Isa rin halimbawa
naman yaong mga taong hindi naniniwala sa mga imahen at rebulto, ito iyong mga
Protestante at mga ibang sekta na nagsitayo ng kani-kanilang pangkat. Ngunit, kapag nagdarasal sila ay sinasabi
nila ang ganitong panalangin: “hinihingi ko po ito sa pangalan ni Hesus, Amen.”
Sa Relihiyong Islam, mahigpit na
ipinagbabawal ang pagkakaroon ng tinatawag na tagapamagitan (mediator),
sapagkat; ito ay taliwas din sa paniniwala natin sa nag-iisang Diyos, na Siya
ay Maalam at batid Niya ang lahat ng bagay.
Ngayon, bakit pa tayo lalapit at bakit pa tayo magkakaroon ng padrino,
sapagkat, ang punto rito bago mo palang sasabihin o iniisip pa lamang ang gusto
mong hingin sa Diyos, ay batid na Niya simulat sapul pa lamang. Kaya’t nagkakaroon ng ika nga ay “salungat”
sa paniniwala at tamang pagsamba sa nag-iisang Diyos. Sa Islam ay makikita natin na solido o
purung-puro ang paniniwala sa Dakilang Tagapaglikha. Tinutuldukan nito ang Kaisahan ng Diyos, ang
Manlilikha. Kapag naniwala ka sa
nag-iisang Diyos, kinakailangan na ang pagsamba o paggawa ng Ibadha[1],
ang pag-aalay mo, ang pag-aayuno mo, ang pagdarasal mo o panalangin mo ay para
lang sa Kaisahan Niya at wala nang iba pa.
Sapagkat, bago mo pa lamang sasabihin o iniisip pa lamang ay talos na
niya ang nasa puso’t pag-iisip mo, kaya’t dumeretso ka ng may tapat at
pananalig sa Kanya.” Ang talata ng Banal
na Qu’ran ay nagsasaysay:
سورة البقرة
قُولُوا آَمَنَّا بِاللَّهِ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْنَا وَمَا أُنْزِلَ
إِلَى إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَالْأَسْبَاطِ وَمَا
أُوتِيَ مُوسَى وَعِيسَى وَمَا أُوتِيَ النَّبِيُّونَ مِنْ رَبِّهِمْ لَا
نُفَرِّقُ بَيْنَ أَحَدٍ مِنْهُمْ وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ (136)
Banal na Qu’ran (Surah Al’Baqarah [2]:136)
136 - Ipagbadya (O mga Muslim): “Kami ay
sumasampalataya sa Allâh at sa kapahayagan na ipinagkaloob sa amin, at (sa mga
ipinahayag) kay Abraham, Ismail, Isaac, Hakob at sa (labindalawang) Tribu, at
sa mga ipinahayag sa (lahat) ng mga Propeta mula sa kanilang Panginoon. Kami ay
hindi nagtatakda sa kanila ng pagtangi-tangi at sa Allâh lamang kami ay
tumatalima.”
Katotohanan, kami ay
naniniwala sa nag-iisang Tagapaglikha, na ang tagapaglikhang yaon, na ang
Kanyang katangian ay kinikilala lamang namin sa akma o tamang pagkakilala. Tulad halimbawa: "ang Islam ay mahigpit
din nagbabawal na maniwala, na ang nag-iisang Tagapaglikha ay may kapareha o
kasama. Halimbawa, may ibang sekta
ng Relihiyong Kristiyano na naniniwala sa Doktrinang Trinidad na ang
Diyos ay three in one or one in three.
The three are, god the father, god the son, god the
holy spirit. It holds that each of
these three is God and the three together make God. This doctrine is called the trinity,
which is as one has put it, the most mysterious mystery or mysteries.
But if we are going to analyze this dogma, with an open mind and an open
heart, this cannot be perceived or cannot be accepted by our human mind and it
is against the concept of the oneness of God.”
Holy Trinity at the
church of the Assumption, Ufford, Suffolk .
The old man holding the cross represents God the Father, the young man on the
cross is God the Son, and the descending dove is the Holy Spirit. The conventional English medieval
representation recreated in the 1920s.
Mula sa King James Version, nakasulat ito sa unang sulat ni (Juan 5:7-8) - “Sapagka’t tatlo
ang may hawak ng talaan sa langit, ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu Santo : at ang tatlong ito ay iisa. At may
tatlong nagpapatotoo sa lupa, ang espiritu, at ang tubig, at ang dugo: at ang
tatlong ito ay nagkakaisa”.
Ang pahayag na ito ay
nasa “King James Version” na inilimbag noong 1611, at nagsilbing
pinakamalakas na katibayan ng Doktrina ng Trinidad . Ngunit ngayon, ang bahaging ito. “ang Ama,
ang Salita, at ang Espiritu Santo : at ang
tatlong ito ay iisa,” ay inalis na sa Revised Standard Version ng 1952 at 1971,
at sa iba pang mga Bibliya, dahil ito ay komentaryo na nakapasok sa Tekstong
Griego. Ibig sabihin lamang nito,
napakarami ng “revised or revision” ang Bibliya at kung baga, pinalitan o
napalitan na o di kaya ay nadagdagan o nabawasan, tama po ba? At magpasa-hanggang ngayon walang tigil ang pagbabago o revision sa aklat ng bibliya.
The Revised
Version (RSV) is an English translation of the Bible published in the
mid-20th century. It traces
its history all the way back to William Tyndale’s New Testament translation
of 1525 and the King James Version of 1611. The RSV is a comprehensive version of the
King James Version (KJV), the Revised Version (RV) of 1881-85, and the American
Standard Version (ASV) of 1901, with the ASV being the primary basis for the
revisions.
The RSV posed the first serious challenge to the
popularity of the KJV, aiming to be a readable and literally accurate modern
English translation of the Bible. The
intention was not only to create a clearer version of the Bible for the
English-speaking church, but also to “preserve all that is best in the English
Bible as it has been known and used through the centuries” and “to put the
message of the Bible in simple, enduring words that are worthy to stand in the
great Tyndale-King James tradition.”
The RSV was
published in the following stages:
·
New
Testament, First Edition (1946; originally copyrighted to the International
Coucil of Religious Education)
·
Old
Testament (and thus the full Protestant Bible) (1952)
·
Apocrypha
(1957)
·
Modified
Edition (only a few changes) (1962)
·
Catholic
Edition (NT 1965, Full RSV-CE 1966)
·
New
Testament, Second Edition (1972)
·
Common
Bible (1973)
·
Apocrypha,
Expanded Edition (1977)
·
Second
Catholic Edition (2006)
Kahit sa mga nakaraan
siglo kung ating susuriin, ang Bibliya ay isinalin sa wikang Inglès ng
maka-ilang-beses. Una na rito ay si
William Tyndale na hindi sumang-ayon na diktahan siya ng Pope (papa) sa
kadahilanang ipinababago ang tunay na kahulugan ng pagsasalin ng Bibliya. Sabi nga ng isang malapit na kaibigang doktor
ni William Tyndale: “Do you know that the pope is very Antichrist, whom
the Scripture speaketh of?” But beware what you say; for if you shall
be perceived to be of that opinion, it will cost you your life,” ang naging babala ni William Tyndale sa
matalinong doktor na mag-ingat ng pagbibitaw ng salita laban sa papa dahil
maraming galamay ito. Ngunit sadyang
namutawi sa bibig ng doctor ang katotohanan at siya ay nagsabi pa: “We
were better to be without God’s laws than the pope’s.” Nanindigan rin si William Tyndale na hamunin
ang papa at ang sabi: “I defy the pope, and all his laws;” and added, “If
God spared him life, were many years he would cause a boy that driveth the
plough to know more of the Scripture that he did.”
Dahil sa gustong
ipapatay si William Tyndale, tumakas siya at pumaroon sa Hamburg noong taong 1524 at habang siya’y
nagtatago, muli niyang sinimulang isalin sa tama at tunay na texto ang Bagong
Tipan, maging sa Lumang Tipan ay marami siyang naging pagsasalin sa tama nitong
texto. Matapos ang pagsasalin niya sa
Luma at Bagong Tipan ng Bibliya, siya’y ipinagkanulo ng mga taong
pinagkatiwalaan niya at siya’y nakulong.
Habang siya ay nakapiit sa bilangguan nagawa nilang sirain ang kanyang
pagkatao, hanggang siya ay ipapatay sa pamamagitan ng walang-awang pagbitin ng
kanyang leeg at sunugin ng buhay.
William Tyndale
Protestant reformer and Bible translator
Born ca. 1494
Died September 6, 1536
Near Brussels , Belgium
Bago namatay si
William Tyndale sa taong September 6, 1536, sumulat ito ng mensahe sa
Inglaterra na ang sabi: “Oh Lord, open the King of England ’s eyes.” Ang iniwan niyang sulat sa kanyang kaibigan
na si John Frith na ganito ang mababasa: “I call God to record against
the day we shall appear before our Lord Jesus, that I never altered one
syllable of God’s Word against my conscience, nor would do this day, if all
that is in earth, whether if be honor, pleasure, or riches, might be given me.”
Napaka-simpleng mensahe ang isinulat ni
William Tyndale para sa Inglaterra bago ito pinatay at kung uunawain ng husto ang mensaheng ito, matutukoy natin
ng husto kung bakit nga ba nagkaroon ng maraming pagsasalin ang kinapapalooban
ng Bibliya sa tunay nitong kahulugan.
Binanggit mismo ni William Tyndale na hindi kaya ng kanyang budhi ang
baguhin ang Banal na Salita ng Diyos sa kadahilanang mas ginusto pa
niyang maging martir sa paningin ng Diyos kaysa sa mga taong walang takot
gumawa ng sarili nilang hukay tungo sa impiyerno.
.........................................................................................................................
ARIANISM,
MACEDONIANISM, APOLLINARIANISM and THE CAPPADOCIAN FATHERS:
As seen in article on Church and State, Arianism was a problem for the
Church for some fifty years after the Council of Nicaea in 325 until the
articles of this Council were reconfirmed by the Council of Constantinople in
381.
To refresh our
minds: Arian, a priest, teaching in Alexandria
declared that the Logos is no more than a power or quality of the Father. Before time began the Father had created the
Son by the power of the Word to be His agent in creation. The Son was not therefore to be identified
with the Godhead, He was only God in a derivative sense, and there was once when
he did not exist.
Hence the ditty sung by Arius’ supporters in Alexandria , “there was a
time when he was not.” Thus the Logos
was not eternal, and therefore Arianism denied also the doctrine of the
Trinity as personal distinctions were not eternally present within the nature
of God. (Wand 1955, p.41)
..........................................................................................................
Lingid sa kaalaman ng lahat ng Kristiyano
ang katotohanan tungkol sa tinatawag o kinikilala nilang Trinidad
(Trinity), ay hindi kailan man
matatagpuan sa orihinal na kasulatan ng Bibliya. Wala ni ano mang naging kapahayagan uk ol dito sa tinutukoy na Trinidad . Isang katotohanan na silang mga naunang
tinawag na Kristiyano ang siyang sumang-ayon sa Bibliya, sila mismo ay may
makatuwirang paniniwala na ang Diyos ay nag-iisa lamang. Tinawag silang mga Unitarian. Sapagkat pinawawalan nila ng saysay ang
tinawag na doktrina Trinidad . Tunay nga silang
mga Kristiyano na matatawag dahil nananalig lamang sila sa Kaisahan ng Diyos at
sila ay tunay na tagasunod sa aral ni Hesus عيسى عليه السلام. Ang kinikilala nilang master, guro o
mesaya. Hindi naging madali ang naging
pakikipaglaban nila dahil maraming buhay ang kinitil sa katotohanang kan ilang pinaniniwalaan.
Ang pangyayaring ito ay naitago sa
kaalaman ng lahat ng Kristiyano na tinatawag ding Katoliko. Maliban na lamang
sa iilan na nagtikom ng kan ilang mga labi
upang maitago ang katotohanang magpapalaya sana sa mga Kristiyano. Kung kaya’t tuluyan na ngang naligaw at
naipako sila sa mali ng
aral. Ito na ang nagsilbing haligi ng kan ilang pananampalataya ang pagkakaroon ng tatlong
persona o trinidad.
Tulad ko rin, maging ako ay naipako sa
ganitong katuruan noong ako ay isa pang Kristiyano. Ngayon ako ay isa ng ganap na Muslim, Isang
“Katanungan” kung bakit? Bakit nga ba
hinahayaan nating maipako sa ganitong aral o katuruan gayung meron naman tayong
malayang kaisipan. Hindi ba’t
napakahirap isipin ang sinasabi nila (mga Kristiyano ngayon) na ang Diyos ay
nag-iisa na kumakatawan sa tatlong persona.
Tulad halimbawa; si Hesus ay anak ng Diyos, si Hesus ay ang Diyos na
nagkatawang tao. Sila ay iisa lang na
parehong Diyos. Ang Ama at Anak ay
co-equal at co-eternal pero iisa lang sila.
Ang ganitong konsepto ay hindi matanggap
ng mga naunang Kristiyano noon. Hanggang
dumatal ang taong 325 C.E. Ang Konseho
ng Nicea ay sumunod sa ilalim ng pamumuwersa ng Roma. Ito’y tatlong daan taon matapos ang
Ministeryo ni Hesus عيسى
عليه السلام.
Kinailangang gumamit ng sandataang puwersa upang makamit ito ng Roma.
Ganun din, ang Banal na Espiritu ay hindi
ipinaliwanag bilang isang tagapatnugot ng mga SALITA upang ibaba
sa mga Propeta para sa lahi ng Amang si ADAM ( آدَم عليه السلام ). Ang tinutukoy na Banal na Espiritu ay ang mga
Anghel sa Kalangitan gaya
ni anghel Gabriel (Jibril).
Bagkus, ipinangaral nila ito bilang isang persona at pangatlong bahagi
sa pagka-Diyos hanggang sumapit ang Konseho ng Constantinople
noong 381 C.E.
Emperor Constantine I
presents a representation of the city of Constantinople
as tribute to an enthroned Mary and baby Jesus in this church mosaic. St
Sophia, c.1000
Ang kabuuang kondisyon ng doktrina ay
hindi napagkasunduan hanggang sumapit ang Konseho ng Chalcedon noong 451 C.E. Ganoon pa man, walang kasunduan kung sa
paanong paraan ito kumikilos. Sa
panahong yaon, ang mga Katoliko sa huli ay pinahayag (mula sa Konseho ng Toledo ) na ito’y nagbuhat
mula sa Ama at sa Anak (na parehong Diyos), at ang Orthodox ay hindi sang-ayon,
sinasabing ito’y nagbuhat mula sa Ama lamang.
Paano nga ba narating ng mga Kristiyano ang
ganitong di-pangkaraniwang kalagayan ng paniniwala na kung saan ang Diyos na
napag-pasiyahan noong ika-apat na siglo ay hindi ang Diyos ng sina-unang
Iglesia? Ano pa ba ang ibang mahalagang
pagbabago na nangyari na hindi nalalaman ng mga Kristiyano at hindi sila
magkaisa sa kanilang layunin?
Ang kasagutan ay may mga napakaraming
pagbabago. Katulad na lamang ng
pagbabago sa pagsamba ng Sabt[2]
(Sabado) na naging Linggo at mula sa pagdiriwang ng Paskua (Passover)
na ginawang pagdiriwang ng paganong kapistahan ng Mahal na Araw (Easter). Ang ginawang araw ng pagdiriwang ng mga
pagano na tinatawag na pasko (Christmas) ay siya na ring sinusunod ng
mga Kristiyano. Ngunit hindi naman
sinang-ayunan ng ibang sekta ng Kristiyano tulad na lamang ng Iglesia ni Kristo,
atbp.
Kaya’t kung susuriin natin ng husto, ang
konseptong “Tatlong Persona sa Isang Diyos” o itong tinatawag na “Doctrine of
Trinity” ay nagsimula lamang pagkaraan ng maraming taon nang lumisan si Hesus (
عيسى عليه السلام ) sa
daigdig. Walang alinlangan, na ang konseptong ito ay hindi aral o batas na
pinairal ni Hesus at maging ang mga nangaunang tunay na propeta ng Diyos sa
buong kasaysayan. Ang katotohanan, ang
mga iniwang tunay na disipulo ni Hesus ay patuloy na sumusunod sa Kaisahan ng
Diyos hanggang taon 90 A.D. Ang
paniniwala sa Kaisahan ng Diyos ay nakasulat sa “Shepherd of Hermas” na naisulat sa panahong ito at
isinasaalang-alang bilang banal na kapahayagan ng mga naunang Kristiyano.
Hanggang sa ng
lumaganap ang Roman Church Doctrine. Dito
na nga nangyari na yao ng mga tunay na Kristiyano
ay pinagpapatay dahil sa hindi pagsang-ayon sa dimakatuwirang Doktrina ng Trinidad . Sa taong
190 A.D., isa sa mga kasapi ng apostol ng simbahan katoliko na si Iraneus ay
lumiham kay Pope Viktor upang itigil ang pagpatay sa mga tunay na
Kristiyano. Ang katotohanan pa nito,
karamihan sa kasapi ay lider ng simbahan katoliko na ganap na sumunod sa
simpleng aral ni Hesus ( عيسى
عليه السلام ).
The Shepherd
of Hermas – (sometimes just
called The Shepherd) is a Christian work of the second century,
considered a valuable book by many Christians, and occasionally considered
scriptural by some of the early Church fathers.
The Shepherd had great authority in the second and third centuries. It was cited as Scripture by Irenaeus and Tertullian and was bound with the New
Testament in the Codex, Sinaiticus, and it was listed between the Acts
of the Apostles and the Acts of Paul in the stichometrical list of the Codex
Claromontanus. Some early
Christians, however, considered the work apocryphal and false.
The work
comprises five visions, twelve mandates, and ten parables. It relies on allegory and pays special
attention to the Church, calling the faithful to repent of the sins that have
harmed it.
The book was originally written in Rome , in the Greek
language, but a Latin translation was made very shortly afterwards. Some say
this was done by the original author as a sign of the authenticity of the
translation, though others dispute this. Only the latin version has been
preserved in full; of the Greek, the last fifth or so is missing.
Saint Irenaeus
Irenaeus: (b.2nd
century; d. end of 2nd/beginning of 3rd century) was
bishop of Lugdunum in Gaul, which is now Lyon ,
France . His
writing were formative in the early development of Christian theology, and he
is recognized as a saint by both the Eastern Orthodox Church and the Catholic
Church; both consider him a Father of the Church. He was a notable early
Christian apologist. He was also a disciple of Polycarp, who was said to be a
disciple of John the Evangelish. His
feast day is 28 June.
Prophetic
Exegesis – The first book
of Against Heresies constitute a minute analysis and refutation of the
Gnostic doctrines. The fifth is a statement of positive belief constrasting the
constantly shifting and contradictory Gnostic opinions with steadfast faith of
the church. He appeals to the prophecies to demonstrate the truthfulness of
Christianity.
Antichrist
– Irenaeus identified the Antichrist, another name
of the apostate Man of
Sin, with Daniel’s Little Horn and John’s Beast of Revelation 13. He sought to apply other expressions to
Antichrist, such as “the abomination of desolation,” mentioned by Christ (Matt.
24:15) ang the “king of a most fierce countenance,” in Gabriel’s explanation of
the Little Horn of Daniel 8. But he is
not very clear how “the sacrifice and the libation shall taken away” during the
“half-week”, or three and one-half years of Antichrist’s reign. [17][18]
666 –
Irenaeus is the first of the church fathers to consider the mystic number
666. While Irenaeus did propose some
solutions of this numerical riddle, his interpretation was quite reserved.
Thus, he cautiously states: “But knowing the sure number declared by
Scripture, that is six hundred sixty and six, let them await, in the first
place, the division of the kingdom into ten; then, in the next place, when
these kings are reigning, and beginning to set their affairs in order, and
advance their kingdom, [let them learn] to acknowledge that he who shall come
claiming the kingdom for himself, and shall terrify those men of whom we have been
speaking, have a name containing the aforesaid number, is truly the abomination
of desolation” [22] Although
Irenaeus did speculate upon two names to symbolize this mystical number, namely
Teitian and Latienios, nevertheless he was content to believe that the
Antichrist would arise some time in the future after the fall of Rome and
then the meaning of the number would revealed [23]
......................................................................................................................
Si Lacteneus bilang kasapi ay sumulat din
noong 310 A.D. na: “Si Hesus ay kailanman ay hindi nagsabi na siya ay Diyos
o anak ng Diyos.” Maging sa taon ng
320 A.D., si Eusebius ay nagturo at nagsulat din na: “Si Hesus ay nagturo sa
atin na tawagin ang kanyang ama bilang tunay na nag-iisang Diyos at Siya lamang
ang dapat sambahin.”
Sa kabila nang laganap na pagpatay sa mga
naniniwala sa Kaisahan ng Diyos, maraming samahán o unyón ang matatapang at
matibay na inilahad ang kanilang kaisipan laban sa Doktrina ng Trinidad . Isa sa
pangunahing unyón (unitarian) na si Arius ay tagisang sinabi niya kay Obispo
Alexander na walang katotohanang doktrina ang Trinidad .
Pagkaraan ng ika-apat na taon, si Emperador Constantino-1 ay nagtawag ng “First
General Council” sa Nicea na nilahukan ng 318 obispo upang ayusin ang paksang
pinag-aawayan nina Arius at Alexander. Ang “sanggunián” na ito ay sumang ayon
sa Doktrina Ng Trinidad sa pangunguna ni Athanasius, ngunit, maliban kay Arius
at ang mga kasamahan niya ay patuloy sa pananaw at konseptong “Kaisahan ng
Diyos.” Sa taong 380 A.D., si Emperador
Theodosius ay nagtakda na ang Orthodox Faith (Trinitarian catholic faith) ang
siyang relihiyon ng kanyang kinasasakupang mamamayan. Paglipas ng tatlong taon, sa taong 383 A.D.,
si Theodosius ay nagbigay babala na parurusahan ang sinumang hindi maniwala sa
Doktrina ng Trinidad . Sa kabila nito, hindi nabuwag ang paniniwala
ng unyón (unitarian). Pagsapit ng 15th
century, muling tinuligsa ni Servetus ang tungkol sa doktrina trinidad at siya
ay nagpahayag na: “Ang pagtanggap sa Doktrina ng Trinidad
ay pagtanggap ng MARAMING DIYOS”. Sa
bandang huli, siya ay ikinulong at unti-unting pinatay sa pamamagitan ng
pagsunog sa apoy. Isa sa kanyang
kasamahan ang nagsabi: “Ang sunugin ang isang tao ay hindi pagpapatunay
ng isang doktrina.”
Arius
Arius (AD ca 250/256 - 336) was a Christian
priest in Alexandria, Egypt in the early fourth century. In
about the year 318, he was involved in a dispute with his bishop, Alexander of Alexandria, maintaining
against him that the Son of God was not consubstantial
or coeternal with God the Father, but that there was once a time,
before he was begotten, that he did not exist. Arius, with a following of other
priests, was excommunicated, but debate continued throughout the Eastern Roman Empire. Many bishops,
particularly those who studied under Lucian
of Antioch, agreed with Arius. By the time Constantine
took over the East in 324, debate was fierce, with various councils condemning
and approving Arius's views on the Son.
The controversy was far from over, and would not
be settled for decades to come (continuing later into the West as well). Those
who agreed that the Son was not consubstantial
were already at that time being labeled “Arians”, especially by Athanasius
of Alexandria ,
and the name Arianism
remains the descriptor of this teaching. The naming is incidental, as Arius’
role was only to ignite the controversy. The issue of the Son’s relationship to
the Father had been discussed before in church history, only never so fervently
and universally.
Other
“Arians” like Eusebius of Nicomedia and Eusebius of Caesarea were much more influential. In fact, some later "Arians" disavowed the
name, claiming not to have been familiar with Arius. Nonetheless, Arius' (and
his bishop's) stubborn insistence had brought the issue to the theological
forefront, and so it is labeled as his.
Arius’ Doctrines – In explaning his actions againts Arius, Alexander of Alexandria wrote a
letter to Alexander of Constantinople and Eusebius of Nicomedia (where the
emperor was then residing), detailing the errors into which he believed Arius
had fallen. According to Alexander,
Arius taught: “That God was not always
the Father, but that there was a period when he was not the Father, that the
Word of God was not from eternity, but was made of out nothing; for that the
ever-existing God (‘the I AM’ – the eternal One) made him who did not
previously exist, out of nothing; wherefore there was a time he did not exist,
inasmuch as the Sod is a creature and a work.
That he is neither like the Father as it regards his essence, nor is by
nature either the Father’s true Word, or true Wisdom, but indeed one of his
works and creatures, being errosneously called Word and Wisdom, since he was
himself made of God’s own Word and the Wisdom which is in God, whereby God both
made all things and him also. Wherefore
he is as to his nature mutable and susceptible of change, as all other rational
creatures are: hence the Word is alien to and other that the essence of God;
and the Father is inexplicable by the Son, and invisible to him, for neither
does the Word perfectly and accurately know the Father, neither can he
distinctly see him. The Son knows not
the nature of his own essence: for he was made on our account, in order that
God might create us by him, as by an instrument; nor would he ever have
existed, unless God had wished to create us.
He quotes something similar from the
Thalia: “God has not always been Father,
there was a moment when he was alone, and was not vet Father: later he became
so. The Son is not from eternity: he
came from nothing [5]
.............................................................................................................
Michael Servetus
Michael Servetus (also Miguel Servet or Miguel Serveto; 29
September 1511 – 27 October 1553) was a Spanish (Argonese) theologian,
physician and humanist. His interests
included many sciences: astronomy and meteorology; geography, jurisprudence,
study of the Bible, mathematics, anatomy, and medicine. He is renowned in the history of several of
these fields, particularly medicine and theology. He participated in the Protestant
Reformation, and later developed a nontrinitarian Christology. Condemned by Catholics and Protestants alike,
he was burnt at the stake by order of the protestant Geneva governing council as a heretic.
Theology: In these books, Servetus
built a theology which maintains that the belief of the Trinity is not
based on biblical
teachings but rather on what he saw as deceiving teachings of (Greek) philosophers. He saw himself as leading a return
to the simplicity and authenticity of the Gospels and the
early Church Fathers. In part he hoped that the dismissal
of the Trinitarian dogma would also make Christianity more appealing to Judaism and Islam, which had
preserved the unity of God in their teachings, whereas trinitarians, according
to Servetus, had turned Christianity into a form of "tritheism", or
belief in three gods.
Servetus affirmed that the divine Logos, which was the
manifestation of God and not a separate divine Person, was incarnated in a
human being, Jesus, when God's spirit came into the womb of the Virgin Mary. Only from the moment of
conception, the Son was actually generated. Therefore the Son was not eternal,
but only the Logos from which He was formed. For this reason, Servetus always
rejected that Christ was the "eternal Son of God",
but rather that he was "the Son of the eternal God" [1].
In describing Servetus' view of the Logos, Andrew
Dibb explained: In Genesis God reveals himself as the creator. In John he
reveals that he created by means of the Word, or Logos, Finally, also in John,
he shows that this Logos became flesh and 'dwelt among us'. Creation took place
by the spoken word, for God said "Let there be …" The spoken word of
Genesis, the Logos of John, and the Christ, are all one and the same. [2]
Servetus states his view clearly in the preamble to
Restoration of Christianity (1553): "There is nothing greater,
reader, than to recognize that God has been manifested as substance, and that
His divine nature has been truly communicated. We shall clearly apprehend the
manifestation of God through the Word and his communication through the Spirit,
both of them substantially in Christ alone."[3]
This theology, though original in some respects,
has often been compared to Adoptionism, Arianism, and Sabellianism
or Modalism,
which were condemned as old Christian heresies by Trinitarian scholars.
Nevertheless, based on the secondary and often partial sources available to him
at that time, Servetus rejected these theologies in his books: Adoptionism,
because it denied Jesus's divinity[4];
Arianism, because it multiplied the hypostases and established a rank[5];
and Sabellianism, because it confused the Father with the Son[6].
Under severe pressure from Catholics and
Protestants alike, Servetus clarified this explanation in his second book, Dialogues
(1532), to show the Logos coterminous with Christ. This made it nearly
identical with the pre-Nicene view, but he was still accused of heresy because of
his insistence on denying the dogma of the Trinity and the individuality of
three divine Persons in one God.
Execution of Burning
Cause of
death: A container of gunpowder tied at the neck
might be used to bring about a quicker (and thus more merciful) death, since
the condemned would suffer only until the gunpowder was heated enough to
explode. Some prisoners refused this,
which was just as well as gunpowder only explodes when it is held in a confined
space, preferring to burn violently if the gaseous pressure is allowed to
escape.
Among the best-known individuals to be executed
by burning were Jacques de Molay (1314), St Joan of Arc (May30, 1431), Patrick
Hamilton (1528), William Tyndale (1536), Michael Servetus (1553), Giordano
Bruno (1600), and Avvakum (1682). Anglican
martyrs Hug Latimer and Nicholas Ridley (both in 1555), and Thomas Cranmer
(1556) were also burned at the stake.
..........................................................................................................................
Katotohanan! Ang kasinungalingan ay hindi
makatatayo laban sa lakas ng makatotohanang katuwiran. Pagkaraan ng anim na raang taon mula nung
lumisan si Hesus ( عيسى
عليه السلام ), ang Allâh سبحانه وتعالي ay
nagbigay ng Banal na Kapahayagan (huling testamento) sa pamamagitan ni propeta
Muhammad (saw), ang Banal na Qur’an. Isa sa pinaka-mahalagang mensahe nito ay ang
pagbibigay babala sa mga taong sumasampalataya at naniniwala sa Doktrina Ng Trinidad . Ang
Allâh سبحانه وتعالي ay nagwika:
وَقَالُوا اتَّخَذَ الرَّحْمَنُ وَلَدًا (88) لَقَدْ جِئْتُمْ شَيْئًا
إِدًّا (89) تَكَادُ السَّمَوَاتُ
يَتَفَطَّرْنَ مِنْهُ وَتَنْشَقُّ الْأَرْضُ وَتَخِرُّ الْجِبَالُ هَدًّا (90) أَنْ دَعَوْا لِلرَّحْمَنِ
وَلَدًا (91) وَمَا يَنْبَغِي لِلرَّحْمَنِ أَنْ يَتَّخِذَ وَلَدًا (92)
Banal na Qu’ran (Surah Maryam
[19]:88-92
88 – At sila ay nagsasabi: “Ang Pinakamahabagin
(Allâh) ay nagkaanak ng isang lalaki (katulad ng pagsasabi ng mga Hudyo:
Si Ezra ay anak na lalaki ng Allah; at
ng pagsasabi ng mga Kristiyano: Si Hesus ay anak na lalaki ng Panginoong Diyos
(Allâh), at ng pagsasabi ng mga paganong Arabo: [na] Siya ay nagkaanak ng mga
babae [ang mga anghel]).”
89 – Katotohanang kayo ay nagtambal
(nagtaguri) ng isang kakila-kilabot na masamang bagay.
90 – Na (dahil dito) ang kalangitan ay
halos mapunit, at ang kalupaan ay mabiyak mula sa ilalim, at ang kabundukan ay
malansag sa pagkaguho,
91 – Na sila ay nagpaangkin ng isang anak
(na lalaki) sa Pinakamahabagin (Allâh).
92 – At hindi katampatan (sa Kamahalan) ng
Pinakamahabagin (Allâh) na Siya ay magkaanak ng anak (na lalaki) [supling o mga
anak].
Nangangahulugan lamang na ipinakita sa
nakalipas na kasaysayan na marami ang nagtangkang magbago ng naging katuruan ng
propeta Hesus (عيسى
عليه السلام) mula ng siya ay lumisan. Ngunit sa kabila ng nagawa nilang pagbabago,
dumami din ang nanindigan sa pakikipaglaban para sa kung ano ang katotohanang kapahayagan,
aral o katuruan. Sa
makatuwid ang Jihad ay
naipamalas na ng mga tunay na kristiyano noon palang. Ang Jihad ay salitang Arabik ng
may pangahulugan ng “pakikipaglaban”.
Tulad din ng mga Muslim, nakikipaglaban sa Kaisahan at Kapakanan ng
Diyos (Allâh سبحانه وتعالي).
May isang katanungan na hindi kailan man
mabigyan ng totoong kasagutan ng mga pulutong na magagaling na mangangaral - -
- Ang tanong na papaano at saan hinugot ang Tatlong Persona?
Ngayon, kung sadya nating susuriin ng
mas-malalim o’ ng may kababawan ang talata ni Juan na nakasulat sa Bagong Tipan
ng Bibliya na ipinangaral naman ni Saulo na naging Pablo at nailimbag
noong 1611 taon, pagkaraan nang 75-taon
na pagkamatay ni William Tyndale at sa mga lumipas na siglo. Marami mang nabago sa Bibliya, ano pa’t
mangingibabaw pa rin ang katotohanan at malamang na magkakaroon tayo ng mas
malapitang kaliwanagan. Mangyayari na
maging ang katanungan “kung bakit nga ba?” nangyari ito na naging isang
ganap na Doktrina ng Trinidad ng mga Romano
Katoliko. Binibigyang diin sa
panimula ng kanilang mga dalangin at pagsamba upang maisakatuparan ang
pagtanggap nila na ang Diyos ay kumakatawan sa “Tatlong Persona.” Ang mga katagang ito: “SA NGALAN NG AMA,
NG ANAK, AT ESPIRITU SANTO” ay ang Trinidad
na pinaniniwalaan ng sinumang Romano Katoliko, na sila (DIYOS) o’ ang Diyos ay
iisa sa Tatlong Katauhan.
Tunay na maliwanag na ito ay nagbibigay “Kapartner
o Katambal” o maging ng kasarian sa nag-iisang Tagapaglikha. Sapagkat ang Ama ay lalake at si Hesus
ay lalake na siyang kumakatawan bilang anak at ang Espiritu
Santo na man ang siyang mga Anghel sa Langit. (Ang tanong, ang Espiritu po ba ay lalake o
babae? Ang lahat ba ng mga Anghel sa
Langit ay puros lalake?). Walang tunay
na nakababatid kung di ang “LUMIKHA” sa kanila.
Mainam na suriin pa natin ng malapitan: “TATLO
ang nabanggit na IISA.” Ating simulan ang kategorya ng AMA, sabihin
na nating ang Ama ang siyang haring Diyos, Ama ng sanlibutan na siyang
paniniwala ng mga Romano Katoliko.
Ngunit ang isang Ama ay isa lamang likha ng Manlilikha at tulad ng una
kong nasabi, ito ay kumakatawan sa kasarian ng pan-lalaki at lalong maraming
kinakatawan ang isang salitang Ama na makikita sa kanyang nilalang. Tulad ng isang Ama ng tahanan, Ama ng
simbahan at Ama ng pinag-mulan yun ay si ADAM (أَدَم عليه السلام). Kung ganoon mas – may
kaliwanagan na ang binanggit na Ama na siyang tinutukoy ay ang siyang Ama
ng pinagmulan ng lahi. Wala na ngang iba
kung di si ADAM (أَدَم عليه السلام).
Dumako na man tayo sa salita o “ANG
SALITA”. Ang salita ay tinutukoy ng
Trinidad sa isang Tao lamang, ito ay ang propeta Hesus at siya na ring tinukoy
na Anak. At una nating tukuyin na anak
si Hesus, natural na siya ay may pinag-mulan at yon ay ang Ama. Sapagkat ang Anak ay kumakatawan sa isang
pagkatao. Kaya’t hindi siya maaaring
maging kaisa sa katauhan ng kanyang Ama.
Kaya sadyang walang pag-aalinlangan na ito ay dalawang katauhan na hindi
maaaring pag-isahin tulad ng paniniwala ng mga Romano-Katoliko. Magkagayon din na ang salitang Anak ay
tulad ng salitang Ama na maraming kahintulad sa nilalang ng ating
nag-iisang Tagapaglikha.
Pangalawa, kung bibigyan naman natin ng pansin
mismo ang talatang “ANG SALITA.”
Hindi lamang si Hesus ang nagpaabot ng mga Salita ng Tagapaglikha (Allâh
سبحانه وتعالي ),
gayun din ang mga nanga-unang propeta, tulad na lamang ng propeta Noah,
Abraham, Moises, at David. Maging sila
ay nagsipag-hayag ng mga Salita na
nagbuhat sa Allâh سبحانه
وتعالي. Samakatuwid kung ganito ang paniniwala ng Trinidad ng Romano-Katoliko o’ ang kanilang isang
batayan. Maging ang mga naunang propeta
ay maaari ding tawaging Anak tulad ni Hesus at kumatawan bilang Diyos
anak. Tulad ng pagka-kahirang ng mga
Romano-Katoliko kay Hesus bilang Diyos Anak.
Subalit lingid sa katotohanan tunay na ang “ANG SALITA”, na tinutukoy ay ang SALITA na
siyang mga BATAS at KAUTUSANG pinaparito sa lahi ng Amang si Adam,
Ang Amang pinag-mulan ng Lahi.” Mangyari
na siya na ang lumalabas na Ama ng mga talata ni Juan na isinalin sa
Bibliya na isinulat naman ni Saulo na naging Pablo.
“ANG ESPIRITU SANTO”, Ang Espiritu
Santo ang siya namang Espiritu na naging taga patnugot sa mga SALITA
upang ibaba sa mga propeta para sa lahi ng AMA. Ang tinutukoy na Espirito ay ang mga Anghel
sa Kalangitan gaya
ni anghel Gabriel (Jibril). Kaya
tunay na maliwanag ang lahat ng ito o tatlong nabanggit sa talata ni Juan ay
tunay na nagbubuhat lamang sa nag-iisa na nagmamay-hawak, walang iba kung di
ang nag-iisang Tagapaglikhang Tagapamahala ng lahat ng nasa loob at labas ng
sanlibutan. Kung ano man ang di natin
alam Siya lamang ang nakakaalam. Siya ay
ang Allâh سبحانه وتعالي. At napakaraming talata
sa Banal na Qu’ran ang nagpapahayag na Siya ang nag-iisang Tagahawak at
Tagapamahala. Ang talata ng Banal na Qu’ran ay nagsasaysay:
لَقَدْ كَفَرَ الَّذِينَ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ ثَالِثُ ثَلَاثَةٍ
وَمَا مِنْ إِلَهٍ إِلَّا إِلَهٌ وَاحِدٌ وَإِنْ لَمْ يَنْتَهُوا عَمَّا
يَقُولُونَ لَيَمَسَّنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ (73)
Banal na Qu’ran (Surah Al-Ma’idah [5]:73
73 - “Katotohanan, hindi sumasampalataya
ang mga nagsasabi: “Ang Allâh ay isa sa tatlo (sa Trinidad ).”
Datapuwa’t wala ng iba pang Diyos (na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba)
maliban sa nag-iisang Diyos (Allâh). At kung sila ay hindi titigil sa kanilang
sinasabi, katotohanan, ang isang kasakit-sakit na kaparusahan ay sasapit sa mga
hindi sumasampalataya sa kanila.”
سورة المائدة
لَقَدْ كَفَرَ الَّذِينَ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ هُوَ الْمَسِيحُ
ابْنُ مَرْيَمَ قُلْ فَمَنْ يَمْلِكُ مِنَ اللَّهِ شَيْئًا إِنْ أَرَادَ أَنْ
يُهْلِكَ الْمَسِيحَ ابْنَ مَرْيَمَ وَأُمَّهُ وَمَنْ فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا
وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا يخْلُقُ مَا
يَشَاءُ وَاللَّهُ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ (17) وَقَالَتِ الْيَهُودُ وَالنَّصَارَى نَحْنُ أَبْنَاءُ اللَّهِ
وَأَحِبَّاؤُهُ قُلْ فَلِمَ يُعَذِّبُكُمْ بِذُنُوبِكُمْ بَلْ أَنْتُمْ بَشَرٌ
مِمَّنْ خَلَقَ يَغْفِرُ لِمَنْ يَشَاءُ وَيُعَذِّبُ مَنْ يَشَاءُ وَلِلَّهِ
مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا وَإِلَيْهِ الْمَصِيرُ (18)
Banal na Qu’ran
(Surah Al-Ma’idah [5]:17-18)
17 -
Katotohanan, naging Kafir (walang pananampalataya) ang mga nagsasabi na ang
Allâh ay ang Mesiyas, ang anak ni Maria. Ipagbadya (O Muhammad): “Sino kaya
baga ang may pinakamaliit na kapangyarihan laban kay Allâh, kung Kanyang naisin
na wasakin ang Mesiyas, ang anak ni Maria, at ang kanyang ina, at lahat ng nasa
kalupaan nang magkakasama? At sa Allâh ang pag-aangkin ng kapamahalaan sa
kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito. Lumikha Siya ng Kanyang
naisin, at ang Allâh ay may Kapangyarihan na gawin ang lahat ng bagay.
18 - At ang mga Hudyo at mga Kristiyano ay (kapwa) nagsasabi: “Kami
ang mga anak ng Allâh at Kanyang minamahal. “Ipagbadya: “Kung gayon, bakit kayo
ay Kanyang pinarurusahan sa inyong mga kasalanan? Datapuwa’t kayo ay mga tao
lamang na kabilang sa Kanyang mga nilikha, pinatatawad Niya Kanyang maibigan at
pinarurusahan Niya ang Kanyang maibigan. At ang Allâh ang nag-aangkin ng
kapamahalaan sa kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito, at sa
Kanya ang pagbabalik (ng lahat).
سورة البقرة
أَلَمْ تَعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ
وَالْأَرْضِ وَمَا لَكُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا نَصِيرٍ (107)
Banal na Qu’ran (Surah Al’Baqarah [2]:107)
107 - Hindi mo ba nababatid (O Muhammad) na ang
Allâh ang nag-aankin ng Kapamahalaan ng mga Kalangitan at Kalupaan? At maliban sa
Allâh, kayo ay walang anumang Wali (tagapangalaga, tagapagtangkilik) o
makakatulong.
..............................................................................................................
At ano pa itong Tatlong Magpapatotoo
sa Sangkalupaan?, tunay na napakaliwanag: Ang ESPIRITU, ang Espiritu
ang siyang spiritual o kaluluwa; Ang TUBIG, ang Tubig na siyang buhay at
Ang DUGO na siya namang kamatayan..
Yan, ang tatlong bagay na tunay na
magpapatotoo sa atin dito sa sangkalupaan na hindi maitatago, mapasisinungalingan
at mapipigilan. Sapagkat ito ay tunay na
magaganap pagdating ng HUKOM” ( يَوْمَ الدَّين ). Ang mga talata ng Banal na Qu’ran ay
nagsasaysay:
إِنَّ مَثَلَ عِيسَى عِنْدَ اللَّهِ كَمَثَلِ آَدَمَ خَلَقَهُ مِنْ
تُرَابٍ ثُمَّ قَالَ لَهُ كُنْ فَيَكُونُ (59)
إِنَّ هَذَا لَهُوَ الْقَصَصُ الْحَقُّ وَمَا مِنْ إِلَهٍ إِلَّا
اللَّهُ وَإِنَّ اللَّهَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ (62)
Banal na Qu’ran (Surah Al’Imran
[3]:59,62
59 - Katotohanan, ang Kahalintulad ni
Hesus sa paglikha sa kanya ng Allah ay katulad ni Adan. Kanyang nilikha siya mula sa Alabok, at
(Kanyang) winika sa kanya: “Mangyari
nga!” At siya ay nilikha.
62 – Katotohanan! Ito ang tunay na
kasaysayan (tungkol sa buhay ni Hesus), at wala ng iba pang diyos na
karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Allâh (ang Tangi, at Tunay na
Diyos na walang asawa o anak). At
katotohanang ang Allâh ay Sukdol sa Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.
سورة آل عمران
فَأَمَّا الَّذِينَ كَفَرُوا فَأُعَذِّبُهُمْ عَذَابًا شَدِيدًا فِي
الدُّنْيَا وَالْآَخِرَةِ وَمَا لَهُمْ مِنْ نَاصِرِينَ (56)
Banal na Qu’ran (Surah Al’Imran
[3]:56)
56 - “At sa mga hindi sumasampalataya,
sila ay Aking parurusahan ng matinding kaparusahan sa mundong ito at sa
Kabilang Buhay at sa kanila ay walang makatutulong.”
سورة آل عمران
قُلْ يَا أَهْلَ الْكِتَابِ تَعَالَوْا إِلَى كَلِمَةٍ سَوَاءٍ
بَيْنَنَا وَبَيْنَكُمْ أَلَّا نَعْبُدَ إِلَّا اللَّهَ وَلَا نُشْرِكَ بِهِ
شَيْئًا وَلَا يَتَّخِذَ بَعْضُنَا بَعْضًا أَرْبَابًا مِنْ دُونِ اللَّهِ فَإِنْ
تَوَلَّوْا فَقُولُوا اشْهَدُوا بِأَنَّا مُسْلِمُونَ (64)
Banal na Qu’ran (Surah Al’Imran
[3]:64)
64 - “Ipagbadya (O Muhammad): “O Angkan
ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano).
Halina kayo sa isang salita (usapan) na makatarungan sa pagitan namin at
ninyo, na huwag tayong sumamba (sa iba) maliban sa Allâh, at huwag tayong
magbigay ng anumang katambal sa Kanya, at huwag nating itakda ang ilan sa atin
bilang panginoon maliban sa Allâh. At
kung sila ay magsitalikod, inyong sabihin: “Maging saksi kayo na kami ay mga
Muslim (na tumatalima sa Allâh).”
سورة البقرة
تِلْكَ الرُّسُلُ فَضَّلْنَا بَعْضَهُمْ عَلَى بَعْضٍ مِنْهُمْ مَنْ
كَلَّمَ اللَّهُ وَرَفَعَ بَعْضَهُمْ دَرَجَاتٍ وَآَتَيْنَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ
الْبَيِّنَاتِ وَأَيَّدْنَاهُ بِرُوحِ الْقُدُسِ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا
اقْتَتَلَ الَّذِينَ مِنْ بَعْدِهِمْ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَتْهُمُ الْبَيِّنَاتُ
وَلَكِنِ اخْتَلَفُوا فَمِنْهُمْ مَنْ آَمَنَ وَمِنْهُمْ مَنْ كَفَرَ وَلَوْ شَاءَ
اللَّهُ مَا اقْتَتَلُوا وَلَكِنَّ اللَّهَ يَفْعَلُ مَا يُرِيدُ (253)
Banal na Qu’ran (Surah Al’Baqarah
[2]:253)
253 - “Silang mga Tagapagbalita (Sugo)! Ang ilan sa kanila ay Aming hinirang na
maging higit sa iba (sa kapanagutan at tungkulin); sa ilan sa kanila, ang Allah
ay nakipag-usap; ang ilan ay Kanyang itinaas sa antas (ng karangalan); at kay
Hesus na anak ni Maria, ay aming ibinigay ang maliwanag na mga Himala (Tanda at
Katibayan) at siya ay pinatatag Namin ng Banal na Espiritu (Ruh-ul-Qudus o
Anghel Gabriel). At kung pinayagan
lamang ng Allâh, ang mga sumunod na lahi pagkaraan nila ay hindi makikipaglaban
laban sa isa’t-isa pagkaraan ang maliwanag na mga tanda (Kapahayagan ng Allâh)
ay dumatal sa kanila, datapuwa’t sila ay hindi nagkasundo, ang ilan sa kanila
ay sumampalataya at ang iba ay hindi sumampalataya. At kung pinayagan lamang ng Allâh, sila ay
hindi makikipaglaban laban sa isa’t-isa, datapuwa’t ng Allâh ay gumagawa ng
kaniyang maibigan.”
[2] Utos tungkol sa SABT (Sabado) –
Bibliya Exodo 20:8-11 “Alalahanin mo ang araw ng Sabt upang ipangiling
may kabanalan. Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong
gawain: ngunit ang ikapitong araw ay Sabt sa Panginoon mong Diyos: sa
araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa; na anopa’t pinagpala ng
Panginoon ang araw ng Sabt, at pinakabanal.”
[1] IBADHA – ang katagang Ibadha
(pagsamba) na hango sa salitang Arabik na “Abd” na nangangahulugan ng alipin,
Ang tao ay isinilang na napapailalim sa kapangyarihan ng Allâh. Siya ay
isinilang bilang isang alipin ng Allâh. Ang Ibadah ay isang paraan upang
padalisayin ang buhay pisikal at ispirituwal.
Sa Islam, ang bawa’t pag-aalay ng mabuting gawa na naghahangad magbigay
kasiyahan sa Allâh ay isang Ibadah (pagsamba).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento