Translate

Martes, Abril 14, 2015

Ang Bahay Ng Gagamba - (ikalawang edisyon)

سورة العنكبوت
مَثَلُ الَّذِينَ اتَّخَذُوا مِنْ دُونِ اللَّهِ أَوْلِيَاءَ كَمَثَلِ الْعَنْكَبُوتِ اتَّخَذَتْ بَيْتًا وَإِنَّ أَوْهَنَ الْبُيُوتِ لَبَيْتُ الْعَنْكَبُوتِ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ (41)
“Ang kahalintulad niyaong mga kumukuha ng Auliya (mga tagapangalaga, kawaksi, katulong, kakampi) maliban pa sa Allâh ay tulad ng isang Gagamba na gumagawa ng (kanyang) bahay; at katotohanan, ang pinakamarupok sa lahat ng mga bahay ay ang bahay ng gagamba kung kanila lamang itong napag-uunawa.”    [Qur’an 29:41]


KAPAYAPAAN LABAN SA PAG-AAWAYAN

Dito sa mundong ginagalawan natin at maging sa kalangitan ay nakasaad lahat ng mga pangyayari sa huling kapahayagan (Banal na Quran).   Simula pa sa unang henerasyon ng tao at magpasa hanggang ngayon ay tinuldukan na ng Allah (swt) ang ating magiging kahihinatnan sa Muling Pagkabuhay.  Sa unang henerasyon palang ng tao, nagsabi na ng babala ang Allah (swt):  “Magsibaba kayong lahat (sa lupa), na kayo ay magkakaaway (may pagkagalit sa bawat isa).  At sa kalupaan ang inyong magiging tirahan at isang pansamantalang kaligayahan.” [2:36]

Isang pansamantalang tirahan at kaligayahan ng tao sa ibabaw ng lupa.  Nababatid natin lahat na walang permanente habang tayo ay nabubuhay at haharap lahat sa kamatayan.  Dati nasasabi ko rin sa aking sarili na: “ang katawan ng tao ay nilalang sa malagkit na putik (lupa), kaya’t kapag ito ay namatay ay dito rin  lahat magbabalik. Pero, mali pala ako.”  Hindi lahat bumabalik sa lupa dahil napakarami na ng tao ang gumawa ng sarili nilang batas o tradisyon kapag inililibing nila ang patay.  Meron inilalagay sa kabaong o ataul na gawa pa sa mamahalin na tabla at tsaka ililibing at sisimentuhan. Ang iba naman ay sinusunog ang bangkay (kremasyon) at tsaka kukunin ang abo.  At marami pang ibang ritwal na ginagawa ang tao.  

At ang masasabi ko sa ngayon: “Papaano nga ba maghahalo ang patay  na katawan ng tao sa lupa kung ito’y tinakpan ng tabla at tsaka sinementuhan?” Kaawa-awa naman nung namatay dahil sa kamatayan palang ng kanyang katawang-lupa hindi na mapakali ang kanyang kaluluwa.  At ang ibang tao na sobrang pagmamahal o pag-iidolo sa namatay o ano mang personal na dahilan, pinapanatilihin’ maayos ang bangkay at  nakalagay pa ito sa kabaong na salamin (coffin glass) na may gamot upang sa gayon ay di mabulok ang katawan.  Subali’t ang kaluluwa nitong patay, hindi pa simula ng Araw ng Paghatol ay nakakalasap na ito ng matinding kaparusahan.   “At ang sinunog na bangkay na ginawang abo, papaano pa kaya ito babangon sa Muling Pagkabuhay?” Kahabag-habag naman ang kanyang kaluluwa dahil kahit man lang makarinig ng Tambuli sa Muling Pagkabuhay o masulyapan man lang ang walong palapag ng paraiso ay ipagkakait pa sa kanya at ibig sabihin lang nito wala na siyang pag-asang bumangon at diretso na kaagad sa ipinangakong pitong palapag ng impiyerno.  Sa pag-aakala ng ibang taong walang pananalig sa Panginoon at hungkag sa kaalaman, basta nalang gagawa ng sarling paraan at sundin ang turo ng mga mapaggawa ng kamalian.  At dito palang sa mundo siguradong mababatid mong batuhan ng sisi sa pagkakamali at ang mga isinumpa, ay manunumpa pa ulit sa kabilang buhay.




Ito’y ilan lamang sa mga babala ng Allah (swt) sa mga taong mapaggawa ng mga kamalian.  Habang patuloy pa rin ang pag-ikot ng mundong ginagalawan ng tao.  Nababatid din natin ang sunog at unos, at ulap ng usok sa mga ibang lupain, digmaan, at alingawngaw ng digmaan, krimen at lindol sa iba’t ibang dako, laganap na ang karumihan sa balat ng lupa, ang mga mapagsamba sa mga diyus-diyosan, at lahat ng uri ng karumal-dumal ng gawain.”  Sa limitadong talino ng tao wala itong kasiyahan at napakaraming pangangailangan at sa kadahilanang, si Iblis (Satanas) ay may malaking kapangyarihan sa mga tao, at nagpaalab sa kanilang mga puso, at magmula noon ay nagkaroon ng mga digmaan at pagdanak ng dugo; at ang kamay ng isang tao ay laban sa kanyang sariling kapatid, sa paghahangad ng kapangyarihan at karangalan.”    

Subali’t ang Allah (swt) ay makatarungan sa lahat ng bagay.  Ipinagkaloob niya sa sangkatauhan ang kalayaan sa pagpili base sa Kanyang paglalang na nakapaloob lahat sa dalawang bagay, gaya nga ng:  oo o hindi, tama o mali, lalake o babae, bata o matanda, masama o mabuti, kapayapaan o kaguluhan, atbp.” Ipinagkaloob din ng Allah sa Kanyang mga nilalang na mga Jinn at ng mga Tao ang malayang kaisipan upang gamitin ito sa kalayaan sa pagpili.  Hanggang sa nagkaroon na nga ng pagsuway ang tao sa Batas ng Allah gawa nga ng mga Balakid (pagseselos o inggit, pagnanasa, pang-uudyok, pagsisinungaling, at pagtatambal) – ang planong isinagawa ni Iblis (satanas) mula pa noong panahon nina Adam at Eva -  ay tuksuhin ang mga lalaki at babae at maraming paraan itong ginagawa at  ang pinakamatindi marahil dito ay paghihiganti at nais din niyang gawing kaaba-aba ang mga lalake at babae na katulad niya na kaaba-aba.

 Ang Allâh سبحانه وتعالي ay nagpahayag sa Banal na Qur’an ng mga pangyayari:
سورة الأعراف
وَلَقَدْ خَلَقْنَاكُمْ ثُمَّ صَوَّرْنَاكُمْ ثُمَّ قُلْنَا لِلْمَلَائِكَةِ اسْجُدُوا لِآَدَمَ فَسَجَدُوا إِلَّا إِبْلِيسَ لَمْ يَكُنْ مِنَ السَّاجِدِينَ (11) قَالَ مَا مَنَعَكَ أَلَّا تَسْجُدَ إِذْ أَمَرْتُكَ قَالَ أَنَا خَيْرٌ مِنْهُ خَلَقْتَنِي مِنْ نَارٍ وَخَلَقْتَهُ مِنْ طِينٍ (12) قَالَ فَاهْبِطْ مِنْهَا فَمَا يَكُونُ لَكَ أَنْ تَتَكَبَّرَ فِيهَا فَاخْرُجْ إِنَّكَ مِنَ الصَّاغِرِينَ (13) قَالَ أَنْظِرْنِي إِلَى يَوْمِ يُبْعَثُونَ (14) قَالَ إِنَّكَ مِنَ الْمُنْظَرِينَ (15) قَالَ فَبِمَا أَغْوَيْتَنِي لَأَقْعُدَنَّ لَهُمْ صِرَاطَكَ الْمُسْتَقِيمَ (16) ثُمَّ لَآَتِيَنَّهُمْ مِنْ بَيْنِ أَيْدِيهِمْ وَمِنْ خَلْفِهِمْ وَعَنْ أَيْمَانِهِمْ وَعَنْ شَمَائِلِهِمْ وَلَا تَجِدُ أَكْثَرَهُمْ شَاكِرِينَ (17) قَالَ اخْرُجْ مِنْهَا مَذْءُومًا مَدْحُورًا لَمَنْ تَبِعَكَ مِنْهُمْ لَأَمْلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنْكُمْ أَجْمَعِينَ (18) وَيَا آَدَمُ اسْكُنْ أَنْتَ وَزَوْجُكَ الْجَنَّةَ فَكُلَا مِنْ حَيْثُ شِئْتُمَا وَلَا تَقْرَبَا هَذِهِ الشَّجَرَةَ فَتَكُونَا مِنَ الظَّالِمِينَ (19) فَوَسْوَسَ لَهُمَا الشَّيْطَانُ لِيُبْدِيَ لَهُمَا مَا وُورِيَ عَنْهُمَا مِنْ سَوْآَتِهِمَا وَقَالَ مَا نَهَاكُمَا رَبُّكُمَا عَنْ هَذِهِ الشَّجَرَةِ إِلَّا أَنْ تَكُونَا مَلَكَيْنِ أَوْ تَكُونَا مِنَ الْخَالِدِينَ (20) وَقَاسَمَهُمَا إِنِّي لَكُمَا لَمِنَ النَّاصِحِينَ (21) فَدَلَّاهُمَا بِغُرُورٍ فَلَمَّا ذَاقَا الشَّجَرَةَ بَدَتْ لَهُمَا سَوْآَتُهُمَا وَطَفِقَا يَخْصِفَانِ عَلَيْهِمَا مِنْ وَرَقِ الْجَنَّةِ وَنَادَاهُمَا رَبُّهُمَا أَلَمْ أَنْهَكُمَا عَنْ تِلْكُمَا الشَّجَرَةِ وَأَقُلْ لَكُمَا إِنَّ الشَّيْطَانَ لَكُمَا عَدُوٌّ مُبِينٌ (22) قَالَا رَبَّنَا ظَلَمْنَا أَنْفُسَنَا وَإِنْ لَمْ تَغْفِرْ لَنَا وَتَرْحَمْنَا لَنَكُونَنَّ مِنَ الْخَاسِرِينَ (23) قَالَ اهْبِطُوا بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ وَلَكُمْ فِي الْأَرْضِ مُسْتَقَرٌّ وَمَتَاعٌ إِلَى حِينٍ (24) قَالَ فِيهَا تَحْيَوْنَ وَفِيهَا تَمُوتُونَ وَمِنْهَا تُخْرَجُونَ (25)
(Sûrat 7: al-Araf 11-25)
11 – At katiyakang Aming nilikha kayo (ang inyong amang si Adan), at pagkatapos ay Aming ginawaran kayo ng hubog (ang marangal na hubog ng tao), at pagkatapos ay Aming winika sa mga Anghel, “Magpatirapa kayo kay Adan”, at sila ay nagpatirapa, maliban kay Iblis (isang Jinn na nasa lipon ng mga anghel), siya ay tumanggi na mapabilang doon sa mga nagpapatirapa.
12 – (Ang Allâh) ay nagwika: “Ano ang humadlang sa iyo (O Iblis) upang ikaw ay hindi magpatirapa, nang ikaw ay Aking pinag-utusan?”  Si Iblis ay nagsabi: “Ako ay higit na mabuti kaysa sa kanya (Adan), ako ay nilikha Ninyo mula sa apoy, at siya (Adan) ay Inyong nilikha mula sa malagkit na putik.”
13 – (Ang Allâh) ay nagwika: “Bumaba ka (O Iblis) mula rito (sa Paraiso), hindi marapat sa iyo na ikaw ay magiging palalo rito; lumayas ka, sapagkat ikaw ay katotohanang kabilang sa mga naaba (at winalan ng karangalan).”
14 – (Si Iblis) ay nagsabi: “Ako ay Inyong bigyan ng palugit hanggang sa Araw na sila ay ibabangon (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay).”
15 – (Ang Allâh) ay nagwika: “Ikaw ay isa sa mga binigyan ng palugit.”
16 – (Si Iblis) ay nagsabi: “Sapagkat ako ay Inyong iniligaw, katotohanang ako ay haharang sa kanila ([mga tao], tungo) sa Inyong Matuwid na Landas.
17 – At ako ay tutungo sa kanilang harapan at sa kanilang likuran, sa kanilang kanang bahagi at sa kanilang kaliwang bahagi (upang sila ay hadlangan sa Inyong Landas), at hindi Ninyo matatagpuan na ang karamihan sa kanila ay nagbibigay ng pasasalamat (alalaong baga, sila ay hindi magiging masunurin sa Inyo).”
18 – (Ang Allâh) ay nagwika (kay Iblis): “Lumayas ka rito (sa Paraiso) na walang kahihiyan at pinatalsik.  Kung sinuman sa kanila (sangkatauhan) ang sumunod sa iyo, kung gayon, katotohanang Aking pupunuin ang Impiyerno (sa pamamagitan) ninyong lahat.”
19 – “At, O Adan! Manirahan ka at ang iyong asawa sa Paraiso, at kumain kayo rito kung (ano) ang kapwa ninyo maibigan, at huwag ninyong lapitan ang punong ito, upang hindi kayo (kapwa) mapabilang sa Zalimun (mga tao na walang katarungan at mapaggawa ng kamalian).”
20 – At si Satanas ay bumulong sa kanilang dalawa (na sila ay kumain ng bunga ng puno na pinagbawal sa kanila) upang (kung sila ay magkasala ay ) malantad sa kanila kung ano ang sa kanila ay nakalingid na maselang bahagi (ng kanilang katawan noon); siya ay nagsabi: “Ang inyong Panginoon ay hindi nagbawal sa inyo (na kumain ng bunga) ng punongkahoy na ito, maliban (sa kadahilanang) baka kayo ay maging mga anghel o kayo ay maging walang kamatayan.”
21 – At siya (Satanas) ay nanumpa (sa Ngalan ng Allâh) sa kanilang dalawa (na nagsasabi): Katotohanang ako ay matapat na tagapayo sa inyong dalawa.”
22 – Kaya’t kanyang iniligaw sila ng may panlilinlang.  At nang kanilang matikman ang (bunga) ng punongkahoy, yaong nakalingid sa kanila na kanilang kahihiyan (maseselang bahagi ng katawan) ay naging lantad sa kanila (alalaong baga, nawala ang pantakip na ipinagkaloob ng Allâh sa kanila), at sila ay nagsimulang magtagni-tagni ng mga dahon ng Halamanan sa kanilang sarili (upang maitago nila ang kanilang kahihiyan).  At ang kanilang Panginoon ay tumawag sa kanila (na nagsasabi): “Hindi baga ipinagbawal Ko sa inyo ang punongkahoy na yaon at (Ako ay) nangusap sa inyo na:  “Katotohanang si Satanas ay inyong lantad na kaaway?”
23 – Sila ay nagsabi: “Aming Panginoon! Aming ipinariwara ang aming sarili.  Kung kami ay hindi Ninyo patatawarin at hindi Ninyo igagawad sa amin ang Inyong Habag, katiyakang kami ay kabilang sa mga talunan.”
24 – (Ang Allâh) ay nagwika:  “Magsibaba kayo, ang bawat isa inyo ay kaaway sa isa’t isa (alalaong baga, kaaway nina Adan at Eba si Satanas).  Ang kalupaan ang inyong pananahanan at (pansamantalang) kasiyahan sa natatakdaang panahon.”
25 – Siya (Allâh) ay nagwika: “Doon kayo ay mamumuhay, at doon kayo ay mamamatay, at mula roon kayo ay muling ilalabas (alalaong baga, ang muling pagkabuhay)”.

Atin ngayon tatalakayin kung bakit nga ba inihambing ng Allah (swt) ang bahay ng gagamba sa mga taong mapaggawa ng kamalian.  Mula sa unang henerasyon sa panahon nina Cain at Abel (Qabil at Habil), inggit at pagnanasa ang naging sanhi ng paggawa ng krimen o kasalanan.  Dito na nagsimula sa pangalawang lahi ni Adam (sas) ang sumunod na mga propeta upang ipahayag sa sangkatauhan ang mensahe ng Allah (swt).  At ang dating isang Wika lamang sa kalupaan ay nadagdagan ng iba’t-ibang idyoma o lengguwahe.  Sina Esau at Hakob (Jacob), pang-uumit ng kapangyarihan ang naging dahilan ng kanilang pag-aaway. At si Yosuf (Joseph) [sumakanila nawa ang kapayapaan], galit at paninibugho ng kanyang mga kapatid at naging daan kung papaano siya ipinagbili sa Egipto.  Ang apoy ng poot at karahasan ay pinagningas na ng pag-aawayan ng magkakamag-anak.  Simula sa loob at paglabas ng Egipto, sila’y tinawag na ang “Angkan ni Hakob (Israel)” at ang kanyang labing-dalawang (12) anak na tinawag na tribu.  Dito na naging talamak niyaong mga kumukuha ng Auliya (mga tagapangalaga, kawaksi, katulong, kakampi) maliban pa sa Allâh. Mga nagsipagtayo ng mga iba’t ibang relihiyon at sekta sa sangkatauhan.  At ang walang kapatawaran na kasalanan ay yaong pagtatambal sa Kaisahan ng ating Dakilang Tagapaglikha.

Ang pinagmulan na lahi at ang naging angkan ni Hakob (Israel)

ANG HANDOG NI CAIN (Habil) AT ABEL (Qabil)


Unang naging supling ni Adam (أَدَم عليه السلام) sina Cain (Qabil) at Abel (Habil).  Sa panahon yaon, ang naging kaugalian o gawí ng mga anak ni Adam (sas) sa pagkakasalungatan o palitan sa pag-aasawa ng lalaki sa bawat katuwang nitong babae sa isang pagbubuntis (pagluwal ng kambal na lalaki at babae).  Halimbawa; ang katuwang ng isang lalaki na babae sa isang pagbubuntis (kakambal) ay mapapangasawa ng iba.  O, hindi maaaring mapapangasawa ng lalaki ang isang babae na naging katuwang niya sa isang pagbubuntis.  Kung kaya’t si Abel ay nagnais na mapangasawa ang katuwang ni Cain (ang kambal niyang babae).  Nguni’t si Cain ay nagnais na siya (na kanyang katuwang) ay para sa kanya lamang dahil siya ay napakaganda.  Ipinaliwanag at pinakiusapan ni Adam (sas) si Cain na pumayag ng ipakasal kay Abel ang kanyang katuwang, subalit ito’y hindi pumayag.  Kaya’t inatasan silang magsagawa o mag-alay ng handog, at ang magkapatid na Abel at Cain ay nagpunta ng Mecca (Makkah) at nagsagawa ng paglalakbay (pilgrimahe).  Nang umalis ang kanilang ama, ang magkapatid ay naghandog ng alay (sakripisyo) sa Allâh سبحانه وتعالي .   

Si Cain ay naghandog sa Allâh (swt) ng pinakámasamáng butil na binigkis niya sa kanyang bukid.  Kinuha naman ni Abel ang isang panganay na matabang tupa sa kanyang kawan.  Pinatay niya ito at inihandog ang pinakamainam na bahagi.  Ang Allâh ay nasiyahan kay Abel at sa kanyang handog, ngunit hindi niya kinalugdan si Cain at ang handog nito.  Dahil dito, hindi mailarawan ang mukha ni Cain sa tindi ng galit.  Nalalaman ng Allâh (swt)  na kung ano ang nasa puso’t pag-iisip ni Cain at katotohanang ang Allâh (swt)  ay tumatanggap lamang mula sa mabuting tao.  Nang dahil sa pamamagitan ng pagbuyo ni Iblis (Satanas), ang galit at inggit ay namayani sa puso ni Cain at nagsabi: “Sisiguraduhin ko na mapapatay kita upang hindi mo mapapangasawa ang aking kambal na babae.”  Sumagot si Abel: “Katotohanang ang Allâh ay tumatanggap lamang mula sa Al-Muttaqun (mga matimtiman, matuwid, at mabuting tao).”

Pinagmamasdan ni Adam (sas) ang kanyang dalawang anak sa kanilang pag-aalay (sakripisyo) at nakita niya na mas katanggap-tanggap ang handog ni Abel.  Dumaing itong si Cain sa kanyang ama kung bakit si Abel lang ang kanyang ipinalangin sa Panginoon, at sa panig niya ay hindi kinatigan. Nangako ang kanyang ama na aayusin nito ang hindi nila pinagkakaunawaang magkapatid.  Isang gabi, hindi nakauwi ng maaga itong si Abel dahil abalang-abala ito sa kawan ng mga tupa.  Inutusan ni Adam (sas) si Cain upang tingnan kung ano na ang nagyari kay Abel.  Nang makita niya ang kanyang kapatid, sinindak niya ito at nagsabi:  “Tinanggap ang alay mo at ang sa akin ay hindi.”  Sumagot si Abel:  ““Katotohanang ang Allâh ay tumatanggap lamang mula sa Al-Muttaqun”.  Nagalit ng husto si Cain sa kanyang narinig at ang hawak nitong matigas na kahoy ang ipinang-patay niya kay Abel.  Ang Banal na Qur’an ay nagsasaysay sa tunay na pangyayari:

وَاتْلُ عَلَيْهِمْ نَبَأَ ابْنَيْ آَدَمَ بِالْحَقِّ إِذْ قَرَّبَا قُرْبَانًا فَتُقُبِّلَ مِنْ أَحَدِهِمَا وَلَمْ يُتَقَبَّلْ مِنَ الْآَخَرِ قَالَ لَأَقْتُلَنَّكَ قَالَ إِنَّمَا يَتَقَبَّلُ اللَّهُ مِنَ الْمُتَّقِينَ (27) لَئِنْ بَسَطْتَ إِلَيَّ يَدَكَ لِتَقْتُلَنِي مَا أَنَا بِبَاسِطٍ يَدِيَ إِلَيْكَ لِأَقْتُلَكَ إِنِّي أَخَافُ اللَّهَ رَبَّ الْعَالَمِينَ (28) إِنِّي أُرِيدُ أَنْ تَبُوءَ بِإِثْمِي وَإِثْمِكَ فَتَكُونَ مِنْ أَصْحَابِ النَّارِ وَذَلِكَ جَزَاءُ الظَّالِمِينَ (29) فَطَوَّعَتْ لَهُ نَفْسُهُ قَتْلَ أَخِيهِ فَقَتَلَهُ فَأَصْبَحَ مِنَ الْخَاسِرِينَ (30) فَبَعَثَ اللَّهُ غُرَابًا يَبْحَثُ فِي الْأَرْضِ لِيُرِيَهُ كَيْفَ يُوَارِي سَوْأَةَ أَخِيهِ قَالَ يَا وَيْلَتَا أَعَجَزْتُ أَنْ أَكُونَ مِثْلَ هَذَا الْغُرَابِ فَأُوَارِيَ سَوْأَةَ أَخِي فَأَصْبَحَ مِنَ النَّادِمِينَ (31)

Banal na Qur’an (Sûrat 5 al-Mā’idah: 27-31)
27 – At iyong dalitin (O Muhammad) sa kanila (mga Hudyo) sa katotohanan ang kasaysayan ng dalawang anak na lalaki ni Adam (Adan), na sina (Habil at Qabil) [Abel at Cain], nang ang bawat isa sa kanila ay maghandog ng alay (sakripisyo) sa Allâh.  Ito ay tinanggap (ng Allâh) mula sa isa (sa kanila), ngunit hindi tinanggap sa isa pa.  Ang huli (Cain) ay nagsabi sa una (Abel):  “Katiyakang ikaw ay aking papatayin.”  Ang una (Abel) ay nagsabi:  “Katotohanang ang Allâh ay tumatanggap lamang mula sa Al-Muttaqun (mga matimtiman, matuwid, at mabuting tao).”
28 – Kung iyong iunat ang kamay mo laban sa akin upang ako ay patayin, hindi ko kailanman iuunat ang aking kamay laban sa iyo upang ikaw ay patayin, sapagkat ako ay nangangamba sa Allâh; ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang.
29 – Katotohanang, higit kong mamatamisin na ikaw ang magpasan (umako) sa bigat ng aking kasalanan at iyong kasalanan; kung magkakagayon, ikaw ay isa sa mga mananahan sa Apoy, at ito ang kabayaran (kaparusahan) sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, buhong, buktot).
30 – Kaya’t ang kanyang kaluluwa ang nagsulsol (nag-udyok) sa kanya na patayin ang kanyang kapatid at kanyang (Cain) napatay siya (Abel), at siya (Cain) ay naging isa sa mga talunan.
31 – Pagkaraan, ang Allâh ay nagpadala ng uwak na kumakahig sa lupa upang ipakita sa kanya na itago (ilibing) niya ang patay na katawan ng kanyang kapatid.  Siya (na salarin) ay nagsabi:  “Kasawian sa akin!  Hindi man lamang ako nagkaroon ng kakayahan na tulad ng uwak na ito upang aking itago ang patay na katawan ng aking kapatid?”  At siya ay naging isa sa mga nagsisisi.

Naging isang tanda o aral sa sangkatauhan ang pangalawang panlilinlang ni Iblis (Satanas).  Ang inggit at selos ang siyang pangunahing dahilan kung papaano ang tao ay natututong magkasala.  Kung papaanong si Iblis (Satanas) ay nagsabi sa Allâh na:  “Sapagkat ako ay Inyong iniligaw, katotohanang ako ay haharang sa unang tao at sa kanyang una at huling supling tungo sa Inyong matuwid na Landas.”  Kaya’t saan man pumunta ang tao naging katuwang na niya ang demonyo sa bawat kilos at galaw nito, maging sa harapan at likuran at kanan o kaliwang bahagi ay nagkakaroon ng pagkakasalang matukso.

Si Adam (sas) ay dumanas ng masidhing kalungkutan sa pagkawala ng kanyang dalawang anak:  ang isa ay namatay at ang isa naman ay nailigaw ng landas ni Iblis (Satanas).  Ipinagdasal ni Adam (sas) sa Panginoon ang kanyang anak na si Cain na talikdan ang mga walang kabuluhang bagay, at siya (Adam) ang mangangalaga sa kanyang mga pangangailangan.  Sa paglipas ng panahon dumami ang mga anak at mga apo ni Adam (sas), at siya’y naging Propeta na tagapagpayo sa kanyang mga angkan, itinuturo niya sa kanila ang tungkol sa Panginoon, nanawagan siya sa kanyang pamayanan na wala ng iba pang Ilah (Diyos) maliban sa Allâh (swt).  Sinasabi niya sa kanila ang tungkol kay Iblis (Satanas) at binigyan niya ng babala ang kanyang angkan kung papaano siya nilinlang ng demonyo, katulad din ng pagtukso kay Cain na patayin ang sariling kapatid.

ANGKAN NG MGA PROPETA

Maraming taon ang lumipas, at ganoon din si Adam (sas) na tumandang kasabay ng panahon at ang kanyang angkan ay nangagsikalat sa iba’t ibang parte ng kalupaan.  Noong malapit ng mamatay si Adam (sas), hinirang niya ang kanyang anak na si Seth (Sheth) bilang kahalili (alalaong baga, kahalili bilang pinuno at propeta ng kanilang pamayanan).  Sa ilang araw nalang ng kanyang pananatili dito sa lupa, araw at gabing tinuturuan ang kanyang anak kung papaano ang paggawa ng Ibadah[1]  (Pagsamba) sa Panginoon.  Binanggit din niya kay Seth (Sheth) ang darating na Delubyo (Baha).

Nang papalapit na ang kámatayan ni Adam (sas), nagsabi siya sa kanyang mga anak:  ‘O, aking mga anak, katunayang nakakaramdam ako ng pagkaing prutas sa paraiso.’  Kaya’t umalis ang kanyang mga anak upang hanapin ang nabanggit ng kanilang ama.  Sa kanilang paglalakad, nakasalubong nila ang mga anghel ng Panginoon na nakatalukbóng na para bagang katatapos lang nilang mag-ablusyon (naglinis at nagpaligo ng patay).  Sinabi sa kanila ng mga anghel:  ‘O, mga anak ni Adam, ano ang inyong hinahanap?  Ano ang kailangan ninyo, at saan kayo pupunta?’  Sagot nila (mga anak ni Adam): ‘Ang aming ama ay may sakit at naghahanap ng pagkaing prutas sa paraiso.’  Sumagot sa kanila ang mga anghel:  ‘Bumalik kayo, ang inyong ama ay haharapin na niya ang kamatayan ano mang oras!’  Sila (mga anghel) ay nagpatuloy at pagdako nila sa bahay ni Adam, nakita nila si Eba (Eve) at nakilala nila ito.  Siya (Eba) ay nagtangkang magtago sa tabi ni Adam.  Sinabi sa kanya ni Adam (sas):  ‘Iwanan mo akong mag-isa. Dumating na ako bago pa ikaw; huwag kang lalapit sa pagitan ko at sa mga anghel ng aking Panginoon.’  Sa gayon, kinuha ng mga anghel ang kaluluwa ni Adam,   ito’y kanilang ini-ablusyon (pinaliguan at pina-pabanguhan), at binalutan ng puting lino, at humukay sila sa lupa.  Ipinagdasal siya at pagkatapos tsaka nila inilibing sa kanyang hukay, at nagsabi: O, angkan ni Adam, ito ang tradisyon sa oras ng inyong kamatayan.”’


Bago namatay si Adam (sas), ipinahayag niya sa kanyang mga anak na gagabayan sila ng Allâh (swt) sa mundong ito, at hiningi niya sa Allah (swt) na magsugo ng mga Propeta na mamatnubay sa kanyang angkan.  Ang mga Propetang iba’t ibang pangalan, katángian at karunungan, sila (mga Propeta) na iisa ang layunin:  Ang ipagbadya na tanging ang Allâh (swt) lamang ang sambahin, ang nag-iisang Ilah (Diyos).  Ito ang ipinamanang turo (habilin) sa kanyang mga anak.  At nang matapos na siyang mangusap, ipinikit na niya ang kanyang mga mata.  At ang mga anghel ng Panginoon ay pumasok sa kanyang kuwarto at ito’y kanilang pinalibutan.  Nang makita at makilala ni Adam (sas) ang Anghel ng Kamatayan,  masaya itong namayapa at ang kanyang kaluluwa ay nagkaron ng kapayapaan.











[1] Ibadah:  Ang pagtupad sa tungkuling ito na may layuning sumunod at sumuko sa Kalooban ng Allâh سبحانه وتعالي

Linggo, Marso 29, 2015

Ang Bahay Ng Gagamba - (unang edisyon)

PASIMULA

ANG ALLÂH AT ANG KANYANG LAYUNIN


وَمَا خَلَقْتُ الْجِنَّ وَالْإِنْسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ (56)
Banal na Qur’an (Sûrat 51 az-Zariyat :56)
56 - At hindi Ko nilikha ang mga Jinn at mga Tao maliban na tanging sambahin lamang Ako.




Inilagay ng Allâh سبحانه وتعالي ang unang tao (lalake at babae) na Kanyang nilalang sa perpektong kapaligiran ng Halaman ng Eden (Paraiso).  Sila (Adam at Eve [sumakanila nawa ang kapayapaan]) ay may araw-araw na pakikipanayam sa Panginoon hanggang ang kasalanan ng pagsuway ay nagtatag ng isang Balakid (mga hadlang) sa pagitan nila at sa Allâh.  Ang mga Balakid na ito ay pagseselos o inggit, pagnanasa, pang-uudyok, pagsisinungaling, at pagtatambal. 

Nang magwika ang Allâh سبحانه وتعالي  at naglagay ng Khalifah (sangkatauhan, kapalit, kahalili) sa kalupaan, itinuro Niya kay Adam (أَدَم عليه السلام) ang mga pangalan ng lahat ng nilikhang bagay at ipinamalas Niya ang mga ito sa harapan ng mga anghel.  Nagsabi sa kanila ang Allâh سبحانه وتعالي  na magsagawa ng sujud (pagpapatirapa) bilang pagbibigay paggalang kay Adam (أَدَم عليه السلام), at sila (mga anghel) ay nagpatirapa maliban kay Iblis (si Satanas, isang Jinn na nasa lipon ng mga anghel nang sandaling yaon), siya ay tumanggi at sumuway sa Utos ng Allâh سبحانه وتعالي

Tinanong ng Dakilang Tagapaglikha si Iblis (Satanas) kung ano ang humadlang sa kanya at kung bakit sumuway siya.  Sumagot si Iblis (Satanas):  “Ako ay higit na mabuti kaysa sa kanya at ako ay nilikha Ninyo mula sa apoy, at siya ay Inyong nilikha mula sa malagkit na putik.”  Kaya’t ang Allâh سبحانه وتعالي ay pinalayas sa Paraiso si Iblis (Satanas) at winalan siya ng karangalan.  Subali’t humingi ng palugit si Iblis (Satanas) sa Panginoon at nagsabi:  “Sapagkat ako ay Inyong iniligaw, katotohanang ako ay haharang sa kanila (mga tao) tungo sa Inyong Matuwid na Landas, at ako ay tutungo sa kanilang harapan at sa kanilang likuran, sa kanilang kanang bahagi at sa kanilang kaliwang bahagi, at hindi Ninyo matatagpuan na ang karamihan sa kanila ay nagbibigay ng pasasalamat.”  Kung kaya’t ang Allâh سبحانه وتعالي  ay nagwika sa kanya:  “Lumayas ka rito sa Paraiso na walang kahihiyan at kung sinuman sa kanila (mga tao) ang sumunod sa iyo, kung gayon, katotohanang Aking pupunuin ang Impiyerno sa pamamagitan ninyong lahat.” 


Napalayas si Iblis (Satanas) sa Halaman ng Eden at ito’y hindi maaring tumuntong sa pagitan ng langit at lupa (alalaong baga, hindi puwedeng umapak sa lupa at hindi rin puwedeng pumaitaas sa langit at nakalutang lang ito).  Gumawa siya ng paraan upang muling makapasok (ilang saglit) sa bakuran ng Paraiso at nakuha niyang linlangin ang anghel na nakabantay sa pinto ng paraiso at ito nga’y dumiretso sa punong ipinagbabawal lapitan ng mag-asawang Adam at Eve.  Habang nasa katahimikan ng Halamanan ng Eden (Paraiso),  nang-udyok si Iblis (Satanas) at kumatha ng isang himig na siyang nagdala sa mag-asawa upang makalapit sa puno.  Siya ay bumulong sa kanilang dalawa na kumain ng bunga ng puno na pinagbawal sa kanila at nagsabi sa kanila:  Ang inyong Panginoon ay hindi nagbabawal sa inyo na kumain ng bunga ng punongkahoy na ito, maliban sa kadahilanang baka kayo ay maging mga anhel o kayo ay maging walang kamatayan.”  At nanumpa pa si Iblis (Satanas) sa Ngalan ng Panginoon sa mag-asawang Adam at Eve na nagsasabi:  Katotohanang ako ay matapat na tagapayo sa inyong dalawa.”


Kaya’t silang mag-asawa ay nalinlang ng demonyo at nang kanilang matikman ang bunga ng punongkahoy, tumambad yaong nakalingid sa kanila na kanilang kahihiyan.  Nagkaroon sila ng kaalaman na sila’y nakagawa ng malaking pagkakasala sa Panginoon.  Kung kaya’t ang Khalifah (sangkatauhan) ay nagkaroon ng kamatayan.  Humingi ng kapatawaran ang mag-asawa sa nagawa nilang pagkakamali at sa kanila ay nagsabi ang Panginoon:  Magsibaba kayo, ang bawat isa sa inyo ay kaaway sa isa’t isa (alalaong baga, kaaway nina Adam At Eba si Satanas).  Ang kalupaan ang inyong pananahanan at pansamantalang kasiyahan sa natatakdang panahon. Doon kayo mamumuhay, at doon kayo ay mamamatay, at mula roon kayo ay muling ilalabas (alalaong baga, ang muling pagkabuhay).”


Dito nagsimula kung papaano nagkaroon ng Balakid (mga hadlang) bilang pagsusulit sa pagitan ng tao at ng Panginoon.  Pinalayas ng Allâh سبحانه وتعالي  ang tao mula sa Paraiso.  Si Eve ay dumaóng sa lugar ng Jeddah, Saudi Arabia at si Adam (أَدَم عليه السلام) ay sa Srilanka napadpad.


Adam (أَدَم عليه السلام) footprint in Srilanka.

Tomb of Mother Eve in Jeddah, Saudi Arabia



Pagkatapos nilang magsagawa ng pilgrimahe (paglalakbay) sa Mecca (Makkah), natagpuan ni Adam (أَدَم عليه السلام) si Eve sa Mecca (Makkah) at doon nila pinagtibay sa Banal na Pook ang kanilang pagsasama bilang kahalili ng Halaman ng Eden (Paraiso).  Ang Banal na Qur’an ay nagsasaysay:  
هُوَ الَّذِي خَلَقَ لَكُمْ مَا فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا ثُمَّ اسْتَوَى إِلَى السَّمَاءِ فَسَوَّاهُنَّ سَبْعَ سَمَوَاتٍ وَهُوَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ (29) وَإِذْ قَالَ رَبُّكَ لِلْمَلَائِكَةِ إِنِّي جَاعِلٌ فِي الْأَرْضِ خَلِيفَةً قَالُوا أَتَجْعَلُ فِيهَا مَنْ يُفْسِدُ فِيهَا وَيَسْفِكُ الدِّمَاءَ وَنَحْنُ نُسَبِّحُ بِحَمْدِكَ وَنُقَدِّسُ لَكَ قَالَ إِنِّي أَعْلَمُ مَا لَا تَعْلَمُونَ (30) وَعَلَّمَ آَدَمَ الْأَسْمَاءَ كُلَّهَا ثُمَّ عَرَضَهُمْ عَلَى الْمَلَائِكَةِ فَقَالَ أَنْبِئُونِي بِأَسْمَاءِ هَؤُلَاءِ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ (31) قَالُوا سُبْحَانَكَ لَا عِلْمَ لَنَا إِلَّا مَا عَلَّمْتَنَا إِنَّكَ أَنْتَ الْعَلِيمُ الْحَكِيمُ (32) قَالَ يَا آَدَمُ أَنْبِئْهُمْ بِأَسْمَائِهِمْ فَلَمَّا أَنْبَأَهُمْ بِأَسْمَائِهِمْ قَالَ أَلَمْ أَقُلْ لَكُمْ إِنِّي أَعْلَمُ غَيْبَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَأَعْلَمُ مَا تُبْدُونَ وَمَا كُنْتُمْ تَكْتُمُونَ (33) وَإِذْ قُلْنَا لِلْمَلَائِكَةِ اسْجُدُوا لِآَدَمَ فَسَجَدُوا إِلَّا إِبْلِيسَ أَبَى وَاسْتَكْبَرَ وَكَانَ مِنَ الْكَافِرِينَ (34) وَقُلْنَا يَا آَدَمُ اسْكُنْ أَنْتَ وَزَوْجُكَ الْجَنَّةَ وَكُلَا مِنْهَا رَغَدًا حَيْثُ شِئْتُمَا وَلَا تَقْرَبَا هَذِهِ الشَّجَرَةَ فَتَكُونَا مِنَ الظَّالِمِينَ (35) فَأَزَلَّهُمَا الشَّيْطَانُ عَنْهَا فَأَخْرَجَهُمَا مِمَّا كَانَا فِيهِ وَقُلْنَا اهْبِطُوا بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ وَلَكُمْ فِي الْأَرْضِ مُسْتَقَرٌّ وَمَتَاعٌ إِلَى حِينٍ (36) فَتَلَقَّى آَدَمُ مِنْ رَبِّهِ كَلِمَاتٍ فَتَابَ عَلَيْهِ إِنَّهُ هُوَ التَّوَّابُ الرَّحِيمُ (37) قُلْنَا اهْبِطُوا مِنْهَا جَمِيعًا فَإِمَّا يَأْتِيَنَّكُمْ مِنِّي هُدًى فَمَنْ تَبِعَ هُدَايَ فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ (38)

Banal na Qur’an (Sûrat 2 al-Baqarah :29-38)
29 – Siya ang lumikha para sa inyo ng lahat ng mga bagay na nasa kalupaan; at makaraan, Siya ay nag-Istawa (pumaibabaw) sa kalangitan (sa paraang naangkop sa Kanyang Kamahalan) at yaon ay Kanyang ginawa na pitong suson.  At sa lahat ng bagay.  Siya ay may Ganap na Kaalaman.
30 – (Pagmasdan!)  At nang magwika ang inyong Panginoon sa mga anghel: “Katotohanan, Ako ay maglalagay ng Khalifah (sangkatauhan, kapalit, kahalili) sa kalupaan (sa maraming sali’t saling lahi.).”  Sila ay nagsabi: “Maglalagay ba Kayo roon ng nilikha (tao) na gumagawa ng kabuktutan at doon ay magdadanak ng dugo, at (habang) kami ay lumuluwalhati ng mga pagpupuri at pagpaparangal sa Inyong Banal (na Pangalan)?”  Siya (Allâh) ay nagwika:  “Nababatid Ko ang hindi ninyo nalalaman.”
31 – At itinuro Niya kay Adan ang pangalan ng lahat ng bagay at itinambad Niya ang mga ito sa harapan ng mga anghel at nagsabi:  “Sabihin ninyo sa Akin ang pangalan ng mga ito kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan.”
32 – Sila (mga anhel) ay nagsabi:  “Luwalhatiin Kayo! Kami ay walang kaalaman maliban sa itinuro Ninyo sa amin; sa katotohanan Kayo lamang ang may Ganap na Kaalaman at Karunungan.”
33 – Siya (Allâh) ay nagwika:  “O Adan! Sabihin mo sa kanila ang kanilang mga pangalan.”  At nang masabi na niya sa kanila ang kanilang mga pangalan, ang Allâh ay nagwika:  “Hindi baga Aking winika sa inyo na nababatid Ko ang mga lihim ng langit at lupa at talastas Ko kung ano ang inyong inilalantad at ikinukubli?”
34 – (Pagmasdan!) At nang Kami ay magwika sa mga anghel: “Magsagawa kayo ng sujud (pagyukod o pagpapatirapa) kay Adan.”  At sila ay nagsagawa ng sujud maliban kay Iblis (si Satanas, isang Jinn na nasa lipon ng mga anghel nang sandaling yaon);  siya ay tumanggi at siya ay palalo.  Kaya’t siya ay napabilang (sa isa) sa mga nagtatakwil sa pananampalataya.
35 – At Kami ay nagwika:  “O Adan! Manirahan ka at ang iyong asawa sa Paraiso (Halamanan) at kumain kayo rito ng mga masaganang bagay (saan man at kailanman) ninyo naisin, datapuwa’t huwag ninyong lapitan ang punong ito, baka kayo ay mapabilang sa mga makasalanan.”
36 – Nguni’t (hindi naglaon) ay nagawa ni Satanas na sila ay makatalilis dito (sa Paraiso o Halamanan) at makalabas (sa katayuan ng katahimikan) na kanilang kinalalagyan.  At Kami (Allâh) ay nagwika:  “Magsibaba kayong lahat (sa lupa), na kayo ay magkakaaway (may pagkagalit sa bawat isa).  At sa kalupaan ang inyong magiging tirahan at isang pansamantalang kaligayahan.”
37 – At si Adan ay tumanggap ng mga Salita (Kapahayagan) mula sa kanyang Panginoon at Siya (ang kanyang Panginoon) ay nagpatawad sa kanya (tumanggap sa kanyang pagsisisi).  Katotohanang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.
38 – Kami (Allâh) ay nagwika: “Magsibaba kayong lahat mula rito (Paraiso), at kailanma’t may dumatal sa inyo na patnubay mula sa Akin; at sinumang sumunod sa Aking patnubay, ay walang dapat pangambahan, at hindi magkakaroon ng kalumbayan.”
39 – (Datapuwa’t)  ang mga nagtatakwil ng Pananampalataya at nagpapasinungaling sa Aming Ayât (mga talata, kapahayagan, aral, katibayan, tanda, atbp.), sila ang magsisipanahan sa Apoy, mamamalagi sila rito magpakailanman.

Ang Allâh سبحانه وتعالي  na Nakakaalam ng lahat ay tuwirang nababatid na ilalayo ng kasalanan ang tao mula sa kanyang Manlilikha. Dahil dito, bumuo ang Panginoon ng isang Plano noon pang nakalipas na walang hanggan na makapag-aalis ng Balakid.  Isang kapahayagan sa Biyaya ng Allâh, ang plano ay payak na nahahati sa tatlong bahagi:

  • Unang bahagi ay ang Kaligtasan
  • Ikalawang bahagi ay mananampalataya sa kapanahunan
  • Ikatlong bahagi ay ang mananampalataya sa darating na walang hanggan.

Ang hinirang na Propeta mula kay Adam (أَدَم عليه السلام) hanggang kay Propeta Muhammad (sas)  ang unang bahagi na siyang magbibigay daan ng kaligtasan, ang Banal na Kapahayagan (bilang babala) ang ikalawang bahagi upang ang tao’y magkaroon ng kaalaman at manampalataya sa Kaisahan ng Allâh.  Samantalang ang ikatlong bahagi ay ang pagsuway at ang pagsisisi ng kasalanan at pagbabalik loob sa Allâh سبحانه وتعالي.   

Mula sa pananaw ng Allâh سبحانه وتعالي, ang unang bahagi ay nagpasimula pa sa nakalipas na walang hanggan sa pagbabalangkas ng Tadhana ng Allâh nang ang bumubuo ng Kaalaman, na nakikita ang napipintong kabiguan ng tao ay bumuo ng kalutasan sa problema ng kasalanan.  Ang Banal na Kapahayagan lamang ang magbibigay kaalaman at pamamatnubay sa taong naghahanap ng kaligtasan o katotohanan.

Ang pag-aalis o pagpapatawad ng Kasalanan ay tanging sa Allâh lamang.  Haharapin ng tao ang walang hanggang kahatulan at kahit na ano ang ating tinataglay sa larangan ng kakayahan, katalinuhan o ano mang inaangking kayamanan, wala tayong ganap na kakayahan na iligtas ang ating sarili o makamit man ang pakikipag-ugnay sa Allâh سبحانه وتعالي.  Maging ang mga Huwad na Auliya (mga tagapangalaga, tagapamagitan, kawaksi, katulong, kakampi) ay hinalintulad sila ng Allâh sa bahay ng gagamba at katotohanang ito ang pinakamarupok na pundasyon at walang tibay na maasahan.  Sa ganito ipinapakita ng ating Panginoon upang malaman at maintindihan ng mga taong may mga pang-unawa, na kung gaano kadami ang buhangin ay ganoon din kadami ang Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, atbp).  Ang Allâh ay nagsabi sa Banal na Qur’an:
مَثَلُ الَّذِينَ اتَّخَذُوا مِنْ دُونِ اللَّهِ أَوْلِيَاءَ كَمَثَلِ الْعَنْكَبُوتِ اتَّخَذَتْ بَيْتًا وَإِنَّ أَوْهَنَ الْبُيُوتِ لَبَيْتُ الْعَنْكَبُوتِ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ (41)





“Ang kahalintulad niyaong mga kumukuha ng Auliya (mga tagapangalaga, kawaksi, katulong, kakampi) maliban pa sa Allâh ay tulad ng isang Gagamba na gumagawa ng (kanyang) bahay; at katotohanan, ang pinakamarupok sa lahat ng mga bahay ay ang bahay ng gagamba kung kanila lamang itong napag-uunawa.”    [Qur’an 29:41]






Pagmasdan ang Gagamba kung papaano gumawa ng sariling bahay at sarili niyang kapaligiran, ngunit ito’y nagdadala ng kapahamakan.  Ang pamamaraan ng kanyang ikabubuhay ay sa pamamagitan ng kanyang hinabing sapot upang ito’y makahuli o makasila ng kanyang kakainin.  Mahusay ang kanyang patibong at nalilinlang niya ang mga dumadaan sa paraan ng kanyang bahay-anlalawa.  Napakagandang gumawa ng kanyang bahay at ang pagka-arkitektura na sadyang kahanga-hanga at pagkatapos nito siya ay gigitna sa kanyang bahay na para bang isang hari na nakaupo sa kanyang trono.  Ngunit, pagmasdan ang kanyang ginawang pagpapagal, sa hihip lang ng hangin ito’y masisira at mapupunit.  Ganyan inihambing ng Dakilang Panginoon ang bahay ng gagamba sa mga taong mapaggawa ng kamalian.  Mga taong mapaggawa ng ikaliligaw ng iba at mahusay magbalatkayong gamitin ang Banal na Salita ng Allâh سبحانه وتعالي  upang makahikayat at makapagtayo ng iglesyang pamumunuan.  Subalit walang kabuluhan ang lahat ng kanilang pinagpaguran dahil katotohanang ito’y isa lamang pansamantalang pamamayanan.  Ang Allâh سبحانه وتعالي ay nagsabi sa Banal na Qur’an:    

وَإِنَّ مِنْهُمْ لَفَرِيقًا يَلْوُونَ أَلْسِنَتَهُمْ بِالْكِتَابِ لِتَحْسَبُوهُ مِنَ الْكِتَابِ وَمَا هُوَ مِنَ الْكِتَابِ وَيَقُولُونَ هُوَ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ وَمَا هُوَ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ وَيَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ وَهُمْ يَعْلَمُونَ (78)

“At Katotohanan, sa kanilang lipon ay may isang pulutong na nagbabago (nagpapalit sa kahulugan) ng Aklat sa pamamagitan ng kanilang dila (sa kanilang pagbabasa) upang inyong mapag-akala na ito ay bahagi ng Aklat, datapuwa’t ito ay hindi bahagi ng Aklat, at sila ay nagsasabi: ‘Ito ay mula sa Allâh’, subalit ito ay hindi mula sa Allâh; at sila ay nagsasabi ng kasinungalingan laban sa Allâh at ito ay kanilang nababatid.”    [Qur’an 3:78]

سورة البقرة
إِنَّ الَّذِينَ يَكْتُمُونَ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ مِنَ الْكِتَابِ وَيَشْتَرُونَ بِهِ ثَمَنًا قَلِيلًا أُولَئِكَ مَا يَأْكُلُونَ فِي بُطُونِهِمْ إِلَّا النَّارَ وَلَا يُكَلِّمُهُمُ اللَّهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَلَا يُزَكِّيهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ (174) أُولَئِكَ الَّذِينَ اشْتَرَوُا الضَّلَالَةَ بِالْهُدَى وَالْعَذَابَ بِالْمَغْفِرَةِ فَمَا أَصْبَرَهُمْ عَلَى النَّارِ (175)

Banal na Qur’an (Sûrat 2 Āl-‘Imrān :78)
174 - Katotohanan, ang mga naglilingid ng mga ipinahayag ng Allâh sa Aklat, (at gumagawa nito bilang) kapalit ng maliit na kabayaran (pakinabang sa pamamagitan ng makamundong bagay), sila yaon na walang nilulunok sa kanilang sikmura kundi ang apoy. Ang Allâh ay hindi mangungusap sa kanila sa Araw ng Muling Pagkabuhay, gayundin naman ay hindi sila dadalisayin, at kasakit-sakit ang kanilang kaparusahan.
175 – Sila (yaon) na kanilang pinili ang pakaligaw kaysa sa Patnubay, at (kanilang pinili ang) kaparusahan kaysa sa Pagpapatawad (ng Allâh). Ah! Ano itong katapangan (na kanilang ipinamalas) sa Apoy!


Ang Banal na Aklat ay ang paniniwala na ang Allâh سبحانه وتعالي  ay nagpadala ng mga kasulatan sa Kanyang mga Propeta at Sugo na naglalaman ng mga mensahe, inspirasyon at rebelasyon upang ibahagi at ipaliwanag sa mga taong kanilang nasasakupan.  Ang mga kasulatang ito ay naglalaman at nagtatangan ng mga Salita at Mensahe ng Allâh سبحانه وتعالي para sa mga tao.  Ang mga ito ay walang pag-aalinlangang makatotohanan, puro at dalisay mula sa anumang depekto, kontradiksiyon o kamalian.  Subali’t ang lahat ng mga naunang mga kasulatan, bagama’t pinatotohanan ay pinawalang bisa ng Banal na Qur’an.  Ito ay nangangahulugan na ang mga naunang kasulatan ay para lamang sa isang natatanging tao, nasyon, lugar, panahon at henerasyon na kaiba sa Huling Mensahe na pagkatapos ipahayag ng Allâh سبحانه وتعالي  sa Kanyang Huling Sugo ay para sa lahat ng tao, nasyon, lugar at panahon.  May mga anyo ng rebelasyon na nabanggit sa Banal na Qur’an katulad ng: Suhuf (kalatas) ni Abraham (ابراهيم عليه السلام), Torah [batas] ni Moises (موسى عليه السلام), ang Injeel [ebanghelyo] ni Hesus (عيسى عليه السلام), ang [Salmo] ni David (داود عليه السلام) at ang Qur’an ni Propeta Muhammad (sas) na siyang pinakahuling Sugo at Rebelasyon para sa sangkatauhan.

Bilang tunay na mga Muslim ay dapat na maniwala sa lahat ng mga Aklat na ipinahayag ng Allâh سبحانه وتعالي sa Kanyang mga Mensahero.  Subali’t dapat din nating mabatid na ang pagsunod at pagsasabuhay sa mga aral ng naunang Aklat ay mahigpit na ipinag-utos at para lamang sa nasyon o henerasyon kung saan ito ipinahayag.  Naniniwala din tayo na ang mga Banal na Kasulatan ay sumusuporta at nagpapatunay sa katotohanan ng bawat isa.  Siya na tumanggi sa alinmang Aklat na ipinahayag nang Allâh سبحانه وتعالي ay napabilang sa mga erehe o taksil sa katotohanan.  Magkaganunpaman, ang mga tunay na Muslim ay naniniwala na pinawalang bisa ng bawat isang Aklat ang mga batas sa naunang kasulatan, bahagi man o buong kabuuan nito.  Base dito, pinawalang bisa ng Qur’an ang lahat ng mga aklat na nauna rito.  Ang Banal na Qur’an ay ipinahayag ng paunti-unti ayon sa kinakailangan at hinihingi ng pagkakataon sa loob ng dalawangpu’t tatlo (23) taon sa Makkah at sampu (10) naman sa Madinah.  Ito ay nahati sa isang daan at labing-apat (114) ng mga kabanata (Surah) na may magkakaibang haba o titulo.  Ang Banal na Qur’an ay ang natatanging Aklat na dapat na sundin at gawing sandigan at panuntunan ng mga Muslim dahil ito ay hindi napalitan, nabago o dumaan sa anumang rebisyon, dahil ito ay pinapangalagaan ng Allâh سبحانه وتعالي.   Ito ay kaiba sa mga nilalaman ng ibang mga aklat (hal. Torah, Injeel, atbp.) na pangkasalukuyan ay napalitan at nabago kaya hindi na maituturing na salita at rebelasyon ng Tagapaglikha.

Atin  ngayon himaymayin ang kinahinatnan ng tao sa bawat siglong dumadaan, sa bawat iba’t-ibang uri o lahi ng tao na may angking kahinaan at kalakasan.  Dalawang bagay lamang ang layunin ng Allâh سبحانه وتعالي :  “Ang sambahin at magkaroon ng takot sa Kanya.”  Ang makasalanan kapaligiran ng pangkasalukuyang mundo ay naapektuhan ang espirituwal ng tao dahil kumikilos ang tatlong espirituwal na mga kalaban (mga balakid):  Ang mundo, ang katawan (laman), at ang Diyablo (Iblis).  Sa mundong ginagalawan ng tao, si Satanas (Iblis) ay kumikilos sa pamamagitan ng masamang sistema ng mundo, kasama ang lahat ng kasalanan, materyalismo, at mga pilosopiyang walang kinikilalang Diyos.  Bago pa man bumaba ng Paraiso ang mag-asawang Adam at Eve, sila’y pinatawad na ng Allâh سبحانه وتعالي sa kanilang nagawang pagkakasala.  Kung kaya’t ang naging mga supling nila simula sa una hanggang sa wakas ay nagkaroon ng bahid kasalanan.  Kilala na ng mag-asawa ang kanilang kaaway, subali’t katulad ng hininging palugit ni Satanas (Iblis) hinaharangan niya ang tao sa matuwid na landas at nagsimula nga sa unang supling ng tao at hanggang sa katapusan ng mundo.  Si Satanas ay kumikilos sa pangunahing likas ng kasalanan para maakay ang lalake at babae para sa pang-isang gawa ng kasalanan.  Ang pangunahing likas (na tinatawag na laman) ay nagdulot ng kakila-kilabot, makasalanang mga gawa ng walang katuwiran.  Ang Diyablo ay nanatiling gumagawa sa mundo (kapaligiran) para matupad ang kanyang mga pakay.  Siya ay kumikilos sa pamamagitan ng mga demonyo at lalake at babae na ipinapailalim ang kanilang mga kalooban sa kanya.

Ang Allâh سبحانه وتعالي ay naglaan ng paraan para makatakas mula sa makasalanang mundo (kapaligiran), upang ang tao ay maaaring mailigtas mula sa kakila-kilabot na epekto ng espirituwal na kamatayan.  Isinugo ng Dakilang Panginoon ang mga hinirang na Propeta upang kanilang ihatid ang Banal na Kapahayagan bilang babala sa sangkatauhan.  Sa bawat henerasyon at sa bawat pamayanan ay walang nalaktawan sa mensahe mula sa una at huling Sugo ng Allâh سبحانه وتعالي  at hindi maaaring pabulaanan kung ano Kautusan.  Sa mga nagtatakwil sa pananampalataya at tumatalikod sa Allâh سبحانه وتعالي ay ang mga taong nag-aakibat ng ibang Auliya (kapanalig, kawaksi at tagatangkilik) ay Taghut (mga diyus-diyosan, idolo, imahen, mga likhang bagay na sinasamba, atbp).  Silang mga Taghut ang naghantong (naglabas) sa kanila mula sa liwanag tungo sa kadiliman.  Ang mga pasaway na tao ay ang mga Zalimun (mga gumagawa ng kamalian, tampalasan, buktot, kriminal, buhong, pagano, atbp.) na walang takot sa Allâh سبحانه وتعاليSila (na hindi nananampalataya) ang naging tagasunod ni Iblis (Satanas) na makakasama niya at manananahan sa Impiyerno magpakailanman.  Ang mga sumusunod na lathalain ay ang patungkol sa mga hinirang na Propeta ng Allâh سبحانه وتعالي .  Simula sa una at sa huling Sugong nagbigay ng babala at pamamatnubay sa buhay na ito.

Ang mga Propeta (Sugo) ay ang mga itinanging tao na hinirang ng Allâh سبحانه وتعالي na pinagkalooban nang nakatátaás na uri ng katángian.  Ang matatag nilang pananampalataya, mabuting kaasalan, likas nilang pagsunod at kababahan ng loob.  Sila (mga Propeta) ang nagtuturo at nagbibigay ng mga magagandang halimbawa at pamamatnubay sa tamang daan  upang ang tao ay malayo sa maling katuruan ng mga mapaggawa ng kamalian.  Isa sa pinakamahalagang kaalaman na itinuro sa kanila ng Allâh سبحانه وتعالي  ay Kanyang Banal na Aklat (Kapahayagan).  Ang Allâh سبحانه وتعالي  ay nagsabi sa Banal na Qur’an:
وَلَقَدْ بَعَثْنَا فِي كُلِّ أُمَّةٍ رَسُولًا أَنِ اُعْبُدُوا اللَّهَ وَاجْتَنِبُوا الطَّاغُوتَ فَمِنْهُمْ مَنْ هَدَى اللَّهُ وَمِنْهُمْ مَنْ حَقَّتْ عَلَيْهِ الضَّلَالَةُ فَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَانْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُكَذِّبِينَ (36)

Banal na Qur’an (Sûrat 16 an-Nahl :36)
36 – At katotohanang Kami ay nagsugo sa bawat Ummah (bansa o pamayanan) na isang Sugo (na nagpapahayag):  “Sambahin lamang ang Allâh at iwasan (o layuan) ang lahat ng Taghut (lahat ng mali o huwad na sinasamba, maliban sa Allâh).”  At ang ilan sa kanila ay ginabayan ng Allâh, at ang ilan (naman) sa kanila ay naitakda para sa kanya ang pagkaligaw (ng may karampatan).  Kaya’t magsipaglakbay kayo sa kalupaan at malasin kung ano ang kinahihinatnan ng mga nagtakwil (sa Katotohanan).

Hinirang ng Allâh سبحانه وتعالي ang mga Propeta upang ipalaganap ang Kanyang Kapahayagan sa sangkatauhan.  Bawat pamayanan sa bawat henerasyon ay patuloy na ipinapahayag at ipinapakita sa mga tao ang tamang daan ng katotohanan.  Itinuturo nila kung papaano ang tamang pagsamba, inilalarawan ang mabubuting asal, ang pagsunod sa Kalooban ng Allâh سبحانه وتعالي at sa relihiyong Islam, hanggang sa kahuli-huliang Propeta (صلي عليه وسلام).  Ang Allâh سبحانه وتعالي  ay nagsabi na ang lahat ng Kanyang hinirang na Propeta ay tumanggap ng Kapahayagan alinsunod sa Kanyang Batas dito sa kalupaan:
وَجَعَلْنَاهُمْ أَئِمَّةً يَهْدُونَ بِأَمْرِنَا وَأَوْحَيْنَا إِلَيْهِمْ فِعْلَ الْخَيْرَاتِ وَإِقَامَ الصَّلَاةِ وَإِيتَاءَ الزَّكَاةِ وَكَانُوا لَنَا عَابِدِينَ (73)

Banal na Qur’an (Sûrat 21 al-Anbiyā’ :73)

73 – At sila ay ginawa Naming mga pinuno na namamatnubay (sa sangkatauhan) sa pamamagitan ng Aming Pag-uutos, at ipinagkaloob Namin ang inspirasyon sa kanilang (puso) sa paggawa ng mga kabutihan, ang ganap na pag-aalay ng Salah (takdang pagdarasal) nang mahinusay, at ang pagbibigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa), at tanging sa Amin lamang ang kanilang pagsamba.