لم يمت النبى عيسى ابدا على الصليب
Mga haka-haka lamang ng mga taong
mapaggawa ng kamalian ang silang naglihis ng katotohanan. Ang katotohanang kailanman ay hindi naipako sa krus si Hesus (عيسى عليه السلام)
at namatay at muling nabuhay pagkalipas ng tatlong araw. Dahil sa mga taong Zalimun at hungkag
ang kaisipan, ang mga Tanda (Ayat)
na ipinahiwatig ni Hesus (عيسى عليه السلام) ay hindi nauunawaan at
napakapurol ng kanilang kaalaman at nagawa pa nilang lasunin ang kaisipan ng mga taong naghahanap ng
katotohanan.
Lagi nalang himala sa langit ang nasa isipan ng
ibang tao kaya naman magpasa-hanggang ngayon
hindi sila napapatnubayan sa tamang patnubay. Nang si Hesus (عيسى عليه السلام) ay nandito sa lupa, siya ay hinanapan ng
palatandaang mula sa langit ng ilang Eskriba[1]
at Pariseo[2].
Si Hesus (عيسى عليه السلام) ay maliwanag na nagsabi:
Paglalarawan: h001
[Mateo
12:39-40] (ماتّيو 39:12-40)
“Lahing
masama at di-tapat sa Diyos! Naghahanap
kayo ng tanda ngunit walang ipakikita sa inyo maliban sa palatandaang
inilalarawan ng nangyari kay Propeta Jonas. Kung paanong si Jonas ay tatlong
araw at tatlong gabing nasa tiyan ng dambuhalang isda, gayon din ang Anak ng
Tao ay tatlong araw at tatlong gabing sasa ilalim ng lupa.”
Lahing masama at
di-tapat sa Diyos. Hindi ba’t ang
tinutukoy na “lahing masama” ni Hesus ay ang mga taong sumusunod sa yapak ni
Iblis [Satanas]. Kaya’t sadya talagang
napakatalas ng pananalita ni Hesus (عيسى عليه السلام) at inilalarawan niya kung papaano siya kinuha at dinala sa langit na hindi namatay,
at tanging ang Allâh سبحانه وتعالي
lamang ang nakakabatid.
Kung hindi naging palalo ang mga Eskriba at Pariseo disin sanay naunawaan nila ang palatandaang
binanggit ni Hesus, na kung papaanong nabuhay at hindi namatay
si propeta Jonas (يونُس
عليه السلام) sa loob ng tiyan ng isang dambuhalang isda. At doo'y nanatiling tatlong araw at tatlong gabing nagpapatirapa upang humingi ng kapatawaran sa Panginoon.
Basahin natin sa Biblia at sa Banal na Qu’ran
kung papaano dumalangin at nakaligtas si Jonas:
Paglalarawan: j002
Sa Biblia [Jonas
2:2-10] (ألنُّون 2:2-10)
“Nang si Jonas ay nasa tiyan ng isda,
nanalangin siya: “Yahweh, nang ako’y nasa kagipitan, nanalangin ako sa iyo, at
sinagot mo ako; Mula sa kalalimang walang katulad,
ako’y tumawag sa iyo, at dininig mo ako.”
Inihulog mo ako sa pusod ng dagat; Napadpad ako sa laot ng karagatan at
natabunan ng malaking alon. Sinabi ko: ‘Nalayo ako sa iyo, Kailan ko kaya
makikita uli ang banal mong templo?’
Hinigop ako ng kalaliman hanggang sa tuluyang lumubog. Natabunan ako ng mga yagit, Ako’y nalubog sa ilalim ng mga bundok,
Sa daigdig ng mga patay. Ngunit mula
roo’y iniahon mo ako nang buhay, O Yahweh, aking Diyos, Nang maramdaman kong
mapupugto na ang aking hininga, naalala kita, Yahweh, Ako’y dumaing, At narinig mo ako mula sa
iyong banal na templo. Ang mga sumasamba sa diyus-diyosan ay hindi tapat sa
iyo. Ngunit
magpapasalamat ako sa iyo sa aking mga awit.
Ako’y maghahandog sa iyo, Tutuparin ko ang aking mga pangako sa iyo, O
Yahweh, tanging Tagapagligtas!” Kinausap
ni Yahweh ang isda, at si Jonas ay iniluwa nito sa dalampasigan.”
Paglalarawan: j003
سورة الأنبياء
وَذَا النُّونِ إِذْ ذَهَبَ مُغَاضِبًا فَظَنَّ أَنْ لَنْ نَقْدِرَ
عَلَيْهِ فَنَادَى فِي الظُّلُمَاتِ أَنْ لَا إِلَهَ إِلَّا أَنْتَ سُبْحَانَكَ
إِنِّي كُنْتُ مِنَ الظَّالِمِينَ (87) فَاسْتَجَبْنَا لَهُ وَنَجَّيْنَاهُ مِنَ
الْغَمِّ وَكَذَلِكَ نُنْجِي الْمُؤْمِنِينَ (88)
Banal na Qu’ran: (Sura Al-Anbiya [21]:87-88)
87 - At (alalahanin) si Dhun-Nun (Jonah),
nang siya ay lumisan na napopoot; na nag-akala na siya ay hindi Namin susubukan
(sa mga kapahamakan na mangyayari sa kanya). Kaya’t siya ay nanambitan sa mga
(oras ng) kadiliman (alalaong baga, sa kalaliman ng gabi, sa kadiliman ng
ilalim ng dagat, at sa kadiliman ng loob ng isang isda, na nagsasabi): La
ilaha illa Anta (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng
pagsamba maliban sa Inyo [Allâh]). Higit Kayong Maluwalhati (at Kataas-taasan)
sa lahat ng (gayong kasamaan na kanilang itinatambal sa Inyo). Katotohanang ako
ay nakagawa ng kamalian.”
88 – Kaya’t tinugon Namin ang kanyang
panambitan, at Aming iniligtas siya sa kapighatian. Sa gayon Namin inililigtas
ang mga sumasampalataya (na nanalig sa Kaisahan ng Allâh, umiiwas sa kasamaan
at gumagawa ng kabutihan).
Ang punto dito, mahimalang nabuhay si
propeta Jonas dahil sa pagtalima, pagpapasakop, pagsunod, at pagsamba sa ating
nag-iisang Tagapalikha, ang Allâh سبحانه وتعالي ang Mapagpatawad at Makapangyarihan. Bakit nga ba ginawang tanda ni Hesus (عيسى عليه السلام) ang nangyari kay propeta Jonas? Hindi ba't nangangahulugan lamang na ang tinutukoy na "anak ng tao" ay mananatili din ng tatlong araw at tatlong gabi sa lupa bago maganap sa kanya ang himala. Isang himala na tanging ang Allâh سبحانه وتعالي lamang ang nakakaalam kung ano ang plano Niya kay Hesus (عيسى عليه السلام).
Sa pagkakataong ito, ating himaymayin ang mga pangyayaring naganap kung papaano nabawasan, napalitan, o napalooban ng ibang texto ang Biblia [alalaong baga, maging sa luma o bagong tipan]. At magkaroon tayo ng sapat na batayan kung ano ang katotohanang naganap kay Hesus (عيسى عليه السلام).
Sa isang kabanata sa Biblia, matutunghayan natin kung papaano ang naging pagdakip kay Hesus at ang pagharap niya sa pinakapunong saserdote[0].
Sa pagkakataong ito, ating himaymayin ang mga pangyayaring naganap kung papaano nabawasan, napalitan, o napalooban ng ibang texto ang Biblia [alalaong baga, maging sa luma o bagong tipan]. At magkaroon tayo ng sapat na batayan kung ano ang katotohanang naganap kay Hesus (عيسى عليه السلام).
Sa isang kabanata sa Biblia, matutunghayan natin kung papaano ang naging pagdakip kay Hesus at ang pagharap niya sa pinakapunong saserdote[0].
Paglalarawan: h002
Marcos 14:43-50 (مارك 43:14-50)
Ang Pagdakip
kay Hesus
“Nagsalita pa si Hesus nang dumating si Judas,
isa sa Labindalawa, na kasama ng maraming taong may mga dalang tabak at pamalo.
Inutusan sila ng mga punong saserdote, ng mga eskriba, at ng matatanda ng
bayan. Ang taksil ay nagbigay sa kanila
ng isang hudyat: “Ang hagkan ko-iyon ang inyong hinahanap. Siya’y dakpin
ninyo at dalhin, nguni’t bantayang mabuti.”
Pagdating ni Judas, agad siyang lumapit kay Hesus, “Guro!” ang bati
niya, sabay halik. At sinunggaban si
Jesus ng mga tao at dinakip. Nagbunot ng tabak ang isa sa mga naroon, at tinaga
ang alipin ng pinakapunong saserdote, at natigpas ang tainga niyon. At sinabi
ni Hesus sa mga tao, “Tulisan ba ako at naparito kayong may mga dalang tabak at
pamalo upang ako’y dakpin? Araw-araw ako’y nagtuturo sa templo at naroon din
kayo, ngunit hindi ninyo ako dinakip. Subalit kailangang matupad ang sinasabi
ng Kasulatan!” Nagsitakas ang mga alagad
at iniwan siya.
Paglalarawan: h003
Marcos 14:51-52 (مارك 51:14-52)
“Sinundan siya ng isang binatang walang damit
sa katawan maliban sa balabal niyang kayong lino. Sinunggaban siya ng mga
tao, ngunit iniwan niya ang kanyang balabal at tumakas na walang
kadamit-damit.”
Sa naging kapahayagan
ni Marcos, isang napakalaking katanungan kung bakit ang katotohanang nangyari
kay Judas Iscariot ay hindi naipahayag sa aklat ng bagong tipan. At isa ring katanungan kung bakit itong
sinasabing mahiwagang binata ang biglang sumunod na iniwan ang kanyang balabal
ay hindi man lamang ipinahayag kung sino?
Hindi ba’t napakaliwanag lamang na may lihim o nakalingid na kabanata na
hindi naipagbigay-ulat? Sadyang napakaraming katanungan subali’t hindi mabigyan
ng katotohanang kasagutan ng mga mapanlinlang sa tunay na katuruan.
Ang isa pang kabanata dito ay inilalarawan na sadyang
hindi kilala ng mga Hudyo si Hesus at kung anong itsura nito. Maging sa harapan ni Pilato ay nagkaroon ng
pag-aalinlangan kung ang totoong Hesus
nga ba ang nasa kanyang harapan?
Paglalarawan: h004
Marcos 15:1-5 (مارك 1:15-5)
Si Hesus sa Harapan ni Pilato
“Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong
saserdote, ang matatanda ng bayan, ang mga eskriba, at ang iba pang bumubuo ng
Sanedrin. Ipinagapos nila si Hesus, at dinala kay Pilato. “Ikaw ba ang Hari
ng mga Judio?” tanong sa kanya ni Pilato. “Kayo na ang nagsasabi, “ tugon naman ni Hesus. Nagharap ng maraming
sumbong ang mga punong saserdote laban
kay Hesus, kaya’t siya’y muling
tinanong ni Pilato, “Wala ka bang isasagot? Narinig mo ang dami ng kanilang
sumbong laban sa iyo.” Ngunit
hindi na tumugon pa si Hesus, kaya’t nagtaka si Pilato.
Paglalarawan: h005
Bakit nga ba nagkaroon ng pag-aalinlangan
at pagtataka itong si Pilato sa hindi pagtugon ni Hesus sa kanyang mga
katanungan? Makakasagot ba ng matuwid
ang isang huwad kung ito’y nasa harapan ng isang punong mambabatas? Hindi kailanman nagkaroon ng sugo (propeta)
ang Diyos na hindi matuwid. Lahat ng
isinugong propeta ng Diyos ay may mga dilang matutuwid kung sila’y nagsasalita
at sila na mga propetang nakikipaglaban kung ano ang katotohanang
kapahayagan. Katotohanang walang
propetang umuurong ang dila at yumuyuko o natatakot sa harapan ng tao maging
ito man ay hari o pinuno.
Tanging ang nag-iisang Diyos lamang ang
niyuyukuran at kinatatakutan ng mga propetang isinugo Niya. Simula pa kay propeta Noah (نوح عليه السلام), na kung papaano nakiharap sa mga taong makasalanan at
ipahayag ang kapahayagan. Si propeta
Abraham (إِبراهيم
عليه السلام), sa harapan ng mga hari at taong
tampalasan, ito’y tandisang nagpahayag kung ano ang kanyang ipinaglalaban. Si propeta Moises (موسى عليه السلام), kung papaanong humarap sa Faraon na may tapang at tibay ng
loob na ipinaglaban kung ano ang kapahayagan. Maging sina David, Solomon at sa
pinaka-huling propeta na si Muhammad [saw] ay
naghayag ng harapan at tinugon lahat ng mga katanungan maging ito man ay hari o
mga pinuno ng mga pamayanan. Samakatuwi’d walang
katotohanang si Hesus (عيسى
عليه السلام) ang siyang nakaharap ni Pilato dahil napakaraming talata sa
Biblia na magpapatunay lamang na kailanman ay di nagpasan ng krus si
Hesus. Sapagka’t itong dinakip at
binansagan nilang “Hari ng mga Judio” ay hindi man
lamang tumugon sa mga katanungan ni Pilato at maging kay Herodes na taga
Galilea.
Paglalarawan: h006
Bakit nga ba naghugas ng kamay itong si Pilato
at kanyang ipinahagupit nalang itong taong dinala sa kanyang harapan at ipako
sa krus? Sapagkat alam niyang ang
kanilang nadakip ay isang impostor na Hesus.
Bago pa man maganap ang pagdakip kay Hesus. Siya ay nagtungo sa Getsemani upang ito’y
manalangin sa Diyos. Siya’y nagpatirapa
at nanalangin na kung maaari’y huwag nang dumating sa kanya ang oras ng
paghihirap. Dito natin malalaman kung si
Hesus (عيسى عليه السلام) ba’y pinabayaan ng Diyos para patayin at ipako sa krus ng mga taong
tampalasan. Matutunghayan din natin ang
mga katotohanang naganap kung papaano ang tunay na pangyayari.
Paglalarawan: h007
Marcos 14:32-36 (مارك 32:14-36)
Nanalangin si Jesus sa Getsemani
“Dumating sila sa isang lugar na tinatawag na
Getsemani. Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad. “Dito muna kayo at
mananalangin ako.” Ngunit isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan. At
nagsimulang mabagabag at maghirap ang kanyang kalooban. Sinabi niya sa kanila, “Ang
puso ko’y tigib ng hapis at halos ikamatay ko! Maghintay kayo rito at
magbantay.” Pagkalayo ng kaunti, siya’y nagpatirapa at nanalangin na kung
maaari’y huwag nang dumating sa kanya ang oras ng paghihirap. “Ama! Ama ko!”
wika niya, “mapangyayari mo ang lahat ng bagay. Alisin mo sa akin ang sarong
ito ng paghihirap. Gayunma’y huwag ang
kalooban ko kundi ang kalooban mo ang masunod.”
Sa pagdadalamhati ni Hesus at sa bigat ng
pasanin sa mga taong hungkag ang kaisipan.
Nagpatirapa at dumalangin at lumuluhang nagsumamo sa Diyos upang siya’y
iligtas sa kamay ng mga taong mapaggawa ng kamalian. Katotohanang ayaw ni Hesus ang mamatay at
ipako sa krus kung kaya’t siya’y nagpakumbaba ng husto sa Diyos. Lumuluha at nagdurugo ng husto ang puso ni
Hesus at wika niya: “mapangyayari mo ang lahat ng bagay. Alisin mo sa akin ang sarong ito ng
paghihirap. Gayunma’y huwag ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang masunod.”
Dahil si Hesus ay isa sa pinakamalapit sa
kalooban ng Diyos, dininig siya at hindi ito pinabayaan at Kanyang iniligtas sa
kamay ng mga taong tampalasan. Alam ng
Dakilang Panginoon kung ano ang nilalaman ng isipan ng mga taong mapaggawa ng
kamalian. Kung kaya’t ano mang pagbabago
at pagpapalit ng teksto ng Bibliya hindi pa rin nagawang itago ng mga
tampalasan kung ano ang tunay na Ebanghelyo. May kasabihan nga: “Sunugin mo man ng
lubusan ang isang bagay, may maiiwan pa rin marka”. Basahin natin ang talata sa Bagong Tipan at
ang Kapahayagan ni Bernabe (Ebanghelyo ni Barnabas):
Paglalarawan: h008
Hebreo 5:7
“Noong si Hesus ay namumuhay rito sa lupa,
siya’y dumalangin at lumuluhang sumamo sa Diyos na makapagliligtas sa kanya sa
kamatayan. At dininig siya dahil sa lubusan siyang nagpakumbaba.”
Barnabas Chapter 115-116
115 - Nang parating
ang mga kawal kasama si Judas Iscariot malapit sa lugar na kinaroroonan ni
Hesus, narinig ni Hesus ang paglapit ng maraming tao, bagamat nangangambang
kunin siya sa loob ng bahay. At ang
labing-isang alagad ay kasalukuyang natutulog.
Nakikita ito ng Diyos na nasa panganib ang kanyang sugo, kung kaya’t
inatasan sina Gabriel, Michael, Rafael, at Uriel, upang tulungan at kunin si
Hesus dito sa mundo. Dumating ang mga
banal na anghel at kinuha si Hesus at idinaan sa bintana bandang timog. Siya ay hinubaran nila (ng mga anghel) at
dinala sa pangatlong palapag ng kalangitan na kasama ang mga anghel na
nagpupuri sa Dakilang Panginoon magpakailanman.
116 – Nagmadali si
Judas na makapasok bago pa man ang lahat ay makarating sa silid, ngunit si
Hesus ay nakuha na. At silang mga
disipulo ay natutulog. Kung saan ang
pinaka-Dakilang Diyos ay nagsagawa ng may mahusay na kagalingan, dahil si Judas
ay nagbago ng kanyang pananalita at ng kanyang anyong humahalintulad kay Hesus
na siya (Judas Iscariot) ang paniniwalaan nating si Hesus. At siya (Judas), ang gumising sa amin,
hinahanap ang guro. Kung kaya’t kami
(mga disipulo) ay namangha at sumagot: “Ikaw, guro ang maestro; kami ba ay
inyo nang nakalimutan?” At siya
(Judas), tumawa at nagsabi: “Kayo ba ay nababaliw na, hindi ba ninyo ako
nakikilala si Judas Iscariot! At
nagsasalita pa siya ng pumasok ang mga kawal at kanilang hinawakan si Judas
dahilan sa siya ang nakahalintulad kay Hesus.
Aming narinig si Judas na nagsasalita at nakita naming napakaraming
kawal, inilayo namin ang aming mga sarili sa isang tabi. At si Juan, na siyang nakabalot ng lino,
nagising at tumakas at nang siya ay
sinunggaban ng kawal sa pamamagitan ng puting lino kanyang iniwan ang lino at
tumakas ng walang damit. Dininig ng
Diyos ang panalangin ni Hesus at iniligtas ang labing-isang (11) disipulo sa
mga masasama.
Hindi lang nag-iisa o dalawang talata ang
nagsasabi ng napakalinaw na si Hesus ay nagbagong anyo ng araw din yaon ng siya
ay manalangin sa bundok ng Getsemani.
Tulad ng mababasa natin ayon sa talatang (Lucas 9:28-29) “Walong
araw pagkatapos sabihin ito, umakyat si Hesus sa bundok upang manalangin.
Isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago. Samantalang siya’y nananalangin,
nagbago ang anyo ng kanyang mukha, nagningning ang kanyang kasuutan na naging
puting-puti.”
Malinaw
na kapansin-pansin ang ginawang paghihimay at pagkakahiwa-hiwalay ng mga
talata. Ganon’ din ng pagkakagawa ng kani-kanilang istorya. Hindi po ba malinaw ng manalangin si Hesus sa
bundok ng Getsemani ay dininig ang kanyang panalangin kung kaya’t
nagkaroon ng himala at mangyari na natakpan sila ng isang alapaap at mula
rito’y may tinig na nagsabi. (Mateo
17:6) “Ang mga alagad ay natakot nang gayon na lamang nang marinig
nila ang tinig, at sila’y napasubsob.
Ngunit nilapitan sila ni Hesus at hinipo, ‘Tumindig kayo,’ sabi niya,
‘huwag kayong matakot!’ At nang tumingin sila ay wala na silang nakita
kundi si Hesus.”
Sa Banal na Qur’an,
ano ang mababasa: (Surah Al’Imran 3:55) - At (gunitain) nang winika ng
Allah: “O Hesus! Ikaw ay aking kukunin at Aking itataas sa Aking piling, at
ikaw ay Aking dadalisayin sa (maling paratang at kasinungalingan ng mga hindi
sumasampalataya na ikaw ay anak ng Diyos), at Aking gagawin ang mga sumusunod
sa iyo (ang mga sumasamba lamang sa Allâh) na higit na mainam kaysa sa mga
walang pananampalataya (sa Kaisahan ng Allâh, o sa ibang mga Sugo o sa mga Banal
na Aklat) hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay. At pagkaraan, kayo ay magbabalik sa Akin, at
Ako ang hahatol sa pagitan ninyo sa mga bagay na inyong Kinahiratihan na hindi
pinagkakasunduan.
Ito ba’y napag-alaman ng mga alagad ni
Hesus? Malinaw ring hindi sapagkat sila’y tulog na tulog dahil sa matinding
pagka-kaantok. Ang tanong: Nang sila ay magising nakita pa ba nila kung
si Hesus nga ba ang nasa kanilang harapan?
Hindi ba’t sa ikatlong ulit o pagbabanggit ni Hesus tungkol sa kanyang paglisan,
mababasa sa talata na siya ay nagsabi sa kanyang mga alagad.
[Lucas 9:44-45] “Samantalang nanggigilalas ang mga tao sa lahat ng ginawa ni
Hesus, sinabi niya sa kanyang mga alagad, ‘Tandaan ninyo itong sasabihin ko: ipagkakanulo
ang Anak ng Tao.’ Ngunit hindi nila ito naunawaan, pagkat inilingid ito sa
kanila. Nangangamba naman silang magtanong sa kanya kung ano ang ibig
sabihin niyon.”
Kaya’t kahit pa man anong gawin nilang
pagbabago lalabas at lalabas at makikita ng mga taong napatnubayan ang mali sa
katotohanan. Isa pang katanungan: “Si
Hesus ba ang nadakip?” Siyento
porsyentong hindi na si Hesus ang kanilang nadakip at naipako sa krus. Sapagkat ang huling Kapahayagan (Banal na
Qur’an) na ang nagbigay tuldok o liwanag ng katotohanan sa ano pa mang
pag-aalinlangan sa mga naisulat na talata nila Marcos, Mateo, at Lucas.
Maging ang kapahayagan ni Bernabe (Barnabas)
ay naging isang kontrobersyal at hinadlangan ng Simbahan Katoliko na mabasa at
mapag-aralan ng mga taong nangaligaw ng pananampalataya sa Tunay at Nag-iisang
Diyos. Sa paglalahad ko ng mga nabanggit
na talata, isang malaking hamon ang mahahalagang bagay na ito para sa mga
pinuno o namumuno maging ito man ay Kristiyano o Hudyo. Sapagkat ang taong may tunay na pananalig at
pagkatakot sa Dakilang Panginoon ay nararapat lamang sagutin ng may katotohanan
kung ano ang tunay na Banal na Kapahayagan.
Isang napakalaking kalapastanganan sa Dakilang Panginoon at sa Kanyang
mga hinirang na Sugo ang pabulaanan kung ano ang tunay na Batas ang ipinahayag
sa sangkatauhan. Maging ang kinathang
turong pagkamatay at pagkabuhay na muli ni Hesus ay isang maliwanag na blasphemous. Malinaw na wala ng naganap na tatlong araw na
muling pagkabuhay. Dahil, mismong sila
na ang sumulat sa talata nila na ang Hesus – Kristo ay nabuhay na ng
Linggo. Kung kaya’t isa pa rin itong
katanungan na muli. Ang ibig sabihin
lamang ba nito ay pawang kasinungalingan ang isinulat nilang tatlong araw at
tatlong gabi. Gayong ito ay paulit-ulit
nilang inihayag sa kani-kanilang talata – na si Hesus ay mabubuhay pagkaraan ng
tatlong araw (hindi ba’t wala pang isang araw ay nabuhay na?!). Hindi ba’t nagkaroon ng pagtataka ang mga
disipulo dahil bakit nabuhay kaagad ang Hesus samantalang dapat ay sa ikatlong
araw palang siya mabubuhay.
Nakatutuwang isipin na ang nagsisulat mismo ng
mga talata ang siyang gumawa ng kanila mismong pagkalito. Malinaw na ang naging pakay pa lamang nila
Maria Magdalena at ng kanyang mga kasama ay upang pahiran ng pabango ang
bangkay ni Hesus. Kina-umagahang matapos
ang araw ng pamamahinga (Sabado). Maging
ang pagtatatwa ni Pedro ay tulad din ng pagtataka ni Pilato kay Hesus ng ito’y
nasa harapan niya. Itinatwa ni Pedro ang
isang lalaki na di naman niya tunay na nakikilala. Tuwiran niyang sinabi na siya ay sumpain ng
langit! May nangyari bang kasumpa-sumpa
kay Pedro na ating mababasa sa kanilang mga talata. Kung tunay ngang si Hesus ang kanyang
itinatwa. (Marcos 14:71) “Sumpain
man ako ng langit, talagang hindi ko
nakikilala ang taong iyan!” sagot ni Pedro.
Ang Banal na Qur’an ay naglahad ng kasaysayan ng naganap kay Hesus. Ang paglalahad ay walang pag-aalinlangan sapagkat ito ay naisulat ng matuwid at ng may kainaman para sa mga may matuwid na kaisipan. Hindi mangangailangan ng mataas na katalinuhan, nguni’t ng bukas na pang-unawa. Ang talata sa Banal na Qur’an ay nagsasaysay:
سورة الكهف
أَفَحَسِبَ الَّذِينَ كَفَرُوا أَنْ يَتَّخِذُوا عِبَادِي مِنْ
دُونِي أَوْلِيَاءَ إِنَّا أَعْتَدْنَا جَهَنَّمَ لِلْكَافِرِينَ نُزُلًا (102)
Sura Al-Kahf [18]:102)
102 – Sila ba na hindi sumasampalataya ay
nag-aakala na (mangyayari) na kanilang kunin ang Aking mga alipin (alalaong
baga, ang mga anghel, ang mga Sugo ng Allâh, si Hesus na anak ni Maria) sa
halip na Ako bilang Auliya (mga panginoon, diyos, tagapagtanggol)? Katotohanang Aming inihanda ang Impiyerno
para sa mga hindi sumasampalataya (sa Kaisahan ng Allâh) bilang isang
pananahanan.
Napakaliwanag na kapahayagan ngunit
sadyang nagbulag-bulagan ang mga hungkag at pilit itinatago kung ano ang
katotohanan. Tulad ni Hesus,
katotohanang hindi namatay at hindi rin siya ang naipako sa krus dahil ang
Kapangyarihan lang ng Allâh سبحانه وتعالي ang masusunod kung ano ang kalooban
Niya. Ilang kabanata lang ito sa Bagong
Tipan ng Bibliya upang magpapatunay na si Hesus ( عيسى
عليه السلام) ay hindi naipako, namatay at muling
nabuhay pagkalipas ng tatlong araw at tatlong gabi, tulad ng sinasabi ng mga makasalanan na
naggawa ng dagdag-bawas sa Salita ng ating nag-iisang Tagapaglikha.
Kung susuriin pa natin ang sinasabing “namatay
at muling nabuhay si Hesus pagkalipas ng tatlong araw at tatlong gabi.” Ito’y lubhang napakahirap unawain, tanggapin
at tunay na napakalabo. Sapagkat walang
tibay ang lahat ng mababasang kapahayagan.
Datapuwa’t, nagawa pang piyesta ng pagkabuhay ang araw ng Linggo. Oo nga
naman!, bakit nga ba hindi? Mababasa rin pala natin na siya ay nabuhay na ng
Linggo pagkaraan ng araw ng pagpapahinga (Sabt).
Papaano naman ang mababasang talata na
tatlong araw at tatlong gabi?
Samakatuwid, malinaw na ito’y nagpapakita ng pagka hungkag na kaisipan. Sapagkat maging sa ginawa nilang kapahayagan
malinaw na makikita na ito’y turong puros kasinungalingan at pawang walang
katotohanan. Kaya’t tunay lamang na ang
tatlo (3) ay hindi kailanman makatarungang gawing isa. Bakit nga ba? Kung nagawa nilang “tatlong
persona ang nag-iisang Diyos ng walang katotohanan, ganoon din naman sa
sinasabi nilang “pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus” makalipas ng tatlong
araw at tatlong gabi na pawang walang katotohanan.
Ang kanilang turong kapahayagan tila yata walang
kasiguraduhan. Dahil ang sinasabing
tatlong araw at tatlong gabi ay papatak ng pitungput dalawang oras (72 hours),
at ang isang araw at isang gabi ay pumapatak ng beinte-kuwatro oras (24 hours). Basahin natin ang mga sumusunod na talata:
Paglalarawan: h009
Mateo 27:45-46
(Ang Pagkamatay ni Hesus)
“Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng
hapon ay nagdilim sa buong lupain. Nang mag-iikatlo ng hapon, sumigaw si Hesus,
“Eli, Eli, lama sabachthani?” ibig sabihi’y “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako
pinabayaan?”
Paglalarawan: h010
Marcos 15:33-34, 37
(Ang Pagkamatay ni Hesus)
“At nagdilim sa buong lupain mula sa tanghaling
tapat hanggang sa ikatlo ng hapon. Nang mag-iikatlo ng hapon, si Hesus ay
sumigaw, “Eloi, Eloi, lema sabachthani?” na ang ibig sabihi’y “Diyos ko! Diyos
ko! Bakit mo ako pinabayaan?” 37-Sumigaw nang malakas si Hesus at nalagutan ng
hininga.”
Paglalarawan: h011
Mateo 28:1
(Muling Nabuhay si Hesus)
“Makaraan ang Araw ng Pamamahinga,
pagbubukang-liwayway ng unang araw ng sanlinggo, pumunta sa libingan ni Hesus
si Maria Magdalena at ang isa pang Maria.
Hindi ba’t malinaw na rin nating mababasa
sa mga talatang nabanggit ang tungkol sa kanyang pagkamatay. Si Hesus ay namatay ng ikatlong araw ng hapon
(3:00 pm) ng disperas ng pagpapahinga [sabado] (Sabt).
Malinaw na kung ito’y ating ilalagay sa isang
pagsusuri, ang araw ng disperas ng pagpapahinga ay Biyernes, na ang oras ay
ikatlo ng hapon (3:00 pm). Ito’y ayon na
rin sa kanilang istorya o kapahayagan. Samakatuwid, ang tatlong araw at tatlong
gabi ay papatak dapat ng Martes ng madaling araw (3:00 am). Suriin natin nang ayon sa tamang bilang:
Paglalarawan: h012
Kung ang naging
talata ay tatlong gabi at tatlong araw, ito ay papatak ng Lunes ng hapon (3:00
PM). Ito ay ayon sa oras na nasabing pagkamatay ni Hesus ng ikatlo (3) ng
hapon. At ang hapon (PM) ay gabi na ito ay maituturing. Malinaw di po ba? Ngunit ang tanong, bakit nangyari na si Judas
este… Hesus ay nabuhay na ng Linggo ng madaling araw. Kung sabagay sino nga bang makasasagot nito
kung di ang mga nagsigawa ng mga talatang ito o’ istoryang ito. O’ baka kahit buhayin pa itong mga nagsisulat
nito ay di rin nila kayang sagutin ang kanilang mga naisulat. O’ baka ang isagot pa sa atin ay .. Ewan ko,
kinopya ko lang yan!.. Papayag ba tayo ng ganitong katuwiran o panloloko. Hindi ito isang biro at dapat na iisang tabi
dahil pananampalataya ang nakasalalay dito ang ating pang ispiritwal na
pananampalataya at pagkatakot sa ating Poong Maykapal.
Kung papaano gumawa
ng planong paghuli
at pagpatay kay
Hesus ang mga Zalimun, ang
Allâh سبحانه وتعالي ay gumawa rin ng plano upang ang mga taong
walang pananampalataya ay binigyan Niya ng pagsusulit.” Ang Allâh سبحانه وتعالي ay nagsasabi:
سورة آل عمران
وَمَكَرُوا وَمَكَرَ اللَّهُ وَاللَّهُ خَيْرُ الْمَاكِرِينَ (54) إِذْ قَالَ اللَّهُ يَا
عِيسَى إِنِّي مُتَوَفِّيكَ وَرَافِعُكَ إِلَيَّ وَمُطَهِّرُكَ مِنَ الَّذِينَ
كَفَرُوا وَجَاعِلُ الَّذِينَ اتَّبَعُوكَ فَوْقَ الَّذِينَ كَفَرُوا إِلَى يَوْمِ
الْقِيَامَةِ ثُمَّ إِلَيَّ مَرْجِعُكُمْ فَأَحْكُمُ بَيْنَكُمْ فِيمَا كُنْتُمْ
فِيهِ تَخْتَلِفُونَ (55) فَأَمَّا الَّذِينَ كَفَرُوا فَأُعَذِّبُهُمْ عَذَابًا شَدِيدًا فِي
الدُّنْيَا وَالْآَخِرَةِ وَمَا لَهُمْ مِنْ نَاصِرِينَ (56) وَأَمَّا الَّذِينَ
آَمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ فَيُوَفِّيهِمْ أُجُورَهُمْ وَاللَّهُ لَا
يُحِبُّ الظَّالِمِينَ (57) ذَلِكَ نَتْلُوهُ عَليْكَ مِنَ الْآَيَاتِ وَالذِّكْرِ الْحَكِيمِ (58)
Banal na Qu’ran: (Sura Al’Imran
[3]:54-58)
54 - At sila
(ang mga hindi sumasampalataya, ay nagbalak (na patayin si Hesus) at ang Allâh
ay nagbalak din. At ang Allâh ang
Pinakamahusay sa lahat ng nagbabalak.
55 - At
(gunitain) nang winika ng Allâh: “O Hesus! Ikaw ay aking kukunin at Aking
itataas sa Aking piling, at ikaw ay Aking dadalisayin sa (maling paratang at kasinungalingan
ng mga hindi sumasampalataya na ikaw ay anak ng Diyos), at Aking gagawin ang
mga sumusunod sa iyo (ang mga sumasamba lamang sa Allâh) na higit na mainam
kaysa sa mga walang pananampalataya (sa Kaisahan ng Allâh, o sa ibang mga Sugo
o sa mga Banal na Aklat) hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay. At pagkaraan, kayo ay magbabalik sa Akin, at
Ako ang hahatol sa pagitan ninyo sa mga bagay na inyong Kinahiratihan na hindi
pinagkakasunduan.
56 - At sa mga
hindi sumasampalataya, sila ay Aking parurusahan ng matinding kaparusahan sa
mundong ito at sa Kabilang Buhay at sa kanila ay walang makatutulong.
57 - At sa mga sumasampalataya (sa Kaisahan
ng Allâh) at gumagawa ng kabutihan, ang Allâh ay maggagawad sa kanila nang
ganap na gantimpala. At ang Allâh ay
hindi nagmamahal sa Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa diyus-diyosan
at mapanggawa ng kabuktutan).
58 - Ang (mga bagay) na ito na Aming
dinadalit sa iyo (O Muhammad) ay kabilang sa mga Talata at Ganap na Paaala-ala
(alalaong baga, ang Qu’ran).
سورة آل عمران
إِنَّ هَذَا لَهُوَ الْقَصَصُ الْحَقُّ وَمَا مِنْ إِلَهٍ إِلَّا
اللَّهُ وَإِنَّ اللَّهَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ (62)
Banal na Qu’ran: (Surah Al’Imran
[3]:62)
62 - “Katotohanan! Ito ang tunay na kasaysayan
(tungkol sa buhay ni Hesus), at wala ng iba pang diyos na karapat-dapat
pag-ukulan ng pagsamba maliban ds Allâh (ang Tangi, at Tunay na Diyos na walang
asawa o anak). At katotohanan ang Allâh ay Sukdol sa Kapangyarihan, ang Tigib
ng Karunungan.”
Sa ipinahiwatig ng mga talata sa itaas,
si Hesus (عيسى
عليه السلام) ay ini-akyat sa langit magkasama ang
kanyang kaluluwa at katawan at ang Allâh lamang ang tanging nakakaalam kung
nasaan si Hesus (عيسى
عليه السلام).
Samakatuwid, ayon sa Banal na Qur’an, siya ay di naipako sa krus. Ito ay binalak ng mga kaaway ni Hesus na
siya’y mamatay sa krus, subalit iniligtas siya ng Allâh سبحانه وتعالي at ibang tao o mukha
ang napako sa krus. Ayon na rin sa
Ebanghelyo ni Barnabas na si Judas Iscariot ang naipako. Ang ganitong pakana at maling pagpaparatang
kay Birhen Maria ay itinuturing ng Banal na Qur’an na ilan sa mga kasamaan ng
di mananampalatayang Hudyo. Ang lahat ng
ito ay maliwanag sa mga sumusunod na talata:
سورة النساء
وَبِكُفْرِهِمْ وَقَوْلِهِمْ عَلَى مَرْيَمَ بُهْتَانًا عَظِيمًا (156) وَقَوْلِهِمْ إِنَّا
قَتَلْنَا الْمَسِيحَ عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ رَسُولَ اللَّهِ وَمَا قَتَلُوهُ
وَمَا صَلَبُوهُ وَلَكِنْ شُبِّهَ لَهُمْ وَإِنَّ الَّذِينَ اخْتَلَفُوا فِيهِ
لَفِي شَكٍّ مِنْهُ مَا لَهُمْ بِهِ مِنْ عِلْمٍ إِلَّا اتِّبَاعَ الظَّنِّ وَمَا
قَتَلُوهُ يَقِينًا (157) بَلْ رَفَعَهُ اللَّهُ إِلَيْهِ وَكَانَ اللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمًا (158) وَإِنْ مِنْ أَهْلِ
الْكِتَابِ إِلَّا لَيُؤْمِنَنَّ بِهِ قَبْلَ مَوْتِهِ وَيَوْمَ الْقِيَامَةِ
يَكُونُ عَلَيْهِمْ شَهِيدًا (159)
Banal na Qu’ran: (Surah An-Nisâ
[4]:156-159)
156 – At dahilan sa kanilang (mga Hudyo)
hindi pananampalataya, at sa kanilang pagsasabi ng laban kay Maria ng isang
mabigat at walang katotohanang paratang (na siya ay gumawa ng bawal na
pakikipagtalik [sa lalaki]);
157 – At sa kanilang pagsasabi: (na
nagpaparangalan): “Aming pinatay ang Mesiyas na si Hesus, ang anak ni Maria,
ang Sugo ng Allâh, datapuwa’t siya ay hindi nila napatay, gayundin naman, siya
ay hindi nila naibayubay sa krus, datapuwa’t ang nailagay na lalaki ay kawangis
ni Hesus (at kanilang napatay ang lalaking ito), at ang may pagkakahidwa (o
ibang paniniwala) rito ay puspos ng alinlangan, na ang kaalaman ay walang
(katiyakan); wala silang sinusunod maliban sa haka-haka, sapagkat katotohanang
siya (alalaong baga, si Hesus na anak ni Maria) ay hindi nila napatay;
158 – Datapuwa’t itinaas siya (Hesus) sa
(kanyang katawan at kaluluwa) ng Allâh sa Kanyang piling (at si Hesus ay nasa
kalangitan [ngayon]). At ang Allâh ay Lalagi nang Makapangyarihan, ang Tigib ng
Karunungan.
159 – At walang sinuman sa Angkan ng Kasulatan
(mga Hudyo at Kristiyano), ang maliliban (o mangyayari) na hindi mananalig sa
kanya (kay Hesus na anak ni Maria, bilang isang Sugo lamang ng Allâh at isang
tao) bago dumatal ang kanyang kamatayan (sa kanyang [Hesus] pangalawang
pagbabalik sa mundo); at sa Araw ng Muling Pagkabuhay, siya (Hesus) ay magiging
saksi laban sa kanila.
Tulad ng aking nasabi ang Banal na Qur’an
ang nagbigay ng tuldok at kaliwanagan sa lahat ng pag-aalinlangan ng mga taong
naghahanap ng katotohanan. Kung si
Hesus ay hindi naipako sa krus, matatanggap kaya ng mga tampalasan na ang
kanilang itinuturing na Hari ng mga Hudyo na naipako at namatay sa krus
ay si Judas Iscariot pala?! Ito’y
karagdagang katanungan na dapat lang sagutin ng mga marurunong o nagmamarunong
na tampalasan at hungkag.
Samakatuwid, tunay lamang na si Hesus (عيسى عليه السلام) ay muling magbabalik, tula d din
ng pagkakaalam ng mga tampa lasan. Ngunit maliban dito, lingid sa kanilang
kaalaman kung ano ang tunay na dahilan ng kanyang pagbabalik. Bagama’t nagsalaysay ang Banal na Qur’an,
tulad ng talata sa itaas, at isa pang talata na siya ay magiging tanda para sa
pagdating ng takdang oras.
سورة الزخرف
وَإِنَّهُ لَعِلْمٌ لِلسَّاعَةِ فَلَا تَمْتَرُنَّ بِهَا
وَاتَّبِعُونِ هَذَا صِرَاطٌ مُسْتَقِيمٌ (61) وَلَا يَصُدَّنَّكُمُ الشَّيْطَانُ إِنَّهُ لَكُمْ عَدُوٌّ مُبِينٌ (62)
Banal na Qu’ran: (Surah Az-Zukhruf [43]:61-62)
61 – At siya
(Hesus, na anak ni Maria) ay magiging isang tanda (sa pagdating) ng Oras (Araw
ng Muling Pagkabuhay; [na si Hesus ay mananaog sa lupa bago dumatal ito]),
kaya’t huwag kayong mag-alinlangan (sa Oras), datapuwa’t Ako ay inyong sundin;
ito ang Tuwid na Landas (tungo sa Allâh at sa Paraiso).
62 – Huwag ninyong hayaan si Satanas na
humadlang sa inyo (sa Tamang Pananalig). Katotohanang siya sa inyo ay isang
lantad na kaaway.
Ito kung gayon ay
nangangahulugan na si Hesus ( عيسى عليه السلام) ay
muling babalik sa Araw ng Paghuhukom.
Muli, ang kanyang pangalawang pagparito sa lupa ay maliwanag na isang
tanda na binanggit sa Banal na Qur’an. Magkagayon man,
ang mga tagapagpaliwanag ng Qur’an
ay nagpakahulugan sa huling talata na sinipi sa itaas: “Walang
sinuman sa angkan
ng Kasulatan ang
maliliban na di mananalig sa kanya bago dumatal ang kanyang
kamatayan, at siya ang magiging saksi laban sa kanila sa Araw ng Pagkabuhay”, na nagpapahiwatig na si Hesus ay muling
paparito at ang lahat ng mga Kristiyano at Hudyo ay mananalig sa kanya bago
siya pumanaw. Ang ganitong
pagpapakahulugan ay pinatitibayan ng mapananaligang sawikain ng propetang si
Muhammad [saw].
[0] SASERDOTE -
Sa santuario ng
unang tipan ang mga saserdote sa lupa ang gumagawa ng serbisyo o paglilingkod.
[1] ESKRIBA – Tagapagturo at tagapagpaliwanag ng mga aralin
sa Matandang Tipan, lalo na ng unang limang aklat. Sinisipi nila para sa iba
ang mga kasulatan. Ang mga hari noong unang panahon ay may mga eskriba na
naghahanda ng mga opisyal na kasulatan, at ilan sa kanila ang naging matataas
na tauhan sa palasyo.
[2] PARISEO – Isang pangkat ng mga Judio nang panahon ni Hesus;
sila’y mahigpit sa pagsunod sa Kautusan ni Moises at sa mga alituntuning
idinagdag dito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento