
aking inakit, at kayo ay sumunod sa akin. Kaya’t ako ay huwag ninyong sisihin,
bagkus ay sisihin ninyo ang inyong sarili. Kayo ay hindi ko matutulungan,
gayundin, ako ay hindi ninyo matutulungan. Itinatanggi ko ang inyong ginawang
pagtatambal sa akin (Satanas) sa Allâh (sa pamamagitan ng pagsunod ninyo sa Katotohanang may
kasakit-sakit na kaparusahan sa Zalimun (mga mapagsamba sa
diyus-diyosan, mapaggawa ng kabuktutan, walang pananalig).”
.................................................................................................................................................................
Ang Tabak na siyang
Ebanghelyo ni Hesus (عيسى
عليه السلام) na inilarawan ko ay mahimalang inilahad sa Lumang Tipan ng
Bibliya at makapagbibigay katotohanan na hindi sumisira sa pangako ang Allâh سبحانه وتعالي , sa mga hinirang Niyang mga propeta na maghahatid ng Patnubay sa
lupa.
Sadyang wala ng iba pang Pinakamaawain,
Pinakamaalam, at Pinakadakila, kundi ang ating nag-iisang Tagapaglikha, Ang
Allâh سبحانه وتعالي
Basahin ang talata sa Bibliya na
nagsasalaysay sa Tabak ni Hesus:
[Ezekiel 21:1-17] (حزقيال 1:21-17)
“Sinabi sa akin ni Yahweh: “Tao, sa Jerusalem ka naman humarap at magpahayag laban sa mga
dambana at bigyan babala ang Israel .
Sabihin mo, ganito ang sabi ni Yahweh: Ako ay laban sa iyo. Bubunutin ko ang
aking tabak at papatayin ang masama’t mabuti. Ang pagbunot ko nito ay
laban sa lahat ng tao, mula sa timog hanggang sa hilaga. Sa pamamagitan nito’y
makikilala ng lahat na akong si Yahweh ang nagbunot ng tabak at hindi ko ito
isusuksok uli. Kaya, Tao, manangis kang walang tigil at iparinig mo sa kanila.
Kapag itinanong nila kung bakit ka nanananghoy, sabihin mong dahil sa balitang
iyong narinig. Kapag ito’y nagkatotoo, paghaharian ng takot ang lahat ng tao,
mangangalay ang lahat ng kamay, panghihinaan sila ng loob, at mangangalog ang
lahat ng tuhod. Dumating na ang panahon at ngayon na.”
ANCIENT ISRAELITES
Sinabi pa sa akin ni Yahweh: “Tao, sabihin mo sa
kanila: Ang tabak ay inihasa na at pinakintab, Pinatalim ito upang
ipamatay nang walang puknat. Pinakintab upang kumislap na parang kidlat. Walang
makakahadlang dito, pagkat di ninyo dininig ang payo. Ang tabak nga ay pinakintab
upang gamitin. Ito’y pinatalim para ibigay sa kamay ng berdugo. Mananghoy ka,
Tao. Ang tabak na ito’y gagamitin sa aking bayan at sa kanyang mga pinuno.
Sila’y papataying kasama ng buong bayan. Kaya, malumbay ka. Susubukin ko ang
aking bayan, At kapag di sila nagsisi, ang lahat ng ito’y mangyayari sa
kanila. Tao, magpahayag ka sa kanila, Pumalakpak ka at paulit-ulit na iwasiwas
ang tabak. Ang tabak na ito’y pumapatay, naghahasik ng sindak, at pumupuksa. Sa
gayon, mababagabag ang kanilang kalooban at marami sa kanila ang mabubuwal.
Binabalaan ko sila sa pamamagitan ng tabak na ang kislap ay tulad ng kidlat;
handa itong mamuksa. Itataga ito ng kaliwa’t kanan, magkabi-kabila. Papalakpak
din ako para mapawi ang matindi kong poot. Akong si Yahweh ang may sabi nito.”
.................................................................................................................................................................
Sadyang napakalinaw na pruweba na ang
tinutukoy na TAO (sugo) ay si Hesus (عيسى عليه السلام) at
ang TABAK ay ang Salita [Ebanghelyo]. Malinaw na tanda (Ayat) mula sa Allâh سبحانه وتعالي , na walang sinumang nilalang ang makakapagkubli sa Kapahayagan
Niya. Ang mga bagay na ito’y dapat unawain ng matalino, at mabatid ng marunong.
Matuwid ang mga daan ng Allâh سبحانه وتعالي at doon tumatahak ang mabuti, ngunit madarapa
ang mangangahas sumuway. Ang mga taong
walang pananalig at takot na ginawang dagdag-bawas ang Banal Na Kapahayagan –
kailanman hindi sila magtatagumpay at mangingibabaw pa rin ang
Katotohanan. Sapagka’t ang Katotohanan
ang siyang magpapalaya sa mga taong lihis ang paniniwala at maling pagsamba sa
nag-iisang Diyos.
سورة المائدة
لَقَدْ كَفَرَ الَّذِينَ
قَالُوا إِنَّ اللَّهَ هُوَ الْمَسِيحُ ابْنُ مَرْيَمَ قُلْ فَمَنْ يَمْلِكُ مِنَ
اللَّهِ شَيْئًا إِنْ أَرَادَ أَنْ يُهْلِكَ الْمَسِيحَ ابْنَ مَرْيَمَ وَأُمَّهُ
وَمَنْ فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا
بَيْنَهُمَا يخْلُقُ مَا يَشَاءُ وَاللَّهُ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ (17)
وَقَالَتِ الْيَهُودُ وَالنَّصَارَى نَحْنُ أَبْنَاءُ اللَّهِ وَأَحِبَّاؤُهُ قُلْ
فَلِمَ يُعَذِّبُكُمْ بِذُنُوبِكُمْ بَلْ أَنْتُمْ بَشَرٌ مِمَّنْ خَلَقَ يَغْفِرُ
لِمَنْ يَشَاءُ وَيُعَذِّبُ مَنْ يَشَاءُ وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ
وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا وَإِلَيْهِ الْمَصِيرُ (18)Banal na Qu’ran (Surah Al-Ma’idah [5]:17-18)
17 -
Katotohanan, naging Kafir (walang pananampalataya) ang mga nagsasabi na ang
Allâh ay ang Mesiyas, ang anak ni Maria. Ipagbadya (O Muhammad): “Sino kaya
baga ang may pinakamaliit na kapangyarihan laban sa Allâh, kung Kanyang naisin
na wasakin ang Mesiyas, ang anak ni Maria, at ang kanyang ina, at lahat ng nasa
kalupaan nang magkakasama? At sa Allâh ang pag-aangkin ng kapamahalaan sa
kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito. Lumikha Siya ng Kanyang
naisin, at ang Allâh ay may Kapangyarihan na gawin ang lahat ng bagay.
18 - At ang mga Hudyo at mga Kristiyano ay
(kapwa) nagsasabi: “Kami ang mga anak ng Allâh at Kanyang minamahal.
“Ipagbadya: “Kung gayon, bakit kayo ay Kanyang pinarurusahan sa inyong mga
kasalanan? Datapuwa’t kayo ay mga tao lamang na kabilang sa Kanyang mga
nilikha, pinatatawad Niya ang Kanyang maibigan at pinarurusahan Niya ang
Kanyang maibigan. At ang Allâh ang nag-aangkin ng kapamahalaan sa kalangitan at
kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito, at sa Kanya ang pagbabalik (ng lahat).
..................................................................................................................................................................
Ang tanong, sino ba itong mga taong
nagpapastol ng maling katuruan ng “Kapahayagan at Kasulatan”? Sila na
mga naghayag ng mga kasinungalingan upang maiakay ang nakararami sa maling
pagkilala at pagsamba sa tunay at nag-iisang Diyos. Sila na mga nag-imbot at nag-iimbot ng tunay
na kung ano ang katotohanan at walang takot na nag-bago ng tunay na Kapahayagan.
Sila na ang sangkalan ay ang ngalan ng kani-kanilang dini-diyos at mga Aral ng
Tipan (na pawang wala na mang katotohanan) upang maka-kolekta o maka lipon
lamang ng yaman o salapi hanggang sa huling patak na sentimo na pinagpawisan ng
tao.
Ang tanong, ang mga salapi bang ito na
kanilang nangalap ay naitulong din ba nila sa mga higit na nangangailangan, O’,
Kayo ba’y may naringgan na isa man sa mga lupon na ito na sila’y
nakapag-pamahagi ng kanilang tulong pang-pinansiyal sa mga nagdadalahop na tao
at maging sa mga naging biktima ng trahedya?
Sila’y parang mga magnanakaw na nagtatago sa isang sulok upang magbilang
ng inaangkin nilang yaman. Sino rin ba
itong mga nagtatatag ng nagtataasang bantayog ng sambahan? Ang iba sa kanila’y
nagtutulisan at ang iba naman ay kinapapalooban ng ibat-ibang diyus-diyosan na
yari sa bato, kahoy, at maging ng papel. Ang mga ito’y sadyang binubuhay pa sa
ibat-ibang katauhan at katangian.”
Ipag paumanhin ninyo, ngunit ako ay
nagpapaliwanag lamang ng katotohanan na sadya na mang ating nakikita. Marahil,
unti-unti ninyong nakikilala ang relihiyong inyong kinatatayuan. Sana’y may kaunti lamang liwanag na
“magbubukas sa inyong mga kaisipan” upang sagutin ang mga katanungan. Ito ay maliwanag na walang “halong
pang-be-brainwash.” Sa halip kayo’y ilagay sa tuwid ng pamantasan ng
buhay. Dahil, tuwiran kong sasabihin na
kayo ang (siyang) nai-brainwash ng (inyong) mga pinaniniwalaang relihiyon.
Huwag niyong kakagatin ang dulo ng inyong daliri, Sapagkat, sino mang
nakatunghay ng katotohanan at sadyang naging mailap ay (siya) na ring nagsadlak
sa “kanyang sarili” sa tunay niyang kapahamakan.
Katotohanan! Sila ang lupon na siyang
tunay na lumapastangan kay Hesus (عيسى عليه السلام) at sa Kaisahan ng
Diyos. Sila ring mananagot ng may
kasumpa-sumpang gawa. Kaya’t sila ay walang katapat kung di ang apoy na
naglalagablab na sila rin ang panggatong.
Hindi rin makatuwiran at isang
kalapastanganan ang pagkakitaan ang mga ibinabang Kapahayagan ng Diyos sa
sangkatauhan. Sa halip ang yaman ay
ginagamit sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos. Hindi ibinaba dito sa
sangkalupaan ang mga Banal na Kasulatan upang mangolekta ng salapi o lakipan o
bayaran ng salapi. Ito’y ihahayag lamang ng bibig at ikikilos ng ating katawan.
Tulad ng hangin, araw, gabi, atbp., itong lahat ay libre galing sa Diyos,
biyaya ng Diyos at walang anumang katumbas na halaga. Tunay ang Allâh سبحانه وتعالي ay
Dakila at Mapagpala.
Ang mga talata ng Banal na Qu’ran ay
nagsasaysay:
سورة آل عمران
وَدَّتْ طَائِفَةٌ مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ لَوْ يُضِلُّونَكُمْ وَمَا
يُضِلُّونَ إِلَّا أَنْفُسَهُمْ وَمَا يَشْعُرُونَ (69)
Banal na Qu’ran (Surah Al’Imran [3]:69
69 - May isang pulutong sa Angkan ng
Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ang nagnanais na ihantong kayo sa
pagkaligaw. Datapuwa’t hindi nila
magagawang mailigaw ang sinuman maliban sa kanilang sarili, at ito ay hindi
nila nadarama.
يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لِمَ تَلْبِسُونَ الْحَقَّ بِالْبَاطِلِ
وَتَكْتُمُونَ الْحَقَّ وَأَنْتُمْ تَعْلَمُونَ (71)
Banal na Qu’ran (Surah Al’Imran [3]:71
71 - O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at
Kristiyano): “Bakit ninyo binabahiran ang Katotohanan ng kasinungalingan at naglilingid
sa katotohanan gayong ito ay inyong nababatid?”
وَإِنَّ مِنْهُمْ لَفَرِيقًا يَلْوُونَ أَلْسِنَتَهُمْ بِالْكِتَابِ
لِتَحْسَبُوهُ مِنَ الْكِتَابِ وَمَا هُوَ مِنَ الْكِتَابِ وَيَقُولُونَ هُوَ مِنْ
عِنْدِ اللَّهِ وَمَا هُوَ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ وَيَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ
الْكَذِبَ وَهُمْ يَعْلَمُونَ (78)
Banal na Qu’ran (Surah Al’Imran [3]:78
78 - At Katotohanan, sa kanilang lipon ay
may isang pulutong na nagbabago (nagpapalit sa kahulugan) ng Aklat sa
pamamagitan ng kanilang dila (sa kanilang pagbabasa) upang inyong mapag-akala
na ito ay bahagi ng Aklat, datapuwa’t ito ay hindi bahagi ng Aklat, at sila ay
nagsasabi: “Ito ay mula sa Allâh”, subalit ito ay hindi mula sa Allâh; at sila
ay nagsasabi ng kasinungalingan laban sa Allâh at ito ay kanilang nababatid.
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آَمَنُوا إِنَّ كَثِيرًا مِنَ الْأَحْبَارِ
وَالرُّهْبَانِ لَيَأْكُلُونَ أَمْوَالَ النَّاسِ بِالْبَاطِلِ وَيَصُدُّونَ عَنْ
سَبِيلِ اللَّهِ وَالَّذِينَ يَكْنِزُونَ الذَّهَبَ وَالْفِضَّةَ وَلَا
يُنْفِقُونَهَا فِي سَبِيلِ اللَّهِ فَبَشِّرْهُمْ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ (34) يَوْمَ
يُحْمَى عَلَيْهَا فِي نَارِ جَهَنَّمَ فَتُكْوَى بِهَا جِبَاهُهُمْ وَجُنُوبُهُمْ
وَظُهُورُهُمْ هَذَا مَا كَنَزْتُمْ لِأَنْفُسِكُمْ فَذُوقُوا مَا كُنْتُمْ
تَكْنِزُونَ (35)
Banal na Qu’ran (Surah At-Taubah [9]:34-35
34 - “O kayong
nagsisisampalataya! Katotohanan marami sa mga (Hudyong) rabbi (maalam sa
relihiyon) at mga (Kristiyanong) monako (pari) ang nagpapasasa sa kayamanan ng
sangkatauhan (sa pamamagitan ng) kabulaanan (kawalang-katarungan), at humadlang
(sa kanila) tungo sa landas ng Allâh (alalaong baga, sa Islam). At (sila) ay
nagtitinggal ng ginto at pilak (ang Al-Kanz, ang pera na hindi
ipinagbayad ng Zakah [katungkulang kawanggawa]) at hindi gumugugol nito
tungo sa Landas ng Allâh, -- ipagbadya sa kanila ang kasakit-sakit na
kaparusahan.
35 - “Sa araw na ang Al-Kanz
(salapi, ginto at pilak, atbp. na ang Zakah [katungkulang kawanggawa]
rito ay hindi ipinagbayad) ay paiinitin sa Apoy ng Impiyerno at ito ay itatatak
sa kanilang noo, sa kanilang tagiliran, at sa kanilang likod (at ipagbadya sa
kanila): “Ito ang kayamanan na inyong itinago sa inyong sarili. Ngayon, inyong
lasapin ang inyong inimpok.”
سورة آل عمران
وَقَالَتْ طَائِفَةٌ مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ آَمِنُوا بِالَّذِي
أُنْزِلَ عَلَى الَّذِينَ آَمَنُوا وَجْهَ النَّهَارِ وَاكْفُرُوا آَخِرَهُ
لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ (72)
Banal na Qu’ran (Surah Al’Imran [3]:72
72 - At ang isang pulutong sa Angkan ng
Kasulatan ay nagsasabi: “Maniwala (kayo) sa umaga sa mga bagay na ipinahayag sa
mga sumasampalataya (mga Muslim), at inyong itakwil ito sa dulo ng araw
(pagsapit ng gabi), upang sila ay tumalikod (sa kanilang pananampalataya.)”
..................................................................................................................................................................
Kaya nga, isa ako ngayon na
nagpapaliwanag sa inyo sa kapahintulutan ng Allâh سبحانه وتعالي , sapagkat intensiyon kong masumpungan rin ninyo kung papaano ako
muling nabuhayan ng pag-asa at binigyan ng isang pagkakataon ng Allâh سبحانه وتعالي , na makilala Siya ng husto at makilala rin ang Kanyang mga isinugo
na nagbigay liwanag sa pananampalatayang dati kong tinatahakan. Nagpapasalamat ako sa ating nag-iisang
Tagapaglikha at sa kabila ng mga nagawa kong pagkakasala at maling pagsamba sa
dati kong relihiyon, ibinilang Niya pa rin ako upang buksan Niya para sa akin
ang pinto ng awa Niya.
Ang lahat ng sinasabi kong ito ay
makatotohanan at hindi rin naman ako nandito para sa inyo upang magmayabang,
kundi... upang ilapit at ibahagi ko sa inyo ang pagpapalang ibinigay sa akin ng
Allâh سبحانه وتعالي. Ang dati kong kaisipan
na baluktot ang pang-unawa ay masasabi kong isa na akong tao na tumatahak ng
kung ano ang matuwid. Dahil, sinikap kong maging maliwanag ang lahat para sa
akin kung ano ang katotohanan at ang mga tanda (ayat) ng Allâh سبحانه وتعالي ay inyo ring pag-aralan at
buksan ang inyong mga mata upang maging maliwanag din ang iyong mga paningin sa
buhay na ito.
Sobra ka bang nagmamadali sa umaga na di
ka makapaggugol man lang kahit ilang minuto kasama ang nag-iisang Diyos? Marami ang naglalaan ng panahon tuwing umaga
bago sila masuong sa mga kaabalahan ng araw.
Nalalaman ang kakayahang makakilala ng mabuti at masama sa kung ano ang
pinagtutuunan ng ating espiritwal na mata.
Kung mata ay nakatuon sa salapi, halimbawa maaaring maging mahirap o
masarap ang buhay pansamantala pero ang mga desisyon ay lumalabo. Ang susundin ay mga prinsipyong laban sa mabuting gawain at maaaring makasira
ng ating buhay o relasyon sa pamilya tungo sa kapahamakan. Sa pagkain, salapi, kapangyarihan – kung alin
dito ang pinagtutuunan ng ating paninging espiritwal, ito ang magpapaliwanag o
magpapadilim ng ating buhay.
Sabi nga ni Hesus (عيسى عليه السلام): “Ang mata ang ilawan ng katawan; kung tapat ang iyong
mata, ang buong katawan mo’y mapupuno ng liwanag.”
Kaya dapat lang nating gamitin sa wastong
pamamaraan ang ating paningin at isipan sa buhay na ito upang sa ganoon ay
hindi tayo madaya ng tukso at iwasan ang maghangad ng kasayahan ng mundo
dahil, daang tatahakin tungo’y
kapahamakan. Binigyan ako ng Allâh سبحانه وتعالي ng
pang-unawa na maintindihan ko ang salita Niya,
at sa pangaral ni Propeta Hesus (عيسى عليه السلام) ang
kanyang Ebanghelyo, at sa mga Propetang nauna,
at ng kahuli-huliang Propeta Muhammad
[saw] , at ang huling
kapahayagan ng Allâh سبحانه وتعالي , ang Banal Na Qu’ran, upang sa inyo’y ibahagi kung ano ang tamang
landas at kung kanino dapat ituon ang pagsamba at pananampalataya sa Kaisahan
nang ating nag-iisang Tagapaglikha.
سورة آل عمران
وَأَمَّا الَّذِينَ آَمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ
فَيُوَفِّيهِمْ أُجُورَهُمْ وَاللَّهُ لَا يُحِبُّ الظَّالِمِينَ (57) ذَلِكَ
نَتْلُوهُ عَليْكَ مِنَ الْآَيَاتِ وَالذِّكْرِ الْحَكِيمِ (58)
Banal na Qu’ran (Surah Al’Imran [3]:57-58)
57 - At sa mga sumasampalataya (sa
Kaisahan ng Allâh) at gumagawa ng kabutihan, ang Allâh ay maggagawad sa kanila
nang ganap na gantimpala. At ang Allâh
ay hindi nagmamahal sa Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa diyus-diyosan at
mapanggawa ng kabuktutan).
58 - Ang (mga bagay) na ito na Aming
dinadalit sa iyo (O Muhammad) ay kabilang sa mga Talata at Ganap na Paaala-ala
(alalaong baga, ang Qu’ran).
سورة النساء
إِنَّا أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ كَمَا أَوْحَيْنَا إِلَى نُوحٍ
وَالنَّبِيِّينَ مِنْ بَعْدِهِ وَأَوْحَيْنَا إِلَى إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ
وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَالْأَسْبَاطِ وَعِيسَى وَأَيُّوبَ وَيُونُسَ وَهَارُونَ
وَسُلَيْمَانَ وَآَتَيْنَا دَاوُودَ زَبُورًا (163)
Banal na
Qur’an (An-Nisa [4] : 163)
163 -
Katotohanan, Aming ipinadala ang (kapahayagan) inspirasyon sa iyo (O, Muhammad)
katulad ng Aming pagpapadala ng (kapahayagan) inspirasyon kay Noah at sa
mga propetang (dumating) pagkaraan niya. At Amin ding binigyang inspirasyon si
Abraham, Ismael, Isaak, Hakob at ang Al Asbat (labindalawang anak ni Hakob),
Hesus, Hob, Jonas, Aaron, at si Solomon at kay David ipinagkaloob ang Zabur
(Psalmo)
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آَمَنُوا إِنْ تَنْصُرُوا اللَّهَ
يَنْصُرْكُمْ وَيُثَبِّتْ أَقْدَامَكُمْ (7) وَالَّذِينَ كَفَرُوا فَتَعْسًا
لَهُمْ وَأَضَلَّ أَعْمَالَهُمْ (8) ذَلِكَ بِأَنَّهُمْ كَرِهُوا مَا أَنْزَلَ
اللَّهُ فَأَحْبَطَ أَعْمَالَهُمْ (9)
Banal na
Qur’an (
7 - O Kayong nagsisisampalataya! Kung
kayo ay tutulong (sa Relihiyon ng Allâh), Kanyang tutulungan kayo at ititindig
Niya ang inyong mga paa nang matatag
8 - Datapuwa’t sila na nagtatakwil (sa
Kaisahan ng Allâh), sasakanila ang kapinsalaan at ang Allâh ang magpapasiya na
wala silang matatamasa sa kanilang mga gawa.
9 -
Sapagkat sila ay namumuhi sa kapahayagan na ipinanaog sa kanila ng Allâh
(Ang Qu’ran), kaya’t ginawa Niya ang kanilang mga gawa na walang
kapakinabangan.
..................................................................................................................................................................
Balik tayo sa pinaka-mahalagang
karugtong ng Ebanghelyo (Injil)
ni Hesus (عيسى
عليه السلام). At pagkatapos niyang ipangaral ang
kanyang matalas na Tabak sa mga mapupurol ang pang-unawa. Dito naman ay matutunghayan
natin kung ano ba talaga ang ibig iparating na mensahe ni Hesus sa ibabaw ng
lupa. At kung papaano niya dinaan sa
patalinghaga ang pagdating ng Kapayapaan at ang kahuli-huliang Propeta, si
Propeta Muhammad
[sas] .
Uulitin ko ang sinabi ni Hesus (عيسى عليه السلام): “Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng
Kapayapaan sa lupa; naparito ako upang magdala ng Tabak, hindi Kapayapaan.”
Dalawang beses binanggit ni Hesus na
hindi Kapayapaan ang kanyang dala kundi ang mangaral at ipahayag sa mga taong
makasalanan ang mensahe ng Allâh سبحانه وتعالي. Ano ba ang ibig sabihin ng Kapayapaan? Ito ay ang ISLAM. At ang salitang Islam ay nagmula sa salitang
“SALAM” na ang kahulugan ay KAPAYAPAAN. Ang TABAK ang siyang babala sa mga taong
sumisira ng Kapayapaan sa mundong ito at mga makahulugang aral sa maling
pagkilala at pagsamba sa Kaisahan ng Allâh سبحانه وتعالي Sinabi rin ni Hesus sa mga tao na: “Hindi
nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit, kundi ang maysakit. Naparito ako upang tawagin ang mga
makasalanan, hindi ang mga banal.”
Kaya’t ang sinumang ganap na nagpapasakop at tumatalima sa kalooban ng
Allâh سبحانه وتعالي ay tumatanggap mula sa Kanya ng tunay na
kapayapaan. Ang huling kapahayagan ng
Allâh سبحانه وتعالي na ipinahayag sa huling propeta Muhammad [saw]. Ang talata ng Banal na Qu’ran ay nagsasaysay:
إِنَّا أَنْزَلْنَا عَلَيْكَ الْكِتَابَ لِلنَّاسِ بِالْحَقِّ فَمَنِ
اهْتَدَى فَلِنَفْسِهِ وَمَنْ ضَلَّ فَإِنَّمَا يَضِلُّ عَلَيْهَا وَمَا أَنْتَ
عَلَيْهِمْ بِوَكِيلٍ (41)
Banal na
Qur’an (Az-Zumar [39] :41
41 -
Katotohanan, aming ipinahayag sa iyo (O Muhammad) ang Aklat (Qur’an) nang may
katotohanan para sa (patnubay ng) sangkatauhan. Siyang tumatanggap ng
patnubay pinabuti ang sariling kaluluwa; subalit siyang naliligaw ay pininsala
ang sariling kaluluwa. Ni hindi ka itinalaga (O Muhammad) bilang
tagapamahala sa kanila.
.................................................................................................................................................................
Napakaliwanag kung ating susuriin ang
katotohanan at kung gagamitin natin ang ating “malayang kaisipan” na
ipinagkaloob ng Allah سبحانه وتعالي , walang dahilan para mailigaw tayo ng
mga taong taliwas sa kautusan ng ating nag-iisang Tagapaglikha. Ang sabi sa isa pang talinghaga ni Hesus (عيسى عليه السلام): [Lucas 8:16-18] (لوكىِ 16:8-18) “Walang taong
nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakluban ng banga o ilalagay kaya sa
ilalim ng higaan. Sa halip, inilalagay ito sa talagang patungan upang makita ng
mga pumapasok ang liwanag. Walang natatago na di malalantad, at walang lihim na
di malalaman at mabubunyag. Kaya pagbutihin ninyo ang iyong pakikinig; sapagkat
ang mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala ay aalisan pati ng inaakala niyang
nasa kanya.”
Ikaw, may panahon ka bang basahin ang
Salita ng Diyos at manalangin? Sikapin
ito tuwing umaga o sa oras na ikaw ay nakaupo, nakasandal, nakahiga, at sa
madaling salita – bigyan mo ng panahon ang sarili mo at huwag gutumin ang
espiritwal na pangangailangan. Alamin mo ang katotohanan at pag-aralan ng
husto ang tunay na Kapahayagan nang ating nag-iisang Diyos. Katulad ni Hesus (عيسى عليه السلام), walang pag-aalinlangan na ang karunungan niya bilang
isang sugo ng Allâh سبحانه وتعالي at binigyang kapahintulutan na magpahayag ng
tanda (ayat) dito sa lupa at magpapatotoo kung ano ang nakapaloob sa Torah
(mga batas) noong pang una. Subalit,
marupok pa rin ang isipan ng tao at madaling mahikayat ng maka-mundong
bagay. Nakita na ng tao noon ang mga
tanda (ayat), ngunit sila’y nangabulag.
Narinig nila kahapon ang Magandang Balita, subalit ngayon ay binalewala
nila. Kaya naman nakikita ngayon ang
tunay na bunga ng isang puno na walang dudang pag-aari ni Saulo na naging
Pablo, na ang tao’y walang iniwan sa isang usok na naging apoy at
paulit-ulit na lamang silang nagkakaroon ng hindi pagkakasundo o’
pagkakaunawaan. Gusto lahat ay maging dakila, tanyag, at magkaroon ng
kapangyarihan. At magaling gumawa ng
sarili nilang batas dito sa lupa.
Bagkus ang tunay na “utos at batas”
ng ating nag-iisang Tagapaglikha ay taliwas sa kanilang mga gawa. Kaya naman ang mundong ibabaw ay tigib na
nang kalupitan. Napakabait at
Napakamaawain sa atin ng Allâh سبحانه وتعالي at sa kabila ng mga
kabuktutan na pinaggagawa ng mga taong nilalang Niya, nagsugo pa rin Siya ng
huling propeta na si Muhammad
[saw] , at ipinahayag sa
kanya ang huling Kapahayagan, Ang Qu’ran.
Ang talata ng Banal na Qu’ran ay nagsasaysay:
Banal na Qur’an (Surah An-Najim [53]:3-5)
3 - At hindi rin siya nagsasabi ng sarili
niyang pagnanasa (tungkol sa Relihiyon).
4 - Ito ay isa lamang Inspirasyon
(Kapahayagan) na ipinahayag sa kanya;
5 - Siya ay tinuruan (ng Qu’ran) ni
(Gabriel) na mataas sa kapangyarihan (alalaong baga, may matinding lakas ng
loob ng Allâh).
تَنْزِيلٌ مِنْ رَبِّ الْعَالَمِينَ (43) وَلَوْ تَقَوَّلَ عَلَيْنَا
بَعْضَ الْأَقَاوِيلِ (44) لَأَخَذْنَا مِنْهُ بِالْيَمِينِ (45) ثُمَّ
لَقَطَعْنَا مِنْهُ الْوَتِينَ (46) فَمَا مِنْكُمْ مِنْ أَحَدٍ عَنْهُ حَاجِزِينَ
(47) وَإِنَّهُ لَتَذْكِرَةٌ لِلْمُتَّقِينَ (48) وَإِنَّا لَنَعْلَمُ أَنَّ
مِنْكُمْ مُكَذِّبِينَ (49) وَإِنَّهُ لَحَسْرَةٌ عَلَى الْكَافِرِينَ (50)
وَإِنَّهُ لَحَقُّ الْيَقِينِ (51) فَسَبِّحْ بِاسْمِ رَبِّكَ الْعَظِيمِ (52)
Banal na
Qur’an (Surah Al-Haqqah [69]:43-52)
43 - Ito ay isang Kapahayagan na
ipinanaog (sa inyo) mula sa Panginoon ng lahat ng nilalang.
44 - At kung siya (Muhammad) ay gumawa ng
salita ng kabulaanan tungkol sa Amin (Allâh),
45 - Katotohanang siya ay Aming
sasakmalin sa kanang kamay (alalaong baga, sa [Aming] kanang kamay, na ang
Allâh ay magpapataw nang ganap na ganti ng may kapangyarihan at kapamahalaan),
46 - At katotohanang Aming puputulin ang
litid ng kanyang puso (alalaong baga, kagyat na kamatayan).
47 - At walang sinuman sa inyo ang
makasasansala sa Amin (parusahan) siya.
48 - At katotohanang, ang Quran ay isang
Paala-ala para sa mga may pangamba sa Allâh (matimtiman at mapaggawa ng
kabutihan at umiiwas sa lahat ng kasalanan).
49 - At katotohanang talastas Namin na sa
lipon ninyo ay may mga nagpapabulaan (sa Qu’ran),
50 - At katotohanang ito ang (magiging
sanhi) ng pagsisisi (paghihinayang) sa mga hindi sumasampalataya.
51 - At tunay ngang ito (Ang Qu’ran) ay
isang lubos na Katotohanan na may katiyakan.
52 - Kaya’t luwalhatiin mo ang Pangalan ng iyong
Panginoon, ang Pinakadakila.
..................................................................................................................................................................
Sa kabuuan, ang mga katangiang ito ay
maaaring matungkol sa kaninumang sugo ng Diyos na nagpahayag ng mensahe Niya sa
sangkatauhan. Habang ang mensaheng yaon
ay maaaring dumating na nakasulat sa mga lapida tulad ng
pinaniniwalaang nangyari kay propeta Moises (موسى عليه السلام),
ang partikular na kataga ng talata sa itaas ay isang maliwanag na paglalarawan
sa uri ng Kapahayagan na natanggap ni propeta Muhammad
[saw] . Si Anghel Gabriel (Jibril) ay
pumapanaog noon kay propeta Muhammad [saw] at idinidikta sa kanya ang kabuuan ng Banal
na Qu’ran na pagkatapos ay inuulit naman ni propeta Muhammad [saw] na tulad kung papano niyang narinig ito. Ang
sariling kaisipan na tulad ng kung papaano niyang narinig ito. Ang sariling kaisipan o katha ni propeta
Muhammad [saw] ay walang kinalaman sa ano mang binigkas niya
[na bahagi ng Banal na Qu’ran]. Ang salita ng Diyos (Qu’ran) ang nangulayaw sa
kanyang bibig.
Pinapatunayan din ni Hesus (عيسى عليه السلام) sa
kanyang mga matatalinghagang pananalita ang Pagdating ng Espiritu ng
katotohanan upang maunawaan ng tao ang buong katotohanan. Kahit sa mga hinirang niyang mga disipulo ay
nahirapang unawain ang mga salita ni Hesus dahil nga sumusunod lang siya sa
kasulatan na pinapagawa sa kanya ng Diyos. Sa Bibliya, mahimalang binanggit ni
Hesus (عيسى عليه السلام) ang Pagdating ng Espiritu ng katotohanan
(Ang Kapayapaan / Islam)
[1] Hegira or Hijra (Islam) [هجرة] is the emigration of Muhammad
[sas] and his followers to the city of M ed i n a
in 622, marking the first year of the Islamic calendar.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento