Napag-usapan natin ang tungkol
sa Allâh سبحانه
وتعالي ,
ang tungkol sa Tao at ang kanilang ugnayan sa isa't-isa. Ano naman ang
pananagutan? Paano mapaglalabanan ng tao ang kasalanan sa puntong pananaw ng Islam? Ang Banal na Qur'an ay nagsasabi
na ang buhay ay pagsubok at ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang.
سورة الملك
الَّذِي خَلَقَ الْمَوْتَ
وَالْحَيَاةَ لِيَبْلُوَكُمْ أَيُّكُمْ أَحْسَنُ عَمَلًا وَهُوَ الْعَزِيزُ
الْغَفُورُ (2)
2 – Siya na lumikha ng kamatayan at buhay upang masubukan
Niya kung sino sa inyo ang pinakamahusay sa gawa (asal at pag-uugali), at Siya
ang Sukdol sa Kapangyarihan, ang Lubos na Mapagpatawad.
Ang Muslim ay naniniwala na
mayroong gantimpala at parusa. Siya ay naniniwala na mayroong kabilang-buhay.
Gayun din, siya ay naniniwala na ang parusa at gantimpala ay hindi
nangangahulugan na kailangan munang maghintay hanggang sa Araw ng Paghuhukom, bagkus
ang parusa at gantimpala ay Kanyang naigagawad sa sinuman Kanyang naisin dito
sa ibabaw ng lupa. Siya ang Maalam at
Mahabagin. Ang Muslim ay naniniwala sa Pagbangong Muli, Pananagutan at Araw ng
Paghuhukom. Sa isang Muslim, ang
pag-asam na maging perpekto upang makamtan ang kaligtasan ay hindi praktikal.
Ang ganitong pag-asam ay hindi kailanman mangyayari at hindi makatuwiran. Ang
Islam ay nagtuturo sa tao na maging mapagkumbaba sa kanyang Tagapaglikha lamang
at ang maaring pagtanto na ang kaligtasan ay hindi makakamit lamang sa
pagkamatuwid.
Kung ating pag-aaralan ang kaligtasan,
ito ay
napakadaling tahakin: Sapagkat tayong mga tao lamang ang siyang mapagmalaki sa
ating Panginoon, ang Lumikha sa atin.
Dahil ipinagkaloob na Niya ang lahat ng patnubay at maging ang tamang
pamamaraan sa kaligtasan. Nguni’t tayo
ay nagsawalang bahala, nagmatigas at ating isini-isang tabi ang lahat ng
ibinabang patnubay at tanda.
Sadyang mas higit na
pinahalagahan ng tao ang pagnanasa sa mga makikinang na bagay dito sa mundo
kaysa sa takot na sasapitin natin
pag-tumambad sa atin ang pangakong Kaparusahan.
Tunay na ang kaligtasan
ng sinuman sa atin ay wala sa sinumang nilalang o sino pa mang tao. Ito ay nakasalalay lamang sa ating kagustuhan
o taos pusong hangarin kasama higit sa lahat ay – kung ano ang nasa Kalooban ng
Allâh سبحانه وتعالي para sa atin.
Ating alalaanin ang Allâh سبحانه وتعالي ang
Siyang Maalam, Maawain, puno ng Habag, puno ng Pamamaraan at sagana ng
Pagpapatawad. Sumasang-ayon ka ba sa
ilang mga nabanggit na Katangian ng iyong nag-iisang Tagapaglikha, na iyong
Diyos? Marahil ngayon palang nagkakaroon
kana ng pagtatanong, dahil alalaanin ang oras at ang panahon. Kaya hindi bukas, sa makalawa at lalong hindi
ang saka nalang. Bakit? Ang iyong kaligtasan ba ay
ipagkakatiwala mo sa salitang “bahala na o saka nalang”. Matatanggap mo rin ba na ito ay walang
pagtigil at paghinto, sa halip ito ay tuwirang tuloy-tuloy hanggang ang ating
buhay ay magwawakas. Ang paghinto sa
pagtahak ng kaligtasan ay parang isang pagsuko para sa ating
kapahamakan. Katotohanang habang may
buhay may pag-asa. Isang pag-asang dapat
pag-ukulan ng pagtitiyaga, panahon at pagkilos o pagganap. Dahil, kung wala ang mga ito ay huwag kang
magtaka kung wala kang natatamong pag-asa.
Katotohanang lahat ng tao ay walang maipangangatuwiran sa kanilang Diyos
na Tagapaglikha. Sapagkat hindi siya
(Ang Allah) nagnais ng ating ikapapahamak sa halip tayo ang gumawa nito at
naghanap. Tunay, makatotohanan at walang
pag-aalinlangan ang lahat ng ibinaba Niyang pagpapaalaala at tanda. Siya ay nagsabi sa Banal na Qur’an:
سورة النساء
وَمَنْ يَعْمَلْ سُوءًا أَوْ يَظْلِمْ نَفْسَهُ ثُمَّ يَسْتَغْفِرِ
اللَّهَ يَجِدِ اللَّهَ غَفُورًا رَحِيمًا (110)
Banal na Qur’an (Surah An-Nissa [4]:110)
110 – At sinuman ang gumawa ng masama o nagbigay-kamalian sa
kanyang sarili, at matapos ito, ay humanap ng kapatawaran ng Allâh;
kanyang matatagpuan na ang Allâh
ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.
40 – Katotohanang Aming binalaan kayo ng nalalapit na daratal na Kaparusahan. Sa Araw na ang tao ay makapagmamalas (sa gawa) ng kanyang mga kamay kung saan siya inihantong. At ang hindi sumasampalataya ay magsasabi: “Kasawian sa akin! Sana ay naging alabok na lamang ako!”
115 – At maging matiyaga, katotohanang ang Allâh ay hindi magpapawalang-saysay sa gantimpala ng mga mapaggawa ng kabutihan.
ذَلِكَ الْيَوْمُ الْحَقُّ فَمَنْ شَاءَ اتَّخَذَ إِلَى رَبِّهِ
مَآَبًا (39) إِنَّا أَنْذَرْنَاكُمْ عَذَابًا قَرِيبًا يَوْمَ يَنْظُرُ
الْمَرْءُ مَا قَدَّمَتْ يَدَاهُ وَيَقُولُ الْكَافِرُ يَا لَيْتَنِي كُنْتُ
تُرَابًا (40)
Banal na Qur’an (Surah An-Naba [78]:39-40)
39 – Ito ang Araw ng Katotohanan (na
walang alinlangan), kaya’t sinuman ang magnais, hayaang tahakin niya ang
Pagbabalik sa tuwid na landas ng kanyang Panginoon (sa pamamagitan ng pagsunod
sa Kanya sa buhay sa mundong ito)!40 – Katotohanang Aming binalaan kayo ng nalalapit na daratal na Kaparusahan. Sa Araw na ang tao ay makapagmamalas (sa gawa) ng kanyang mga kamay kung saan siya inihantong. At ang hindi sumasampalataya ay magsasabi: “Kasawian sa akin! Sana ay naging alabok na lamang ako!”
Ang isa
pang makabagbag-damdaming talata sa Banal na Qur’an ay nagsasabi:
وَأَقِمِ الصَّلَاةَ طَرَفَيِ النَّهَارِ وَزُلَفًا مِنَ اللَّيْلِ
إِنَّ الْحَسَنَاتِ يُذْهِبْنَ السَّيِّئَاتِ ذَلِكَ ذِكْرَى لِلذَّاكِرِينَ (114) وَاصْبِرْ فَإِنَّ
اللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجْرَ الْمُحْسِنِينَ (115)
Banal na
Qur’an (Surah Hud [11]:114-115)
114 – At
ikaw ay mag-alay ng Salah (takdang pagdarasal) nang ganap, sa
dalawang dulo ng maghapon at sa ilang oras ng gabi (alalaong baga, ang limang
takdang pagdarasal sa maghapon). Katotohanan, ang mabuting gawa ay nakapapalis
ng masamang gawa (alalaong baga, ang mga maliliit na kasalanan). Ito ay
paala-ala (isang tagubilin) sa mga may pagmumuni-muni (na tumatanggap ng payo).115 – At maging matiyaga, katotohanang ang Allâh ay hindi magpapawalang-saysay sa gantimpala ng mga mapaggawa ng kabutihan.
سورة الأعراف
وَاكْتُبْ لَنَا فِي هَذِهِ الدُّنْيَا حَسَنَةً وَفِي الْآَخِرَةِ
إِنَّا هُدْنَا إِلَيْكَ قَالَ عَذَابِي أُصِيبُ بِهِ مَنْ أَشَاءُ وَرَحْمَتِي
وَسِعَتْ كُلَّ شَيْءٍ فَسَأَكْتُبُهَا لِلَّذِينَ يَتَّقُونَ وَيُؤْتُونَ
الزَّكَاةَ وَالَّذِينَ هُمْ بِآَيَاتِنَا يُؤْمِنُونَ (156)
Banal na
Qur’an (Surah Al Araf [7]:156)
156 – At ipagkaloob Ninyo sa amin ang mabuti sa mundong ito at sa Kabilang Buhay.
Katiyakang kami ay nagbabalik-loob sa Inyo.”
Siya (Allâh) ay nagwika: “Ang Aking kaparusahan, - binibigyang-sakit Ko
nito ang sinumang Aking maibigan, datapuwa’t ang Aking itatalaga ang (Habag) na
ito sa Muttaqun
(mga matimtiman at matutuwid na mananampalataya sa Allâh), at magbibigay ng Zakkah (katungkulang kawanggawa); at sa kanila na nananalig sa
Aming Ayat (mga
katibayan, aral, tanda, kapahayagan, atbp.).
Maliwanag
ba?!, kasing-liwanag ng araw bilang
isang tanda (ayat). Kung
papaano Siya tumatanglaw sa sanlibutan na nagbibigay ng tanglaw upang tayo ay
makakita at makakilos ng mainam. Ganoon
din naman ang Kanyang “init” na isang tanda. Kung papaano ang Kanyang “init” ay ang
ibibigay na Kaparusahan.
Katotohanan! Ang lahat ng tao ay may kaalaman sa kaligtasan
at kung ano ang mga pamamaraan. Sapagkat
itanong mo man sa tao kung papaano ang kaligtasan, ito ay may kusang pagbigkas
ng ating mga bibig. Kahit walang
pagdidikta ng ating puso at ito ay ang salitang pagsisisi. Ganon ka-simple, ngunit hindi ito
nanggagaling sa puso. Tunay ang
pagsisisi ay isang paghahangad.
Paghahangad ng kapatawaran.
Ang Islam
ay tuwirang nagtuturo ng tamang pagsisisi.
Isang paghahangad para sa kapatawaran, at ang bawat Muslim ay humihingi
ng kapatawaran sa tuwina. Magkagayon
alam nila (na bawat Muslim) ang kanilang kasalanan na pinagsisihan ay may
kaakibat na kaparusahan. Kung kaya’t
sila ay naghahangad ng maibigay ito dito pa lang sa ibabaw ng lupa bago pa man
dumating ang Araw ng Pagsusulit o Paghuhukom.
Ang haligi ng Islam na siyang pinagkaloob ng Allâh سبحانه وتعالي ay nagdudulot ng
malaking inplikasyon para sa taong naghahanap ng kaligtasan. Maraming ipinagkaloob na talata ang Allâh سبحانه وتعالي sa Banal na Qur’an na
magbibigay patnubay para sa kaligtasan ng tao kaya matakot tayo, sumunod at
magpasakop sa Kanya at Siya lamang ang makapagliligtas sa atin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento