Translate

Sabado, Marso 9, 2013

ANG TUNAY NA PAGSISISI AT ANG EBANGHELYO NI HESUS

التوبه الحقيقية

Paano Ang Magsisi at Hanapin ang Katotohanan?


Sa mahabang panahon ng kasaysayan ng tao, ang pagsisisi at paghahanap ng katotohanan ay naipangaral na ng mga tunay na hinirang [sugo] ng Allâh سبحانه وتعالي  subalit hindi pa rin lubos na maunawaan ng iba sa kadahilanang inilihis sila ng mga mapanlinlang sa tunay na Katuruan.  Paano ba natin maipapakita ang tunay na pagsisisi at hanapin ang katotohanan? Paano ba tayo makapagsisisi?  At ano ang dapat nating pagsisihan?


Walang sinuman’ tao ang binigyan autoridad ng Allâh سبحانه وتعالي  upang magsabi sa kapwa-tao na siya’y pinatawad na ng Panginoon at hindi rin sa pamamagitan ng pangungumpisal upang ang kanyang kasalanan ay masabing mapawi.



Hindi din sa pamamagitan ng pagpepenitensya upang maipakita ang pagsisisi, dahil ang ganitong gawain ay walang katuturan sa paningin ng Panginoon.  Hindi ninais ng Panginoon na saktan ninyo ang inyong mga sarili upang ipakita ninyo sa Kanya na kayo'y nagsisisi.  Sapagkat ito'y malinaw lamang na paggawa ng masama o ikasasama ninyo at Siya ay walang kinalaman sa inyong kagustuhang pagpapakasakit. Ang tunay na pagsisisi ay kababaan ng loob sa paghingi ng kapatawaran o pagbabalik-loob sa Allâh سبحانه وتعالي at ang pagkakaroon ng pagsisikap na maging matuwid at sumunod sa Kanyang mga Batas. Kung gaano ka-simpleng kilalanin ang Kaisahan ng Allâh سبحانه وتعالي at sundin ang ipinapahayag ng mga tunay na Sugo ay ganoon din naman kadali upang maintindihan ang ibig sabihin ng tama at mali.

 
Hindi na natin kailangan pang sambitin ang sampung Ama Namin at dalawangpung Aba Ginoong Maria para sa pagsisisi.  Sapagkat ito'y hindi kailanman itinuro at ito'y maliwanag lamang na katuruan ng tao.

Sa Banal na Qu’ran, ang Allâh سبحانه وتعالي ay nagbigay ng babala sa sangkatauhan upang mapag-alaman natin [mga tao] na haharap lahat tayo sa Kanya sa araw ng pakikipagtipan [Araw ng Muling Pagkabuhay].    


قَالُوا رَبَّنَا أَمَتَّنَا اثْنَتَيْنِ وَأَحْيَيْتَنَا اثْنَتَيْنِ فَاعْتَرَفْنَا بِذُنُوبِنَا فَهَلْ إِلَى خُرُوجٍ مِنْ سَبِيلٍ (11) ذَلِكُمْ بِأَنَّهُ إِذَا دُعِيَ اللَّهُ وَحْدَهُ كَفَرْتُمْ وَإِنْ يُشْرَكْ بِهِ تُؤْمِنُوا فَالْحُكْمُ لِلَّهِ الْعَلِيِّ الْكَبِيرِ (12) هُوَ الَّذِي يُرِيكُمْ آَيَاتِهِ وَيُنَزِّلُ لَكُمْ مِنَ السَّمَاءِ رِزْقًا وَمَا يَتَذَكَّرُ إِلَّا مَنْ يُنِيبُ (13) فَادْعُوا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ وَلَوْ كَرِهَ الْكَافِرُونَ (14) رَفِيعُ الدَّرَجَاتِ ذُو الْعَرْشِ يُلْقِي الرُّوحَ مِنْ أَمْرِهِ عَلَى مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ لِيُنْذِرَ يَوْمَ التَّلَاقِ (15) يَوْمَ هُمْ بَارِزُونَ لَا يَخْفَى عَلَى اللَّهِ مِنْهُمْ شَيْءٌ لِمَنِ الْمُلْكُ الْيَوْمَ لِلَّهِ الْوَاحِدِ الْقَهَّارِ (16) الْيَوْمَ تُجْزَى كُلُّ نَفْسٍ بِمَا كَسَبَتْ لَا ظُلْمَ الْيَوْمَ إِنَّ اللَّهَ سَرِيعُ الْحِسَابِ (17)

Banal na Qu’ran (Surah Ghafir [40]:11-17)
11 – Sila ay mangungusap: “Aming Panginoon! Dalawang ulit na kami ay Inyong ginawa na mamatay [alalaong baga, kami ay patay mula sa laman ng aming ama at naging patay pagkatapos na pumanaw sa mundong ito] at kami ay dalawang ulit na ginawa Ninyo na mabuhay [alalaong baga, ang mabuhay nang kami ay ipinanganak at mabuhay muli sa araw ng pagbangon]! Ngayon ay inaamin na namin ang aming mga kasalanan, mayroon baga kayang paraan na kami ay makawala rito?”
12 – [At sa kanila ay ipagbabadya]: “Ito’y sa dahilan na noong ang Allah lamang ang tinatawagan [upang sambahin], kayo ay nagtatakwil sa pananampalataya, datapuwa’t kung ang iba pang diyus-diyosan ay itambal sa Kanya, kayo ay nagsisisampalataya! Kaya’t ang paghatol ay na sa Allah, ang Kataas-taasan, ang Pinakadakila.”
13 – Siya [Allah] ang nagpamalas sa inyo ng Kanyang Ayat [mga kapahayagan, katibayan, aral, tanda] at nagparating sa inyo ng inyong ikabubuhay mula sa kalangitan; datapuwa’t walang sinuman ang nakakaala-ala maliban sa kanya na nagbabalik-loob [sa Allah] sa pagsisisi.
14 – Kaya’t tawagin ninyo ang Allah ng may matimtimang debosyon sa Kanya, kahit na ang mga hindi sumasampalataya ay mapoot dito.
15 – Siya ay Mataas sa Kanyang mga Katangian. Siya ang Panginoon ng ‘Arsh [Luklukan]. Sa pamamagitan ng Kanyang pag-uutos ay Kanyang isinusugo ang Kanyang inspirasyon [patnubay] sa sinuman sa Kanyang mga alipin na Kanyang maibigan, upang [Kanyang] mabigyang-babala [ang mga tao] sa araw ng pakikipagtipan [Araw ng Muling Pagkabuhay].
16 – Ang Araw na silang [lahat] ay magsisitambal. Walang anumang bagay ang nakalingid sa Allah. Kanino pa kaya ang kaharian sa araw na yaon? Ito ay sa Allah, ang Nag-iisa, ang hindi mapapangibabawan!
17 – Sa Araw na yaon ang bawat tao [kaluluwa] ay babayaran sa anumang kanyang ginawa. Walang anumang di-katarungan ang mananaig sa Araw na yaon sapagkat ang Allah ay Maagap sa Pagsusulit.


Ano ba ang ibig sabihin ng pagsisisi? Sa salitang Griego ito ay metanoia, ito ay dalawang salita mula sa salitang meta ang ibig sabihin nito ay “pagbabago” at ang noia ay nanggaling sa salitang nous na ang ibig sabihin ay “isipan”.  Nangangahulugan na ang pagsisisi ay “pagbabago ng isipan”.  Kung ano ang mga bagay na ating ipinagkasala ay tatalikuran na natin at hindi na muling babalikan pa.  Upang maipakita natin ang tunay na pagsisisi kinakailangang ito ay magkaroon ng bunga.

Sa Bibliya, sinabi ni propeta Juan Bautista (  يحيى عليه السلام): “Kayo nga’y mangagbunga ng karapat-dapat sa pagsisisi[Mateo 3:8] (ماتّيو 8:3).   Sa paanong paraan tayo’y magbubunga sa ating pagsisisi?  Lahat ng bagay na ating pinagsisihan ay kailangang hindi na natin muli pang babalikan, iyan ang tanda na tayo ay talagang nagsisisi sa ating mga kasalanan.  Sa Bibliya, ang babala ng Diyos ay ipinahayag ni propeta Isaias: “Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang pag-iisip; at manumbalik siya sa Diyos, at kaawaan niya siya; at sa aming Diyos, sapagkat siya’y magpapatawad ng sagana.” [Isaias 55:7] (إِشعياء 7:55)

Paano kung nagsisi ka ngayon at kinabukasan ay nagawa mong muli ang kasalanang pinagsisihan mo? Kung nagawa ng tao ang kasalanan sa pangalawa ... pangatlo ... o paulit-ulit pang muli ng hindi sinasadya nalalaman ng Panginoon kung ano ang ipapataw sa kanya.  Sapagka't Siya ang nakababatid ng kadahilanan at nagpapataw ng pagsusulit.  Ang Panginoon ay mapagpatawad, nalalaman Niya ang nilalaman ng ating isipan at ng ating kalooban.  Kaya't lubos Niyang nababatid ang tunay nating pagsisisi, maging ang mapagpaimbabaw lamang sa pagsisisi ay walang matatanggap na tawad galing sa Kanya.


Ngayon, balikan natin ang Ebanghelyo ni Hesus ( عيسى عليه السلام)  upang matunghayan natin kung papaano nalihis sa tamang katuruan ang tao tulad halimbawa sa kabanalan, kasalanan, at pagsisisi.  Higit sa lahat kung papaano nadagdagan, nabawasan, at napalooban ng ibang texto ang biblia.  Ang biblia na sadyang pinagkukunan ng pagpapahayag ng mga mapanlinlang sa katuruan.  Kung inyong mababasa, imulat ang mga mata  at pag-aralan ng husto ang kanyang mga aral.  Simula ng pagpapahayag ng kanyang Ebanghelyo  wala siyang ibang itinuro kundi ipangaral at ipaliwang sa tao ang mga Banal na Kautusan ng ating Dakilang Tagapaglikha.  Ang mga kasuklam-suklam na mga gawain sa Paningin ng Allâh سبحانه وتعالي  ang siyang binigyan diin ni Hesus upang ituro ang tamang pamamaraan ng pagsamba sa Kaisahan ng Panginoon.  At mababasa nga natin na siya pa mismo ang pumasok sa kumbento upang sirain at basagin ang mga imaheng ginawa ng tao at ipinagbadya niya sa mga saserdote at sa mga tao na – “kasuklam-suklam ang gawaing ito sa paningin ng ating nag-iisang Tagapaglikha.”  Subalit sa paglisan ni Hesus (  عيسى عليه السلام) sa ibabaw ng lupa, naglipana ang mga pulutong na mangangaral sa maling katuruan at ngayon nga, makikita pa natin na siya na mismo ang itinaas na maging katambal o itambal sa kaisahan ng Panginoon.  At malinaw na masasaksihan natin ang ibat-ibang imahen o rebulto upang sambahin ng mga tao.
 
Dahil sa lumihis na ang Kristiyanismo nang malayo mula sa tunay na mga katuruan ni Hesus ( عيسى عليه السلام),  kaya naman isinugo ng Allâh سبحانه وتعالي , bilang bahagi ng Kanyang orihinal na plano, ang Kanyang huling propeta na si Muhammad [saw] bilang tagapagpasauli upang panumbalikin ang lahat ng ginawang pagbabago tulad na lamang nito: ang kalendaryong Romano ay ginawang kalendaryong Kristiyano; pinahintulutan ang pagkain ng baboy at maruruming hayop; ang mga ginagayakang mga rebulto o imahen at ang paghirang ng mga santo at santa, maging ang banal na kasunduan [ang pagtutuli] ay inalis ni Pablo [Galacia 5:2] (غالاكيا 2:5): "Narito, akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabangan na anoman kay Cristo.

Ano nga ba ang kaugnayan o kadahilanang kung bakit ko ito nabanggit?  Sapagkat ang mga ito ay may malaking kinalaman o kahulugan sa ating pagsisisi o pagbabalik-loob sa Panginoon.  Higit sa lahat para sa mga hindi tumanggap ng pagtutuli.

PAGTUTULI – TANDA NG WALANG HANGGANG TIPAN

Papaano nangyari ang lahat ng ito? Meron  bang katibayan o maipapakitang talata sa Banal na Kasulatan ang mga taong nagpatupad ng sarili nilang batas at isa na rito itong si Saulo na naging (Pablo)?  At kung gagamitin natin ang ating “malayang kaisipan” at basahin ng wasto ang Kapahayagan, hindi yan ang turo ng orihinal ng Banal na Kasulatan ng ating nag-iisang Tagapaglikha.
At bakit hindi natin gawin na ungkatin ang pinaka-ugat kung papaano kumalat ang Kristiyanismo sa buong mundo. At kung bakit nangyari? Na ang mga tunay na pangangaral ni Hesus ( عيسى عليه السلام), ay nalihis ng husto sa mga tao at naging daan upang magkaroon ng malaking pagtatalo na ayon sa kani-kanilang relihiyong pinaniniwalaan. 
Sino ba itong mahiwagang si Saulo na naging si (Pablo) at inatasan niya mismo ang kaniyang sarili at walang takot o pangambang gamitin ang pangalan ni Hesus, at ang Diyos upang sabihin o ipagbadya sa mga tao na siya ay isinugo bilang propeta bago pa ipinanganak ang Kristo?” 
Kung gagamitin niyo ang inyong talino o imulat ang inyong mga mata at halungkatin ang kanyang mga nakaraan, siya ay si Saulo na naging si Pablo at siya ang ninuno ng mga Zalimun[1]. Kaya naman, sa tamis ng kanyang mga pananalita at maalam sa Aklat, nakapagtayo siya ng kanyang relihiyon at naging pinuno sa lahat ng relihiyong Kristiyanismo gaya ng: Romano-Katoliko, Orthodox, Protestante, Inglesia ni Kristo, El-Shadai, atbp.” 
Ipinapangaral niya ang wastong pamamaraan ng pamumuhay na ayon na rin sa Kasulatan. Pero, hindi alam ng mga taong sumunod sa kaniya  ay ang turong walang kapatawaran na kasalanan sa ating nag-iisang Tagapaglikha.  Ang ituro at ipangaral sa mga tao na may anak ang Diyos at si Hesukristo ay Diyos?  Itinuro niya ang isang kasalanang kailanman ay walang kapatawaran.  Ang bigyang katambal ang nag-iisang Diyos na lumikha.
Ang ilan lamang sa kanyang mga talata sa Bibliya (ang kanyang una at huling tipan) ang ilalahad ko rito upang kayo mismo ang huhusga kung anong klaseng tao (na napapalooban) si Saulo na naging Pablo.” Wala po itong dagdag-bawas at katotohanang isinalaysay sa Bagong Tipan ng Bibliya.  Ang Bibliya na hawak ko ang siyang nagbibigay katibayan sa lahat ng mga inilathala na isinalin sa wikang Tagalog. 
 
Ang Philippine Bible Society na kopya numero:PBS A19172 (ISBN 971-130-745-6), taon 1973.  At ito ring Bibliya na ito ang nagbigay daan sa akin kung papaano ko unang nakilala ang Tagapaglikha at hanapin ang  katotohanan.  Basahin natin ang isa sa mga sulat ni Saulo na naging Pablo sa mga taga-Galacia.”
 
Nasusulat: [Galacia 1:11-24]  (غالاكيا 11:1-24)
Ibig kong malaman ninyo, mga kapatid, na hindi katha ng tao ang Mabuting Balitang ipinangaral ko. Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, ni itinuro sa akin ng tao. Si Jesu-Kristo ang nagpahayag nito sa akin.  Hindi kaila sa inyo kung paano namuhay bilang masugid na kaanib sa Judaismo. Buong lupit kong inusig ang Iglesia ng Diyos at sinikap na ito’y wasakin.
Naging mas masugid ako sa relihiyong ito kaysa maraming Judiong kasinggulang ko, at malaki ang aking malasakit sa mga kaugalian ng aming mga ninuno.  Ngunit dahil sa kagandahang-loob ng Diyos, hinirang niya ako bago pa ipanganak, at tinawag upang maging lingkod niya.
At nang ihayag niya sa akin ang kanyang Anak, upang ang Mabuting Balita tungkol sa kanya ay maipangaral ko sa mga Hentil, hindi ako sumangguni kaninuman. Ni hindi ako nagpunta sa Jerusalem upang makipagkita sa mga apostol na una kaysa akin. Sa halip, nagtungo ako sa Arabia at pagkatapos ay nagbalik sa Damasco. Nakaraan pa ang tatlong taon bago ako umakyat sa Jerusalem upang makipagkita kay Pedro, at labinlimang araw kaming nagkasama. Wala akong nakitang apostol liban kay Santiago na kapatid ng Panginoon. Totoong lahat ang sinasabi ko sa sulat na ito.  Alam ng Diyos na hindi ako nagsisinungaling. Pagkatapos, pumunta ako sa mga lalawigan ng Siria at ng Cilicia. Hindi pa ako nakikita noon ng mga Cristiano sa Judea. Nabalitaan lamang nila na ang dating umuusig sa kanila ay nangangaral ngayon tungkol sa pananampalataya na kanyang sinikap na wasakin noong una. Kaya’t nagpuri sila sa Diyos dahil sa akin.
 
Kung babasahin niyo lahat, sadyang napakaganda ng mga pangangaral at ginawang sulat ni Saulo na naging Pablo at kung ating susuriin at gamitin natin’ ang ating “malayang kaisipan”, saan ba angkan nanggaling itong si Pablo?
 
St. Paul  [Saul of Tarsus]
Born:  Year unknown, in Tarsus
 


Died:  AD 64-67, in Rome during Nero’s Persecution
Major shrine:  Basilica of St. Paul Outside the Walls
Feast:  January 25 (The Conversion of Paul)

 
Kung atin’ iisipin o pag-aaralan, papaano nagkaroon ng kaugnayan itong si Saulo na naging Pablo, sa aklat ng Bibliya?  Sino ang nagbigay sa kanya ng kapahintulutan na makapagsulat o makagawa ng mga akda na isinama niya sa loob ng Biblia at pagkaraan ito ay naging bagong tipan.  Ang kanyang pagkatao ay walang inilahad na ano mang  Ayat (tanda) upang mapatunayan niya na siya ay sugo ng Diyos at hinirang na isa siya sa mga tunay na Hawariyyum (mga disipulo) ni Hesus.  Gayong isa man sa mga disipulo ay hindi niya nakatagpo.  Ito ay hayagan niyang sinabi. [Ni hindi ako nagpunta sa Jerusalem upang makipagkita sa mga apostol na una kaysa akin].
 
Si Saulo na naging Pablo ay isa raw Hudyo (ang sabi niya sa kanyang akda) o ang sabi (niya) ay ipinanganak sa Tarso ng Cilicia, at nang mahuli siya sa Jerusalem, ang sabi niya ay  isa siyang Romano at nang hinuhuli siya sa Judea ang sabi niya, siya ay isang Israelita na galing sa lipi ni Benjamin.  At ang kuwento ng mga taga-Roma, namatay si Pablo (St. Paul) sa edad daw na 65 sa pamamagitan ng “beheaded” (putol ulo) sa panahon ni Nero (Roman Emperor).  At ang kuwento pa ng “Bede” sa “Ecclesiastical History” sa Vatican Library sources, si Pablo (St. Paul) ay tinanggap ng mga taga-Roma na namatay bilang martir (Paul died as a martyr in Rome).  Ang martir na kanilang hinirang ay punong-puno ng kasinungalingan sa pagpapakilala sa kanyang sarili.  Ganoon pa man, matutunghayan niyo pa rin na napakarami niyang naging tagasunod.  Maging sa ibat-ibang lugar o ibat-ibang dako ng mundo matutunghayan ang mga naglalakihang simbahan sa ngalan ni Pablo o Saint Paul. 

Bukod pa rito ang kanyang simbahan ay napapalooban ng mga santo o santa.  Ang tanong?  Ito ba'y nalalaman ng Diyos?  May kinalaman ba ang Diyos sa kanyang ginawa?  Isang malinaw na sagot: ITO AY PAWANG PANLILINLANG AT WALANG KATOTOHANAN!

 
Kaya nga, kung uungkatin niyo ang kasaysayan at kung papaano gumawa ng sarli niyang akdâ (script) si Saulo para usigin ang mga pangangaral ni Hesus at pumatay ng mga inosenteng tao upang makilala siya at sa ganon’ paraan makuha ang atensiyon ng madla. Pagkatapos, walang takot na ipagbadya, na siya ay tinawag at isunugo ni Hesus?  Kung babasahin niyo lahat ang kanyang mga gawain  na nakasulat sa mga Bibliya at gamitin ang inyong talino, kayo mismo ang makakasagot sa sarili niyo kung papaano kayo nilihis ni Saulo na naging Pablo at naging Santo Pablo o Saint Paul.”
Isa pang magpapatunay na itong si Saulo na naging Pablo ang kauna-unahang nagnakaw ng karunungan at nagdagdag-bawas sa salita ng Diyos.  At kung papaano niya idiniin si Hesus sa mga tao upang siya’y gawin panginoon at iturong Anak siya ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang matatamis na pananalita at pangangaral. 
 
Ang sabi nga ni Thomas Jefferson sa kanyang sulat: “Paul was the first corrupter of the teachings of Jesus.”  Totoo yan! Si Thomas Jefferson ang pangatlong naging Presidente ng bansang Amerika at (American Founder) taong 1801-1809.  Ang ibig sabihin itong taong 1801-1809 marami na tayong mga ninuno at kung baga ilang salin-lahi o siglo na nakakaraan simula ng lumitaw si Saulo, kahabag-habag ang sinapit ng mga namatay noong panahon na yaon na naiakay ni Saulo at magpasa-hanggang ngayon!”  Silipin natin ang mga mahiwagang mensahe ni Thomas Jefferson:
 

History I believe furnishes no example of a priest – ridden people maintaining a free civil government. This marks the lowest grade of ignorance, of which their political as well as religious leaders will always avail themselves for their own purpose.” Thomas Jefferson to Baron von Humboldt, 1813
Paul was the first corrupter of the doctrines of Jesus.” (All references not listed here, can be found in Christianity Betrayed)
“And the day will come when the mystical generation of Jesus, by the supreme being as his father in the womb of a virgin will be classed with the fable of the generation of Minerva  in  the  brain of Jupiter.  But  may we hope that the dawn  of reason  and  freedom  of  thought  in these United States will do away with this artificial scaffolding, and restore to us the primitive and genuine doctrines of this most venerated reformer of human errors.” Thomas Jefferson, Letter to Johan Adams, April 11, 1823
“Religious are all alike – founded upon fables and mythologies.”
“I do not find in orthodox Christianity one redeeming feature.”
“It does me no injury for my neighbor to say there are 20 gods, or no God. It neither picks my pocket nor breaks my leg.”
Thomas Jefferson, U.S. President, author, scientist, architect, educatior, and diplomat.
 
 
Bakit naman nasabi ni Thomas Jefferson na itong si Saulo na naging Pablo ang kauna-unahang nagnakaw at naglihis ng Aklat ng Karunungan?  Dahil, hindi lahat ng taong nilalang sa mundo ay malilinlang ng isang mapanlinlang.   Itong si Saulo na naging Pablo ay maraming ginamit na pangalan upang ang tao ay mapaniwala ng husto sa kanya at kung saan lupalop ng mundo nagpagala-gala upang ikalat ang kanyang sariling katuruan [ang panlilinlang].  Saan nga ba nagmula itong si Saulo na naging Pablo at maging sa Bibliya ay hindi matukoy kung papaano nagsimula at kung papaano nagkaroon ng katapusan ang kanyang ministeryo?

Nagsimula sa kanyang akda ang GAWA na ipinaloob sa Biblia at kung inyong susuriin - nasaan yaong mga tunay na disipulo ni Hesus? At sino ang unang nagsalita, sumulat, at gumawa ng akdâ o kuwento sa GAWA sa Biblia? Isalin natin sa lengguaheng Inglés ang GAWA. GAWA means ACT at kung sa Espanyol naman ito ay HECHOS (Los Hechos de los apóstoles es el nombre de un libro de la  Biblia , el quinto del  Nuevo Testamento), tama po ba?  Ilan lamang ‘yan sa mga lengguahe sa buong mundo upang maintindihan natin kung ano ang ibig sabihin ng GAWA, at sinundan ito ng kanyang sulat sa mga taga-ROMA, mga taga-Corinto, taga-Galacia, taga-Efeso, taga-Colosas, taga-Tesalonica, at ang dalawang sulat niya raw kay Timoteo, kay Tito, at ang pinakahuling sulat ay, kay Filemon, . At ito ang pinaka-huling sulat ni Saulo na naging Pablo kay Filemon sa kanyang “Una at Huling Tipan sa Bibliya:
 
[Filemon 1:19-25 ]  Ako ang siyang sumusulat nito: Ako, si Pablo, ang magbabayad sa iyo. (Hindi ko na ibig banggitin na utang mo sa akin ang iyong pagkakilala kay Cristo.) Ipinakikiusapan ko sa iyo, alang-alang sa Panginoon, pagbigyan mo ang aking kahilingan, dulutan mo ng kaligayahan ang puso ko bilang kapatid kay Cristo! Lubos akong naniniwala na gagawin mo ang nasasaad sa sulat na ito, at higit pa. Ipaghanda mo rin ako ng matutuluyan, sapagkat umaasa akong loloobin ng Diyos na ako’y makabalik diyan, gaya ng inyong dinadalangin.  Kinukumusta ka ni Epafras na kasama kong nakabilanggo dahil kay Cristo Jesus, gayon din, nina Marcos, Aristarco, Demas, at Lucas – mga kawanggagawa ko. Nawa’y sumainyo ang pagpapala ng ating Panginoong Jesu-Cristo.”
 
Kaya’t ang punto dito, si Saulo na naging Pablo ang nagmamay-ari at pinaka-ugat ng lahat ng kabuktutan nangyari noon at nangyayari ngayon sa mga taong lihis ang paniniwala at pagsamba sa tunay at nag-iisang Tagapaglikha. Katotohanan, siya ay galing sa angkan ng Zalimun upang ilihis sa maling daan ang mga taong gustong sumunod sa tamang landas ng ating nag-iisang Tagapaglikha.
 
Ang diyablo ay patuloy na nanatiling kasalamuha ng tao sa ibabaw ng mundo hangang sa pagdating ng takdang panahon ng pagsusulit o ng huling araw ng paghuhukom at siya ang Allâh سبحانه وتعالي lamang ang siyang nakakaalam. ang Diyablo ay hindi nakaka apak sa lupa subalit siya ay nakakasalamuha ng tao . Sa papaanong paraan? sa pamamagitan ng pagpasok ng isang katauhan.
 
Katulad halimbawa: si Saulo na naging Pablo na nagtatag ng simbahan na ginawa ng kanyang mga tagasunod.  Inyong napag-aalaman ang mga pasalin-salin na  nakaupo sa trono simula pa noong itinatag ang “Popes of the Roman Catholic Church” at kung papaano nagsimula ang doktrina ng Trinidad (Trinity).  Sa 266 itinakda o hinirang na papa sa ngayon, simula sa unang tinawag na (Saint Peter) orihinal na pangalan ay Simeon hanggang sa henerasyon ngayon sa bagong hinirang na papa pagkaraang magbitiw sa tungkulin si Benedict XVI;  hindi pa rin ba mulat ang inyong mga mata sa katotohanan?  Katotohanang nagpasimula ng panghihikayat sa maling katuruan na nagmula lahat kay Saulo na naging Pablo at sinundan pa ng mga pinunong mapaggawa ng kasalanan sa mundo. 
 
Isipin niyong mabuti mga kapatid, na ang bawat araw na lumilipas ay ganoon din kung papaano nababawasan ang buhay ng tao.  Ni walang nakakaalam kung ano ang magiging kahihinatnan ng bawat taong bumabalik sa alabok o isinusuka man nito, maliban sa mga taong kumikilala, tumatalima, sumusunod, at nagpapasakop sa kalooban ng ating nag-iisang Diyos. At huwag ninyong pabulaanan ang mga Tanda (Ayat) ng Allâh سبحانه وتعالي .  Katotohanan! Ito ay isang dakilang paala-ala at isang babala sa mga Kristiyano sa buong mundo at huwag ninyong gawing isang biro ang babala ng Banal na Kapahayagan ng Allâh سبحانه وتعالي
 
Gaya ng sinabi ni Hesus ( عيسى عليه السلام ): “sa bunga nakikilala ang puno”.  Kung papansinin niyo ang isa sa mga Tanda (Ayat) ng Allâh سبحانه وتعالي ang Kanyang nilikhang isda, saan ba nahuhuli ang isda?  Hindi ba sa bunganga? Nahuhuli ang isda sa bibig!  Kaya nga:  “Ang malalim na kasabihan ay di mauunawaan ng mangmang. Hindi ito makasasali sa mahalagang usapan.”  At yan ang mga unang pinupuntirya ni Satanas na kamukha niyang hungkag at madaling masundan ang kanyang mga bakas.”
Sa Araw ng Paghuhukom, pananagutan ng tao ang bawat salitang walang kabuluhan na lumalabas  sa bibig niya.  Sapagkat ang batas ng Allâh سبحانه وتعالي ay makatarungan at bawat salitang lumalabas sa bibig ng tao, ay pawawalang-sala o parurusahan, batay sa kanyang mga salita at gawa.”  At ang mga taong mapagpaimbabaw at gumagawa ng kabuktutan sa ibabaw ng lupa ay katotohanan lamang na sila’y may paglalagyan.”  Kung babasahin at pag-aaralan natin ang  pinag-ugatan ng mga tunay na hinirang ng Diyos, napakaliwanag na ang isang katulad ni Saulo na naging (Pablo) ay isa siya sa mga binanggit na “Zalimun”.  At kung papaanong si Hesus  (عيسى عليه السلام) ay nangangaral sa sinagoga at binigyan niya ng babala ang mga tao.  Ang talata sa Bibliya at ang Banal na Qu’ran ay nagsasaysay:
 
[Mateo 7:15-20]  “Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta; nagsisilapit sila sa inyo na animo’y tupa, ngunit ang totoo’y mabangis na asong gubat. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Napipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa puno ng aroma. Nagbubunga ba ng mabuti ang bawat mabuting punongkahoy, subalit nagbubunga ng masama ang masamang punongkahoy. Hindi maaaring magbunga ng masama ang mabuting punongkahoy, ni ng mabuti ang masamang punongkahoy. Ang bawat puno na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy. Kaya nga, makikilala ninyo sa kanilang mga gawa ang mga bulaang propeta.”
 
وَمِنَ الْأَنْعَامِ حَمُولَةً وَفَرْشًا كُلُوا مِمَّا رَزَقَكُمُ اللَّهُ وَلَا تَتَّبِعُوا خُطُوَاتِ الشَّيْطَانِ إِنَّهُ لَكُمْ عَدُوٌّ مُبِينٌ (142)

 
Banal na Qu’ran (Surah Al-Anam [6]:142)
142 - At sa mga bakahan (o kauri nito) ay may iba na ginagamit sa paghila (katulad ng kamelyo at kabayo), at ang iba ay maliit na hindi makakahila ng mga dalahin (katulad ng tupa at kambing). Kumain kayo sa mga bagay na ipinagkaloob ng Allâh sa inyo, at huwag ninyong sundan ang mga bakas ni Satanas. Katotohanang siya ay inyong lantad na kaaway.
 
At kung nauunawaan ninyo ang mga pangangaral ni Hesus (  عيسى عليه السلام), kailanman hindi siya nagsinungaling o gumawa ng katampalasan sa Allâh سبحانه وتعالي , at wala rin siyang binago na kahit isang tuldok na salita sa pinag-uutos sa kanya ng Allâh سبحانه وتعالي
 
Ang Allâh ay nagsasabi:
سورة المائدة
وَإِذْ قَالَ اللَّهُ يَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ أَأَنْتَ قُلْتَ لِلنَّاسِ اتَّخِذُونِي وَأُمِّيَ إِلَهَيْنِ مِنْ دُونِ اللَّهِ قَالَ سُبْحَانَكَ مَا يَكُونُ لِي أَنْ أَقُولَ مَا لَيْسَ لِي بِحَقٍّ إِنْ كُنْتُ قُلْتُهُ فَقَدْ عَلِمْتَهُ تَعْلَمُ مَا فِي نَفْسِي وَلَا أَعْلَمُ مَا فِي نَفْسِكَ إِنَّكَ أَنْتَ عَلَّامُ الْغُيُوبِ (116) مَا قُلْتُ لَهُمْ إِلَّا مَا أَمَرْتَنِي بِهِ أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ رَبِّي وَرَبَّكُمْ وَكُنْتُ عَلَيْهِمْ شَهِيدًا مَا دُمْتُ فِيهِمْ فَلَمَّا تَوَفَّيْتَنِي كُنْتَ أَنْتَ الرَّقِيبَ عَلَيْهِمْ وَأَنْتَ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ (117)

Banal na Qu’ran (Surah Al-Ma’idah [5]:116-117)
116 - At (alalahanin) kung ang Allâh ay magwiwika (sa Araw ng Muling Pagkabuhay): “O Hesus na anak ni Maria! Iyo bang ipinahayag sa mga tao: “(Na) sambahin ako (Hesus) at ang aking ina (Maria) bilang dalawang diyos bukod pa sa Allâh?”  Siya (Hesus) ay magsasabi: “Luwalhatiin Kayo! Hindi isang katampatan sa akin ang magsabi ng isang bagay na wala akong karapatan (na magsabi). Kung aking binigkas ang gayong bagay, katotohanang ito ay Inyong mababatid. Talos Ninyo kung ano ang nasa aking kalooban datapuwa’t hindi ko nalalaman ang nasa Inyong (Kalooban), katotohanang Kayo lamang ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ng nakalingid.
117 – Kailanman ay hindi ako nangusap sa kanila, maliban lamang kung ano ang Inyong ipinag-utos sa akin na sabihin: “Sambahin ninyo ang Allâh ang aking Panginoon at inyong Panginoon.” At ako ay isang saksi sa kanila habang ako ay (nabubuhay) na sa kanilang lipon, datapuwa’t nang ako ay Inyong kunin, kayo ang Tagamasid sa kanila, at Kayo ang Saksi sa lahat ng bagay. (Ito ay isang dakilang paala-ala at isang babala sa mga Kristiyano sa buong mundo).
 
Ang mga utos at batas ng ating nag-iisang Tagapaglikha na ipinahayag Niya sa mga hinirang na propeta, ay hindi kailanman puwedeng dungisan ninumang Kanyang nilikha sa ibabaw ng lupa.  At kung papaano Siya (Allâh سبحانه وتعالي) nakipagtipan kay Propeta Abraham (  إِبراهيم عليه السلام) at magkaroon ng kasunduan sa “pagtutuli”, na siyang pangunahing Tanda (Ayat) sa mga taong sumasamba, tumatalima, sumusunod, at nagpapasakop sa Kaisahan ng Allâh سبحانه وتعالي
 
Ang tandang iyan ang isang katotohanan simula pa noon at ngayon at magpakailanman. Basahin natin ang talata at mahimalang binanggit sa Lumang Tipan ng Bibliya na nagpapatunay lang na ang Allâh سبحانه وتعالي ay nagpahayag ng  utos at batas kay propeta Abraham (  إِبراهيم عليه السلام) na walang hanggang tipan.  Mababasa sa Lumang Tipan ng Bibliya:
 
[Genesis 17:1-14]
Nang siyamnapu’t siyam na taon na si Abram, napakita sa kanya si Yahweh at sinabi: “Ako ang Makapangyarihang Diyos. Sumunod ka sa akin at ingatan mong walang dungis ang iyong sarili habang ikaw ay nabubuhay. Ako’y makikipagtipan sa iyo at pararamihin ko kayo. Sinabi pa sa kanya ng Diyos, “Ito ang ating tipan: Ikaw ay magiging ama ng maraming bansa. Hindi na Abram ang itatawag ko sa iyo kundi Abraham, sapagkat ginagawa kitang ama ng maraming bansa. Pararamihin ko ang iyong mga inapo at magtatatag sila ng mga bansa; at may magiging hari sa kanila. “Tutuparin ko ang aking pangako sa iyo at sa iyong lahi, at ako’y magiging Diyos ninyo habang panahon, Ibibigay ko sa inyo ang lupaing ito na inyong tinitirhan ngayon. Magiging inyo na ang buong lupain ng Canaan habang panahon, at ako ang magiging Diyos ninyo. “Kayo naman ay dapat maging tapat sa ating tipan, ikaw at ang iyong lahi,” sabi pa ng Diyos kay Abraham, “Ganito ang inyong gagawin: lahat ng lalaki sa inyo ay tutuliin, at iyan ang magiging palatandaan ng ating tipan. Lahat ng lalaki na isisilang sa inyong lahi, gayon din sa mga alipin at dayuhan, ay tutuliin pagsapit ng ika-8 araw. Ang tandang ito sa inyong katawan ang magiging katibayan ng ating walang hanggang tipan. Ang sinumang lalaking hindi tuli ay ititiwalag sa iyong lahi sapagkat hindi siya tumupad sa ating kasunduan.”
 
 
Napakaliwanag na katibayan o testamento sa Bibliya ang “walang hanggang tipan” ng ating Dakilang Tagapaglikha at tuwirang inihayag kay propeta Abraham (  إِبراهيم عليه السلام) ang isang kasunduan.  Ibig sabihin lamang nito na lahat ng taong may takot at paniniwala sa utos at batas ng Diyos, ay dapat lamang na sumunod at igalang kung ano ang ipinahayag.  Ganoon din kay Hesus noong siya’y isinilang ni Birheng Maria (  مَرْيَمَ): “Pagdating ng ikawalong araw ay tinuli ang bata at pinangalanang Hesus – ang pangalang ibinigay ng anghel bago pa siya ipinaglihi.” [Lucas 2:21] 
Maliwanag din na nagbigay ng babala si Hesus ( عيسى عليه السلام ) at ipinahayag ang turo tungkol sa kautusan: “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon. Tandaan ninyo ito: magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi nagaganap ang lahat. Kaya’t sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos. Sinasabi ko sa inyo; kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makakapasok ka kaharian ng Diyos.” [Mateo 5:17-20 
 
 
Papaano ngayon mapapatunayan ni Saulo na naging Pablo ang talata niya na ipinaloob sa Bibliya [Galacia 5:2]: "Narito, akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabangan na anoman kay Cristo."   Meron ba kayong mababasang talata sa Luma o Bagong Tipan ng Bibliya upang mapatunayan ang turong gayon sa mga tao?  Napakaliwanag na testamento ang sinasabi ng Allâh سبحانه وتعالي -- na sinumang lalaking hindi tuli ay ititiwalag sa lahi ng Amang si Abraham.
Ang tanong, sino bang Kristo ang sinasabi ni Pablo? At bakit niya ipinagbabadya na walang mapapakinabangan ng anuman kay Kristo kung inyong tinatanggap ang pagtutuli?  Dahil ba iyan ang tunay na Tanda (Ayat) at katibayan ng pagsunod sa tamang Landas sa Allâh? Sino ba sa mga nilalang ng Diyos ang kauna-unahang sumuway at mapaghimagsik sa Kautusan?  Sino ang itinakwil o itiniwalag sa mga nilalang na Jinn (likha sa apoy), hindi ba ang diyablo?  Buksan ninyo ang inyong mga mata upang sa ganoon ay mabigyan ninyo ng kasagutan kung ano ang inyong pinanghahawakan na paniniwala at pananampalataya sa nag-iisang Diyos.
Isang halimbawa lang ngayon: igala ninyo ang inyong mga mata sa inyong kapaligiran, ano bang buhay ngayon meron tayo sa Pilipinas o maging sa ibang pamayanan.  Ang mga nangyayaring sakuna o kaguluhán ngayon katulad ng: stampede, landslide, earthquake, tsunami, digmaan, krimen, buhawi, atbp. Ito ba’y sinasadya o nagkataon lamang? Ito ba’y parusang kalikasan o sadyang may katibayan upang malaman ng tao ang kanyang gawang kasamaán?  At sino ang dapat nating sisihan sa mga nagaganap na kaparusahan at kanino dapat tayo humingi ng pagsisisi?  Isang halimbawa lang  yan sa binibigay na Tanda (Ayat) ng ating nag-iisang Tagapaglikha kung papaano magbigay ng kaparusahan sa mga taong Zalimun.  Ang mga ginawang batas ng tao ang siyang sinusunod at hindi ang utos at babala ng ating nag-iisang Tagapaglikha.  May katibayan ba o may maipapakitang talata sa Banal na Kasulatan ang mga nagturong gumawa ng imaheng santo at santa o mga diyus-diyosan gawa ng tao?  Maganda ba sa paningin ng mga namumuno dito sa ibabaw ng lupa ang ayunan ang dalawang taong parehas ang kasarian kung magtabi? Masarap din ba sa panlasa ninyo ang malaman na puwede ng magpalit ng kasarian ang isang tao? Nagkaroon ba ng magandang resulta ang wasakin ang mga bundok at kalikasan – gaya ng pagpuputol sa mga puno na ang kapalit ay salapi? Ilan lamang iyan sa mga halimbawa kung bakit ang kaparusahan ay sadyang mabagsik.
 
Ang batas na ginawa ng tao ang dapat bang mangibabaw o ang batas ng Diyos ang dapat katakutan? Ilan lamang sa ginawang batas ng tao ang umiiral ngayon sa ibabaw ng lupa at marami pang iba.  Kung sabagay may kasabihan nga: “Kung ano bawal ang siyang masarap at kung ano ang hindi lantad ang siyang pilit hinahanap,” di po ba?  Katotohanan lang talaga na abot hanggang langit na ang kasamaàn ng tao.  Ang mga bagay na yan ay isang halimbawa lang sa pamana o bakas na iniwan ni Saulo na naging Pablo.  Bakit?  Sapagkat hindi nalalaman ng mga taong mapagpaimbabaw kung ano ang tunay na kahulugan ng kasalanan at mga nagagawang kamalian o pagkakasala dahilan sa mga maling katuruan.  Kaya’t pangambahan ninyo ang maaaring ibigay na kaparusahan ng ating nag-iisang Diyos.
 
Ang Salita at Babala ng Allâh سبحانه وتعالي sa Banal na Qu’ran para sa mga taong Zalimun ay nagsasaysay:
سورة الأنعام
ثَمَانِيَةَ أَزْوَاجٍ مِنَ الضَّأْنِ اثْنَيْنِ وَمِنَ الْمَعْزِ اثْنَيْنِ قُلْ آَلذَّكَرَيْنِ حَرَّمَ أَمِ الْأُنْثَيَيْنِ أَمَّا اشْتَمَلَتْ عَلَيْهِ أَرْحَامُ الْأُنْثَيَيْنِ نَبِّئُونِي بِعِلْمٍ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ (143) وَمِنَ الْإِبِلِ اثْنَيْنِ وَمِنَ الْبَقَرِ اثْنَيْنِ قُلْ آَلذَّكَرَيْنِ حَرَّمَ أَمِ الْأُنْثَيَيْنِ أَمَّا اشْتَمَلَتْ عَلَيْهِ أَرْحَامُ الْأُنْثَيَيْنِ أَمْ كُنْتُمْ شُهَدَاءَ إِذْ وَصَّاكُمُ اللَّهُ بِهَذَا فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَى عَلَى اللَّهِ كَذِبًا لِيُضِلَّ النَّاسَ بِغَيْرِ عِلْمٍ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ (144)

Banal na Qu’ran (Surah Al-Anam [6]:143-144)
143 - (Nilikha Niya para sa inyo) ang walong pares (ng bakahan o kauri nito), dalawa sa tupa (lalaki at babae) at dalawa sa kambing (lalaki at babae).  Ipagbadya: “Yaon bang dalawang lalaki ang Kanyang ipinagbawal o yaong dalawang babae? O kaya (ang Kanyang ipinagbawal ay) yaong nasa loob ng sinapupunan ng dalawang babae (tupa at kambing)? Sabihin ninyo sa akin ng mga kaalaman kung kayo ay matapat –
144 – At dalawa sa kamelyo (lalaki at babae), at dalawa sa baka (lalaki at babae). Ipagbadya: “Yaon bang dalawang lalaki ang Kanyang ipinagbawal o yaong dalawang babae? O kaya (ang Kanyang ipinagbawal ay) yaong nasa loob ng sinapupunan ng dalawang babae (baka at kamelyo)? O kayo baga ay nandoroon nang ang Allâh ay mag-utos sa inyo ng gayong bagay? Kung gayon, sino kaya ang higit na gumagawa ng kamalian maliban sa kanya na kumakatha ng kabulaanan laban sa Allâh, upang akayin ang mga tao na maligaw ng walang kaalaman. Katiyakang ang  Allâh ay namamatnubay sa mga tao na Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, mapaggawa ng kamalian).


Katotohanan!  Wala ng iba pang darating na Kapahayagan at Sugo ng Allâh سبحانه وتعالي  kundi ang pinakahuling Aklat, (Ang Banal na Qu’ran), at ang kahuli-huliang propetang hinirang Niya na wala ng iba pa, kundi si propeta Muhammad [saw] na magpapatotoo sa lahat ng mga kasinungalingan at mga utos at batas ng Allâh سبحانه وتعالي na ginawang dagdag-bawas ng mga taong Zalimun.  Ang Banal na Aklat ng Allâh سبحانه وتعالي  kahit isang tuldok na salita ay may kahulugan at hindi kailanman puwedeng dungisan.  Sapagkat ang Kanyang Kursi (Luklukan) ay sumasaklaw sa mga kalangitan at kalupaan.  Ngayon! Kayo na ang humusga sa sarili niyo kung makatotohanan ba ang pinagsusulat o ipinangangaral ng mga pulutong, kagaya ni Saulo na naging Pablo.”  Ang talata ng Banal na Qu’ran ay nagsasaysay:
سورة آل عمران

مَا كَانَ لِبَشَرٍ أَنْ يُؤْتِيَهُ اللَّهُ الْكِتَابَ وَالْحُكْمَ وَالنُّبُوَّةَ ثُمَّ يَقُولَ لِلنَّاسِ كُونُوا عِبَادًا لِي مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلَكِنْ كُونُوا رَبَّانِيِّينَ بِمَا كُنْتُمْ تُعَلِّمُونَ الْكِتَابَ وَبِمَا كُنْتُمْ تَدْرُسُونَ (79)

Banal na Qu’ran (Surah Al’Imran [3]:79)
79 - Hindi nararapat sa sinumang tao na pinagkalooban ng Allâh ng Aklat at Al-Hukm (kaalaman at pang-unawa sa mga Batas ng pananampalataya) at pagka-Propeta, at pagkatapos (Siya) ay mangusap sa mga tao; “Kayo ay maging tagapagsamba sa akin sa halip (na tagapagsamba) sa Allâh,”  Datapuwa’t (siya ay nararapat na magsabi): “Maging Rabbaniyyun kayo (mga maalam na tao na nananampalataya at nagsasagawa ng kanilang nalalaman at nangangaral sa iba), sapagkat kayo ay nagtuturo ng Aklat, at ito ay inyong pinag-aralan.”
 

سورة الأنعام

وَتَمَّتْ كَلِمَةُ رَبِّكَ صِدْقًا وَعَدْلًا لَا مُبَدِّلَ لِكَلِمَاتِهِ وَهُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ (115) وَإِنْ تُطِعْ أَكْثَرَ مَنْ فِي الْأَرْضِ يُضِلُّوكَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ إِنْ يَتَّبِعُونَ إِلَّا الظَّنَّ وَإِنْ هُمْ إِلَّا يَخْرُصُونَ (116) إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعْلَمُ مَنْ يَضِلُّ عَنْ سَبِيلِهِ وَهُوَ أَعْلَمُ بِالْمُهْتَدِينَ (117)
 
Banal na Qu’ran (Surah Al’An’ām [6]:115-117)
115 - At ang salita” ng iyong Panginoon ay natupad sa katotohanan at sa katarungan. Walang sinuman ang makapagpapabago ng Kanyang mga Salita. At Siya ang Lubos na Nakakarinig, ang Ganap na Maalam.”
116 – At kung ikaw ay susunod sa karamihan sa kanila na nasa kalupaan, ikaw ay kanilang ililigaw nang malayo sa Landas ng Allâh. Wala silang sinusunod kundi mga haka-haka lamang at wala silang ginagawa kundi kasinungalingan.
117 – Katotohanan, ang iyong Panginoon! Siya ang tunay na nakatatalos kung sino ang napapaligaw sa Kanyang Landas, at batid Niya kung sino ang tumpak na napapatnubayan.
 

سورة آل عمران

إِنَّ الدِّينَ عِنْدَ اللَّهِ الْإِسْلَامُ وَمَا اخْتَلَفَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ إِلَّا مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَهُمُ الْعِلْمُ بَغْيًا بَيْنَهُمْ وَمَنْ يَكْفُرْ بِآَيَاتِ اللَّهِ فَإِنَّ اللَّهَ سَرِيعُ الْحِسَابِ (19)

Banal na Qu’ran (Surah Al’Imran [3]:19)
“Katotohanan, ang Relihiyong tatanggapin ng Allâh ay Islam.  Ang mga pinagkalooban ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ay hindi nagkakahidwa, maliban (lamang) nang pagkaraang dumatal sa kanila ang kaalaman, sa pamamagitan ng panananghili at pagkapoot sa isa’t-isa.  At sinuman ang hindi manampalataya sa Ayat (mga aral, katibayan, kapahayagan, tanda, atbp.) ng Allâh, kung gayon, katiyakang ang Allâh ay Maagap sa pagtawag sa Pagsusulit.”


Batid natin na napakahusay gumawa ng sariling batas ang tao dito sa lupa at sinasaklaw pati ang batas ng ating nag-iisang Tagapaglikha at kay husay din nila sa pagpapawalang-bisa sa utos ng Diyos masunod lamang nila ang maka-mundong bagay na nagpapaligaya sa kanila.” 

Ang pinakamahalagang punto (aral) dito ay ang: “buksan ninyo ang inyong mga puso at alisin ninyo ang katigasan ng inyong mga ulo.”  Imulat ninyo ang inyong mga mata na ang buhay dito sa ibabaw ng lupa ay isang laro lamang at pansamantalang kaligayahan at hanapin ninyo ang tamang landas at pagsamba sa nag-iisang Diyos (Allâh سبحانه وتعالي), upang makamtan din ninyo kung papaano magkaroon ng kapayapaan ang puso’t-isipan at mapag-aralan na sa darating na HUKOM ay maging handa kayo. Pagkat ang Allâh سبحانه وتعالي  ay Diyos ng mga diyos, Panginoon ng mga panginoon, Makapangyarihan, ang Kataas-taasan, ang Pinakadakila, at Sandigan ng lahat.” 
 
 
 
 


[1] ZALIMUN - mga tampalasan, mapagsamba sa diyus-diyosan, magpaggawa ng kamalian, atbp.