Translate

Martes, Pebrero 26, 2013

MGA GABAY SA TAMANG DAAN AT KATOTOHANAN

ارشادات على الطريق الصحيح

Ipinahayag ng Allâh سبحانه وتعالي  ang Kanyang tunay na Relihiyon sa unang tao dito sa daigdig na nilikha Niya.  Sakop Niya, ibig sabihin sakop Niya lahat ng panahon.  Sakop Niya lahat ng tao na nilalang Niya maging hayop man o kalikasan.


Ang Islam ay nagbibigay kahulugan sa Relihiyon sa higit na malawak na konsepto na kung tawagin sa salitang Arabik ay Deen[1].  Ang Relihiyon ay bahagi ng pananampalatayang Islam, sapagkat, sakop nito ang isang ganap na pamamaraan ng buhay, maging ito ay pampamilya, pangkalakalan, panlipunan, pamahalaan, pangkalikasan, agham at kaalaman, politikal, espiritual at relihiyon, kaisipan, atbp.
Samakatuwid, ito ay isang pamamaraang ipinagkaloob ng ating nag-iisang Tagapaglikha upang mabuhay ang tao sa ilalim ng Kanyang mga batas, kautusan, at ayon sa tamang paniniwala at pagkilala sa Kaniya.
 
Bilang ganap na pamantayan ng buhay ng tao, hindi lamang nito itinataguyod ang pagkilala at pagsamba sa nag-iisang Diyos, bagkus inilalahad din sa kabuuan nito ang mga pamamaraan, ang pagpapatupad ng mga pamamaraan naayon sa batas ng Allâh سبحانه وتعالي
 
Sa  maikling kahulugan nito, ang  pisikal at espiritwal na pangangailangan ng tao ay tinutugunan ng pananampalatayang Islam.  Taliwas sa ibang lipunan na ang pamahalaan at ang Simbahan ay magkahiwalay.  Sapagka’t ang ganap na pagsuko ng sinuman ng  Kanyang kalooban sa   Allâh سبحانه وتعالي  ay naglalarawan ng pinakabuod na diwa ng pagsamba, ang pangunahing mensahe ng Islam ay ang pagsamba sa Allâh سبحانه وتعالي  lamang at ang pag-iwas sa pagsamba na iniuukol sa tao, pook o bagay.  Sapagka’t ang lahat ng bagay maliban sa Allâh سبحانه وتعالي  ay Kanyang mga nilikha.
 
Masasabi natin na ang Islam, sa diwa nito, ay naghihikayat sa tao na lumayo sa pagsamba ng ano mang nilikha at inaanyayahan itong sumamba lamang sa Kanya at Siya lamang ang karapat-dapat sa pagsamba ng tao at Siya lamang ang may kaloobang magbigay pahintulot sa katuparan ng lahat ng panalangin.  Ang Islam ay kaiba, ang batas ay mula sa Allâh سبحانه وتعالي at hindi batas na ginawa lamang ng tao.  Ang Allâh سبحانه وتعالي  na Siyang may likha ng tao at Siya lamang ang may lubos na nakaaalam kung ano ang angkop at makabubuti sa Kanyang mga nilikha.  Sa katunayan, ang panlipunang batas na ipinaiiral ng isang tunay na Islamikong bansa ay hango sa Banal na Aklat ng Allâh سبحانه وتعالي, ang Qur’an.
سورة الزمر
إِنَّا أَنْزَلْنَا عَلَيْكَ الْكِتَابَ لِلنَّاسِ بِالْحَقِّ فَمَنِ اهْتَدَى فَلِنَفْسِهِ وَمَنْ ضَلَّ فَإِنَّمَا يَضِلُّ عَلَيْهَا وَمَا أَنْتَ عَلَيْهِمْ بِوَكِيلٍ (41)

Banal na Qu’ran (Surah Az-Zumar [39]:41)
41 - “Katotohanan, Aming ipinahayag sa iyo (O Muhammad) ang Aklat (Qur’an) nang may katotohanan para sa (patnubay ng) sangkatauhan.  Siyang tumatanggap ng patnubay pinabuti ang sariling kaluluwa; subalit siyang naliligaw ay pininsala ang sariling kaluluwa.  Ni hindi ka itinalaga (O Muhammad) bilang tagapamahala sa kanila.
 
 
Kung ang tunay na kahulugan ng Relihiyon ay tamang pamamaraan ng buhay, samakatuwid walang sinumang tao ang maaaring magtatag ng Relihiyon sapagka’t ang relihiyon, sa tunay na diwa at kahulugan nito, ay may lakip na batas na dapat tuparin ng isang tao. Ang Dakilang Lumikha lamang ang may tanging  karapatan na magtatag at magbigay ng Relihiyon kaalinsabay ng mga “Batas at Kautusan”. At ang Relihiyon (pamamaraan ng buhay) ay patuloy Niyang ipinahayag  mula pa noong nilikha Niya ang unang tao, sina (Adam at Eba) hanggang sa ihayag ito sa kabuuang anyo kay propeta Muhammad [saw] at patuloy na ipatutupad hanggang sa Araw ng Paghuhukom.
Sa kaisipan ng ibang tao, ang Relihiyon ay maaaring itatag ng kahit na sinong tao. Sa katotohanan, kahit sinong propeta na isinugo ng Dakilang Lumikha ay hindi mga nagsipagtatag ng relihiyon. Ang relihiyong Kristiyanismo ay hindi itinatag ni propeta Hesus (عيسى عليه السلام), ang relihiyong Judaismo ay hindi itinatag ni propeta Moises (موسى عليه السلام), ang relihiyong Islam ay hindi itinatag ni propeta Muhammad [saw].  Ang mga propeta ay mga sugo lamang ng Diyos na binigyan ng karapatan at kakayahan upang isakatuparan ng tamang pamamaraan ng buhay na tinatawag nga natin sa payak na kahulugan na “ Relihiyon”. Si Moises ay hindi nagsabi na ang kanyang relihiyon ay Judaismo. Hindi ito matutunghayan sa Lumang Tipan o maging sa kanyang orihinal na Kasulatan na Torah (Tawrat). Si Hesus ay walang sinabi na ang kanyang relihiyon ay Kristiyanismo. Walang matutunghayang salita si Hesus na tumutukoy sa Kristiyanismo.  Ang talata ng Banal na Qu’ran ay nagsasaysay:
سورة المائدة
إِنَّ الَّذِينَ آَمَنُوا وَالَّذِينَ هَادُوا وَالصَّابِئُونَ وَالنَّصَارَى مَنْ آَمَنَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآَخِرِ وَعَمِلَ صَالِحًا فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ (69)
Banal na Qu’ran (Surah Al-Maa’idah [5]:69)
69 - Kung tumupad lamang sila (Hudyo at Kristiyano) sa Tawrat [Batas], sa Injeel [Ebanghelyo], at sa lahat ng Kapahayagan na ipinadala sa kanila mula sa kanilang Panginoon, nakamtan sana nila ang kasiyahan mula sa kalangitan at kalupaan. Mayroong pangkat sa kanila na nasa tamang landas, subali’t karamihan sa kanila ay sumusunod sa landas na masama.”
 
 
Samantala, ang Banal na Qur’an na siyang huli sa lahat ng Banal na Kasulatan ay nagpahayag na ang Islam ang tunay at tanging relihiyon sapagkat ito ay nagmula sa Kanya, Ang Allâh سبحانه وتعالي .  Ang Islam ay hindi kathang isip ni propeta Muhammad [saw] bagkus ito ay kanyang ipinamahagi bilang mensahe sa kanya ng Nag-iisang Diyos, (ang Allâh سبحانه وتعالي) .  Ang mga propetang isinugo ng Diyos sa lupa na kinikilala ng sangkatauhan tulad ni: Adam (  أَدَم عليه السلام), Noah (  نوحَ عليه السلام), Abraham (  إِبراهيم عليه السلام), Lot (  لوط عليه السلام), Ismael (  إسماعيل عليه السلام), Isaak (إِسحق عليه السلام ),  Moises (  موسى عليه السلام),  Aaron (  هارون عليه السلام),  David (  دَاوُد عليه السلام),  Solomon  (  سُلَيمان عليه السلام), Hesus (  عيسى عليه السلام) at ang huli na si propeta Muhammad [saw], ay iisa ang dalang relihiyon.  Ito ay Relihiyong ng “Kapayapaan, ang Islam.”
 
Sa wikang ginamit ni Moises at Hesus, ito ay tinawag na Shalom.  Sa wikang ginamit na Arabik ito ay Islam - isang katagang hinango sa salitang Salam na ang literal na kahulugan nito ay Kapayapaan, kapayapaan sa kapaligiran, kaisapan, kalooban at katawan ng sinumang naghahangad na isuko ang kanyang buong sarili sa Nag-iisang Diyos - ang Allâh سبحانه وتعالي .  Ang Islam ay sumaklaw sa buong nilalang ng Allah سبحانه وتعالي , maging ang mga anghel sa kalangitan ay sumusunod sa Kanyang ipinag-uutos at kalooban.
سورة البقرة

وَإِذْ قَالَ رَبُّكَ لِلْمَلَائِكَةِ إِنِّي جَاعِلٌ فِي الْأَرْضِ خَلِيفَةً قَالُوا أَتَجْعَلُ فِيهَا مَنْ يُفْسِدُ فِيهَا وَيَسْفِكُ الدِّمَاءَ وَنَحْنُ نُسَبِّحُ بِحَمْدِكَ وَنُقَدِّسُ لَكَ قَالَ إِنِّي أَعْلَمُ مَا لَا تَعْلَمُونَ (30) وَعَلَّمَ آَدَمَ الْأَسْمَاءَ كُلَّهَا ثُمَّ عَرَضَهُمْ عَلَى الْمَلَائِكَةِ فَقَالَ أَنْبِئُونِي بِأَسْمَاءِ هَؤُلَاءِ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ (31) قَالُوا سُبْحَانَكَ لَا عِلْمَ لَنَا إِلَّا مَا عَلَّمْتَنَا إِنَّكَ أَنْتَ الْعَلِيمُ الْحَكِيمُ (32) قَالَ يَا آَدَمُ أَنْبِئْهُمْ بِأَسْمَائِهِمْ فَلَمَّا أَنْبَأَهُمْ بِأَسْمَائِهِمْ قَالَ أَلَمْ أَقُلْ لَكُمْ إِنِّي أَعْلَمُ غَيْبَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَأَعْلَمُ مَا تُبْدُونَ وَمَا كُنْتُمْ تَكْتُمُونَ (33)
Banal na Qu’ran (Sura Al-Baqarah [2]:30-33)
30 – (Pagmasdan!) At nang magwika ang inyong Panginoon sa mga anghel: “Katotohanan, Ako ay maglalagay ng Khalifah (sangkatauhan, kapalit, kahalili) sa kalupaan (sa maraming sali’t saling lahi).”  Sila ay nagsabi: “Maglalagay ba Kayo roon ng nilikha (tao) na gumagawa ng kabuktutan at doon ay magdadanak ng dugo, at (habang) kami ay lumuluwalhati ng mga pagpupuri at pagpaparangal sa Inyong Banal (na Pangalan)?”  Siya (Allah) ay nagwika: “Nababatid Ko ang hindi ninyo nalalaman.”
31 – At itinuro Niya kay Adan ang pangalan ng lahat ng bagay at itinambad Niya ang mga ito sa harapan ng mga anghel at nagsabi: “Sabihin ninyo sa Akin ang pangalan ng mga ito kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan.”
32 – Sila (mga anghel) ay nagsabi: “Luwalhatiin Kayo! Kami ay walang kaalaman maliban sa itinuro Ninyo sa amin; sa katotohanan Kayo lamang ang may Ganap na Kaalaman at Karunungan.”
33 – Siya (Allâh) ay nagwika: “O Adan! Sabihin mo sa kanila ang kanilang mga pangalan.”  At nang masabi na niya sa kanila ang kanilang mga pangalan, ang Allâh ay nagwika: “Hindi baga Aking winika sa inyo na nababatid Ko ang mga lihim ng langit at lupa at talastas Ko kung ano ang inyong inilalantad at ikinukubli?”
 
 
Ang Islam ay iginawad na relihiyon sapagkat ito ay nagsasaad at naghahatid ng kapayapaan sa sangkatauhan.  Dahil walang kapayapaan kung walang pagpapasakop sa kalooban at kautusan ng Tagapaglikha.  Silang mga huwad may mga kapayapaan ba sila sa paniniwala nila?  Di ba’t wala! kaya nga awayan sila ng pananampalataya at pagpapaligsahan ng pagka-hungkag!  Ang talata sa Banal na Qur’an ay nagsasabi:
سورة آل عمران
إِنَّ الدِّينَ عِنْدَ اللَّهِ الْإِسْلَامُ وَمَا اخْتَلَفَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ إِلَّا مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَهُمُ الْعِلْمُ بَغْيًا بَيْنَهُمْ وَمَنْ يَكْفُرْ بِآَيَاتِ اللَّهِ فَإِنَّ اللَّهَ سَرِيعُ الْحِسَابِ (19)
Banal na Qu’ran (Sura Al’Imran [3]:19)
19 - Katotohanan, ang Relihiyong tatanggapin ng Allâh ay Islam.  Ang mga pinagkalooban ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ay hindi nagkakahidwa, maliban (lamang) nang pagkaraang dumatal sa kanila ang kaalaman, sa pamamagitan ng panananghili at pagkapoot sa isa’t-isa.  At sinuman ang hindi manampalataya sa Ayat (mga aral, katibayan, kapahayagan, tanda, atbp.) ng Allâh, kung gayon, katiyakang ang Allâh ay Maagap sa pagtawag sa Pagsusulit.
 
 
Dahil mayroon lamang isang Tanging Diyos, at iisa lamang ang pinagmulan ng tao, samakatuwid isang panuntunan o relihiyon lamang ang ipinagkaloob upang ang lahat ng tao ay magkaroon ng kaisahan at tanging pagkilala sa kanilang Diyos.  Hindi Niya binigyan ng sariling relihiyon ang mga Hudyo, at hindi rin naman binigyan ng sariling relihiyon ang mga Kristiyano at hindi rin naman binigyan ng sariling relihiyon ang mga Muslim. Bagkus, isang Relihiyon ang ipinagkaloob Niya para sa sangkatauhan.
سورة النساء

إِنَّا أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ كَمَا أَوْحَيْنَا إِلَى نُوحٍ وَالنَّبِيِّينَ مِنْ بَعْدِهِ وَأَوْحَيْنَا إِلَى إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَالْأَسْبَاطِ وَعِيسَى وَأَيُّوبَ وَيُونُسَ وَهَارُونَ وَسُلَيْمَانَ وَآَتَيْنَا دَاوُودَ زَبُورًا (163)
Banal Na Qur’an (An-Nisa [4]:163)
163 - “Katotohanan, Aming ipinadala ang (kapahayagan) inspirasyon sa iyo (O, Muhammad) katulad ng  Aming pagpapadala ng (kapahayagan) inspirasyon kay Noah at sa mga propetang (dumating) pagkaraan niya. At Amin ding binigyang inspirasyon si Abraham, Ismael, Isaak, Hakob at ang Al Asbat (labindalawang anak ni Hakob), Hesus, Hob, Jonas, Aaron, at si Solomon at kay David ipinagkaloob ang Zabur (Psalmo).
 
 
Ang Islam ay hindi bagong pananampalataya.  Kundi, ito ay ipinahayag ng ating Dakilang Tagapaglikha sa unang tao sa daigdig.  Tingnan lang natin si propeta Noah (نوحَ عليه السلام), suriin  natin kung ano ang pananampalatayang dala niya.  Sabi ng Diyos sa kanya:
 
 
 [Genesis 6:13-22] (تكوين 13:6-22)
“Lilipulin ko na ang tao sa daigdig. Umabot na sa sukdulan ang kanilang kasamaan. Kaya pumutol ka ng kahoy na sipres’ at gumawa ka ng isang daong na may mga silid. Pahiran mo ng alkitran ang loob at labas. Ang daong na gagawin mo ay 450 talampakan ang haba, pitumpu’t lima ang luwang, at apatnapu’t lima ang taas. Atipan mo ito at lagyan ng bintana sa paligid, isang talampakan at kalahati mula sa dulo ng atip. Gawin mong tatlong grado ang daong at lagyan mo ng pintuan sa tagiliran. Palulubugin ko sa tubig ang buong daigdig at malilipol ang lahat ng may buhay sa balat ng lupa. Ngunit ako’y makikipagtipan sa iyo:  “Isama mo ang iyong asawa at mga anak na lalaki, pati mga asawa nila, at pumasok kayo sa daong. Magsakay ka ng isang pares ng bawat uri ng hayop at huwag mong pababayaang mamatay. Magsakay ka rin ng isang pares sa bawat uri ng ibon at hayop at mga gumagapang sa lupa. Alagaan mo rin ang mga ito. Maglaan ka ng lahat ng uri ng pagkain para sa inyong magkakasama. At ginawa nga ni Noe ang lahat ng iniutos sa kanya ng Diyos

Kaya’t si Noah (نوحَ عليه السلام) kahit milya-milya ang layo niya sa dagat at napakainit ng panahon, siya ay hindi nag-alinlangan sumunod sa ipinag-uutos sa kanya ng Diyos at kahit na pinagtatawanan pa siya ng mga tao ay gumawa pa rin ng daong.  Bakit? Sapagkat, siya ay sumusunod, sumusuko, at tumatalima sa utos ng kanyang nag-iisang Diyos. Kaya, ang kanyang pananampalataya ay Islam, dahil, gaya ng nasabi ko, ang ibig sabihin ng Islam ay – “ang pagpapasakop, pagsunod, at pagtalima sa utos ng ating nag-iisang Tagapaglikha na walang iba kundi ang Allâh سبحانه وتعالي

Ganon din kay propeta Abraham (إِبراهيم عليه السلام) [ang ama ng maraming bansa], na siya at ang kanyang anak na si Ismael (إِسماعيل عليه السلام) [anak ni Hajar],  ang nagtayo ng “Ka’ba sa Makkah (Mecca).”  Ang Kaaba sa Makkah, kung susuriin natin ay maliwanag na inihayag sa matandang tipan ng Bibliya.


 


[Genesis 12:1-9] (تكوين 1:12-9)
Sabi ng Diyos kay Abram: “Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo. Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin kong isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at mababantog ang iyong pangalan at magiging pagpapala sa marami.  Ang sa iyo’y magpapala ay aking pagpapalain, Ngunit kapag sinumpa ka, sila’y aking susumpain; Ang lahat ng mga bansa pihong ako’y hihimukin, Na, tulad mong pinagpala, sila ay pagpalain din.”  Sumunod nga si Abram sa utos ng Diyos: “nilisan niya ang Haran noong siya’y pitumpu’t limang taon. Isinama niya ang kanyang asawang si Sirai at si Lot na pamangkin niya. Dinala niyang lahat ang kanyang mga alipin at kayamanan at nagtungo sa Canaan. Nagtuloy siya sa isang banal na lugar sa Siquem, sa puno ng roble ng More. (Noo’y naroon pa ang mga Cananeo.) Nagpakita kay Abram ang Diyos at sinabi sa kanya: Ito ang bayang ibibigay ko sa iyong lahi. At nagtayo si Abram ng dambana para sa Diyos. Buhat doon, nagtuloy sila sa kaburulan sa silangan ng Betel at huminto sa pagitan nito at ng Hai. Nagtayo rin siya roon ng dambana at sumamba sa Diyos. Mula roon, unti-unti silang nagpatuloy papunta sa gawing timog ng Canaan. Humihimpil sila habang daan ayon sa hinihingi ng pagkakataon.”

[Genesis 21:10-13] (تكوين 10:20-13)
Nang makita ito ni Sara, sinabi kay Abraham, “Palayasin mo ang mag-inang iyan! Ang anak ng ating alipin ay huwag mong pamamanahan; si Isaac ang dapat magmana ng lahat! Labis itong ikinalungkot ni Abraham sapagkat anak din niya si Ismael. Ngunit sinabi ng Diyos kay Abraham: “Huwag kang mabahala tungkol sa mag-ina. Sundin mo na ang gusto ni Sara, sapagkat kay Isaac magmumula ang lahing sinasabi ko sa iyo. Magkakaanak din ng marami ang anak mong iyan kay Hajar, at sila’y magiging isang bansa, yamang anak mo rin si Ismael.”

Lumisan nga si Hajar at isinama niya ang kanyang anak na si Ismael (إِسماعيل عليه السلام).  Sa layo ng nilakaran nila at puros disyerto, naubos ang baon na tubig at pagkain ni Hajar at kaya nagpagala-gala siya sa ilang ng “Beer-Seba”. Iniwan niya ang kanyang anak na si Ismael sa lilim ng isang punong-kahoy, at nag-umpisa siyang magparoo’t parito nang mabilis sa pagitan ng magkahiwalay na burol, ang “Cades at Bered” sa pag-asang makakita ng tubig o ng nagdaraan na mga manlalakbay.

 
Matapos ang bigong pagparoo’t parito nang makapitong beses, si Hajar ay naupo nang may 100 metro mula sa kinaroroonan ng bata at sa tuwing tinitingnan niya ang umiiyak niyang sanggol (Ismael) ay labis ang kanyang pag-aalala, at isinisipa ang mga bukong-bukong nito sa lupa. Sa sandaling ito ng kawalang pag-asa at napipintong tiyak na kamatayan ng bata.
Wika niya sa sarili:  “Di ko matitiis na makitang mamatay ang aking anak.”  Samantalang nakaupo siyang nag-iisip, umiiyak naman si Ismael (إِسماعيل عليه السلام).  Ito nga ay narinig ng Diyos, at nagsalita mula sa langit ang anghel ng Diyos:

[Genesis 21:17-19] (تكوين 17:21-19)
Hajar, anong bumabagabag sa iyo? Huwag kang matakot.  Naririnig ng Diyos ang iyak ng iyong anak. Lapitan mo siya at patahanin. Gagawin kong isang dakilang bansa ang kanyang lipi.  Pinagliwanag ng Diyos ang kanyang paningin at nakita niya ang isang balon. Pinuno niya ng tubig ang dalang sisidlan at pinainom ang bata.
 
 
 
Ang “Balon ng Buhay na Nakakikita”,  ito ay isa sa ginawang tanda (ayat) ng ating Dakilang Tagapaglikha, Ang Allâh سبحانه وتعالي .  At nasabi rin ni Hajar sa kanyang sarili: “Nakita ko rito ang nakakikita sa akin.  Kaya’t ang balon sa pagitan ng Cades at Bered ay ang lugar sa Beersheba.  Dahil sa ang tubig ang pinakamahalagang sangkap ng buhay disyerto, may mga Bedouin na nagsimulang manirahan sa paligid ng bukal, at ang lugar na ito ay unti-unting naging napakahalagang lunsod ng Arabia ang Makkah (Mecca) – Ang banal na lugar ng Allâh سبحانه وتعالي .  Maliwanag na nabanggit ito sa lumang tipan ng Bibliya, na ang tinatawag na Beersheba, ay ang naging lunsod ng Arabia, ang Makkah (Mecca).
 
 
ANG BANAL NA TAHANAN NG ALLAH سبحانه وتعالي
AY ANG MAKKAH
 المكان المقدس عند اللَّه في مكة

Ang Cades at Bered ay ang tinatawag na ngayong  As-Safa at Al-Marwah (الصفا والمروة ).  Ang bukal na ito ay malapit sa lansangang patungo sa Shur (dagat na pula).  Kung susuriin natin, mula sa banal na lugar ng Makkah (Mecca), ang balon na buhay ay nasa 80 kilómetro papunta sa dagat na pula, at kung maglalakbay tayo, simula sa balon na buhay puro tigang na lupa ang madadaanan at walang makikitang tubig kundi puro patay o tigang na lupa.  At iyan ay maliwanag na tanda ayat (الآيات) mula sa ating Dakilang Tagapaglikha.
 
SITES ALONG THE WAY AS IDENTIFIED IN THE BIBLICAL ACCOUNT AND CONFIRMED IN ARABIA.
The First mention of Kadesh in the Bible in Genesis 16:14.  We have identified Kadesh Barnea as Mecca (Makkah) and this reference seems to confirm that.
Genesis 16:14 “She called the well Be’er Lachai Roi- It is between Kadesh and Bered.
As-Safa at Al-Marwah (الصفا والمروة ) new renovation

drinking “zamzam” water
 
Ang balon na buhay o bukal ay tinatawag sa kasalukuyan na Zamzam  (زمزم) water.  Ito iyong “zamzam” na iniinom mula pa noong panahon ni Ismael (إِسماعيل عليه السلام) at magpasa-hangang ngayon, na kung saan ang mga Muslim saan man dako ng mundo na dumarayo sa lugar na ito ay sumasaksi sa biyaya ng Allâh سبحانه وتعالي , at sa Kanyang banal na lugar, sa Makkah (Mecca). 

Ito ring “balon”  na  ito  ang  ipinaglaban ni propeta Abraham (  إِبراهيم عليه السلام),  kay  Abimelec (ang hari ng Gerar)   dahil   inagaw   ito   ng  mga  alipin niya.   Nakipagkasundo  nga  si  Abraham (  إِبراهيم عليه السلام), kay Abimelec at binigyan ito ng ilang tupa’t baka upang sa ganoon ay magkaroon sila ng sumpaan. Nagwika nga si Abraham (إِبراهيم عليه السلام):  Ito’y para sa iyo, bilang pagsang-ayon mo na akin ang balong ito.”  Ang lugar na yaon ay tinawag na Beersheba, sapagkat doon nagsumpaan ang dalawa.  Matapos ang sumpaan yaon, bumalik na sa lupain ng mga Filisteo sina Abimelec at ang puno ng kanyang hukbo.  Pagkaalis nila’y nagtanim naman si propeta Abraham ng punong roble sa Beersheba at sinamba ang Allâh سبحانه وتعالي , ang Diyos na Walang Hangganan.


Ka’ba Mecca (Makkah Saudi Arabia)
 
Dito itinayo ni propeta Abraham (  إِبراهيم عليه السلام) at ng kanyang anak na si Isamel ang “Ka’ba sa Makkah” (المسجد الحرام), ang Batong Panulukan bilang isang banal na lugar upang sambahin ang nag-iisang Diyos.
 
 
Sa panahon na yaon, si propeta Abraham إِبراهيم عليه السلام  ay tumanggap ng tagubilin mula sa Diyos na dalhin si Hajar at ang kanyang sanggol na si Ismael (إِسماعيل عليه السلام) sa isang takdang lugar, isang lugar na walang pananim o walang naninirahan sa Makkah, Arabia (Paran).  Ang talata sa Banal na Qur’an ay nagsasaysay:
 
سورة إبراهيم
رَبَّنَا إِنِّي أَسْكَنْتُ مِنْ ذُرِّيَّتِي بِوَادٍ غَيْرِ ذِي زَرْعٍ عِنْدَ بَيْتِكَ الْمُحَرَّمِ رَبَّنَا لِيُقِيمُوا الصَّلَاةَ فَاجْعَلْ أَفْئِدَةً مِنَ النَّاسِ تَهْوِي إِلَيْهِمْ وَارْزُقْهُمْ مِنَ الثَّمَرَاتِ لَعَلَّهُمْ يَشْكُرُونَ (37)

Banal na Qu’ran (Surah Ibrähïm [14]:37).
37 - Si Abraham ay nagwika: “O aming Panginoon! Hinayaan ko ang iba sa aking mga anak na manirahan sa lambak na walang pananim, sa Inyong Sagradong Tahanan (ang Ka’ba sa Makkah), upang sa gayon, O aking Panginoon, na sila ay magsipag-alay ng salah (takdang panalangin nang mahinusay), kaya’t inyong gawaran ang puso ng ibang tao na may pagmamahal tungo sa kanila, at (O Allâh) Inyong pagkalooban sila ng mga bungangkahoy upang sila ay magbigay ng pasasalamat.


Maliwanag na binanggit din ito ni Hesus (  عيسى عليه السلام), sa kanyang matalinghagang pananalita habang siya’y nangangaral sa sinagoga.
 

The Black Stone (Hajar al-Aswad)
 
 [Mateo 21:42-44] (ماتّيو 42:21-44)
Tinanong sila ni Hesus: Hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan?”  “Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay, Ang siyang naging batong panulukan. Ginawa ito ng Panginoon. At ito’y kahanga-hanga!”  Kaya nga sinasabi ko sa inyo: hindi na kayo ang paghaharian ng Diyos kundi ang bansang maglilingkod sa (Kanya) ng tapat. Ang bumagsak sa batong ito ay magkadurog-durog, at magkaluray-luray ang mabagsakan nito.”

Ang Talata ng Banal na Qu’ran ay nagsasaysay:

سورة البقرة
وَإِذْ جَعَلْنَا الْبَيْتَ مَثَابَةً لِلنَّاسِ وَأَمْنًا وَاتَّخِذُوا مِنْ مَقَامِ إِبْرَاهِيمَ مُصَلًّى وَعَهِدْنَا إِلَى إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ أَنْ طَهِّرَا بَيْتِيَ لِلطَّائِفِينَ وَالْعَاكِفِينَ وَالرُّكَّعِ السُّجُودِ (125)
 
Banal na Qu’ran (Surah Al’Baqarah [2]:125)
125 - At (alalahanin) nang Aming gawin ang tahanan (ang Ka’ba sa Makkah) bilang isang lugar ng pagtitipon sa mga tao at isang lugar ng kaligtasan.  At inyong gawin ang Maqam (himpilan) ni Abraham bilang isang lugar ng dalanginan (ito ang bato kung saan tumuntong si Abraham habang itinatayo niya ang Ka’ba) at Aming ipinag-utos kina Abraham at Ismail na nararapat nilang dalisayin ang aking tahanan sa mga marurumi at mga diyus-diyosan (upang ito ay maging handa) sa mga tao na pumapalibot dito,  o namamalagi  rito (E’tikat o pag-aala-ala sa Allâh), o sa mga nag-aalay ng Salah (yumuyuko at nagpapatirapa sa pananalangin).
 
THE KA’BAH IN MECCA SAUDI ARABIA
Circling the Ka’bah 7 times counting from the corner of the Ka’bah with the black stone.  Islamic myth says that the Ka’bah in Mecca Saudi Arabia, was built by Adam.  Muslims also believe solely because the Holy Qur’an says so, that the revered “black stone” (Alhajar Al-Aswad) is a special divine meteorite, that pre-dates creation and fell at the foot of Adam and Eve.  It is presently embedded in the southeastern corner of the Ka’bah.  Muslims touch and kiss the black stone during.  When Muslims circle the Ka’bah 7 times, they use the black stone as the starting point to count.
 
 
Napakaliwanag na tanda (ayat) itong sinabi at itinanong ni Hesus (عيسى عليه السلام) sa mga tao na tumalima, sambahin, sumunod, at magpasakop sa ating nag-iisang Diyos. Kung papaano nakatayo ang batong panulukan, ang Ka’bah sa Makkah,  na iniikutan ng mga tao, yan ay maliwanag na utos ng ating Dakilang Tagapaglikha.  Kaya nila ginagawa ito dahil sumusunod, at tumatalima sila sa utos ng Allâh سبحانه وتعالي .  Dito rin natin makikita na ang dala nilang pananampalataya at paniniwala ay ISLAM.”
 
Matutunghayan din natin na maging si Jacob (يعوب عليه السلام) na anak ni Isaac (إِسحق عليه السلام), na bago siya pumanaw ay isa rin’ katibayan na nagpamana ng kaniyang pananampalataya sa kanyang labindalawang anak na siyang tinawag na labindalawang tribu.
 
 
[GENESIS 48:15-16] (تكوين 15:48-16)
“Pagpalain nawa kayo at palaging subaybayan, Ng Diyos na tinalima (sinamba) ni Isaac at ni Abraham; Niyong Diyos na sa aki’y nangalaga’t pumatnubay Simula sa pagkabata’y magpahanggang ngayon pa man. At pati na yaong anghel na sa akin ay nagligtas, Pagpalain nawa kayo, tanggapin ang Kanyang basbas; Ang ngalan ko, at ang ngalan ni Abraham at ni Isaac, Maingatan nawa ninyo at taglayin oras-oras. Nawa kayo ay lumago, dumami at lumaganap.”
 

Ang talata sa Banal na Qu’ran ay nagsasaysay:
سورة البقرة
أَمْ كُنْتُمْ شُهَدَاءَ إِذْ حَضَرَ يَعْقُوبَ الْمَوْتُ إِذْ قَالَ لِبَنِيهِ مَا تَعْبُدُونَ مِنْ بَعْدِي قَالُوا نَعْبُدُ إِلَهَكَ وَإِلَهَ آَبَائِكَ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ إِلَهًا وَاحِدًا وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ (133)
 
Banal na Qu’ran (Surah Al’Baqarah [2]:133)
133 - Kayo ba (ay naroroon bilang) mga saksi nang ang kamatayan ay tumambad kay Hakob? (Pagmasdan) nang kanyang sabihin sa kanyang mga anak (na lalaki); “Ano ang inyong sasambahin kapag ako ay wala na?” Sila ay nagsabi: “Aming sasambahin ang inyong Diyos at ang Diyos ng inyong mga ninuno, nila Abraham, Ismail at Isaac, sa Nag-iisang (Tunay) na Diyos, at sa Kanya (lamang) kami tatalima (sasamba).
 
سورة البقرة
 
قُولُوا آَمَنَّا بِاللَّهِ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْنَا وَمَا أُنْزِلَ إِلَى إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَالْأَسْبَاطِ وَمَا أُوتِيَ مُوسَى وَعِيسَى وَمَا أُوتِيَ النَّبِيُّونَ مِنْ رَبِّهِمْ لَا نُفَرِّقُ بَيْنَ أَحَدٍ مِنْهُمْ وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ (136)
Banal na Qu’ran (Surah Al’Baqarah [2]:136)
136 - Ipagbadya (O mga Muslim): “Kami ay sumasampalataya sa Allâh at sa kapahayagan na ipinagkaloob sa amin, at (sa mga ipinahayag) kay Abraham, Ismail, Isaac, Hakob at sa (labindalawang) Tribu, at sa mga ipinahayag sa (lahat) ng mga Propeta mula sa kanilang Panginoon. Kami ay hindi nagtatakda sa kanila ng pagtangi-tangi at sa Allâh lamang kami ay tumatalima.”

Ganoon din si Propeta Abraham (إِبراهيم عليه السلام), at kung papaano siya sumunod, nagpasakop, at tumalima sa pinag-uutos sa kanya ng ating nag-iisang Tagapaglikha. At kung papaano rin niya tinagubilin  ang kanyang mga anak sa pagtalima, pagsamba, at pagpapasakop sa kalooban ng  Allâh سبحانه وتعالي.

سورة البقرة

إِذْ قَالَ لَهُ رَبُّهُ أَسْلِمْ قَالَ أَسْلَمْتُ لِرَبِّ الْعَالَمِينَ (131) وَوَصَّى بِهَا إِبْرَاهِيمُ بَنِيهِ وَيَعْقُوبُ يَا بَنِيَّ إِنَّ اللَّهَ اصْطَفَى لَكُمُ الدِّينَ فَلَا تَمُوتُنَّ إِلَّا وَأَنْتُمْ مُسْلِمُونَ (132)
Banal na Qu’ran (Surah Al’Baqarah [2]:131-132)
131 - Nang ang kanyang Panginoon ay magwika sa kanya: “Isuko mo (ang iyong kalooban sa Akin, maging isang Muslim).” Siya (Abraham) ay nagsabi: “Isinuko ko (ang aking kalooban, bilang isang Muslim) sa Panginoon at Tagapagtaguyod ng lahat ng mga nilalang.”

132 - At (ang pagtalima at pagsunod na ito sa Allâh, ang Islam) ay ipinagtagubilin ni Abraham sa kanyang mga anak na lalaki, gayundin (ang ginawa) ni Hakob (ang pagiging matatag sa Relihiyong Islam, na nagsasabi): “O aking mga anak! Ang Allâh ang humirang para sa inyo ng (tunay) na pananampalataya; kaya’t huwag ninyong hayaan na kayo ay pumanaw maliban sa katatayuan ng pagtalima (sa Islam, bilang mga Muslim).

Ganoon din kay Propeta Moises (موسى عليه السلام),  kahit buhay niya ang nakataya ay sumunod pa rin siya sa utos ng Allâh سبحانه وتعالي  na kunin ang mga Israelita sa kamay ng Pharoah dahil siya ay sumusunod at tumatalima sa utos at batas ng Allâh سبحانه وتعالي


Kaya’t napakaliwanag na ang dala niyang pananampalataya at paniniwala ay ISLAM.

Kagaya din ni Hesus (عيسى عليه السلام), na kahit buhay niya ang nakataya, nang inutusan siya ng Allâh سبحانه وتعالي  na ipangaral ang Batas o Kautusan na inihayag sa kanya, siya’y patuloy pa rin nangaral at nakakalungkot isipin na ang “mga taong buhong, makasarili, mga bulag, walang pandinig at mapupurol” ang pang-unawa ay hinuhuli siya, ngunit siya’y lumisan at pansamantalang kinuha ng ating Dakilang Tagapaglikha.

Ang talata ng Banal na Qu’ran ay nagsasaysay:
 
 
سورة آل عمران
 
إِذْ قَالَ اللَّهُ يَا عِيسَى إِنِّي مُتَوَفِّيكَ وَرَافِعُكَ إِلَيَّ وَمُطَهِّرُكَ مِنَ الَّذِينَ كَفَرُوا وَجَاعِلُ الَّذِينَ اتَّبَعُوكَ فَوْقَ الَّذِينَ كَفَرُوا إِلَى يَوْمِ الْقِيَامَةِ ثُمَّ إِلَيَّ مَرْجِعُكُمْ فَأَحْكُمُ بَيْنَكُمْ فِيمَا كُنْتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ (55)
Banal na Qu’ran (Surah Al’Imran [3]:55)
55 - At (gunitain) nang winika ng Allâh: “O Hesus! Ikaw ay aking kukunin at Aking itataas sa Aking piling, at ikaw ay Aking dadalisayin sa (maling paratang at kasinungalingan ng mga hindi sumasampalataya na ikaw ay anak ng Diyos), at Aking gagawin ang mga sumusunod sa iyo (ang mga sumasamba lamang sa Allâh) na higit na mainam kaysa sa mga walang pananampalataya (sa Kaisahan ng Allâh, o sa ibang mga Sugo o sa mga Banal na Aklat) hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay. At pagkaraan, kayo ay magbabalik sa Akin, at Ako ang hahatol sa pagitan ninyo sa mga bagay na inyong Kinahiratihan na hindi pinagkasunduan.
 
 
Sa mga tagapanaliksik ng ibang relihiyon at sekta ang inilahad nina Abraham, Hakob (at ang labindalawang anak), at si Moises ay isang batayan upang malaman ang katotohanan, na sila ay tunay na mga Muslim at Sugo ng ating nag-iisang Diyos.

Ito ay ipinamana nila sa kanilang mga lahi sa pananampalataya para sa pagsamba sa Kaisahan ng Allâh سبحانه وتعالي .  At hindi yaong pamana ng mga naligaw at nagsiligaw ng katotohanan para sa Kaisahan ng Allâh سبحانه وتعالي .  
Tanging magbibigay ng Patnubay at magpapatotoo sa mga maling kapahayagan ay ang orihinal at huling Kapahayagan ng Allâh سبحانه وتعالي , ang Banal na Koran:
سورة البقرة
وَلَقَدْ آَتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ وَقَفَّيْنَا مِنْ بَعْدِهِ بِالرُّسُلِ وَآَتَيْنَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ الْبَيِّنَاتِ وَأَيَّدْنَاهُ بِرُوحِ الْقُدُسِ أَفَكُلَّمَا جَاءَكُمْ رَسُولٌ بِمَا لَا تَهْوَى أَنْفُسُكُمُ اسْتَكْبَرْتُمْ فَفَرِيقًا كَذَّبْتُمْ وَفَرِيقًا تَقْتُلُونَ (87)
 
THE TEN COMMANDMENTS


 
Banal na Qu’ran (Surah Al’Baqarah [2]:87)
87 - At katotohanang Aming ibinigay kay Moises ang Aklat (Kasulatan) at Aming sinundan siya ng marami pang Tagapagbalita (mga Propeta mula sa Angkan ng Israel). At Aming ibinigay kay Hesus na anak ni Maria ang malinaw na Ayat (mga himala, tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp., na nagpapatotoo sa kanya) at Aming pinatatag siya (sa pamamagitan) ng Banal na Espiritu (Gabriel). Hindi ba (gayon nga), na kailanma’t may dumatal na Tagapagbalita (Sugo) sa inyo na hindi ninyo naiibigan, kayo ay napupuspos ng kapalaluan? Ang iba ay inyong pinabubulaanan (itinakwil at tinatawag na nagbabalatkayo) at ang iba ay inyong pinatay!
 
ورة آل عمران
 
هَا أَنْتُمْ أُولَاءِ تُحِبُّونَهُمْ وَلَا يُحِبُّونَكُمْ وَتُؤْمِنُونَ بِالْكِتَابِ كُلِّهِ وَإِذَا لَقُوكُمْ قَالُوا آَمَنَّا وَإِذَا خَلَوْا عَضُّوا عَلَيْكُمُ الْأَنَامِلَ مِنَ الْغَيْظِ قُلْ مُوتُوا بِغَيْظِكُمْ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ (119)
 
 
 

 
MOISES (AS) & THE TABLETS OF LAW (TORAH)

 
JESUS (AS) – THE GOSPEL (INJIL)
 
MUHAMMAD [saw]THE HOLY QUR’AN


 
Banal na Qu’ran (Surah Al’Imran [3]:119)
119 - Ah! Kayo ang mga nagmamahal sa kanila datapuwa’t sila ay hindi nagmamahal sa inyo at kayo ay naniniwala sa lahat ng mga Kasulatan (alalaong baga, kayo ay naniniwala sa Torah (mga Batas) at Ebanghelyo, samantalang sila ay hindi naniniwala sa inyong Aklat, (ang Qu’ran).  At kung sila ay makadaupang-palad ninyo, sila ay nagsasabi (ng pagkukunwari), “Kami ay sumasampalataya,”  Subalit kung sila ay nag-iisa, kanilang kinakagat ang dulo ng kanilang daliri dahil sa galit sa inyo.  Ipagbadya:  “Kayo ay magpakamatay sa inyong galit.”  Katiyakan batid ng Allâh kung ano ang (lahat ng lihim) na nasa dibdib. 
 
 
  

[1] Ang salitang Deen ay hindi lamang isang relihiyon kundi ito ay matatawag na “isang pamamaraan ng buhay, patakaran ng buhay, panuntunan ng buhay” na kung wala niyaon, tayo ay hindi maaaring makarating sa ating patutunguhan o hantungan, alalaong baga  ay sa kaligtasan natin sa Kabilang Buhay.