سورة
العنكبوت
مَثَلُ الَّذِينَ
اتَّخَذُوا مِنْ دُونِ اللَّهِ أَوْلِيَاءَ كَمَثَلِ الْعَنْكَبُوتِ اتَّخَذَتْ
بَيْتًا وَإِنَّ أَوْهَنَ الْبُيُوتِ لَبَيْتُ الْعَنْكَبُوتِ لَوْ كَانُوا
يَعْلَمُونَ (41)
“Ang kahalintulad niyaong mga kumukuha ng Auliya
(mga tagapangalaga, kawaksi, katulong, kakampi) maliban pa sa Allâh ay tulad ng
isang Gagamba na gumagawa ng (kanyang) bahay; at katotohanan, ang pinakamarupok
sa lahat ng mga bahay ay ang bahay ng gagamba kung kanila lamang itong
napag-uunawa.” [Qur’an 29:41]
KAPAYAPAAN LABAN SA PAG-AAWAYAN
Dito sa mundong ginagalawan natin
at maging sa kalangitan ay nakasaad lahat ng mga pangyayari sa huling
kapahayagan (Banal na Quran). Simula pa
sa unang henerasyon ng tao at magpasa hanggang ngayon ay tinuldukan na ng Allah
(swt) ang ating magiging kahihinatnan sa Muling Pagkabuhay. Sa unang henerasyon palang ng tao, nagsabi na
ng babala ang Allah (swt): “Magsibaba
kayong lahat (sa lupa), na kayo ay magkakaaway (may pagkagalit sa bawat
isa). At sa kalupaan ang inyong magiging
tirahan at isang pansamantalang kaligayahan.” [2:36]
Isang pansamantalang tirahan at kaligayahan ng tao sa
ibabaw ng lupa. Nababatid natin lahat na
walang permanente habang tayo ay nabubuhay at haharap lahat sa kamatayan. Dati nasasabi ko rin sa aking sarili na: “ang
katawan ng tao ay nilalang sa malagkit na putik (lupa), kaya’t kapag ito
ay namatay ay dito rin lahat magbabalik.
Pero, mali pala ako.” Hindi lahat
bumabalik sa lupa dahil napakarami na ng tao ang gumawa ng sarili nilang batas
o tradisyon kapag inililibing nila ang patay.
Meron inilalagay sa kabaong o ataul na gawa pa sa mamahalin na tabla at
tsaka ililibing at sisimentuhan. Ang iba naman ay sinusunog ang bangkay (kremasyon)
at tsaka kukunin ang abo. At marami pang
ibang ritwal na ginagawa ang tao.
At ang masasabi ko sa ngayon: “Papaano nga ba maghahalo ang patay na katawan ng tao sa lupa kung
ito’y tinakpan ng tabla at tsaka sinementuhan?” Kaawa-awa naman nung
namatay dahil sa kamatayan palang ng kanyang katawang-lupa hindi na mapakali
ang kanyang kaluluwa. At ang ibang tao
na sobrang pagmamahal o pag-iidolo sa namatay o ano mang personal na dahilan,
pinapanatilihin’ maayos ang bangkay at
nakalagay pa ito sa kabaong na salamin (coffin glass) na may gamot upang
sa gayon ay di mabulok ang katawan.
Subali’t ang kaluluwa nitong patay, hindi pa simula ng Araw ng
Paghatol ay nakakalasap na ito ng matinding kaparusahan. “At ang sinunog na bangkay na ginawang abo,
papaano pa kaya ito babangon sa Muling Pagkabuhay?” Kahabag-habag naman ang
kanyang kaluluwa dahil kahit man lang makarinig ng Tambuli sa Muling Pagkabuhay
o masulyapan man lang ang walong palapag ng paraiso ay ipagkakait pa sa kanya
at ibig sabihin lang nito wala na siyang pag-asang bumangon at diretso na
kaagad sa ipinangakong pitong palapag ng impiyerno. Sa pag-aakala ng ibang taong walang pananalig
sa Panginoon at hungkag sa kaalaman, basta nalang gagawa ng sarling paraan at
sundin ang turo ng mga mapaggawa ng kamalian.
At dito palang sa mundo siguradong mababatid mong batuhan ng sisi sa
pagkakamali at ang mga isinumpa, ay manunumpa pa ulit sa kabilang buhay.
Ito’y ilan lamang sa mga babala
ng Allah (swt) sa mga taong mapaggawa ng mga kamalian. Habang patuloy pa rin ang pag-ikot ng mundong
ginagalawan ng tao. Nababatid din natin
ang sunog at unos, at ulap ng usok sa mga ibang lupain, digmaan, at alingawngaw
ng digmaan, krimen at lindol sa iba’t ibang dako, laganap na ang karumihan sa
balat ng lupa, ang mga mapagsamba sa mga diyus-diyosan, at lahat ng uri ng
karumal-dumal ng gawain.” Sa limitadong
talino ng tao wala itong kasiyahan at napakaraming pangangailangan at sa
kadahilanang, si Iblis (Satanas) ay may malaking kapangyarihan sa mga tao, at
nagpaalab sa kanilang mga puso, at magmula noon ay nagkaroon ng mga digmaan at
pagdanak ng dugo; at ang kamay ng isang tao ay laban sa kanyang sariling
kapatid, sa paghahangad ng kapangyarihan at karangalan.”
Subali’t ang Allah (swt) ay
makatarungan sa lahat ng bagay.
Ipinagkaloob niya sa sangkatauhan ang kalayaan sa pagpili base sa Kanyang
paglalang na nakapaloob lahat sa dalawang bagay, gaya nga ng: oo o hindi, tama o mali, lalake o babae, bata
o matanda, masama o mabuti, kapayapaan o kaguluhan, atbp.” Ipinagkaloob din ng
Allah sa Kanyang mga nilalang na mga Jinn at ng mga Tao ang
malayang kaisipan upang gamitin ito sa kalayaan sa pagpili. Hanggang sa nagkaroon na nga ng pagsuway ang
tao sa Batas ng Allah gawa nga ng mga Balakid (pagseselos o inggit,
pagnanasa, pang-uudyok, pagsisinungaling, at pagtatambal) – ang planong
isinagawa ni Iblis (satanas) mula pa noong panahon nina Adam at Eva - ay tuksuhin ang mga lalaki at babae at
maraming paraan itong ginagawa at ang
pinakamatindi marahil dito ay paghihiganti at nais din niyang gawing kaaba-aba
ang mga lalake at babae na katulad niya na kaaba-aba.
Ang Allâh سبحانه وتعالي ay nagpahayag sa Banal na Qur’an ng mga pangyayari:
سورة
الأعراف
وَلَقَدْ
خَلَقْنَاكُمْ ثُمَّ صَوَّرْنَاكُمْ ثُمَّ قُلْنَا لِلْمَلَائِكَةِ اسْجُدُوا
لِآَدَمَ فَسَجَدُوا إِلَّا إِبْلِيسَ لَمْ يَكُنْ مِنَ السَّاجِدِينَ (11) قَالَ مَا مَنَعَكَ أَلَّا تَسْجُدَ إِذْ أَمَرْتُكَ قَالَ أَنَا
خَيْرٌ مِنْهُ خَلَقْتَنِي مِنْ نَارٍ وَخَلَقْتَهُ مِنْ طِينٍ (12) قَالَ فَاهْبِطْ مِنْهَا فَمَا يَكُونُ لَكَ أَنْ تَتَكَبَّرَ
فِيهَا فَاخْرُجْ إِنَّكَ مِنَ الصَّاغِرِينَ (13) قَالَ أَنْظِرْنِي إِلَى يَوْمِ يُبْعَثُونَ (14) قَالَ إِنَّكَ مِنَ الْمُنْظَرِينَ (15) قَالَ فَبِمَا أَغْوَيْتَنِي لَأَقْعُدَنَّ لَهُمْ صِرَاطَكَ
الْمُسْتَقِيمَ (16) ثُمَّ لَآَتِيَنَّهُمْ
مِنْ بَيْنِ أَيْدِيهِمْ وَمِنْ خَلْفِهِمْ وَعَنْ أَيْمَانِهِمْ وَعَنْ
شَمَائِلِهِمْ وَلَا تَجِدُ أَكْثَرَهُمْ شَاكِرِينَ (17) قَالَ اخْرُجْ مِنْهَا مَذْءُومًا مَدْحُورًا لَمَنْ تَبِعَكَ
مِنْهُمْ لَأَمْلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنْكُمْ أَجْمَعِينَ (18) وَيَا آَدَمُ اسْكُنْ أَنْتَ وَزَوْجُكَ الْجَنَّةَ فَكُلَا مِنْ
حَيْثُ شِئْتُمَا وَلَا تَقْرَبَا هَذِهِ الشَّجَرَةَ فَتَكُونَا مِنَ
الظَّالِمِينَ (19) فَوَسْوَسَ لَهُمَا
الشَّيْطَانُ لِيُبْدِيَ لَهُمَا مَا وُورِيَ عَنْهُمَا مِنْ سَوْآَتِهِمَا
وَقَالَ مَا نَهَاكُمَا رَبُّكُمَا عَنْ هَذِهِ الشَّجَرَةِ إِلَّا أَنْ تَكُونَا
مَلَكَيْنِ أَوْ تَكُونَا مِنَ الْخَالِدِينَ (20) وَقَاسَمَهُمَا إِنِّي لَكُمَا لَمِنَ النَّاصِحِينَ (21) فَدَلَّاهُمَا بِغُرُورٍ فَلَمَّا ذَاقَا الشَّجَرَةَ بَدَتْ
لَهُمَا سَوْآَتُهُمَا وَطَفِقَا يَخْصِفَانِ عَلَيْهِمَا مِنْ وَرَقِ الْجَنَّةِ
وَنَادَاهُمَا رَبُّهُمَا أَلَمْ أَنْهَكُمَا عَنْ تِلْكُمَا الشَّجَرَةِ وَأَقُلْ
لَكُمَا إِنَّ الشَّيْطَانَ لَكُمَا عَدُوٌّ مُبِينٌ (22) قَالَا رَبَّنَا ظَلَمْنَا أَنْفُسَنَا وَإِنْ لَمْ تَغْفِرْ لَنَا
وَتَرْحَمْنَا لَنَكُونَنَّ مِنَ الْخَاسِرِينَ (23) قَالَ اهْبِطُوا بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ وَلَكُمْ فِي
الْأَرْضِ مُسْتَقَرٌّ وَمَتَاعٌ إِلَى حِينٍ (24) قَالَ فِيهَا تَحْيَوْنَ وَفِيهَا تَمُوتُونَ وَمِنْهَا
تُخْرَجُونَ (25)
(Sûrat 7: al-Araf 11-25)
11 – At katiyakang Aming nilikha
kayo (ang inyong amang si Adan), at pagkatapos ay Aming ginawaran kayo ng hubog
(ang marangal na hubog ng tao), at pagkatapos ay Aming winika sa mga Anghel,
“Magpatirapa kayo kay Adan”, at sila ay nagpatirapa, maliban kay Iblis (isang Jinn
na nasa lipon ng mga anghel), siya ay tumanggi na mapabilang doon sa mga
nagpapatirapa.
12 – (Ang Allâh) ay nagwika: “Ano
ang humadlang sa iyo (O Iblis) upang ikaw ay hindi magpatirapa, nang ikaw ay
Aking pinag-utusan?” Si Iblis ay
nagsabi: “Ako ay higit na mabuti kaysa sa kanya (Adan), ako ay nilikha Ninyo
mula sa apoy, at siya (Adan) ay Inyong nilikha mula sa malagkit na putik.”
13 – (Ang Allâh) ay nagwika:
“Bumaba ka (O Iblis) mula rito (sa Paraiso), hindi marapat sa iyo na ikaw ay
magiging palalo rito; lumayas ka, sapagkat ikaw ay katotohanang kabilang sa mga
naaba (at winalan ng karangalan).”
14 – (Si Iblis) ay nagsabi: “Ako
ay Inyong bigyan ng palugit hanggang sa Araw na sila ay ibabangon (alalaong
baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay).”
15 – (Ang Allâh) ay nagwika:
“Ikaw ay isa sa mga binigyan ng palugit.”
16 – (Si Iblis) ay nagsabi:
“Sapagkat ako ay Inyong iniligaw, katotohanang ako ay haharang sa kanila ([mga
tao], tungo) sa Inyong Matuwid na Landas.
17 – At ako ay tutungo sa
kanilang harapan at sa kanilang likuran, sa kanilang kanang bahagi at sa
kanilang kaliwang bahagi (upang sila ay hadlangan sa Inyong Landas), at hindi
Ninyo matatagpuan na ang karamihan sa kanila ay nagbibigay ng pasasalamat
(alalaong baga, sila ay hindi magiging masunurin sa Inyo).”
18 – (Ang Allâh) ay nagwika (kay
Iblis): “Lumayas ka rito (sa Paraiso) na walang kahihiyan at pinatalsik. Kung sinuman sa kanila (sangkatauhan) ang
sumunod sa iyo, kung gayon, katotohanang Aking pupunuin ang Impiyerno (sa
pamamagitan) ninyong lahat.”
19 – “At, O Adan! Manirahan ka at
ang iyong asawa sa Paraiso, at kumain kayo rito kung (ano) ang kapwa ninyo
maibigan, at huwag ninyong lapitan ang punong ito, upang hindi kayo (kapwa)
mapabilang sa Zalimun (mga tao na walang katarungan at mapaggawa ng
kamalian).”
20 – At si Satanas ay bumulong sa
kanilang dalawa (na sila ay kumain ng bunga ng puno na pinagbawal sa kanila)
upang (kung sila ay magkasala ay ) malantad sa kanila kung ano ang sa kanila ay
nakalingid na maselang bahagi (ng kanilang katawan noon); siya ay nagsabi: “Ang
inyong Panginoon ay hindi nagbawal sa inyo (na kumain ng bunga) ng punongkahoy
na ito, maliban (sa kadahilanang) baka kayo ay maging mga anghel o kayo ay
maging walang kamatayan.”
21 – At siya (Satanas) ay nanumpa
(sa Ngalan ng Allâh) sa kanilang dalawa (na nagsasabi): Katotohanang ako ay
matapat na tagapayo sa inyong dalawa.”
22 – Kaya’t kanyang iniligaw sila
ng may panlilinlang. At nang kanilang
matikman ang (bunga) ng punongkahoy, yaong nakalingid sa kanila na kanilang
kahihiyan (maseselang bahagi ng katawan) ay naging lantad sa kanila (alalaong
baga, nawala ang pantakip na ipinagkaloob ng Allâh sa kanila), at sila ay
nagsimulang magtagni-tagni ng mga dahon ng Halamanan sa kanilang sarili (upang
maitago nila ang kanilang kahihiyan). At
ang kanilang Panginoon ay tumawag sa kanila (na nagsasabi): “Hindi baga ipinagbawal
Ko sa inyo ang punongkahoy na yaon at (Ako ay) nangusap sa inyo na: “Katotohanang si Satanas ay inyong lantad na
kaaway?”
23 – Sila ay nagsabi: “Aming
Panginoon! Aming ipinariwara ang aming sarili.
Kung kami ay hindi Ninyo patatawarin at hindi Ninyo igagawad sa amin ang
Inyong Habag, katiyakang kami ay kabilang sa mga talunan.”
24 – (Ang Allâh) ay nagwika: “Magsibaba kayo, ang bawat isa inyo ay kaaway
sa isa’t isa (alalaong baga, kaaway nina Adan at Eba si Satanas). Ang kalupaan ang inyong pananahanan at
(pansamantalang) kasiyahan sa natatakdaang panahon.”
25 – Siya (Allâh) ay nagwika: “
Atin ngayon tatalakayin kung bakit nga ba
inihambing ng Allah (swt) ang bahay ng gagamba sa mga taong mapaggawa ng
kamalian. Mula sa unang henerasyon sa panahon nina Cain at
Abel (Qabil at Habil), inggit at pagnanasa ang naging sanhi ng paggawa ng
krimen o kasalanan. Dito na nagsimula sa
pangalawang lahi ni Adam (sas) ang sumunod na mga propeta upang ipahayag sa
sangkatauhan ang mensahe ng Allah (swt).
At ang dating isang Wika lamang sa kalupaan ay nadagdagan ng
iba’t-ibang idyoma o lengguwahe. Sina Esau at Hakob (Jacob), pang-uumit ng
kapangyarihan ang naging dahilan ng kanilang pag-aaway. At si Yosuf (Joseph)
[sumakanila nawa ang kapayapaan], galit at paninibugho ng kanyang mga kapatid
at naging daan kung papaano siya ipinagbili sa Egipto. Ang apoy ng poot at karahasan ay pinagningas
na ng pag-aawayan ng magkakamag-anak.
Simula sa loob at paglabas ng Egipto, sila’y tinawag na ang “Angkan
ni Hakob (Israel )”
at ang kanyang labing-dalawang (12) anak na tinawag na tribu. Dito na naging talamak niyaong mga kumukuha
ng Auliya (mga tagapangalaga, kawaksi, katulong, kakampi) maliban pa sa
Allâh. Mga nagsipagtayo ng mga iba’t ibang relihiyon at sekta sa sangkatauhan. At ang walang kapatawaran na kasalanan ay
yaong pagtatambal sa Kaisahan ng ating Dakilang Tagapaglikha.
Ang pinagmulan
na lahi at ang naging angkan ni Hakob (Israel)
ANG HANDOG NI CAIN (Habil) AT ABEL (Qabil)
Unang naging supling ni Adam (أَدَم
عليه السلام) sina Cain (Qabil)
at Abel (Habil). Sa panahon yaon, ang
naging kaugalian o gawí ng mga anak ni Adam (sas) sa pagkakasalungatan o
palitan sa pag-aasawa ng lalaki sa bawat katuwang nitong babae sa isang
pagbubuntis (pagluwal ng kambal na lalaki at babae). Halimbawa; ang katuwang ng isang lalaki na
babae sa isang pagbubuntis (kakambal) ay mapapangasawa ng iba. O, hindi maaaring mapapangasawa ng lalaki ang
isang babae na naging katuwang niya sa isang pagbubuntis. Kung kaya’t si Abel ay nagnais na mapangasawa
ang katuwang ni Cain (ang kambal niyang babae).
Nguni’t si Cain ay nagnais na siya (na kanyang katuwang) ay para sa
kanya lamang dahil siya ay napakaganda.
Ipinaliwanag at pinakiusapan ni Adam (sas) si Cain na pumayag ng
ipakasal kay Abel ang kanyang katuwang, subalit ito’y hindi pumayag. Kaya’t inatasan silang magsagawa o mag-alay
ng handog, at ang magkapatid na Abel at Cain ay nagpunta ng Mecca (Makkah) at nagsagawa ng
paglalakbay (pilgrimahe). Nang umalis
ang kanilang ama, ang magkapatid ay naghandog ng alay (sakripisyo) sa Allâh سبحانه وتعالي .
Si Cain ay naghandog sa Allâh (swt)
ng pinakámasamáng butil na binigkis niya sa kanyang bukid. Kinuha naman ni Abel ang isang panganay na
matabang tupa sa kanyang kawan. Pinatay
niya ito at inihandog ang pinakamainam na bahagi. Ang Allâh ay nasiyahan kay Abel at sa kanyang
handog, ngunit hindi niya kinalugdan si Cain at ang handog nito. Dahil dito, hindi mailarawan ang mukha ni
Cain sa tindi ng galit. Nalalaman ng Allâh
(swt) na kung ano ang nasa puso’t
pag-iisip ni Cain at katotohanang ang Allâh (swt) ay tumatanggap lamang mula sa mabuting
tao. Nang dahil sa pamamagitan ng
pagbuyo ni Iblis (Satanas), ang galit at inggit ay namayani sa puso ni Cain at
nagsabi: “Sisiguraduhin ko na mapapatay kita upang hindi mo mapapangasawa
ang aking kambal na babae.”
Sumagot si Abel: “Katotohanang ang Allâh ay tumatanggap lamang
mula sa Al-Muttaqun (mga matimtiman, matuwid, at mabuting tao).”
Pinagmamasdan ni Adam (sas) ang kanyang
dalawang anak sa kanilang pag-aalay (sakripisyo) at nakita niya na mas katanggap-tanggap
ang handog ni Abel. Dumaing itong si
Cain sa kanyang ama kung bakit si Abel lang ang kanyang ipinalangin sa
Panginoon, at sa panig niya ay hindi kinatigan. Nangako ang kanyang ama na
aayusin nito ang hindi nila pinagkakaunawaang magkapatid. Isang gabi, hindi nakauwi ng maaga itong si
Abel dahil abalang-abala ito sa kawan ng mga tupa. Inutusan ni Adam (sas) si Cain upang tingnan kung ano na ang nagyari
kay Abel. Nang makita niya ang kanyang
kapatid, sinindak niya ito at nagsabi:
“Tinanggap ang alay mo at ang sa akin ay hindi.” Sumagot si Abel: ““Katotohanang ang Allâh ay tumatanggap
lamang mula sa Al-Muttaqun”.
Nagalit ng husto si Cain sa kanyang narinig at ang hawak nitong matigas
na kahoy ang ipinang-patay niya kay Abel.
Ang Banal na Qur’an ay nagsasaysay sa tunay na pangyayari:
وَاتْلُ
عَلَيْهِمْ نَبَأَ ابْنَيْ آَدَمَ بِالْحَقِّ إِذْ قَرَّبَا قُرْبَانًا
فَتُقُبِّلَ مِنْ أَحَدِهِمَا وَلَمْ يُتَقَبَّلْ مِنَ الْآَخَرِ قَالَ
لَأَقْتُلَنَّكَ قَالَ إِنَّمَا يَتَقَبَّلُ اللَّهُ مِنَ الْمُتَّقِينَ (27) لَئِنْ بَسَطْتَ إِلَيَّ يَدَكَ لِتَقْتُلَنِي مَا أَنَا بِبَاسِطٍ
يَدِيَ إِلَيْكَ لِأَقْتُلَكَ إِنِّي أَخَافُ اللَّهَ رَبَّ الْعَالَمِينَ (28) إِنِّي أُرِيدُ أَنْ تَبُوءَ بِإِثْمِي وَإِثْمِكَ فَتَكُونَ مِنْ
أَصْحَابِ النَّارِ وَذَلِكَ جَزَاءُ الظَّالِمِينَ (29)
فَطَوَّعَتْ لَهُ نَفْسُهُ قَتْلَ أَخِيهِ فَقَتَلَهُ فَأَصْبَحَ مِنَ
الْخَاسِرِينَ (30) فَبَعَثَ اللَّهُ
غُرَابًا يَبْحَثُ فِي الْأَرْضِ لِيُرِيَهُ كَيْفَ يُوَارِي سَوْأَةَ أَخِيهِ
قَالَ يَا وَيْلَتَا أَعَجَزْتُ أَنْ أَكُونَ مِثْلَ هَذَا الْغُرَابِ فَأُوَارِيَ
سَوْأَةَ أَخِي فَأَصْبَحَ مِنَ النَّادِمِينَ (31)
Banal na Qur’an (Sûrat 5
al-Mā’idah: 27-31)
27 – At iyong dalitin (O
Muhammad) sa kanila (mga Hudyo) sa katotohanan ang kasaysayan ng dalawang anak
na lalaki ni Adam (Adan), na sina (Habil at Qabil) [Abel at Cain], nang ang
bawat isa sa kanila ay maghandog ng alay (sakripisyo) sa Allâh. Ito ay tinanggap (ng Allâh) mula sa isa (sa
kanila), ngunit hindi tinanggap sa isa pa.
Ang huli (Cain) ay nagsabi sa una (Abel): “Katiyakang ikaw ay aking papatayin.” Ang una (Abel) ay nagsabi: “Katotohanang ang Allâh ay tumatanggap lamang
mula sa Al-Muttaqun (mga matimtiman, matuwid, at mabuting tao).”
28 – Kung iyong iunat ang kamay
mo laban sa akin upang ako ay patayin, hindi ko kailanman iuunat ang aking
kamay laban sa iyo upang ikaw ay patayin, sapagkat ako ay nangangamba sa Allâh;
ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang.
29 – Katotohanang, higit kong
mamatamisin na ikaw ang magpasan (umako) sa bigat ng aking kasalanan at iyong
kasalanan; kung magkakagayon, ikaw ay isa sa mga mananahan sa Apoy, at ito ang
kabayaran (kaparusahan) sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan,
buhong, buktot).
30 – Kaya’t ang kanyang kaluluwa
ang nagsulsol (nag-udyok) sa kanya na patayin ang kanyang kapatid at kanyang
(Cain) napatay siya (Abel), at siya (Cain) ay naging isa sa mga talunan.
31 – Pagkaraan, ang Allâh ay nagpadala ng uwak na
kumakahig sa lupa upang ipakita sa kanya na itago (ilibing) niya ang patay na
katawan ng kanyang kapatid. Siya (na
salarin) ay nagsabi: “Kasawian sa
akin! Hindi man lamang ako nagkaroon ng
kakayahan na tulad ng uwak na ito upang aking itago ang patay na katawan ng
aking kapatid?” At siya ay naging isa sa
mga nagsisisi.
Naging isang tanda
o aral sa sangkatauhan ang pangalawang panlilinlang ni Iblis
(Satanas). Ang inggit at selos ang
siyang pangunahing dahilan kung papaano ang tao ay natututong magkasala. Kung papaanong si Iblis (Satanas) ay
nagsabi sa Allâh na: “Sapagkat ako
ay Inyong iniligaw, katotohanang ako ay haharang sa unang tao at sa kanyang una
at huling supling tungo sa Inyong matuwid na Landas.” Kaya’t saan man pumunta ang tao naging katuwang
na niya ang demonyo sa bawat kilos at galaw nito, maging sa harapan at likuran
at kanan o kaliwang bahagi ay nagkakaroon ng pagkakasalang matukso.
Si Adam (sas) ay
dumanas ng masidhing kalungkutan sa pagkawala ng kanyang dalawang anak: ang isa ay namatay at ang isa naman ay
nailigaw ng landas ni Iblis (Satanas).
Ipinagdasal ni Adam (sas) sa Panginoon ang kanyang
anak na si Cain na talikdan ang mga walang kabuluhang bagay, at siya (Adam) ang
mangangalaga sa kanyang mga pangangailangan.
Sa paglipas ng panahon dumami ang mga anak at mga apo ni Adam (sas), at siya’y naging Propeta na tagapagpayo sa kanyang
mga angkan, itinuturo niya sa kanila ang tungkol sa Panginoon, nanawagan siya sa
kanyang pamayanan na wala ng iba pang Ilah (Diyos) maliban sa Allâh (swt). Sinasabi niya sa kanila ang tungkol kay Iblis
(Satanas) at binigyan niya ng babala ang kanyang angkan kung papaano siya
nilinlang ng demonyo, katulad din ng pagtukso kay Cain na patayin ang sariling
kapatid.
ANGKAN NG MGA PROPETA
Maraming taon ang lumipas, at
ganoon din si Adam (sas)
na tumandang kasabay ng panahon at ang kanyang angkan ay nangagsikalat sa iba’t
ibang parte ng kalupaan. Noong malapit
ng mamatay si Adam (sas),
hinirang niya ang kanyang anak na si Seth (Sheth) bilang kahalili
(alalaong baga, kahalili bilang pinuno at propeta ng kanilang pamayanan). Sa ilang araw nalang ng kanyang pananatili
dito sa lupa, araw at gabing tinuturuan ang kanyang anak kung papaano ang
paggawa ng Ibadah[1] (Pagsamba) sa Panginoon. Binanggit din niya kay Seth (Sheth) ang
darating na Delubyo (Baha).
Nang papalapit na ang kámatayan ni Adam (sas), nagsabi siya sa kanyang mga anak: ‘O, aking mga anak, katunayang nakakaramdam
ako ng pagkaing prutas sa paraiso.’
Kaya’t umalis ang kanyang mga anak upang hanapin ang nabanggit ng
kanilang ama. Sa kanilang paglalakad,
nakasalubong nila ang mga anghel ng Panginoon na nakatalukbóng na
para bagang katatapos lang nilang mag-ablusyon (naglinis at nagpaligo ng patay). Sinabi sa kanila ng mga anghel: ‘O, mga anak ni Adam, ano ang inyong
hinahanap? Ano ang kailangan ninyo, at
saan kayo pupunta?’ Sagot nila (mga anak
ni Adam): ‘Ang aming ama ay may sakit at naghahanap ng pagkaing prutas sa paraiso.’ Sumagot sa kanila ang mga anghel: ‘Bumalik kayo, ang inyong ama ay haharapin na
niya ang kamatayan ano mang oras!’ Sila
(mga anghel) ay nagpatuloy at pagdako nila sa bahay ni Adam, nakita nila si Eba
(Eve) at nakilala nila ito. Siya (Eba)
ay nagtangkang magtago sa tabi ni Adam.
Sinabi sa kanya ni Adam (sas): ‘Iwanan mo akong mag-isa. Dumating na
ako bago pa ikaw; huwag kang lalapit sa pagitan ko at sa mga anghel ng aking Panginoon.’ Sa gayon, kinuha ng mga anghel ang kaluluwa
ni Adam, ito’y kanilang ini-ablusyon
(pinaliguan at pina-pabanguhan), at binalutan ng puting lino, at humukay sila
sa lupa. Ipinagdasal siya at pagkatapos
tsaka nila inilibing sa kanyang hukay, at nagsabi: ‘O, angkan ni Adam, ito ang tradisyon sa oras ng inyong
kamatayan.”’
Bago namatay si Adam (sas), ipinahayag niya sa kanyang mga anak na gagabayan
sila ng Allâh (swt) sa mundong ito, at hiningi niya sa Allah (swt) na magsugo
ng mga Propeta na mamatnubay sa kanyang angkan.
Ang mga Propetang iba’t ibang pangalan, katángian at karunungan, sila
(mga Propeta) na iisa ang layunin: Ang
ipagbadya na tanging ang Allâh (swt) lamang ang sambahin, ang nag-iisang Ilah
(Diyos). Ito ang ipinamanang turo (habilin)
sa kanyang mga anak. At nang matapos na
siyang mangusap, ipinikit na niya ang kanyang mga mata. At ang mga anghel ng Panginoon ay pumasok sa
kanyang kuwarto at ito’y kanilang pinalibutan.
Nang makita at makilala ni Adam (sas) ang
Anghel ng Kamatayan, masaya itong namayapa
at ang kanyang kaluluwa ay nagkaron ng kapayapaan.
[1]
Ibadah: Ang pagtupad sa tungkuling ito
na may layuning sumunod at sumuko sa Kalooban ng Allâh سبحانه وتعالي
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento