Translate

Lunes, Abril 8, 2013

INI-AKYAT ANG KATAWAN AT KALULUWA NI HESUS SA LANGIT NG ALLAH [SWT]

اللَّه يأخذ النبي عيسى فى السماء بجسده وروحه

Ito ay nakalulungkot na katotohanan ng kasaysayan na marami ang hindi sumunod sa “tuwid na landas” na siyang panawagan ni Hesus (عيسى عليه السلام) sa kanyang pamayanan.  Ang maliwanag na naging kasaysayan ng buhay ni Hesus ay nailahad sa Banal na Qur’an.  Simula sa kanyang ina hanggang sa pagtaas sa kanya sa langit ay binigyang linaw at katotohanan.  Kaya’t katotohanan ang kanyang pag-akyat sa langit ay may kasunod ng muling pagbabalik.  Hindi lamang bilang isang tanda ngunit upang tapusin ang kanyang tunay na layunin.
 
سورة النساء
بَلْ رَفَعَهُ اللَّهُ إِلَيْهِ وَكَانَ اللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمًا (158)

Paglalarawan: h001

Banal na Qu’ran: (Surah An-Nisâ [4]:158)
158 – Datapuwa’t itinaas siya (Hesus) sa (kanyang katawan at kaluluwa) ng Allâh sa Kanyang piling (at si Hesus ay nasa kalangitan [ngayon]). At ang Allâh ay Lalagi nang Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.


Ang ilan niyang mga disipulo ay tumalima sa kanya at binigyang damdamin ang Diyos upang panigan siya.  Hindi lamang ito, kundi gayon din naman ang mga di sumasampalataya ay nagpakana na siya’y patayin. Subalit ang Diyos ay may higit na mainam na balak para sa kanya at sa kanyang tagasunod.
Bagama’t ang Banal na Qu’ran ay di nagtatambad sa lahat ng naging pamumuhay ni Hesus, ito ay nagtatampok lamang sa mga mahahalagang bahagi ng kanyang pagsilang, ng kanyang layunin, ng pag-akyat niya sa langit, at naghatid ng pagpapasya sa kapaniwalaang Kristiyano tungkol sa kanya. Pagdating ng Hukom.   Katotohanang  si Hesus (  عيسى عليه السلام) ay muling ibabalik ng Allâh سبحانه وتعالي  sa ibabaw ng lupa upang ganapin at tapusin ang kanyang layunin.  Sa relihiyong Islam, ang paniniwala ng mga Muslim tungkol sa pagbabalik ni Hesus ay hindi isang kathang-isip, kuwento o alamat na minana mula sa nagdaang panahon kundi ito ay Huling Kasulatang ipinahayag ng Allâh سبحانه وتعالي  at sa mga Hadith (aral, salaysay o salita) ng Sugo ng Allâh na si Muhammad [saw].
Ang pagbabalik ni Hesukristo ay maliwanag na nakatala sa Banal na Qur’an at maging sa mapapanaligang Hadith (salaysay) ng huling propeta ng Allâh سبحانه وتعالي , si Muhammad [saw].  Ang Dakilang Allâh سبحانه وتعالي ay nagbigay ng katiyakan na si Hesus ay darating.  Ito ay matutunghayan sa Banal na Qur’an:
سورة الزخرف

وَإِنَّهُ لَعِلْمٌ لِلسَّاعَةِ فَلَا تَمْتَرُنَّ بِهَا وَاتَّبِعُونِ هَذَا صِرَاطٌ مُسْتَقِيمٌ (61)

Banal na Qu’ran: (Surah As-Zukruf [43]:61)
61 – At siya (si Hesus, anak ni Maryam) ay magiging kilalang tanda para (sa pagdating ng takdang) Oras. Samakatuwid, huwag kayong mag-alinlangan hinggil dito. At sumunod sa Akin! Ito ang matuwid na landas.”


Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag na si Hesus (  عيسى عليه السلام) ay isa sa mahahalagang palatandaan ng pagsapit ng Takdang Oras.  Kaya naman bawa’t tao ay pinag-uutusang magbalik-loob at tuwirang tumalima sa pagsamba sa Nag-iisang Diyos, ang Dakilang Allâh سبحانه وتعالي .
Sa buong kasaysayan, hindi maitatwa na hanggang sa kasalukuyang panahon, ay hindi tinatanggap at kinikilala ng mga Hudyo si Hesus bilang dakilang propeta at sugo ng Allâh سبحانه وتعالي.  Nguni’t,  sa kanyang pagbabalik, siya ay hayagang kikilalanin ng mga Hudyo at Kristiyano. Ito ay nakatala sa Banal na Qur’an. Ang Dakilang Allâh سبحانه وتعالي  ay nagpahayag:
سورة النساء

وَإِنْ مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ إِلَّا لَيُؤْمِنَنَّ بِهِ قَبْلَ مَوْتِهِ وَيَوْمَ الْقِيَامَةِ يَكُونُ عَلَيْهِمْ شَهِيدًا (159)

Banal na Qu’ran: (Surah An-Nisâ [4]:159)
159 – At walang isa man sa Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano) nguni’t nararapat na maniwala sa kanya (Hesus) bago (sumapit kay Hesus) ang kanyang kamatayan. At sa Araw ng Pagkabuhay Muli, siya ay magiging saksi laban sa kanila.”


Mula naman sa mga mapananaligang Hadith ng Sugo ng Allâh سبحانه وتعالي , si Muhammad [saw], ito ang kanyang sinabi:  “Siya (si Hesus) ay bababa, at kung siya ay inyong makikita, siya ay inyong makikilala.
Siya ay mayroong matipunong pangangatawan, (ang kulay na kanyang balat) ay nasa pagitan ng pula at puti. Siya ay bababa habang siya ay nakasuot ng dalawang mahabang dilaw na damit.  Ang kanyang ulo ay tila mayroong patak ng tubig, kahit na ito ay hindi basa. Kanyang babakliin ang mga krus, papatayin ang mga baboy, at aalisin niya ang Jizya (buwis) at siya ay mananawagan para sa Islam.
Hindi lingid sa atin na ang sinasagisag ng Kristiyanismo ay ang Krus. Ang kanilang pananampalataya ay nakaugnay, at nakasalig sa krus sapagka’t pinaniniwalaan nila na ang pagpako sa krus ni Hesus ay siyang paraan ng pagtubos sa kasalanan ng sangkatauhan.
Nguni’t, ang pagbakli ni Hesus sa mga krus ay isang pagpapahiwatig lamang na siya ay hindi naipako at namatay sa krus, samakatuwid walang katotohanan ang kanyang pagtubos  ng kasalanan. Pinatutunayan ito ng Banal na Qur’an:
سورة النساء

وَقَوْلِهِمْ إِنَّا قَتَلْنَا الْمَسِيحَ عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ رَسُولَ اللَّهِ وَمَا قَتَلُوهُ وَمَا صَلَبُوهُ وَلَكِنْ شُبِّهَ لَهُمْ وَإِنَّ الَّذِينَ اخْتَلَفُوا فِيهِ لَفِي شَكٍّ مِنْهُ مَا لَهُمْ بِهِ مِنْ عِلْمٍ إِلَّا اتِّبَاعَ الظَّنِّ وَمَا قَتَلُوهُ يَقِينًا (157) بَلْ رَفَعَهُ اللَّهُ إِلَيْهِ وَكَانَ اللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمًا (158)

Banal na Qu’ran: (Surah An-Nisâ [4]:157-158)
157 – At dahil sa kanilang pagmamalaki (nang may kapalaluan ay kanilang sinabi), “Pinatay namin ang Messiah si Issa (Hesus) ang anak ni Maria, (at) ang Sugo ng Allâh.” Datapuwa’t (katotohanan) siya ay hindi nila napatay, ni naipako sa krus, bagkus lumitaw nga ito sa kanila ang gayong (tagpo). At yaong mayroong pagkakaiba-iba hinggil dito ay tigib ng pag-aalinlangan. Sila ay walang (tiyak na) kaalaman, (at) wala silang sinusunod maliban sa mga haka-haka lamang.
158 – Sapagka’t katotohanan nga, siya ay hindi nila napatay. Bagkus itinaas siya ng Allâh patungo sa Kanyang Sarili. At ang Allâh ay Lagi nang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.”


Papaano nga ba narating ng mga Kristiyano ang ganitong paniniwala na si Hesus ang tumubos ng kasalanan ng sangkatauhan?  Hindi ba’t napakaliwanag ng mga talata sa Luma at Bagong Tipan ng Bibliya?  Hindi kailanman binanggit ni Hesus na siya ang tutubos ng kasalanan ng sangkatauhan.  Siya ay hinirang ng Diyos bilang isang propetang magbibigay ng babala sa pamayanan ng Israel at ituro sa mga taong makasalanan at nakalimot sa nag-iisang Diyos.  Ganoon din naman sa mga naunang mga propetang hinirang ng Diyos – wala silang ibang ipinagbabadya sa mga tao kundi ang sundin kung anong Batas o Banal na Kapahayagan sa sangkatauhan.  Sila (mga propeta) ang naging instrumento upang maging “daan” sa kaligtasan at sila’y mga tao rin na merong pananagutan sa Diyos. 
 
Walang sapat na batayan upang paniwalaan ang mga nagturo na si Hesus ang tumubos sa kasalanan ng sangkatauhan.  Katotohanang walang pananagutan sa tao ang isang propetang hinirang ng Diyos kung ito’y sumunod man o hindi sa Banal na Kapahayagan.  Tanging tungkulin ng propeta ay magbigay ng babala at iparating sa tao ang ipinag-uutos ng ating Poong Maykapal.  Subalit ang pagtanggap sa Kapahayagan ng Diyos ay nasa tao na rin mismo kung ito’y susunod o hindi.”  Basahin natin ang isang talata sa Lumang Tipan ng Bibliya upang maunawaan natin kung sino ang tutubos sa kasalanan ng tao.”
Ang Diyos ay nagwika:  [Ezekiel 18:4-20]  (حزقيال 4:18-20)Akin ang buhay ng lahat ng tao, maging sa ama o sa anak, at ang kaluluwang magkasala ay mamamatay.  Halimbawa na may isang taong masunurin sa Kautusan, tapat at lumalakad sa katuwiran. Hindi siya nakikisalo sa handog na inihain sa mga burol, hindi sumasamba sa mga diyus-diyusan ng Israel. Hindi siya nangangalunya ni sumisiping sa babaing pinapanahon. Hindi siya nandadaya ng kapwa o nagnanakaw. Ibinabalik niya agad sa may-ari ang sangla ng nangungutang sa kanya. Marunong siyang tumulong sa nangangailangan. Hindi siya nagpapatubo sa pagpapahiram ng pera. Siya ay makatarungan. Sinusunod niya ang aking mga utos at mga tuntunin. Ang ganitong tao ay matuwid at mabubuhay siya.  “Sakaling magkaanak siya ng magnanakaw, mamamatay-tao at hindi sumusunod sa alinman sa mga tuntuning ito, bagkus ay nakikisalo sa mga handaan sa mga burol, sumisiping sa asawa ng iba, umaapi sa mahihirap, nagnanakaw, hindi marunong magbayad ng utang, sumasamba sa diyus-diyusan, gumagawa ng mga kasuklam-suklam na gawain, at nagpapatubo. Palagay ba ninyo’y mabubuhay ang anak na ito? Hindi! Tiyak na mamamatay siya dahil sa mga kasuklam-suklam niyang gawain. Kung magkagayon, walang ibang dapat sisihin kundi siya. “Halimbawa namang siya ay may anak. Nasaksihan ng anak na ito ang kasamaan ng kanyang ama, ngunit hindi niya pinarisan. Hindi siya nakisalo sa mga handaan sa burol, hindi sumamba sa mga diyus-diyusan, hindi sumisiping sa asawa ng iba. Hindi rin siya gumawa ng masama kaninuman, hindi nanamsam ng sangla, at hindi nagnakaw. Siya ay matulungin sa nangangailangan, lumalayo sa kasamaan, hindi nagpapatubo ng pautang, sumusunod sa aking Kautusan at lumalakad ayon sa aking mga tuntunin. Mabubuhay ang anak na yaon. Hindi siya mamamatay dahil sa kasamaan ng kanyang ama. Ang kanyang ama ay mamamatay pagkat nagnakaw at gumawa ng masama sa kanyang kapwa. “Maaaring itanong mo kung bakit di dapat pagdusahan ng anak ang kasalanan ng ama. Pagkat matuwid ang mga gawa ng anak, sumunod siyang mabuti sa aking mga tuntunin, kaya dapat siyang mabuhay. Ang nakasala ang dapat mamatay.  Ang anak ay di dapat magdusa dahil sa kasalanan ng ama, at ang ama ay di dapat magdusa dahil sa kasamaan ng anak. Ang matuwid ay mabubuhay dahil sa kanyang pagiging matuwid at ang masama ay mamamatay sa kanyang kasamaan.”


Hindi ba’t napakaliwanag ng talatang nabanggit na ang “buhay at kamatayan” ay nasa kamay lamang ng Dakilang Tagapaglikha.  Ang salitang “tinubos” ay walang pinagkaiba sa mga bagay na pinapatungan ng interes at sa malapit pang salita ito’y isinangla.  Ibig sabihin lamang nito na kung meron kang isinanglang bagay o gamit meron ka rin palugid upang “tubusin” ang nasabing gamit.  Papaano pala kung dumating ang araw na nakatanggap ka ng “babala” at wala kang pantubos – hindi kaya ito maririmata?  Kung ikaw ay isang mabuting ama o magulang ng isang mabuting anak, makatarungan bang gawin mong pantubos ang minamahal mong anak sa mga taong tampalasan, kriminal, makasalanan, hungkag, atbp?  Napakalabo, hindi ba?
Ang ilan pa sa mga gagawin ni Hesus ay ang pagpatay niya sa mga baboy. Bakit nga kaya nararapat niyang patayin ang mga baboy samantalang ito ay hayagang kinakain ng mga makabagong Kristiyano? Ano nga kaya ang sapat na dahilan?  Ang pagpatay ni Hesus sa mga baboy ay pagpapahiwatig na ito ay isang marumi at karumal-dumal na hayop na hindi dapat kainin ng mga (tao) kristiyano.  Kung susuriin natin, sa tatlong mananampalataya o may pagkatakot sa utos at batas ng Diyos – ang (Hudyo, Kristiyano, at Muslim) tanging ang mga Kristiyano lamang ang kumakain ng baboy samantalang ang Bibliya ay tuwirang nagbabawal kainin ang karne ng baboy o maruming hayop.  Mababasa sa:


[Isaias 66:15-19] (إشعياء 15:66-19)
15 – Darating si Yahweh na may dalang apoy; At nakasakay sa mga pakpak ng bagyo; Upang parusahan ang mga kinamumuhian niya.
16 – Apoy at tabak ang gagamitin Niya; Sa pagpaparusa sa mga nagkasala – Tiyak na marami ang mamamatay.
17 – Ang sabi ni Yahweh, “Malapit na ang wakas para sa mga naglilinis ayon sa tuntunin ng pagsambang pagano, nagpuprusisyon sa mga sagradong hardin at kumakain ng karne ng baboy, daga at iba pang hayop na karumal-dumal.
18 – Nalalaman ko ang iniisip nila at mga ginagawa.  Darating ako upang tipunin ang lahat ng bansa, at ang mga taong iba’t iba ang wika.  Malalaman nila kung gaano Ako Kadakila.
19 – Malalaman din nilang ako ang nagpaparusa sa kanila.  Ngunit magtitira ako ng ilan upang ipadala sa iba’t ibang bansa.  Susuguin ko sila sa Tarsis, sa Pul at sa Lydia, mga dakong sanay sa paggamit ng pana. Magsusugo rin ako sa Tubal at Javan, at sa mga baybaying hindi pa ako nababalita sa aking kabantugan. Ipahahayag nila sa lahat ng bansa kung gaano Ako Kadakila.

Mbabasa sa: [Levitico 11:7-8]  (اللاويين 7:11-8)
Ang baboy, biyak nga ang kuko, nguni’t hindi naman ngumunguya ng pagkain mula sa sikmura, kaya hindi ito dapat kainin. Huwag kayong kakain ng karne ni hihipo man ng mga patay na hayop na iyan; marurumi iyan para sa inyo.”

Gayon  din  naman,  sa  Banal na Qur’an, mahigpit na ipinagbabawal ito.  Ang Dakilang Allâh سبحانه وتعالي  ay nagsasabi:

سورة المائدة

حُرِّمَتْ عَلَيْكُمُ الْمَيْتَةُ وَالدَّمُ وَلَحْمُ الْخِنْزِيرِ وَمَا أُهِلَّ لِغَيْرِ اللَّهِ بِهِ وَالْمُنْخَنِقَةُ وَالْمَوْقُوذَةُ وَالْمُتَرَدِّيَةُ وَالنَّطِيحَةُ وَمَا أَكَلَ السَّبُعُ إِلَّا مَا ذَكَّيْتُمْ وَمَا ذُبِحَ عَلَى النُّصُبِ وَأَنْ تَسْتَقْسِمُوا بِالْأَزْلَامِ ذَلِكُمْ فِسْقٌ الْيَوْمَ يَئِسَ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ دِينِكُمْ فَلَا تَخْشَوْهُمْ وَاخْشَوْنِ الْيَوْمَ أَكْمَلْتُ لَكُمْ دِينَكُمْ وَأَتْمَمْتُ عَلَيْكُمْ نِعْمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ الْإِسْلَامَ دِينًا فَمَنِ اضْطُرَّ فِي مَخْمَصَةٍ غَيْرَ مُتَجَانِفٍ لِإِثْمٍ فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ (3)

Banal na Qu’ran: (Surah Al-Mâidah [5]:3)
3 – Ang ipinagbabawal sa inyo (bilang pagkain) ay ang mga Maitah (mga patay na hayop na hindi kinatay), ang dugo, ang laman ng baboy, at ang karne (ng mga hayop) na kinatay bilang alay (sakripisyo) sa iba maliban pa sa Allah, o ang mga kinatay (na hayop) patungkol sa diyus-diyosan, atbp., o sa mga hayop na hindi binanggit ang Ngalan ng Allâh habang kinakatay, at ang mga pinatay sa pagkabigti (o pagkasakal), o sa pamamagitan ng matinding hampas, o sa pagkahulog sa bangin (o mataas na lugar), o sa pagkasila sa pamamagitan ng sungay, - at ang mga nakain na (ang bahagi) ng mababagsik (maiilap) na hayop, maliban na lamang kung nakuha pa ninyo na katayin ito (bago mamatay), - at ang mga inialay (kinatay) sa An-Nusub (mga altar na bato). (Ipinagbabawal) din ang paggamit ng busog (o palaso) upang humanap ng suwerte o kapasiyahan, ang (lahat) ng ito ay Fisqun (pagsuway sa Allâh at [isang] kasalanan).  Sa araw na ito, ang lahat ng mga hindi sumampalataya ay nawalan na ng lahat ng pag-asa (na magtagumpay laban) sa inyong Relihiyon, kaya’t sila ay huwag ninyong pangambahan, datapuwa’t Ako ay inyong pangambahan.  Sa araw na ito ay pinaging ganap Ko ang inyong Relihiyon para sa inyo, at nilubos Ko ang Aking paglingap sa inyo, at Aking itinakda sa inyo ang Islam bilang inyong Relihiyon.  Datapuwa’t siya na napilitan dahil sa matinding pagkagutom, na walang pagnanais na magkasala (sila ay pinahihintulutang kumain ng gayong mga laman o karne nang maliit lamang upang hindi mapinsala ang kanilang sarili), at katotohanang ang Allâh ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.


Kung ating susundin at pag-aaralan ang mga utos at batas nang ating Dakila at nag-iisang Tagapaglikha. Ang kalinisan ay isang bahagi ng tunay na relihiyon at bilang pagsunod, pagtalima, at pagpapasakop sa kalooban ng ating nag-iisang Tagapaglikha, ang Allâh سبحانه وتعالي.  Sa Islam, ang kalinisan ay hindi lamang nakatuon sa kaluluwa at pangangatawan ng tao kundi maging ang pagkain ng mga malilinis na bagay ay isang tungkulin na dapat bigyan ng kaukulang pansin ng isang tunay na mananampalataya at sumusunod sa batas.  Ito ay isang hakbangin tungo sa pagsasanay ng kalinisan upang makamtan “ang ganap na kalinisan na likas sa tao.” 
Maging sa larangan ng agham na pangkalusugan, maraming dalubhasang doktor ang nagbigay ng matibay na ebidensiya na ang baboy ay hindi angkop para sa tao sapagka’t ito ay tagapagdala ng nakakahawang-sakit o “virus” na nagiging dahilan upang ang isang tao ay magkaroon ng iba’t ibang uri ng karamdaman tulad na lamang ng kanser, bronchitis, trichinosis, kolera, tuberculosis, clonorchiasis (sakit sa atay), diarrhea, pneumonia at iba pa.  Ayon na rin sa mga dalubhasang doktor, mayroong mga “virus” mula sa baboy na hindi namamatay kahit sa kumukulong tubig.


PIG disease may be spreading between humans: - Vaccines to combat a deadly pig-borne disease were flown to south-western China on 10 August 2005, where the spread of the rare illness has already killed 36 people and infected 198.  The unusually high numbers of people infected by the swine disease has led scientists to speculate that it may be being spread from human-to-human – or that another disease entirely is to blame.  Streptococcus suis type II, although relatively common in swine, spreads to humans extremely rarely, and the size and virulence of this current outbreak, in the province of Sichuan, has taken the World Health Organization by surprise.
(NewScientist.com news service)


Kaya’t kung ang mga Banal na Kasulatan na ibinaba sa lupa at pinag-utos kina propeta Moises, Hesus at Muhammad (sumakanila nawa ang kapayapaan) ay nagkaisang ipagbawal ang pagkain nito kaalinsabay ng pagpapatunay ng agham na ang baboy ay nagdudulot ng sakit para sa tao, ito ay tanda lamang na ang pagkain nito ay dapat talikdan at huwag kainin.
Sa pangangaral din ni Hesus sa Bagong Tipan ng Bibliya, kanyang ipinahiwatig na ang baboy ay sadyang tanda ng karumihan at pagkakasala, pinagaling niya ang mga gadarenong inaalihan ng mga demonyo. Namanhik sa kanya ang mga demonyo  at ang sabi nila kay Hesus:


[Mateo 8:31-32] (ماتّيو 31:8-32)
Kung kami’y palalayasin mo, bayaan mo kaming pumasok sa malaking kawan ng baboy na nanginginain.”  Sinabi ni Hesus, “Humayo kayo.” Kaya’t lumabas sila sa dalawang lalaki na inalihan ng mga demonyo at pumasok sa mga baboy. Ang buong kawan ay biglang sumibad ng takbo tungo sa bangin, nahulog sa lawa, at nalunod.”


Samakatuwid, napakaliwanag na isang tanda ang ipinahiwatig ni Hesus sa mga tao upang maunawaan ang ibig sabihin ng karumihan at pagkakasala.  Kahit pa magkaroon ng makabagong aghám, dapat pa rin sundin kung ano ang batas at pinag-uutos ng Allâh سبحانه وتعالي, at hindi iyong sumuway at ipagwalang-bahala nalang ng tao kung saan dapat lumagay.  Mula sa Banal na Qur’an, ang Dakilang Allâh سبحانه وتعالي ay nagsabi at nag-utos sa Kanyang mga Sugo (Propeta):
 

سورة المؤمنون

يَا أَيُّهَا الرُّسُلُ كُلُوا مِنَ الطَّيِّبَاتِ وَاعْمَلُوا صَالِحًا إِنِّي بِمَا تَعْمَلُونَ عَلِيمٌ (51)

Banal na Qu’ran: (Surah Al-Mu’minun [23]:51)
51 – O kayong mga Sugo! Magsikain kayo ng Tayyibat (mga mabubuti at pinahihintulutang pagkain) at gumawa ng mga gawang kabutihan. (Sapagka’t) Katotohanan, Lubusan Kong Nababatid kung ano ang inyong ginagawa.


Kung ating babalikan ang kasaysayan ng paglikha, walang pinagkaiba sa Banal na Kautusan ng Diyos ang ipinahayag sa unang tao na kung papaano Niya binigyang kapahintulutan kainin ang mga pagkain hindi ipinagbawal at ipinagbabawal. Subalit ang tao’y napakahina sa pagsubok at nagiging pasaway sa Diyos dahilan lamang sa makamundong bagay.
Napakaraming nilalang sa lupa ang bumabagsak sa pagsusulit sa kadahilanang madaling makalimot ang tao at madaling mahatak ng kadiliman. Hindi rin naman nagkulang sa pagbibigay ng babala o mensahe ang Poong Maykapal upang magbalik-loob at talikdan ang kasalanan. Kaya naman nangako ang Diyos na may naghahantay na gantimpala sa mga matutuwid at tahanan para sa mga makasalanan at hungkag ang kaisipan. Maging sa Lumang Tipan ng Bibliya ay paunang sinabi na ng Diyos ang KAPARUSAHAN pagdating ng HUKOM.


[Isaias 66:15-19] (إشعياء 15:66-19)
Ang Paghatol ni Yahweh sa mga Bansa
Darating ang Diyos na may dalang apoy at nakasakay sa mga pakpak ng bagyo upang parusahan ang mga kinamumuhian Niya. Apoy at tabak ang gagamitin Niya sa pagpaparusa sa mga nagkasala. Tiyak na marami ang mamamatay.
Ang sabi ng Diyos, ‘Malapit na ang wakas para sa mga naglilinis ayon sa tuntunin ng pagsambang pagano, nagpuprusisyon sa mga sagradong hardin at kumakain ng karne ng baboy, daga at iba pang hayop na karumal-dumal.

Nalalaman ko ang iniisip nila at mga ginagawa. Darating ako upang tipunin ang lahat ng bansa, at ang mga taong iba’t iba ang wika. Malalaman nila kung gaano ako kadakila. Malalaman din nilang ako ang nagpaparusa sa kanila.”


Marahil, ito ay sapat na upang isaalang-alang bilang isang pangunahing dahilan kung bakit sa pagbabalik ni Hesus, ang isa sa kanyang mga tungkulin ay kanyang babakliin ang mga krus, at ang pagpatay sa mga baboy.  Matutunghayan din natin kung papaano rin nagbigay ng babala si Hesus sa mga tao bago siya lumisan pansamantala sa lupa at muling magbabalik. Basahin ang talata sa Bagong Tipan ng Bibliya:

Paglalarawan: h002


[Mateo 24:27-31] (ماتّيو 27:24-31).
“Sapakat kung gaano kabilis gumuhit ang kidlat mula sa silangan hanggang sa kanluran, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng Tao. Kung saan naroroon ang bangkay, doon naman magkakatipon ang mga buwitre.” Pagkatapos ng kapighatiang iyon, ‘magdidilim ang araw, at hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang kapangyarihan sa kalawakan. Pagkatapos ay lilitaw sa langit ang tanda ng Anak ng Tao, at mananangis ang lahat ng bansa. Makikita nila ang Anak ng Tao na nasa alapaap, dumarating na may dakilang kapangyarihan at malaking karangalan. Sa hudyat ng malakas na tunog ng trompeta, susuguin ng Diyos ang kanyang mga anghel sa apat na panig ng daigdig at titipunin nila ang mga hinirang, mula sa lahat ng dako.”

Batay naman sa Hadith na isinalaysay ni An-Nawwas bin Saman tungkol sa pagbabalik ni Hesu-kristo:

Paglalarawan: h003

Siya ay bababa na malapit sa puting minaret ng dakong Silangan ng Damascus.  Siya ay nakasuot ng dalawang damit na mapusyaw ang kulay, na ang dalawang kamay ay nasa mga pakpak ng dalawang anghel…”  Itinala ni Muslim 4:2250


Ang isa pang pinakamahalagang layunin ni Hesus sa muling pagbabalik niya sa lupa ay ang pagpapalaganap niya nang Relihiyong Islam. Napakalawak ng paksang ito nguni’t piliin lamang natin ang mga mahahalagang bagay na nauukol dito. Ang pagpapalaganap ni Hesus ng Islam ay isang patunay na ang kanyang relihiyong sinusunod at kinikilala ay ang Islam at ito ang relihiyong ipinag-utos sa kanya ng Dakila at Makapangyarihan Allâh سبحانه وتعالي
Katotohanan lamang na ang kaligtasan ng isang tao ay isang pansariling pagpupunyagi sa pamamagitan ng mga gawang kabutihan at pagkakaroon ng tamang pagsamba at pananalig sa Dakilang Allâh سبحانه وتعالي .  Hindi makatuwiran at sadyang lihis sa diwa ng katarungan na si Hesus ay nararapat na magpasan sa kasalanan ng sangkatauhan.

Sa kanyang panahon, pupuksain ng Allâh سبحانه وتعالي ang lahat ng relihiyon maliban sa Islam at wawasakin ng Allâh سبحانه وتعالي ang Bulaang Kristo (Al Masih Ad-Dajjal). Ang katiwasayan ay mangingibabaw sa kalupaan, na halos ang mga leon ay makikisalamuha sa mga kamelyo, tigre, asno at lobo at tupa. Ang mga bata ay makikipaglaro sa mga ahas, at sila ay hindi matutuklaw (pipinsalain). Si Hesus (  عيسى عليه السلام) ay mananatili ng apat-napung taon (40 na taon) at pagkaraan ay mamamatay, at ang mga Muslim ay makikipaglibing para sa kanya.” Itinala nina Abu Dawud Bilang 4324, Ahmad 2:406 at At-Tabari 9:388.


At walang sinumang nakakaalam kung kailan darating ang Yawmul Qiyamah (Paghuhukom) at ang Susi ng Al-Ghaib (buhay at kamatayan, at atbp) maliban sa Kanyang mga Tanda (Ayat) , walang sinuman ang makagagawa at nakakaalam nito kundi ang ating nag-iisang Tagapaglikha, ang Allâh سبحانه وتعالي .
Ang Allâh سبحانه وتعالي  ay nagsasabi:

سورة الأنعام

وَعِنْدَهُ مَفَاتِحُ الْغَيْبِ لَا يَعْلَمُهَا إِلَّا هُوَ وَيَعْلَمُ مَا فِي الْبَرِّ وَالْبَحْرِ وَمَا تَسْقُطُ مِنْ وَرَقَةٍ إِلَّا يَعْلَمُهَا وَلَا حَبَّةٍ فِي ظُلُمَاتِ الْأَرْضِ وَلَا رَطْبٍ وَلَا يَابِسٍ إِلَّا فِي كِتَابٍ مُبِينٍ (59) وَهُوَ الَّذِي يَتَوَفَّاكُمْ بِاللَّيْلِ وَيَعْلَمُ مَا جَرَحْتُمْ بِالنَّهَارِ ثُمَّ يَبْعَثُكُمْ فِيهِ لِيُقْضَى أَجَلٌ مُسَمًّى ثُمَّ إِلَيْهِ مَرْجِعُكُمْ ثُمَّ يُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ (60)


Banal na Qu’ran: (Surah Al’Anam [6]:59-60)
59 - At Siya ang nag-aangkin ng mga Al-Ghaib (lahat ng bagay na nakalingid tulad ng kaluluwa, kabilang buhay, atbp.): walang sinuman ang nakakaalam ng mga ito maliban sa Kanya. At talastas Niya kung anuman ang nasa kalupaan at nasa karagatan; wala ni isa mang dahon ang malalaglag nang hindi Niya batid. Wala ni isa mang butil sa kadiliman ng kalupaan, gayundin ang anumang bagay na sariwa o tuyo, na hindi nakatala sa isang Malinaw na Talaan.
60 - Siya ang kumukuha ng inyong kaluluwa sa gabi (kung kayo ay natutulog), ay may lahat ng kaalaman sa lahat ng inyong ginawa sa maghapon, at Kanyang ibinabangon (ginigising) kayong muli upang ang isang natataningang panahon (ang haba ng inyong buhay) ay matupad, at pagkatapos, sa Kanya ang inyong pagbabalik. At Kanyang ipapaalam sa inyo kung ano ang inyong ginawa.


Katulad din ng ipinagbadya ni Hesus (  عيسى عليه السلام), titipunin ng mga Anghel ng Diyos ang mga tunay na hinirang (mga Propeta), mula sa lahat ng dako ng apat na panig ng daigdig.”  At sila na mga hinirang (mga Propeta), ang magiging Wali (Tagapagtanggol) at saksi sa lahat ng mga tunay na Muslim na sumampalataya at sumamba sa kaisahan ng Allâh سبحانه وتعالي .  At ang lahat ng mga hinirang (mga Propeta) at lahat ng mga tunay na Muslim na kanilang sinasamba at pinaniniwalaan ay walang iba kundi ang nag-iisang  Allâh  سبحانه وتعالي .

Martes, Abril 2, 2013

HINDI NAMATAY SA KRUS SI PROPETA HESUS [ISSA]

لم يمت النبى عيسى ابدا على الصليب

Mga haka-haka lamang ng mga taong mapaggawa ng kamalian ang silang naglihis ng katotohanan. Ang katotohanang kailanman ay hindi naipako sa krus si Hesus (عيسى عليه السلام) at namatay at muling nabuhay pagkalipas ng tatlong araw.  Dahil sa mga taong Zalimun at hungkag ang kaisipan,  ang mga Tanda (Ayat) na ipinahiwatig ni Hesus (عيسى عليه السلام) ay hindi nauunawaan at napakapurol ng kanilang kaalaman at nagawa pa nilang lasunin ang kaisipan ng mga taong naghahanap ng katotohanan.
Lagi nalang himala sa langit ang nasa isipan ng ibang tao kaya naman magpasa-hanggang ngayon  hindi sila napapatnubayan sa tamang patnubay. Nang si Hesus (عيسى عليه السلام) ay nandito sa lupa, siya ay hinanapan ng palatandaang mula sa langit ng ilang Eskriba[1] at Pariseo[2]. Si Hesus (عيسى عليه السلام) ay maliwanag na nagsabi:
 
Paglalarawan: h001
 
[Mateo 12:39-40]  (ماتّيو 39:12-40)
“Lahing masama at di-tapat sa Diyos! Naghahanap  kayo ng tanda ngunit walang ipakikita sa inyo maliban sa palatandaang inilalarawan ng nangyari kay Propeta Jonas. Kung paanong si Jonas ay tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan ng dambuhalang isda, gayon din ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabing sasa ilalim ng lupa.”
 
 
Lahing masama at di-tapat sa Diyos.  Hindi ba’t ang tinutukoy na “lahing masama” ni Hesus ay ang mga taong sumusunod sa yapak ni Iblis [Satanas].  Kaya’t sadya talagang napakatalas ng pananalita ni Hesus (عيسى عليه السلام) at inilalarawan niya kung papaano siya kinuha at dinala sa langit na hindi namatay, at tanging ang Allâh سبحانه وتعالي  lamang ang nakakabatid. 
Kung hindi naging palalo ang mga Eskriba at Pariseo disin sanay naunawaan nila ang palatandaang binanggit ni Hesus, na kung papaanong nabuhay at hindi namatay si propeta Jonas (يونُس عليه السلام) sa loob ng tiyan ng isang dambuhalang isda. At doo'y nanatiling tatlong araw at tatlong gabing nagpapatirapa upang humingi ng kapatawaran sa Panginoon.
Basahin natin sa Biblia at sa Banal na Qu’ran kung papaano dumalangin at nakaligtas si Jonas:
 
Paglalarawan: j002
 
 
Sa Biblia [Jonas 2:2-10]  (ألنُّون 2:2-10)
Nang si Jonas ay nasa tiyan ng isda, nanalangin siya: “Yahweh, nang ako’y nasa kagipitan, nanalangin ako sa iyo, at sinagot mo ako; Mula sa kalalimang walang katulad, ako’y tumawag sa iyo, at dininig mo ako.”  Inihulog mo ako sa pusod ng dagat; Napadpad ako sa laot ng karagatan at natabunan ng malaking alon.  Sinabi ko: ‘Nalayo ako sa iyo, Kailan ko kaya makikita uli ang banal mong templo?’  Hinigop ako ng kalaliman hanggang sa tuluyang lumubog.  Natabunan ako ng mga yagit, Ako’y nalubog sa ilalim ng mga bundok, Sa daigdig ng mga patay.  Ngunit mula roo’y iniahon mo ako nang buhay, O Yahweh, aking Diyos, Nang maramdaman kong mapupugto na ang aking hininga, naalala kita, Yahweh, Ako’y dumaing, At narinig mo ako mula sa iyong banal na templo. Ang mga sumasamba sa diyus-diyosan ay hindi tapat sa iyo.  Ngunit magpapasalamat ako sa iyo sa aking mga awit.  Ako’y maghahandog sa iyo, Tutuparin ko ang aking mga pangako sa iyo, O Yahweh, tanging Tagapagligtas!”  Kinausap ni Yahweh ang isda, at si Jonas ay iniluwa nito sa dalampasigan.”
 
Paglalarawan: j003

 
سورة الأنبياء
وَذَا النُّونِ إِذْ ذَهَبَ مُغَاضِبًا فَظَنَّ أَنْ لَنْ نَقْدِرَ عَلَيْهِ فَنَادَى فِي الظُّلُمَاتِ أَنْ لَا إِلَهَ إِلَّا أَنْتَ سُبْحَانَكَ إِنِّي كُنْتُ مِنَ الظَّالِمِينَ (87) فَاسْتَجَبْنَا لَهُ وَنَجَّيْنَاهُ مِنَ الْغَمِّ وَكَذَلِكَ نُنْجِي الْمُؤْمِنِينَ (88)

Banal na Qu’ran: (Sura Al-Anbiya [21]:87-88)
87 - At (alalahanin) si Dhun-Nun (Jonah), nang siya ay lumisan na napopoot; na nag-akala na siya ay hindi Namin susubukan (sa mga kapahamakan na mangyayari sa kanya). Kaya’t siya ay nanambitan sa mga (oras ng) kadiliman (alalaong baga, sa kalaliman ng gabi, sa kadiliman ng ilalim ng dagat, at sa kadiliman ng loob ng isang isda, na nagsasabi): La ilaha illa Anta (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Inyo [Allâh]). Higit Kayong Maluwalhati (at Kataas-taasan) sa lahat ng (gayong kasamaan na kanilang itinatambal sa Inyo). Katotohanang ako ay nakagawa ng kamalian.”
88 – Kaya’t tinugon Namin ang kanyang panambitan, at Aming iniligtas siya sa kapighatian. Sa gayon Namin inililigtas ang mga sumasampalataya (na nanalig sa Kaisahan ng Allâh, umiiwas sa kasamaan at gumagawa ng kabutihan).
 
 
Ang punto dito, mahimalang nabuhay si propeta Jonas dahil sa pagtalima, pagpapasakop, pagsunod, at pagsamba sa ating nag-iisang Tagapalikha, ang Allâh سبحانه وتعالي ang Mapagpatawad at Makapangyarihan.  Bakit nga ba ginawang tanda ni Hesus (عيسى عليه السلام) ang nangyari kay propeta Jonas? Hindi ba't nangangahulugan lamang na ang tinutukoy na "anak ng tao" ay mananatili din ng tatlong araw at tatlong gabi sa lupa bago maganap sa kanya ang himala.  Isang himala na tanging ang Allâh سبحانه وتعالي lamang ang nakakaalam kung ano ang plano Niya kay Hesus (عيسى عليه السلام).

Sa pagkakataong ito, ating himaymayin ang mga pangyayaring naganap kung papaano nabawasan, napalitan, o napalooban ng ibang texto ang Biblia [alalaong baga, maging sa luma o bagong tipan]. At magkaroon tayo ng sapat na batayan kung ano ang katotohanang naganap kay Hesus (عيسى عليه السلام).

Sa isang kabanata sa Biblia, matutunghayan natin kung papaano ang naging pagdakip kay Hesus at ang pagharap niya sa pinakapunong saserdote[0].
 
Paglalarawan: h002
 
Marcos 14:43-50  (مارك 43:14-50)
Ang Pagdakip kay Hesus
“Nagsalita pa si Hesus nang dumating si Judas, isa sa Labindalawa, na kasama ng maraming taong may mga dalang tabak at pamalo. Inutusan sila ng mga punong saserdote, ng mga eskriba, at ng matatanda ng bayan.  Ang taksil ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat: “Ang hagkan ko-iyon ang inyong hinahanap. Siya’y dakpin ninyo at dalhin, nguni’t bantayang mabuti.”  Pagdating ni Judas, agad siyang lumapit kay Hesus, “Guro!” ang bati niya, sabay halik. At sinunggaban si Jesus ng mga tao at dinakip. Nagbunot ng tabak ang isa sa mga naroon, at tinaga ang alipin ng pinakapunong saserdote, at natigpas ang tainga niyon. At sinabi ni Hesus sa mga tao, “Tulisan ba ako at naparito kayong may mga dalang tabak at pamalo upang ako’y dakpin? Araw-araw ako’y nagtuturo sa templo at naroon din kayo, ngunit hindi ninyo ako dinakip. Subalit kailangang matupad ang sinasabi ng Kasulatan!”  Nagsitakas ang mga alagad at iniwan siya.
 
Paglalarawan: h003 
 
Marcos 14:51-52  (مارك 51:14-52)
“Sinundan siya ng isang binatang walang damit sa katawan maliban sa balabal niyang kayong lino. Sinunggaban siya ng mga tao, ngunit iniwan niya ang kanyang balabal at tumakas na walang kadamit-damit.”
 
Sa naging kapahayagan ni Marcos, isang napakalaking katanungan kung bakit ang katotohanang nangyari kay Judas Iscariot ay hindi naipahayag sa aklat ng bagong tipan.  At isa ring katanungan kung bakit itong sinasabing mahiwagang binata ang biglang sumunod na iniwan ang kanyang balabal ay hindi man lamang ipinahayag kung sino?  Hindi ba’t napakaliwanag lamang na may lihim o nakalingid na kabanata na hindi naipagbigay-ulat? Sadyang napakaraming katanungan subali’t hindi mabigyan ng katotohanang kasagutan ng mga mapanlinlang sa tunay na katuruan.

Ang isa pang kabanata dito ay inilalarawan na sadyang hindi kilala ng mga Hudyo si Hesus at kung anong itsura nito.  Maging sa harapan ni Pilato ay nagkaroon ng pag-aalinlangan kung ang totoong  Hesus nga ba ang nasa kanyang harapan?
Paglalarawan: h004

Marcos 15:1-5  (مارك 1:15-5)
Si Hesus sa Harapan ni Pilato
“Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong saserdote, ang matatanda ng bayan, ang mga eskriba, at ang iba pang bumubuo ng Sanedrin. Ipinagapos nila si Hesus, at dinala kay Pilato. “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” tanong sa kanya ni Pilato. “Kayo na ang nagsasabi, “  tugon naman ni Hesus. Nagharap ng maraming sumbong ang mga punong   saserdote  laban  kay  Hesus,   kaya’t siya’y muling tinanong ni Pilato, “Wala ka bang isasagot? Narinig mo ang dami ng kanilang sumbong laban sa iyo.”  Ngunit hindi na tumugon pa si Hesus, kaya’t nagtaka si Pilato.

Paglalarawan: h005

Bakit nga ba nagkaroon ng pag-aalinlangan at pagtataka itong si Pilato sa hindi pagtugon ni Hesus sa kanyang mga katanungan?  Makakasagot ba ng matuwid ang isang huwad kung ito’y nasa harapan ng isang punong mambabatas?  Hindi kailanman nagkaroon ng sugo (propeta) ang Diyos na hindi matuwid.  Lahat ng isinugong propeta ng Diyos ay may mga dilang matutuwid kung sila’y nagsasalita at sila na mga propetang nakikipaglaban kung ano ang katotohanang kapahayagan.  Katotohanang walang propetang umuurong ang dila at yumuyuko o natatakot sa harapan ng tao maging ito man ay hari o pinuno.

Tanging ang nag-iisang Diyos lamang ang niyuyukuran at kinatatakutan ng mga propetang isinugo Niya.  Simula pa kay propeta Noah (نوح عليه السلام), na kung papaano nakiharap sa mga taong makasalanan at ipahayag ang kapahayagan.  Si propeta Abraham (إِبراهيم عليه السلام), sa harapan ng mga hari at taong tampalasan, ito’y tandisang nagpahayag kung ano ang kanyang ipinaglalaban.  Si propeta Moises (موسى عليه السلام), kung papaanong humarap sa Faraon na may tapang at tibay ng loob na ipinaglaban kung ano ang kapahayagan. Maging sina David, Solomon at sa pinaka-huling propeta na si Muhammad [saw] ay naghayag ng harapan at tinugon lahat ng mga katanungan maging ito man ay hari o mga pinuno ng mga pamayanan. Samakatuwi’d walang katotohanang si Hesus (عيسى عليه السلام) ang siyang nakaharap ni Pilato dahil napakaraming talata sa Biblia na magpapatunay lamang na kailanman ay di nagpasan ng krus si Hesus.  Sapagka’t itong dinakip at binansagan nilang “Hari ng mga Judio” ay hindi man lamang tumugon sa mga katanungan ni Pilato at maging kay Herodes na taga Galilea.
 
Paglalarawan: h006
 
Bakit nga ba naghugas ng kamay itong si Pilato at kanyang ipinahagupit nalang itong taong dinala sa kanyang harapan at ipako sa krus?  Sapagkat alam niyang ang kanilang nadakip ay isang impostor na Hesus.  Bago pa man maganap ang pagdakip kay Hesus.  Siya ay nagtungo sa Getsemani upang ito’y manalangin sa Diyos.  Siya’y nagpatirapa at nanalangin na kung maaari’y huwag nang dumating sa kanya ang oras ng paghihirap.  Dito natin malalaman kung si Hesus (عيسى عليه السلام) ba’y pinabayaan ng Diyos para patayin at ipako sa krus ng mga taong tampalasan.  Matutunghayan din natin ang mga katotohanang naganap kung papaano ang tunay na pangyayari.

Paglalarawan: h007

Marcos 14:32-36  (مارك 32:14-36)
Nanalangin si Jesus sa Getsemani
“Dumating sila sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad. “Dito muna kayo at mananalangin ako.” Ngunit isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan. At nagsimulang mabagabag at maghirap ang kanyang kalooban. Sinabi niya sa kanila, “Ang puso ko’y tigib ng hapis at halos ikamatay ko! Maghintay kayo rito at magbantay.” Pagkalayo ng kaunti, siya’y nagpatirapa at nanalangin na kung maaari’y huwag nang dumating sa kanya ang oras ng paghihirap. “Ama! Ama ko!” wika niya, “mapangyayari mo ang lahat ng bagay. Alisin mo sa akin ang sarong ito ng paghihirap.  Gayunma’y huwag ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang masunod.”


Sa pagdadalamhati ni Hesus at sa bigat ng pasanin sa mga taong hungkag ang kaisipan.  Nagpatirapa at dumalangin at lumuluhang nagsumamo sa Diyos upang siya’y iligtas sa kamay ng mga taong mapaggawa ng kamalian.  Katotohanang ayaw ni Hesus ang mamatay at ipako sa krus kung kaya’t siya’y nagpakumbaba ng husto sa Diyos.  Lumuluha at nagdurugo ng husto ang puso ni Hesus at wika niya: “mapangyayari mo ang lahat ng bagay.  Alisin mo sa akin ang sarong ito ng paghihirap. Gayunma’y huwag ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang masunod.” 
Dahil si Hesus ay isa sa pinakamalapit sa kalooban ng Diyos, dininig siya at hindi ito pinabayaan at Kanyang iniligtas sa kamay ng mga taong tampalasan.  Alam ng Dakilang Panginoon kung ano ang nilalaman ng isipan ng mga taong mapaggawa ng kamalian.  Kung kaya’t ano mang pagbabago at pagpapalit ng teksto ng Bibliya hindi pa rin nagawang itago ng mga tampalasan kung ano ang tunay na Ebanghelyo.  May kasabihan nga: “Sunugin mo man ng lubusan ang isang bagay, may maiiwan pa rin marka”.  Basahin natin ang talata sa Bagong Tipan at ang Kapahayagan ni Bernabe (Ebanghelyo ni Barnabas):

Paglalarawan: h008
Hebreo 5:7
“Noong si Hesus ay namumuhay rito sa lupa, siya’y dumalangin at lumuluhang sumamo sa Diyos na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya dahil sa lubusan siyang nagpakumbaba.”

Barnabas Chapter 115-116
115 - Nang parating ang mga kawal kasama si Judas Iscariot malapit sa lugar na kinaroroonan ni Hesus, narinig ni Hesus ang paglapit ng maraming tao, bagamat nangangambang kunin siya sa loob ng bahay.  At ang labing-isang alagad ay kasalukuyang natutulog.  Nakikita ito ng Diyos na nasa panganib ang kanyang sugo, kung kaya’t inatasan sina Gabriel, Michael, Rafael, at Uriel, upang tulungan at kunin si Hesus dito sa mundo.  Dumating ang mga banal na anghel at kinuha si Hesus at idinaan sa bintana bandang timog.   Siya ay hinubaran nila (ng mga anghel) at dinala sa pangatlong palapag ng kalangitan na kasama ang mga anghel na nagpupuri sa Dakilang Panginoon magpakailanman.
116 – Nagmadali si Judas na makapasok bago pa man ang lahat ay makarating sa silid, ngunit si Hesus ay nakuha na.  At silang mga disipulo ay natutulog.  Kung saan ang pinaka-Dakilang Diyos ay nagsagawa ng may mahusay na kagalingan, dahil si Judas ay nagbago ng kanyang pananalita at ng kanyang anyong humahalintulad kay Hesus na siya (Judas Iscariot) ang paniniwalaan nating si Hesus.  At siya (Judas), ang gumising sa amin, hinahanap ang guro.  Kung kaya’t kami (mga disipulo) ay namangha at sumagot: “Ikaw, guro ang maestro; kami ba ay inyo nang nakalimutan?”  At siya (Judas), tumawa at nagsabi: “Kayo ba ay nababaliw na, hindi ba ninyo ako nakikilala si Judas Iscariot!  At nagsasalita pa siya ng pumasok ang mga kawal at kanilang hinawakan si Judas dahilan sa siya ang nakahalintulad kay Hesus.  Aming narinig si Judas na nagsasalita at nakita naming napakaraming kawal, inilayo namin ang aming mga sarili sa isang tabi.  At si Juan, na siyang nakabalot ng lino, nagising at tumakas  at nang siya ay sinunggaban ng kawal sa pamamagitan ng puting lino kanyang iniwan ang lino at tumakas ng walang damit.  Dininig ng Diyos ang panalangin ni Hesus at iniligtas ang labing-isang (11) disipulo sa mga masasama.


Hindi lang nag-iisa o dalawang talata ang nagsasabi ng napakalinaw na si Hesus ay nagbagong anyo ng araw din yaon ng siya ay manalangin sa bundok ng Getsemani.  Tulad ng mababasa natin ayon sa talatang (Lucas 9:28-29) “Walong araw pagkatapos sabihin ito, umakyat si Hesus sa bundok upang manalangin. Isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago. Samantalang siya’y nananalangin, nagbago ang anyo ng kanyang mukha, nagningning ang kanyang kasuutan na naging puting-puti.”
Malinaw na kapansin-pansin ang ginawang paghihimay at pagkakahiwa-hiwalay ng mga talata. Ganon’ din ng pagkakagawa ng kani-kanilang istorya.  Hindi po ba malinaw ng manalangin si Hesus sa bundok ng Getsemani ay dininig ang kanyang panalangin kung kaya’t nagkaroon ng himala at mangyari na natakpan sila ng isang alapaap at mula rito’y may tinig na nagsabi.  (Mateo 17:6) “Ang mga alagad ay natakot nang gayon na lamang nang marinig nila ang tinig, at sila’y napasubsob.  Ngunit nilapitan sila ni Hesus at hinipo, ‘Tumindig kayo,’ sabi niya, ‘huwag kayong matakot!’ At nang tumingin sila ay wala na silang nakita kundi si Hesus.”

Sa Banal na Qur’an, ano ang mababasa: (Surah Al’Imran 3:55) - At (gunitain) nang winika ng Allah: “O Hesus! Ikaw ay aking kukunin at Aking itataas sa Aking piling, at ikaw ay Aking dadalisayin sa (maling paratang at kasinungalingan ng mga hindi sumasampalataya na ikaw ay anak ng Diyos), at Aking gagawin ang mga sumusunod sa iyo (ang mga sumasamba lamang sa Allâh) na higit na mainam kaysa sa mga walang pananampalataya (sa Kaisahan ng Allâh, o sa ibang mga Sugo o sa mga Banal na Aklat) hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay.  At pagkaraan, kayo ay magbabalik sa Akin, at Ako ang hahatol sa pagitan ninyo sa mga bagay na inyong Kinahiratihan na hindi pinagkakasunduan.


Ito ba’y napag-alaman ng mga alagad ni Hesus? Malinaw ring hindi sapagkat sila’y tulog na tulog dahil sa matinding pagka-kaantok.  Ang tanong:  Nang sila ay magising nakita pa ba nila kung si Hesus nga ba ang nasa kanilang harapan?  Hindi ba’t sa ikatlong ulit o pagbabanggit ni Hesus tungkol sa kanyang paglisan, mababasa sa talata na siya ay nagsabi sa kanyang mga alagad.
[Lucas 9:44-45] “Samantalang nanggigilalas ang mga tao sa lahat ng ginawa ni Hesus, sinabi niya sa kanyang mga alagad, ‘Tandaan ninyo itong sasabihin ko: ipagkakanulo ang Anak ng Tao.’ Ngunit hindi nila ito naunawaan, pagkat inilingid ito sa kanila. Nangangamba naman silang magtanong sa kanya kung ano ang ibig sabihin niyon.”
Kaya’t kahit pa man anong gawin nilang pagbabago lalabas at lalabas at makikita ng mga taong napatnubayan ang mali sa katotohanan.  Isa pang katanungan: “Si Hesus ba ang nadakip?”  Siyento porsyentong hindi na si Hesus ang kanilang nadakip at naipako sa krus.  Sapagkat ang huling Kapahayagan (Banal na Qur’an) na ang nagbigay tuldok o liwanag ng katotohanan sa ano pa mang pag-aalinlangan sa mga naisulat na talata nila Marcos, Mateo, at Lucas. 
 
Maging ang kapahayagan ni Bernabe (Barnabas) ay naging isang kontrobersyal at hinadlangan ng Simbahan Katoliko na mabasa at mapag-aralan ng mga taong nangaligaw ng pananampalataya sa Tunay at Nag-iisang Diyos.  Sa paglalahad ko ng mga nabanggit na talata, isang malaking hamon ang mahahalagang bagay na ito para sa mga pinuno o namumuno maging ito man ay Kristiyano o Hudyo.  Sapagkat ang taong may tunay na pananalig at pagkatakot sa Dakilang Panginoon ay nararapat lamang sagutin ng may katotohanan kung ano ang tunay na Banal na Kapahayagan.  Isang napakalaking kalapastanganan sa Dakilang Panginoon at sa Kanyang mga hinirang na Sugo ang pabulaanan kung ano ang tunay na Batas ang ipinahayag sa sangkatauhan.  Maging ang kinathang turong pagkamatay at pagkabuhay na muli ni Hesus ay isang maliwanag na blasphemous.  Malinaw na wala ng naganap na tatlong araw na muling pagkabuhay.  Dahil, mismong sila na ang sumulat sa talata nila na ang Hesus – Kristo ay nabuhay na ng Linggo.  Kung kaya’t isa pa rin itong katanungan na muli.  Ang ibig sabihin lamang ba nito ay pawang kasinungalingan ang isinulat nilang tatlong araw at tatlong gabi.  Gayong ito ay paulit-ulit nilang inihayag sa kani-kanilang talata – na si Hesus ay mabubuhay pagkaraan ng tatlong araw (hindi ba’t wala pang isang araw ay nabuhay na?!).  Hindi ba’t nagkaroon ng pagtataka ang mga disipulo dahil bakit nabuhay kaagad ang Hesus samantalang dapat ay sa ikatlong araw palang siya mabubuhay.
Nakatutuwang isipin na ang nagsisulat mismo ng mga talata ang siyang gumawa ng kanila mismong pagkalito.  Malinaw na ang naging pakay pa lamang nila Maria Magdalena at ng kanyang mga kasama ay upang pahiran ng pabango ang bangkay ni Hesus.  Kina-umagahang matapos ang araw ng pamamahinga (Sabado).  Maging ang pagtatatwa ni Pedro ay tulad din ng pagtataka ni Pilato kay Hesus ng ito’y nasa harapan niya.  Itinatwa ni Pedro ang isang lalaki na di naman niya tunay na nakikilala.  Tuwiran niyang sinabi na siya ay sumpain ng langit!  May nangyari bang kasumpa-sumpa kay Pedro na ating mababasa sa kanilang mga talata.  Kung tunay ngang si Hesus ang kanyang itinatwa.  (Marcos 14:71) “Sumpain man ako ng langit, talagang  hindi ko nakikilala ang taong iyan!” sagot ni Pedro.

Ang Banal na Qur’an ay naglahad ng kasaysayan ng naganap kay Hesus.  Ang paglalahad ay walang pag-aalinlangan sapagkat ito ay naisulat ng matuwid at ng may kainaman para sa mga may matuwid na kaisipan.  Hindi mangangailangan ng mataas na katalinuhan, nguni’t ng bukas na pang-unawa.  Ang talata sa Banal na Qur’an ay nagsasaysay:

سورة الكهف

أَفَحَسِبَ الَّذِينَ كَفَرُوا أَنْ يَتَّخِذُوا عِبَادِي مِنْ دُونِي أَوْلِيَاءَ إِنَّا أَعْتَدْنَا جَهَنَّمَ لِلْكَافِرِينَ نُزُلًا (102)

Sura Al-Kahf [18]:102)
102 – Sila ba na hindi sumasampalataya ay nag-aakala na (mangyayari) na kanilang kunin ang Aking mga alipin (alalaong baga, ang mga anghel, ang mga Sugo ng Allâh, si Hesus na anak ni Maria) sa halip na Ako bilang Auliya (mga panginoon, diyos, tagapagtanggol)?  Katotohanang Aming inihanda ang Impiyerno para sa mga hindi sumasampalataya (sa Kaisahan ng Allâh) bilang isang pananahanan.


Napakaliwanag na kapahayagan ngunit sadyang nagbulag-bulagan ang mga hungkag at pilit itinatago kung ano ang katotohanan.  Tulad ni Hesus, katotohanang hindi namatay at hindi rin siya ang naipako sa krus dahil ang Kapangyarihan lang ng Allâh سبحانه وتعالي  ang masusunod kung ano ang kalooban Niya.  Ilang kabanata lang ito sa Bagong Tipan ng Bibliya upang magpapatunay na si Hesus (  عيسى عليه السلام) ay hindi naipako, namatay at muling nabuhay pagkalipas ng tatlong araw at tatlong gabi,  tulad ng sinasabi ng mga makasalanan na naggawa ng dagdag-bawas sa Salita ng ating nag-iisang Tagapaglikha.
Kung susuriin pa natin ang sinasabing “namatay at muling nabuhay si Hesus pagkalipas ng tatlong araw at tatlong gabi.”  Ito’y lubhang napakahirap unawain, tanggapin at tunay na napakalabo.  Sapagkat walang tibay ang lahat ng mababasang kapahayagan.  Datapuwa’t, nagawa pang piyesta ng pagkabuhay ang araw ng Linggo. Oo nga naman!, bakit nga ba hindi? Mababasa rin pala natin na siya ay nabuhay na ng Linggo pagkaraan ng araw ng pagpapahinga (Sabt).
Papaano naman ang mababasang talata na tatlong araw at tatlong gabi?  Samakatuwid, malinaw na ito’y nagpapakita ng pagka hungkag na kaisipan.  Sapagkat maging sa ginawa nilang kapahayagan malinaw na makikita na ito’y turong puros kasinungalingan at pawang walang katotohanan.  Kaya’t tunay lamang na ang tatlo (3) ay hindi kailanman makatarungang gawing isa.  Bakit nga ba? Kung nagawa nilang “tatlong persona ang nag-iisang Diyos ng walang katotohanan, ganoon din naman sa sinasabi nilang “pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus” makalipas ng tatlong araw at tatlong gabi na pawang walang katotohanan.
Ang kanilang turong kapahayagan tila yata walang kasiguraduhan.  Dahil ang sinasabing tatlong araw at tatlong gabi ay papatak ng pitungput dalawang oras (72 hours), at ang isang araw at isang gabi ay pumapatak ng beinte-kuwatro oras (24 hours).  Basahin natin ang mga sumusunod na talata:

Paglalarawan: h009

Mateo 27:45-46
(Ang Pagkamatay ni Hesus)
“Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain. Nang mag-iikatlo ng hapon, sumigaw si Hesus, “Eli, Eli, lama sabachthani?” ibig sabihi’y “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”

Paglalarawan: h010

Marcos 15:33-34, 37
 (Ang Pagkamatay ni Hesus)
“At nagdilim sa buong lupain mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon. Nang mag-iikatlo ng hapon, si Hesus ay sumigaw, “Eloi, Eloi, lema sabachthani?” na ang ibig sabihi’y “Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan?” 37-Sumigaw nang malakas si Hesus at nalagutan ng hininga.”

Paglalarawan: h011

Mateo 28:1
(Muling Nabuhay si Hesus)
“Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, pagbubukang-liwayway ng unang araw ng sanlinggo, pumunta sa libingan ni Hesus si Maria Magdalena at ang isa pang Maria.
 
Hindi ba’t malinaw na rin nating mababasa sa mga talatang nabanggit ang tungkol sa kanyang pagkamatay.  Si Hesus ay namatay ng ikatlong araw ng hapon (3:00 pm) ng disperas ng pagpapahinga [sabado] (Sabt).
Malinaw na kung ito’y ating ilalagay sa isang pagsusuri, ang araw ng disperas ng pagpapahinga ay Biyernes, na ang oras ay ikatlo ng hapon (3:00 pm).  Ito’y ayon na rin sa kanilang istorya o kapahayagan. Samakatuwid, ang tatlong araw at tatlong gabi ay papatak dapat ng Martes ng madaling araw (3:00 am).  Suriin natin nang ayon sa tamang bilang: 
 
 
Paglalarawan: h012
 
Kung ang naging talata ay tatlong gabi at tatlong araw, ito ay papatak ng Lunes ng hapon (3:00 PM). Ito ay ayon sa oras na nasabing pagkamatay ni Hesus ng ikatlo (3) ng hapon. At ang hapon (PM) ay gabi na ito ay maituturing.  Malinaw di po ba?  Ngunit ang tanong, bakit nangyari na si Judas este… Hesus ay nabuhay na ng Linggo ng madaling araw.  Kung sabagay sino nga bang makasasagot nito kung di ang mga nagsigawa ng mga talatang ito o’ istoryang ito.  O’ baka kahit buhayin pa itong mga nagsisulat nito ay di rin nila kayang sagutin ang kanilang mga naisulat.  O’ baka ang isagot pa sa atin ay .. Ewan ko, kinopya ko lang yan!.. Papayag ba tayo ng ganitong katuwiran o panloloko.  Hindi ito isang biro at dapat na iisang tabi dahil pananampalataya ang nakasalalay dito ang ating pang ispiritwal na pananampalataya at pagkatakot sa ating Poong Maykapal.
 
Kung papaano  gumawa  ng  planong  paghuli  at   pagpatay   kay  Hesus ang mga Zalimun,  ang Allâh سبحانه وتعالي  ay gumawa rin ng plano upang ang mga taong walang pananampalataya ay binigyan Niya ng pagsusulit.” Ang Allâh سبحانه وتعالي  ay nagsasabi:
سورة آل عمران
وَمَكَرُوا وَمَكَرَ اللَّهُ وَاللَّهُ خَيْرُ الْمَاكِرِينَ (54) إِذْ قَالَ اللَّهُ يَا عِيسَى إِنِّي مُتَوَفِّيكَ وَرَافِعُكَ إِلَيَّ وَمُطَهِّرُكَ مِنَ الَّذِينَ كَفَرُوا وَجَاعِلُ الَّذِينَ اتَّبَعُوكَ فَوْقَ الَّذِينَ كَفَرُوا إِلَى يَوْمِ الْقِيَامَةِ ثُمَّ إِلَيَّ مَرْجِعُكُمْ فَأَحْكُمُ بَيْنَكُمْ فِيمَا كُنْتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ (55) فَأَمَّا الَّذِينَ كَفَرُوا فَأُعَذِّبُهُمْ عَذَابًا شَدِيدًا فِي الدُّنْيَا وَالْآَخِرَةِ وَمَا لَهُمْ مِنْ نَاصِرِينَ (56) وَأَمَّا الَّذِينَ آَمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ فَيُوَفِّيهِمْ أُجُورَهُمْ وَاللَّهُ لَا يُحِبُّ الظَّالِمِينَ (57) ذَلِكَ نَتْلُوهُ عَليْكَ مِنَ الْآَيَاتِ وَالذِّكْرِ الْحَكِيمِ (58)
Banal na Qu’ran: (Sura Al’Imran [3]:54-58)
54 - At sila (ang mga hindi sumasampalataya, ay nagbalak (na patayin si Hesus) at ang Allâh ay nagbalak din.  At ang Allâh ang Pinakamahusay sa lahat ng nagbabalak.
55 - At (gunitain) nang winika ng Allâh: “O Hesus! Ikaw ay aking kukunin at Aking itataas sa Aking piling, at ikaw ay Aking dadalisayin sa (maling paratang at kasinungalingan ng mga hindi sumasampalataya na ikaw ay anak ng Diyos), at Aking gagawin ang mga sumusunod sa iyo (ang mga sumasamba lamang sa Allâh) na higit na mainam kaysa sa mga walang pananampalataya (sa Kaisahan ng Allâh, o sa ibang mga Sugo o sa mga Banal na Aklat) hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay.  At pagkaraan, kayo ay magbabalik sa Akin, at Ako ang hahatol sa pagitan ninyo sa mga bagay na inyong Kinahiratihan na hindi pinagkakasunduan.
56 - At sa mga hindi sumasampalataya, sila ay Aking parurusahan ng matinding kaparusahan sa mundong ito at sa Kabilang Buhay at sa kanila ay walang makatutulong.
57 - At sa mga sumasampalataya (sa Kaisahan ng Allâh) at gumagawa ng kabutihan, ang Allâh ay maggagawad sa kanila nang ganap na gantimpala.  At ang Allâh ay hindi nagmamahal sa Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa diyus-diyosan at mapanggawa ng kabuktutan).
58 - Ang (mga bagay) na ito na Aming dinadalit sa iyo (O Muhammad) ay kabilang sa mga Talata at Ganap na Paaala-ala (alalaong baga, ang Qu’ran).
سورة آل عمران
إِنَّ هَذَا لَهُوَ الْقَصَصُ الْحَقُّ وَمَا مِنْ إِلَهٍ إِلَّا اللَّهُ وَإِنَّ اللَّهَ لَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ (62)
Banal na Qu’ran: (Surah Al’Imran [3]:62)
62 - “Katotohanan! Ito ang tunay na kasaysayan (tungkol sa buhay ni Hesus), at wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban ds Allâh (ang Tangi, at Tunay na Diyos na walang asawa o anak). At katotohanan ang Allâh ay Sukdol sa Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.”
 
Sa ipinahiwatig ng mga talata sa itaas, si Hesus (عيسى عليه السلام) ay ini-akyat sa langit magkasama ang kanyang kaluluwa at katawan at ang Allâh lamang ang tanging nakakaalam kung nasaan si Hesus (عيسى عليه السلام).  Samakatuwid, ayon sa Banal na Qur’an, siya ay di naipako sa krus.  Ito ay binalak ng mga kaaway ni Hesus na siya’y mamatay sa krus, subalit iniligtas siya ng Allâh سبحانه وتعالي  at ibang tao o mukha ang napako sa krus.  Ayon na rin sa Ebanghelyo ni Barnabas na si Judas Iscariot ang naipako.  Ang ganitong pakana at maling pagpaparatang kay Birhen Maria ay itinuturing ng Banal na Qur’an na ilan sa mga kasamaan ng di mananampalatayang Hudyo.  Ang lahat ng ito ay maliwanag sa mga sumusunod na talata:
سورة النساء
وَبِكُفْرِهِمْ وَقَوْلِهِمْ عَلَى مَرْيَمَ بُهْتَانًا عَظِيمًا (156) وَقَوْلِهِمْ إِنَّا قَتَلْنَا الْمَسِيحَ عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ رَسُولَ اللَّهِ وَمَا قَتَلُوهُ وَمَا صَلَبُوهُ وَلَكِنْ شُبِّهَ لَهُمْ وَإِنَّ الَّذِينَ اخْتَلَفُوا فِيهِ لَفِي شَكٍّ مِنْهُ مَا لَهُمْ بِهِ مِنْ عِلْمٍ إِلَّا اتِّبَاعَ الظَّنِّ وَمَا قَتَلُوهُ يَقِينًا (157) بَلْ رَفَعَهُ اللَّهُ إِلَيْهِ وَكَانَ اللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمًا (158) وَإِنْ مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ إِلَّا لَيُؤْمِنَنَّ بِهِ قَبْلَ مَوْتِهِ وَيَوْمَ الْقِيَامَةِ يَكُونُ عَلَيْهِمْ شَهِيدًا (159)
 
Banal na Qu’ran: (Surah An-Nisâ [4]:156-159)
156 – At dahilan sa kanilang (mga Hudyo) hindi pananampalataya, at sa kanilang pagsasabi ng laban kay Maria ng isang mabigat at walang katotohanang paratang (na siya ay gumawa ng bawal na pakikipagtalik [sa lalaki]);
157 – At sa kanilang pagsasabi: (na nagpaparangalan): “Aming pinatay ang Mesiyas na si Hesus, ang anak ni Maria, ang Sugo ng Allâh, datapuwa’t siya ay hindi nila napatay, gayundin naman, siya ay hindi nila naibayubay sa krus, datapuwa’t ang nailagay na lalaki ay kawangis ni Hesus (at kanilang napatay ang lalaking ito), at ang may pagkakahidwa (o ibang paniniwala) rito ay puspos ng alinlangan, na ang kaalaman ay walang (katiyakan); wala silang sinusunod maliban sa haka-haka, sapagkat katotohanang siya (alalaong baga, si Hesus na anak ni Maria) ay hindi nila napatay;
158 – Datapuwa’t itinaas siya (Hesus) sa (kanyang katawan at kaluluwa) ng Allâh sa Kanyang piling (at si Hesus ay nasa kalangitan [ngayon]). At ang Allâh ay Lalagi nang Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.
159 – At walang sinuman sa Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), ang maliliban (o mangyayari) na hindi mananalig sa kanya (kay Hesus na anak ni Maria, bilang isang Sugo lamang ng Allâh at isang tao) bago dumatal ang kanyang kamatayan (sa kanyang [Hesus] pangalawang pagbabalik sa mundo); at sa Araw ng Muling Pagkabuhay, siya (Hesus) ay magiging saksi laban sa kanila.
 
 
Tulad ng aking nasabi ang Banal na Qur’an ang nagbigay ng tuldok at kaliwanagan sa lahat ng pag-aalinlangan ng mga taong naghahanap ng katotohanan.   Kung si Hesus ay hindi naipako sa krus, matatanggap kaya ng mga tampalasan na ang kanilang itinuturing na Hari ng mga Hudyo na naipako at namatay sa krus ay si Judas Iscariot pala?!  Ito’y karagdagang katanungan na dapat lang sagutin ng mga marurunong o nagmamarunong na tampalasan at hungkag.
Samakatuwid, tunay lamang na si Hesus (عيسى عليه السلام) ay muling magbabalik, tulad din ng pagkakaalam ng mga tampalasan.  Ngunit maliban dito, lingid sa kanilang kaalaman kung ano ang tunay na dahilan ng kanyang pagbabalik.  Bagama’t nagsalaysay ang Banal na Qur’an, tulad ng talata sa itaas, at isa pang talata na siya ay magiging tanda para sa pagdating ng takdang oras.
 

سورة الزخرف

وَإِنَّهُ لَعِلْمٌ لِلسَّاعَةِ فَلَا تَمْتَرُنَّ بِهَا وَاتَّبِعُونِ هَذَا صِرَاطٌ مُسْتَقِيمٌ (61) وَلَا يَصُدَّنَّكُمُ الشَّيْطَانُ إِنَّهُ لَكُمْ عَدُوٌّ مُبِينٌ (62)

Banal na Qu’ran: (Surah Az-Zukhruf [43]:61-62)
61 – At siya (Hesus, na anak ni Maria) ay magiging isang tanda (sa pagdating) ng Oras (Araw ng Muling Pagkabuhay; [na si Hesus ay mananaog sa lupa bago dumatal ito]), kaya’t huwag kayong mag-alinlangan (sa Oras), datapuwa’t Ako ay inyong sundin; ito ang Tuwid na Landas (tungo sa Allâh at sa Paraiso).
62 – Huwag ninyong hayaan si Satanas na humadlang sa inyo (sa Tamang Pananalig). Katotohanang siya sa inyo ay isang lantad na kaaway.

 
Ito kung gayon ay nangangahulugan na si Hesus (  عيسى عليه السلام) ay muling babalik sa Araw ng Paghuhukom.  Muli, ang kanyang pangalawang pagparito sa lupa ay maliwanag na isang tanda na binanggit sa Banal na Qur’an.  Magkagayon  man,  ang mga  tagapagpaliwanag   ng Qur’an    ay  nagpakahulugan   sa huling talata na sinipi sa itaas:   “Walang  sinuman   sa  angkan  ng  Kasulatan  ang   maliliban   na di   mananalig sa kanya bago dumatal ang kanyang kamatayan, at siya ang magiging saksi laban sa kanila sa Araw ng Pagkabuhay”,  na nagpapahiwatig na si Hesus ay muling paparito at ang lahat ng mga Kristiyano at Hudyo ay mananalig sa kanya bago siya pumanaw.  Ang ganitong pagpapakahulugan ay pinatitibayan ng mapananaligang sawikain ng propetang si Muhammad [saw].
 
 
 
 
 
 


[0] SASERDOTE - Sa santuario ng unang tipan ang mga saserdote sa lupa ang gumagawa ng serbisyo o paglilingkod.


[1] ESKRIBA Tagapagturo at tagapagpaliwanag ng mga aralin sa Matandang Tipan, lalo na ng unang limang aklat. Sinisipi nila para sa iba ang mga kasulatan. Ang mga hari noong unang panahon ay may mga eskriba na naghahanda ng mga opisyal na kasulatan, at ilan sa kanila ang naging matataas na tauhan sa palasyo.
[2] PARISEO Isang pangkat ng mga Judio nang panahon ni Hesus; sila’y mahigpit sa pagsunod sa Kautusan ni Moises at sa mga alituntuning idinagdag dito.